Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

last updateLast Updated : 2022-07-24
By:   Reynang Elena  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
3.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Gabriel POVBata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko kaya ako na ang gumawa ng paraan para mabuhay, hindi naging madali sa akin ang buhay dahil sa labis na kahirapan pero wala naman akong magagawa dahil ito ang itinadhana sa akin.Naging palaboy din ako sa kalsada at natuto din akong mamalimos para lang may ipantustos sa pang araw araw ko o para may maibili ng pagkain hanggang sa nagbinata ako at kahit na hindi ako nakapag aral ay marunong naman akong magbasa at sumulat.May naging kaibigan din ako sa kalsada at kagaya ko ay maaga din siyang naulila, ilan taon din kaming magkasama pero bigla na lang itong nawala at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya.Ngayon ay nandito ako sa ilalim ng tulay dahil dito ako nakatira, katatapos ko lang mangalakal para makabili ng pagkain, ang kinita ko ay kasya na ito para ngayong araw at bukas.Inilabas ko na ang pagkain na dala ko dahil nagugutom na din ako, maaga kasi akong umalis kaya hindi na ako nakakain ng almusal at isa p...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Chapter 1
Gabriel POVBata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko kaya ako na ang gumawa ng paraan para mabuhay, hindi naging madali sa akin ang buhay dahil sa labis na kahirapan pero wala naman akong magagawa dahil ito ang itinadhana sa akin.Naging palaboy din ako sa kalsada at natuto din akong mamalimos para lang may ipantustos sa pang araw araw ko o para may maibili ng pagkain hanggang sa nagbinata ako at kahit na hindi ako nakapag aral ay marunong naman akong magbasa at sumulat.May naging kaibigan din ako sa kalsada at kagaya ko ay maaga din siyang naulila, ilan taon din kaming magkasama pero bigla na lang itong nawala at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya.Ngayon ay nandito ako sa ilalim ng tulay dahil dito ako nakatira, katatapos ko lang mangalakal para makabili ng pagkain, ang kinita ko ay kasya na ito para ngayong araw at bukas.Inilabas ko na ang pagkain na dala ko dahil nagugutom na din ako, maaga kasi akong umalis kaya hindi na ako nakakain ng almusal at isa p
last updateLast Updated : 2022-07-03
Read more
Chapter 2
Gabriel POVDalawang linggo na ang lumipas ng magkita kami ni Luigi, madalas niya akong binibisita at dinadalhan ng pagkain. Sinabi niya din sa akin na mawawala siya ng ilang linggo dahil aalis sila at pupunta sa ibang bansa.Kung iisipan ay ang ganda na talaga ng buhay ng kaibigan ko, pero mukhang hindi ko kayang gawin ang ginawa niya dahil ang pagkakaalam ko ang ibang mga gano’n na tao ay may mga pamilya kaya hindi ko maitim na may masira ako.Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang bagay na ‘yon, mas gugustuhin ko na lang na mangalakal kaysa gamitin ang ibang tao para sa sariling interes lang.Kinuha ko na ang mga gamit ko na palaging dinadala at saka nagsimula ng mangalakal, saan lang ay makarami ako ngayon para naman makauwi ako ng maaga at makapag pahinga.Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin ang humaharorot na sasakyan, mabuti na lang at nakapag preno ito. Agad naman na bumaba ang may ari nito.“Hoy! Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!” galit na sigaw nito sa a
last updateLast Updated : 2022-07-03
Read more
Chapter 3
Veronica POVNakita ko ang pagtataka at pag aalinlangan sa kanya dahil sa sinabi ko pero buo na ang loob ko. Nakikita ko na mabuti siyang bata kaya handa akong tulungan siya kaysa hayaan siyang manatiling palaboy sa kalsada.“A-ano ho ang ibig niyong sabihin?” nalilitong tanong niya sa akin.“Gusto kitang tulungan Gabriel, ako lang naman ang mag isa sa bahay kaya pwede kang tumira do’n.” sagot ko sa kanya.“Salamat na lang po sa alok niyo pero hindi ko matatanggap.”“Bakit naman? Wala ka naman ng ibang kasama. Mas mapanganib sayo kung mananatili ka sa lansangan lalo na’t sa panahon ngayon ay maraming mga masasamang tao sa paligid.” saad ko.“Pero hindi po ako pwedeng tumanggap ng ganyan tulong dahil wala naman akong ipambabayad sayo, okay na po sa amin na may sarili akong tinutulugan at nakakain ng tatlong beses sa isang araw.”“Hindi ako humihingi ng kapalit kung ‘yan ang iniisip mo.” anas ko.Napatingin naman siya ulit sa akin. “Pero bakit mo ako tutulungan? Hindi niyo naman ako kil
last updateLast Updated : 2022-07-03
Read more
Chapter 4
Gabriel POVIsang linggo ng lumipas ng makapag desisyon ko na tanggapin ang tulong ni Ma’am Veronica sa akin, ng una ay nagdadalawang isip ako dahil sumasagi pa rin sa isipan ko ang tungkol sa ginawa ng naging kaibigan ko na si Luigi. At kahit na sinabi niya na wala siyang hihingin na kapalit ay hindi ko pa din tinanggap agad.Hindi kasi ako naniniwala na may magkukusang loob na tumulong sa mga kagaya ko ng walang kapalit lalo na kapag mga mayayaman ang mga ito. At ng makapag isip na ako ng maigi ay saka ako nagpunta sa opisina ni Ma’am Veronica para ipaalam sa kanya na pumapayag na ako.Bakas sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan, marahil ay na mimiss niya lang ang kanyang anak dahil ang sabi niya sa akin ay kasing edad ko lang ito.Nang matapos kaming mag usap ay isinama niya ako sa isang mall, nagtaka pa ako ng una dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin namin do’n at ang akala ko ay may bibilhin lang ito pero ‘yon pala ay ipapamili niya ako ng mga damit, ilang beses ko na
last updateLast Updated : 2022-07-03
Read more
Chapter 5
Veronica POVNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumataba sa mukha ko nanggagaling sa aking bintana, hindi ko man lang naisara kagabi ito dahil sa labis na pagod at antok.Nanatili pa rin akong nakahiga sa aking kama habang iniisip ang naging usapan namin ng aking anak ng tumawag ito kagabi at sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Gabriel.Flashback…Pipikit na sana ang mga mata ko ng magring ang phone ko at nakita kung si Klaus ang tumatawag kaya agad ko naman itong sinagot.“Anak kamusta ka?” bungad ko sa kanya na masagot ko ito.“I’m okay mom, I’m just tired from work kaya ngayon lang ako ulit nakatawag sayo.” sagot niya naman.“Baka naman nagpapasobra ka sa trabaho at magkasakit ka na niyan, ilang beses ko na kasi sinabi sayo na umuwi ka na lang dito at hawakan ang mga business natin kaysa nandyan ka.” anas ko.“Mom, alam mo naman na ito ang gusto ko at saka huwag kang mag alala dahil darating din naman ang araw na uuwi ako diyan. Alam ko naman na ako lang din ang magmamana ng mga
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more
Chapter 6
Klaus POVKakauwi ko lang ng bahay galing sa trabaho pero hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang pag uusap namin ng mommy ko kagabi ng tumawag ako. Hindi ko nagustuhan ang ibinalita niya sa akin.Walang masama sa akin kung tumulong siya sa ibang tao dahil alam ko kung gaano kabait ang nanay ko pero para sa akin ay pwede naman tumulong sa ibang paraan hindi ‘yong do’n niya papatirahin sa bahay namin.Simula pa noon ay alam kung matulungin na ang ina ko lalo na sa mga batang nasa lansangan dahil naranasan niya din ang maging mahirap bago pa kami nakaangat sa buhay kaya hangga’t kaya niyang tumulong ay gagawin niya, hindi naman ako madamot at walang kaso sa akin ang ginagawa niya dahil alam kung kasiyahan niya ‘yon lalo na’t matagal ng namatay si Daddy pero bilang anak ay hindi mo din maiaalis sa akin ang mag isip ng negatibo. I just want the safety of my mother dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko.Hindi lang ako makauwi dahil may kontrata pa ako dito at alam kung kaya pa na
last updateLast Updated : 2022-07-05
Read more
Chapter 7
Gabriel POVHalos mahigit dalawang buwan na din simula ng inalok ako ng tulong ni Ma'am Veronica at masasabi ko lang ay sobrang bait niya, marami din akong naririnig na sinasabi ng ibang mga tao na nasa paligid namin dahil iba ang tingin nila sa kung anong meron kaming dalawa pero ang palagi niyang sinasabi sa akin ay huwag na lang intindihin 'yon dahil alam naman namin ang totoo.At ngayon ay papasok na ako sa aking trabaho sa isang hotel, ilang beses din namin pinag usapan ang bagay na ito dahil sa ayaw niyang pumayag akong magtrabaho pero sadyang mapilit ako dahil ayaw ko naman na umasa na lang sa kanya lalo na't may anak ito at mukhang hindi din 'yon sang ayon sa pagtulong sa akin ni Ma'am Veronica, hindi ko naman siya masisisi kung mag isip siya ng iba dahil pinoprotektahan niya lang ang kanyang ina.Saglit ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin at saka tuluyan ng lumabas sa aking kwarto, ayaw ko naman na ma late sa trabaho dahil bago pa lang ako.Pagbaba ko ay nakita ko si M
last updateLast Updated : 2022-07-24
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status