Tintin POV Halos magkasunod lang kaming dumating ni Mutya sa tagpuan namin dito sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko naman afford ang mga presyo dito pero hindi naman ako ang gagastos. Ngayon kasi ang araw na sinabi sa akin ni donya Agatha na sinet-up nyang blind date para sa akin. Eto ang pinag-usapan namin nung birthday ni Mutya. Hindi ko akalaing seryoso talaga si donya Agatha. Nung una ay ayaw ko naman talagang pumayag dahil nahihiya akong makipagkita sa taong hindi ko naman kilala, pero nung sinabi ni Mutya na sasamahan nya ako at sa kabilang lamesa lang daw siya magmamatyag ay pumayag na rin ako. Kaya andito at magkasama kami ngayon. Isinama ni Mutya ang kanyang bunsong anak na si Kyle, isang taong gulang na. Iniwan naman nya sa kanyang mga biyenan ang dalawa pang anak. Inagahan talaga namin ng 1 oras para daw magkapagready ako emotionally. Lumapit ang waiter sa amin at hiningi ang aming order. Drinks lang muna ang inorder naming dalawa. “Dalawang Cappuccino.” ani Mutya s
Tintin POVKinabukas pagkarating ko sa hospital ay inilagay ko agad ang aking mga gamit sa locker room at nagdiretso na ako sa nurse station. Parang kinurot ang puso ko nang matanaw mula sa aking kinatatayuan na magkausap sina Andrew at Dra. Natalia sa receiving area. Nakita ko pang hinawakan ng babae ang braso ni Andrew.“Ang touchy nila ha.” sa isip isip ko.Napa-ismid ako at nagpatuloy sa paglalakad.May pa-donut pa siyang nalalaman pero lantaran naman kung paano sila maglandian. Pinagbabawalan nya akong sumama sa ibang lalaki, pero sila pwedeng maghawakan?Ang aga-aga parang masisira yata ang araw ko. Kaya inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-aayos ng mga gamot na dadalhin para sa pasyente. Tsinek ko isa-isa kung kumpleto ang mga gamit ko. Isa-isang nagsi-datingan ang iba ko pang mga kasamahang nurse. Pagtunghay ko ay kakaibang ngiti ang ibinato ng mga ito sa akin. Mga nakahalukipkip pa sila at naniningkit ang mga mata.“May pa-burger at pa-soda si Dr. Tuazon nung makalawa…,
Andrew POV “Alam kong hindi ka interesado kay Tintin but I’m just letting you know, mom set up a blind date for her, and she's here at the restaurant.” Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang sinabi ni kuya Drake. Wala akong pasok ngayon at minabuti kong magpahinga ngayon dahil ilang araw na rin akong halos walang tulog dahil sa trabaho sa hospital at mga business meeting na kailangang daluhan. “Damn it!” Napapamura ako habang nagmamadaling nagbihis. Talagang tinotoo ni mommy ang sinabi nito kay Tintin. Ito namang si Tintin talagang pumunta pa. Binalaan ko na siyang hindi siya pwedeng magpaligaw o makipagkita sa ibang lalaki. Inuubos nya talaga ang pasensya ko! Halos paliparin ko ang sasakyan para makarating agad sa address na sinabi ni kuya Drake. Kapag nakita kong nakikipag blind date siya ay hihilahin ko talaga siya palabas ng restaurant na yun. Wag niyang sabihing hindi ko siya binalaan. Matapos kong i-park ang sasakyan ay nagmamadali kong tinahak ang loob ng restaura
Tintin POV Maliit na maleta ang dala ko na itinago ko muna sa loob ng locker room. Ngayon kasi bibista ang buong pamilya Rufino sa Liliw Laguna. Eto yung ipinangako sa akin ni donya Agatha na isasama niya ako. Limang araw na vacation leave ang ipinaalam ko sa hospital. Eto rin yung sinasabi ni donya Agatha na ipakikilala niya daw ako sa kakilala nitong haciendero sa susunod na bibisita sila sa Laguna, alam ko namang nagbibiro lang siya. Sumama ako hindi naman dahil dun– kundi sa pangungulit ni Mutya dahil maganda raw sa farm ng mga Rufino at gusto niyang makita ko ito. Dito nila ako sa hospital dadaanan pagkatapos ng shift ko. Hapon na kami magbi-biyahe dahil ganun din naman ang asawa nitong si Drake na hapon na rin makakalabas ng trabaho. Sa locker room na rin ako nagpalit ng damit. Summer sando at shorts lang ang aking isinuot para komportable ako sa byahe. Naka tsinelas lang din ako dahil pagdating nina Mutya ay didiretso na agad ako sa sasakyan nila. Maya maya pa ay nakare
Tintin POV Kanina pa nakababa ng sasakyan ang baliw na si Andrew at naririto pa rin ako sa loob. Madilim na sa labas at saktong sa liblib at madilim na lugar pa nasira ang sasakyan nito. Ayokong lumabas dahil baka hilahin pa niya ako sa kakahuyan at pagsamatalahan ang pinagkakaingat-ingatan kong puri. “Ay!” napasigaw ako ng bumukas ang pintuan sa gilid ko. Binuksan pala ito ni Andrew at yumukod sa harapan ko. “Hindi ka ba bababa dyan?” tanong nito. Lumapit pang lalo ang mukha nito sa akin na parang hahalikan na niya ako. Medyo napa-usod ako para ilayo ang aking mukha. “Dito lang ako.” “Bahala ka, baka mamaya pasukin ka ng mga lasing na mapadaan dito.” anito at tumalikod. Kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya dali dali akong bumaba at sumunod sa kanya. Nagpalinga-linga ako sa paligid, sobrang dilim na talaga. Ang daming puno at sobrang taas ng mga damo sa paligid. Pwedeng pwede akong hilahin ni Andrew sa damuhan at pagsamantalahan nang walang kahirap hirap. Dyos ko day! Neve
Tintin POV “Anong ginagawa mo?” kinakabahan ko tanong. Oo nga’t nakita ko na ang buong katawan ni Andrew nung lasing siya, pero iba pa rin kapag hubad ito at gising, tapos walang kakurap kurap na nakatitig sa akin ang mga abs niya… este ang mga mata niya. “Magsho-shower.” anito at binuksan ang kanyang gym bag. Kinuha sa loob ang isang towel at ipinatong sa kanyang balikat. Huminto ito at pilyong tumingin sa akin. “Kung gusto mo, sumabay ka na sakin para tipid sa tubig, para hindi naman nakakahiya sa may-ari ng bahay.” Inirapan ko siya. “No thanks, hindi ako maliligo…, para hindi mo ‘ko gapangin mamaya. Amoy kimchi na’to.” sagot ko habang binubuksan ang aking maleta para maghanap ng damit na pantulog. “Okay lang sakin kahit tatlong araw kang hindi maligo.” ani Andrew at pumasok na ito sa banyo. Narinig ko ang pagclick ng pintuan ng banyo. Marahang kong sinulyapan ang nakasarang pintuan at nang masiguro kong nasa loob na nga si Andrew ay nagbuga ako nang malakas na hin
Tintin POVDali-dali kaming tumayo. Mas nauna ako kay Andrew na lumapit sa nagliliyab na unan. Hindi ko ito mahawakan dahil nag-aapoy na ito. Nagpanic ako kaya mabilis kong sinipa ang unan para mailayo sa kandila. Pagsipa ko ay aksidenteng nasipa ko rin ang kandila kaya bumagsak ito sa sahig.Natulala na ako sa sobrang takot at hindi ko na alam ang gagawin. Nakita ko na lang na inihagis ni Andrew ang isang basang towel sa ibabaw ng nag-aapoy na unan. Mabilis na naapuhap ang apoy dahil dun.Binuksan ni Andrew ang ilaw sa loob ng silid. Samantalang nakaupo pa rin ako sa sahig. Nakahinga na ako ng maluwag, ganunpaman ay ninenerbyos pa rin ako dahil sa takot na naramdaman ko. Sapo ko ang aking dibdib na walang tigil sa pagkabog habang habol ko pa rin ang aking hininga.Nakatayo sa harapan ko si Andrew na naka boxer na lang habang nakapameywang ang kaliwang kamay, at ang isang kamay naman ay nakasabunot sa buhok. Nakatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala sa nangyari.“Really.., T
Tintin POVPansin ko lang na kanina ko pa hindi nakikita si Andrew simula ng dumating kami sa farm. Narinig ko sa usapan nina donya Agatha at Mutya na umalis ang mag-aama para silipin ang farm.Maya maya pa ay dumating na ang tatlo. Agad na sinalubong ni donya Agatha ang asawa. Dire-diretso naman si Drake papalapit kay Mutya at masuyo itong hinalikan sa labi na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Akala mo naman ay palaging bagong kasal ang dalawang ito. Habang pinapanood ko sila ay naisip kong ang sarap siguro na may asawa kang kasundo mo at mahal na mahal ka. Yung sasalubungin mo ang pagdating niya at miss na miss nyo na ang isa’t isa. Nakaramdam tuloy akong ng inggit sa dalawang pares na nasa harapan ko. Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Andrew na nakatingin sa akin. Kitang kita niya na pinapanood ko ang mga nasa harapan ko. Nakataas ang sulok ng mga labi nito at nakangiti ang mga mata. Siguro ay nababasa niya ang aking iniisip kaya pinagtatawanan niya ako. Nahiya tu
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap