Tintin POV Kung dati-rati ay nauubos ang oras ko para magpaganda bago magtungo sa anumang event merun sa pamilya nina Mutya, ngayon naman ay nag pulbos lang ako at manipis na lipstick para lang wag maputla ang labi ko. Inilugay ko lang ang aking bagong gupit na buhok. Hindi na rin ako bumili ng bagong damit. Nag-suot lang ako ng simpleng dress na ginamit ko na dati. Dati kasi ay todo pustura pa ako para kay Andrew ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Basta siniguro ko lang na mukha akong presentable ngayon para sa birthday ni Mutya. Simpleng dinner lang naman ito kasama ang pamilya niya sa isang restaurant. Sa pagkakakilala ko sa mga biyenan ni Mutya, kahit sila-sila lang ay siguradong sa mamahaling restaurant nila ito ise-celebrate. Dahil sa traffic ay 5 minutes akong late. Nahihiya tuloy akong lumapit sa table nila pagdating ko. Kumpleto na ang buong pamilya nila. Magkatabi sina Mutya at Drake. Ang mga anak nilang napaka-cute ay nakaupo sa kani-kanilang high chair. Magkatabi sina
Tintin POV"Excited ka na ba, next week ililipat na tayo sa OB-GYN ward." ani Liezel habang naglalakad kami patungo sa break room para magmeryenda.“Excited na nga ako eh, pero medyo kinakabahan din. Hindi ba mataas ang expectations sa ward na iyon?" tanong ko.“Oo lalo na't si Dra. Natalia Santos na daw ang bagong head sa ward. Balita ko pa naman marami daw yung mga achievements sa abroad. Tapos tayo.., mga bagong graduate lang na nurse." salaysay ni Liezel at kitang kita ang paghanga sa boses nito sa doktor na ikinukwento.“Siguro naman alam niya ang pakiramdam ng isang baguhan.” ani ko."Tama, pero parang ang hirap namang i-compare ang sarili natin sa kanya. Sa dami ng awards nun at achievements ay parang napakalayo niya sa level natin.” wika ni Liezel. Mukhang marami na itong nasagap na information tungkol sa bagong doktor namin.“Alam mo bang maraming nurses dito na gustong makatrabaho si Dra. Santos? Syempre sa laki ng achievements nya, yung iba nga nag prisinta pa talaga na ma
Tintin POV Halos magkasunod lang kaming dumating ni Mutya sa tagpuan namin dito sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko naman afford ang mga presyo dito pero hindi naman ako ang gagastos. Ngayon kasi ang araw na sinabi sa akin ni donya Agatha na sinet-up nyang blind date para sa akin. Eto ang pinag-usapan namin nung birthday ni Mutya. Hindi ko akalaing seryoso talaga si donya Agatha. Nung una ay ayaw ko naman talagang pumayag dahil nahihiya akong makipagkita sa taong hindi ko naman kilala, pero nung sinabi ni Mutya na sasamahan nya ako at sa kabilang lamesa lang daw siya magmamatyag ay pumayag na rin ako. Kaya andito at magkasama kami ngayon. Isinama ni Mutya ang kanyang bunsong anak na si Kyle, isang taong gulang na. Iniwan naman nya sa kanyang mga biyenan ang dalawa pang anak. Inagahan talaga namin ng 1 oras para daw magkapagready ako emotionally. Lumapit ang waiter sa amin at hiningi ang aming order. Drinks lang muna ang inorder naming dalawa. “Dalawang Cappuccino.” ani Mutya s
Tintin POVKinabukas pagkarating ko sa hospital ay inilagay ko agad ang aking mga gamit sa locker room at nagdiretso na ako sa nurse station. Parang kinurot ang puso ko nang matanaw mula sa aking kinatatayuan na magkausap sina Andrew at Dra. Natalia sa receiving area. Nakita ko pang hinawakan ng babae ang braso ni Andrew.“Ang touchy nila ha.” sa isip isip ko.Napa-ismid ako at nagpatuloy sa paglalakad.May pa-donut pa siyang nalalaman pero lantaran naman kung paano sila maglandian. Pinagbabawalan nya akong sumama sa ibang lalaki, pero sila pwedeng maghawakan?Ang aga-aga parang masisira yata ang araw ko. Kaya inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-aayos ng mga gamot na dadalhin para sa pasyente. Tsinek ko isa-isa kung kumpleto ang mga gamit ko. Isa-isang nagsi-datingan ang iba ko pang mga kasamahang nurse. Pagtunghay ko ay kakaibang ngiti ang ibinato ng mga ito sa akin. Mga nakahalukipkip pa sila at naniningkit ang mga mata.“May pa-burger at pa-soda si Dr. Tuazon nung makalawa…,
Andrew POV “Alam kong hindi ka interesado kay Tintin but I’m just letting you know, mom set up a blind date for her, and she's here at the restaurant.” Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang sinabi ni kuya Drake. Wala akong pasok ngayon at minabuti kong magpahinga ngayon dahil ilang araw na rin akong halos walang tulog dahil sa trabaho sa hospital at mga business meeting na kailangang daluhan. “Damn it!” Napapamura ako habang nagmamadaling nagbihis. Talagang tinotoo ni mommy ang sinabi nito kay Tintin. Ito namang si Tintin talagang pumunta pa. Binalaan ko na siyang hindi siya pwedeng magpaligaw o makipagkita sa ibang lalaki. Inuubos nya talaga ang pasensya ko! Halos paliparin ko ang sasakyan para makarating agad sa address na sinabi ni kuya Drake. Kapag nakita kong nakikipag blind date siya ay hihilahin ko talaga siya palabas ng restaurant na yun. Wag niyang sabihing hindi ko siya binalaan. Matapos kong i-park ang sasakyan ay nagmamadali kong tinahak ang loob ng restaura
Tintin POV Maliit na maleta ang dala ko na itinago ko muna sa loob ng locker room. Ngayon kasi bibista ang buong pamilya Rufino sa Liliw Laguna. Eto yung ipinangako sa akin ni donya Agatha na isasama niya ako. Limang araw na vacation leave ang ipinaalam ko sa hospital. Eto rin yung sinasabi ni donya Agatha na ipakikilala niya daw ako sa kakilala nitong haciendero sa susunod na bibisita sila sa Laguna, alam ko namang nagbibiro lang siya. Sumama ako hindi naman dahil dun– kundi sa pangungulit ni Mutya dahil maganda raw sa farm ng mga Rufino at gusto niyang makita ko ito. Dito nila ako sa hospital dadaanan pagkatapos ng shift ko. Hapon na kami magbi-biyahe dahil ganun din naman ang asawa nitong si Drake na hapon na rin makakalabas ng trabaho. Sa locker room na rin ako nagpalit ng damit. Summer sando at shorts lang ang aking isinuot para komportable ako sa byahe. Naka tsinelas lang din ako dahil pagdating nina Mutya ay didiretso na agad ako sa sasakyan nila. Maya maya pa ay nakare
Tintin POV Kanina pa nakababa ng sasakyan ang baliw na si Andrew at naririto pa rin ako sa loob. Madilim na sa labas at saktong sa liblib at madilim na lugar pa nasira ang sasakyan nito. Ayokong lumabas dahil baka hilahin pa niya ako sa kakahuyan at pagsamatalahan ang pinagkakaingat-ingatan kong puri. “Ay!” napasigaw ako ng bumukas ang pintuan sa gilid ko. Binuksan pala ito ni Andrew at yumukod sa harapan ko. “Hindi ka ba bababa dyan?” tanong nito. Lumapit pang lalo ang mukha nito sa akin na parang hahalikan na niya ako. Medyo napa-usod ako para ilayo ang aking mukha. “Dito lang ako.” “Bahala ka, baka mamaya pasukin ka ng mga lasing na mapadaan dito.” anito at tumalikod. Kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya dali dali akong bumaba at sumunod sa kanya. Nagpalinga-linga ako sa paligid, sobrang dilim na talaga. Ang daming puno at sobrang taas ng mga damo sa paligid. Pwedeng pwede akong hilahin ni Andrew sa damuhan at pagsamantalahan nang walang kahirap hirap. Dyos ko day! Neve
Tintin POV “Anong ginagawa mo?” kinakabahan ko tanong. Oo nga’t nakita ko na ang buong katawan ni Andrew nung lasing siya, pero iba pa rin kapag hubad ito at gising, tapos walang kakurap kurap na nakatitig sa akin ang mga abs niya… este ang mga mata niya. “Magsho-shower.” anito at binuksan ang kanyang gym bag. Kinuha sa loob ang isang towel at ipinatong sa kanyang balikat. Huminto ito at pilyong tumingin sa akin. “Kung gusto mo, sumabay ka na sakin para tipid sa tubig, para hindi naman nakakahiya sa may-ari ng bahay.” Inirapan ko siya. “No thanks, hindi ako maliligo…, para hindi mo ‘ko gapangin mamaya. Amoy kimchi na’to.” sagot ko habang binubuksan ang aking maleta para maghanap ng damit na pantulog. “Okay lang sakin kahit tatlong araw kang hindi maligo.” ani Andrew at pumasok na ito sa banyo. Narinig ko ang pagclick ng pintuan ng banyo. Marahang kong sinulyapan ang nakasarang pintuan at nang masiguro kong nasa loob na nga si Andrew ay nagbuga ako nang malakas na hin
Gigi POV“Bakit po nay?”Kinakabahan kong tanong ng hilahin ako ni inay pagkagaling nito sa kusina. Naku naman, baka nabisto na niyang pinakialaman ko ang alkansiya niya. Para 500 lang, babayaran ko naman talaga yun, lalo na at binigyan ako ni ate ng two thousand.“Pumunta ka kay Mutya, kunin mo yung lingerie na hinihingi ko.” pabulong na sabi ni inay. Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilang matawa.“Si inay lumalandi pa–”Kaltok sa ulo ang inabot ko.“Para sa ate mo yun.” mahinang sabi ni inay. Napakamot ako ng ulo. Lumapit si inay sa akin upang idikit ang kanyang bibig sa aking tenga.“Pagkakuha mo ng lingerie, gumawa ka ng paraan para maisuot yun ng ate mo ngayong gabi. Gumawa ka rin ng paraan para pasukin siya ni Andrew.”Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni inay, napatakip pa ako ng bibig. Tama ba ang naririnig ko?“Nay, ayos ka lang? Naiintindihan nyo ga ho ang inuutos nyo?” paniniguro ko.“Basta sumunod ka na laang.” ani inay.“Nay kawawa naman si ate, bakit nyo nama
Tintin POVMaya-maya pa ay pumasok na rin sa kusina si Andrew. Makahulugan ang tingin nito sa akin na mukhang hindi pa siya tapos sa huling usapan namin. Ako ang unang nagbawi ng tingin at itinuloy ang pagkain ng sinukmani.“Kape?” alok ni itay kay Andrew nang sumunod ito sa kusina.“Sige po.” sagot ni Andrew. Nilingon ako ni itay.“O Tintin ikuha mo nga ng kape areng boyfriend mo.” utos nito. Tumayo agad ako upang sumunod.“Baka hindi ka makatulog Andrew, hindi ka yata sanay magkape sa gabi. Dito naman sa Batangas eh parang tubig na namin ang kape, hindi kami nakakatulog kapag hindi kami nakakainom.”“Sanay na ho ako, laging puyatan ang trabaho namin.” tugon ni Andrew. Nakaupo na ito sa tabi ng silya ko, at saka ko inilapag ng kape sa tapat nya.“Kape mo.” wika ko.“Tintin, masanay ka nang pinagsisilbihan yang si Andrew, mamamanhikan na bukas ang pamilya nya, ibig sabihin malapit na kayong maging mag-asawa kaya pag-aralan mo nang inaasikaso yang nobyo mo, hindi yang mukha mo lang an
Tintin POV“Tara na, uwi na tayo. May paghahandaan pa tayo para bukas.” yaya ni itay.Nauna na itong naglakad kasunod ay si Drake. Nakapulupot naman si Gigi kay inay habang naglalakad patungo sa sasakyan. Naiwan kami sa likod ni Andrew. Hanggang ngayon ay nakatingin lang kami ni Andrew sa isa't isa. Hindi ko alam, pero parang bigla na lang natunaw lahat ng sama ng loob sa aking dibdib. Ano ba kasi ang iniiisip ko at nakuha ko pang magalit sa kanya? Bakit ko ba siya pinagdudahan, eh kahit kelan naman puro magaganda lang ang ipinakita niya sa akin.Sana naisip ko yung Andrew na kilala ko bago ako nagpadalos dalos ng desisyon. Ang lalaking ito– nasa kanya na halos ang lahat, isang pitik lang ng daliri niya ay makukuha niya kahit sinong babaeng magustuhan, pero heto siya gagawin ang lahat para sa akin, kahit pa magmukha siyang katawa-tawa sa lahat. Simula’t sapul ay wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi kabutihan, hindi niya deserve na basta basta ko na lang siya huhusgahan.Nahiya t
3rd Person POVNang umakyat na si Tintin sa silid nito kagabi ay isinama naman ni mang Carding si Andrew sa bahay nina Mutya at Drake upang doon patulugin. Sinabing babalikan siya nito kinabukasan.Alas otso pa lang ng umaga ay gising na si Andrew. Nakaligo at nakapagbihis na rin siya. Nagulat pa siya ng makita si mang Carding sa salas na nagkakape.“Magandang umaga po.” magalang niyang bati dito.Binati naman siya ng kapitan. Tumayo ito at naglakad papuntang kusina. Sinundan ito ni Andrew. Pagpasok ni Andrew ay may mga pagkain na sa lamesa.“Mag-almusal ka na.” anang kapitan na naka-upo na sa may dining table habang patuloy ang pag-inom ng kape.Lihim namang napa-isip si Andrew. Pakiramdam niya ay para siyang bibitayin. Bubusugin muna bago tigokin. Ganunpaman ay nagpasalamat pa rin siya dito at nagsimula na ring sumandok ng kakainin.“Kain po tayo.” alok niya kay mang Carding. Tumanggi naman ang matanda. Tinikman ni Andrew ang kape, at nasarapan siya. Tamang tama lang ang pagkakati
Tintin POV“Tay san nyo po ba talaga dinala si Andrew?” nag-aalala kong tanong habang nag-aalmusal kami.Nang magising kasi ako ay hindi ko na makita ito. Nasa labas naman ang sasakyan nito. Ini-unblock ko na ang number niya para itext ito ngunit hindi naman nagrereply. Naka-ilang tawag na rin ako pero panay lang ang ring.“Wag kang mag-alala, nagpapahinga laang yang boypren mo kaya wag mong kulitin.” relax na sagot ni tatay. Kita kasi niyang panay ang tawag ko sa number ni Andrew.“Kaninang madaling araw laang eh ipinagtatabuyan mo yun tao, tapos ngay-on kung makapag-alala ka, talo mo pa ang ina niya.” saad ni inay.“Baka po kasi kung ano nang ginawa ni itay sa kanya.” nag-aalala kong sambit.“Eh ano naman sa palagay mo ang gagawin ko sa taong yun?” maktol ni itay.“Malay ko ho sa inyo. Baka pinagsuot nyo ng Tback.” naiiyak kong sagot.Sabay sabay na bumunghalit ng tawa ang tatlo dahil sa sinabi ko, lalo na si Gigi.“Nandun… sa likod ng bahay. Pina-akyat ni tatay sa puno ng niyog naka
3rd person POVNaka-upo na sina Tintin at Andrew ngayon sa harapan ng mag-asawa. Buong akala nila ay hahampasin ni aling Nimfa si Tintin nang makitang hawak nito ang isang kahoy kaya agad na humarang at yumakap si Andrew kay Tintin. Nais lang palang tumukod ng ginang sa kahoy dahil pakiramdam niya ay mabubuwal siya dahil sa natuklasang may relasyon ang dalawa. “Para akong sasamaan ng lasa dahil sa mga pinag gagagawa nyo!" galit na anito.“If I know, gusto nyo laang magyakapan ni kuya Andrew. Para-paraan pa eh.” sulsol pa ni Gigi.Hindi pinansin ni Tintin ang kapatid na kanina pa siya inaasar.“Bakit ga ho kayo nagagalit nay? Matanda na naman ako, may trabaho na nga ako eh. Nagbabayad na kaya ako ng tax.” lakas loob na binigkas ni Tintin pero sa mababang tono.Pinandilatan lang ito ng kanyang ina.“Hindi yan ang ikinagagalit ko. Si Andrew na nga yang nabingwit mo, magrereklamo pa ga ako?” ani aling Nimfa.“Araw-araw tayong nag-uusap, araw-araw din kitang tinatanong kung may boyfriend
Andrew POV Nadatnan ko si Natalia sa loob ng opisina nito. Halata sa mga mata niya na nag-iiyak ito. Buong akala ko ay dahil sa kaso sa pagitan nila ni Tintin. Isinukbit nito ang bag at mukhang paalis na. “May pupuntahan ka?” tanong ko sa kanya. Tumago ito at pumatak ang mga luha. “May inaasikaso lang akong mga papel. Kailangan kong umalis. My mother passed away yesterday.” malungkot na anito. Hindi agad ako nakapagsalita. Nabalitaan ko nga pala ang tungkol sa pagkamatay ng ina nito ngunit nakalimutan ko na dahil sa pag-aalala kay Tintin. Paano ko siya kokomprotahin kung nagluluksa ito. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Pasensya ka na kung kailangan kong klaruhin ang nangyari bago ka umalis.” Saglit na tumigil si Natalia at seryosong tumingin sa akin. “Is it about your girlfriend?” anito. “Yes.” tugon ko. “I already gave my statement and I’m done–” “Sa kaso nya, baka magkaron lang siya ng few days suspension dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol lalo na’t hindi na magsa
Andrew POV“Pangako, sabay palagi ang shift natin. Kapag narito ka, narito din ako. Kaya isang sigaw mo lang, pakinig ko na.”Niyakap ko ng mahigpit si Tintin at saka hinalikan bago ito sumakay sa taxi, para kahit paano ay mawala ang kanyang pag-aalala. Hindi rin natuloy ang date naming dalawa. Nagkaroon na naman ng emergency sa hospital at hindi ako pwedeng umalis. Kanina sana, kaso isinugod si Mutya at matagal din ang iginugol dun ni Tintin. Nang paalis na sana kami ay ako naman itong may di inaasahang pasyente.Saka ko lang inalis ang tingin sa taxing sinasakyan nito nang medyo nakalayo na ito. Pagbaling ko sa bukana ng hospital ay nakita ko si Natalia. Nakatayo ito at mukhang ako talaga ang inaabangan.“Bakit hindi mo ako nahintay?” may kirot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa yata niya kami pinapanood ni Tintin.“Walang kwenta ang usapan na’to.” naiiling kong sabi at lalagpasan sana siya.“Ginagamit mo ba sya para pasakitan ako? Andrew, aminado naman ak
Tintin POVKitang kita ko ang pagkunot ng noo ni itay nang unti-unti nitong nakikilala ang lalaking bagong dating at papalapit sa bahay namin.Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit man ako kay Andrew ay hindi ko magawang tumakbo papasok ng bahay para pagtaguan siya— naroon pa rin kasi ang pag-aalala ko para dito.Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw, bakit siya naririto? Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking ‘to, hindi ba niya alam na para siyang pumasok sa lungga ng mga leon?Ban pa siya sa lugar namin. Limang taon niyang ginost ang mga kabaranggay ko pagkatapos niyang mangako na mamumudmod siya ng Viagra sa mga tambay dito, at isa sa mga pinaka-umasa ay ang tatay ko. Kung tutuusin ay madali lang naman para kay Andrew na tuparin ang pangako niya, pero hindi nito ginagawa dahil nag-eenjoy itong panoorin kung paano umirap at sumimangot si itay sa kanya tuwing magkikita ang mga ito.Naglingunan ang mga tambay at tanod na naririto ngayon sa direksyon ni An