Happy wife, happy life- ito ang inakala ni Stacy ngayong kasal na sila ni Richard lalo pa at alam niya na mahal na mahal siya nito. Pero ano ang mangyayari kung may matutuklasan siyang inililihim nito? Lalayo ba siya? Katapangan ba o karuwagan kung lalayo silang mag ina?
view moreNaalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong halik ni Richard sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa relo sa unahan ay alas dos na pala ng madaling araw."Kararating rating ko lang Babe, sorry nagising pa kita. Anong oras ka natulog?" Umupo siya ng tuluyan sa kama pagkatapos hubarin ang sapatos niya. Mayamaya ay parang sobrang pagod na sumandal siya sa headboard."Tired?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya, hindi niya dapat malaman na past eleven na ako nakatulog. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya."Sobra! Nakakaubos ng energy yung isang talent. Naka ten takes kami para sa isang simpleng eksena. Kung hindi lang talaga madaling araw na, magpapahanap ako kay Jonathan ng iba. Nakakahiya kina A at M, may variety show pa iyung dalawa mamaya."Dahil sa nakikita kong pagod sa mukha ng asawa ko, umalis ako mula sa pagkakahilig sa kanya at saka binigyan siya ng halik. Hindi naman ako napahiya dahil agad siyang gumant
“Stacy!” Halos mabingi ako sa ginawang pag sigaw ni ate Raq sa pangalan ko. Nagkataon kasing malapit lang ang location nila ngayon kaya umuwi sa bahay ang asawa ko para sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain at kinakailangan na niyang bumalik sa set ay naglambing ako kung pwede ba akong sumama pero ipapahatid niya rin ako sa hapon. Hindi ko alam kung sa paglalambing ko bang talaga kaya pumayag siya na sumama ako ngayon o sadyang nakulitan na lang siya sa akin. Alam niya naman kasi na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pagbigyan.Dali-dali naman akong nilapitan ni kuya Mike at inalalayan akong makalapit sa mesa. Ang asawa ko ay naharang kasi noong isang artista at may kailangan rin siyang balikan sa kotse, ayaw niya nga sana akong paunahin pero dahil makulit nga ako kaya narito na ako ngayon.“Ano ka ba namang buntis ka, gala ka naman ng gala. Baka mamaya nito ay kung mapaano ka na naman.” Kunwari ay sermon sa akin ni kuya pero abot tenga naman ang pagkaka
Abala ako sa pagbo-browse sa net nang magulat ako sa pagdukwang sa akin ng mister ko para halikan ako.“Na-miss kita.” Sabi niya sa akin after the kiss. “Busy?” Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko, pagkatapos ay hinaplos niya ang tiyan ko at saka marahan iyong hinalikan. Medyo malaki na rin nag umbok ng tiyan ko, magse seven months na rin kasi siya. After ng nangyari noon sa taping ay hindi na niya ako pinayagan na sumama sa kanya, nasa bahay lang ako habang nagdidirek siya. Kapag naman hindi siya busy ay idine-date niya ako, lumalabas kami at kumakain sa masasarap na restaurant.Nakangiti ko siyang tinanguan pagkatapso ay muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.“Mukhang ngang sobrang busy ka Babe. Hindi mo man lang kasi napansin ang pagdating ng gwapo mong asawa eh.” Kunwari ay nagtatampo pa niyang sabi sa akin pagkatapos niyang dumiretso ng tayo. Kagagaling niya lang mula sa pre-production meeting nila. Inabot
“Rekdi!” Humahangos na sigaw ni Mike sa akin after niyang buksan ang pintuan ng ObVan. Lunchtime na nang oras na iyon pero nandito pa rin ako dahil may nire-review kaming eksena. Hindi kasi ako masyadong satisfied sa kinunan namin last week and I know pati ang mga artista ko ay ganoon rin ang nararamdaman kaya baka ire-shoot na lang namin iyon.“Mike, ano ba iyon?” Pilit kong kinalma ang boses ko dahil medyo nairita ako. Paano ba naman nagmamadali na nga ako at nag aalala ako dahil hindi ko nasabayan maglunch nag asawa ko pagkatapos ay iistorbohin lang ni Mike ngayon ang ginagawa ko.“S-si Stacy!” Hinihingal niya pang sabi.Pagkarinig sa pangalan ko, agad akong kinabahan. “Bakit? Anong nangyari kay Stacy?”“Dinidugo siya, Rekdi!”Wala na akong nainitindihan sa iba pang sinabi ni Mike, basta ang alam ko ay dali dali akong bumaba mula sa ObVan at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Sta
“Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganga
PROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n
PROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments