Chapter: Chapter 146“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
Huling Na-update: 2022-03-24
Chapter: Chapter 145“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
Huling Na-update: 2022-03-21
Chapter: Chapter 144“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Huling Na-update: 2022-03-17
Chapter: Chapter 143Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Huling Na-update: 2022-03-11
Chapter: Chapter 142Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
Huling Na-update: 2022-03-09
Chapter: Chapter 141“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
Huling Na-update: 2022-03-05
Chapter: Chapter 5Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong halik ni Richard sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa relo sa unahan ay alas dos na pala ng madaling araw."Kararating rating ko lang Babe, sorry nagising pa kita. Anong oras ka natulog?" Umupo siya ng tuluyan sa kama pagkatapos hubarin ang sapatos niya. Mayamaya ay parang sobrang pagod na sumandal siya sa headboard."Tired?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya, hindi niya dapat malaman na past eleven na ako nakatulog. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya."Sobra! Nakakaubos ng energy yung isang talent. Naka ten takes kami para sa isang simpleng eksena. Kung hindi lang talaga madaling araw na, magpapahanap ako kay Jonathan ng iba. Nakakahiya kina A at M, may variety show pa iyung dalawa mamaya."Dahil sa nakikita kong pagod sa mukha ng asawa ko, umalis ako mula sa pagkakahilig sa kanya at saka binigyan siya ng halik. Hindi naman ako napahiya dahil agad siyang gumant
Huling Na-update: 2022-05-05
Chapter: Chapter 4“Stacy!” Halos mabingi ako sa ginawang pag sigaw ni ate Raq sa pangalan ko. Nagkataon kasing malapit lang ang location nila ngayon kaya umuwi sa bahay ang asawa ko para sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain at kinakailangan na niyang bumalik sa set ay naglambing ako kung pwede ba akong sumama pero ipapahatid niya rin ako sa hapon. Hindi ko alam kung sa paglalambing ko bang talaga kaya pumayag siya na sumama ako ngayon o sadyang nakulitan na lang siya sa akin. Alam niya naman kasi na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pagbigyan.Dali-dali naman akong nilapitan ni kuya Mike at inalalayan akong makalapit sa mesa. Ang asawa ko ay naharang kasi noong isang artista at may kailangan rin siyang balikan sa kotse, ayaw niya nga sana akong paunahin pero dahil makulit nga ako kaya narito na ako ngayon.“Ano ka ba namang buntis ka, gala ka naman ng gala. Baka mamaya nito ay kung mapaano ka na naman.” Kunwari ay sermon sa akin ni kuya pero abot tenga naman ang pagkaka
Huling Na-update: 2022-05-02
Chapter: Chapter 3Abala ako sa pagbo-browse sa net nang magulat ako sa pagdukwang sa akin ng mister ko para halikan ako.“Na-miss kita.” Sabi niya sa akin after the kiss. “Busy?” Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko, pagkatapos ay hinaplos niya ang tiyan ko at saka marahan iyong hinalikan. Medyo malaki na rin nag umbok ng tiyan ko, magse seven months na rin kasi siya. After ng nangyari noon sa taping ay hindi na niya ako pinayagan na sumama sa kanya, nasa bahay lang ako habang nagdidirek siya. Kapag naman hindi siya busy ay idine-date niya ako, lumalabas kami at kumakain sa masasarap na restaurant.Nakangiti ko siyang tinanguan pagkatapso ay muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.“Mukhang ngang sobrang busy ka Babe. Hindi mo man lang kasi napansin ang pagdating ng gwapo mong asawa eh.” Kunwari ay nagtatampo pa niyang sabi sa akin pagkatapos niyang dumiretso ng tayo. Kagagaling niya lang mula sa pre-production meeting nila. Inabot
Huling Na-update: 2022-04-26
Chapter: Chapter 2“Rekdi!” Humahangos na sigaw ni Mike sa akin after niyang buksan ang pintuan ng ObVan. Lunchtime na nang oras na iyon pero nandito pa rin ako dahil may nire-review kaming eksena. Hindi kasi ako masyadong satisfied sa kinunan namin last week and I know pati ang mga artista ko ay ganoon rin ang nararamdaman kaya baka ire-shoot na lang namin iyon.“Mike, ano ba iyon?” Pilit kong kinalma ang boses ko dahil medyo nairita ako. Paano ba naman nagmamadali na nga ako at nag aalala ako dahil hindi ko nasabayan maglunch nag asawa ko pagkatapos ay iistorbohin lang ni Mike ngayon ang ginagawa ko.“S-si Stacy!” Hinihingal niya pang sabi.Pagkarinig sa pangalan ko, agad akong kinabahan. “Bakit? Anong nangyari kay Stacy?”“Dinidugo siya, Rekdi!”Wala na akong nainitindihan sa iba pang sinabi ni Mike, basta ang alam ko ay dali dali akong bumaba mula sa ObVan at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Sta
Huling Na-update: 2022-04-26
Chapter: Chapter 1“Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganga
Huling Na-update: 2022-04-26
Chapter: ProloguePROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n
Huling Na-update: 2022-04-26
Chapter: 4Nagulat pa ako nang pagsapit ko sa mesa ko ay maabutan kong prenteng prente na nakaupo sa visitor’s chair si Ma’am Mary.“M-mam, nandito pa po pala kayo.” Bahagya pa akong yumukod bilang tanda ng paggalang at isa pa ay nahihiya ako dahil sa naabutan niyang eksena sa amin ng anak niya kanina. Sa totoo lang ay ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang buong pangyayari. Mas lalo pa akong nahihiya ngayon dahil walang ibang pinakita sa akin si Ma’am Mary kung hindi puro kabutihan lang. Baka mamaya pa nito ay iba na ang isipin niya tungkol sa akin.“O iha, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nahihiya ka sa akin?”“Kasi naman po Ma’am…”“Don’t tell me na nahihiya ka dahil sa naabutan kong eksena ninyo ni Aiden kanina?Kimi akong tumango, tapos ay tangkang magpapaliwanag na sana.“Kas-“ Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko sanang paghingi ng paumanhin at pagpapaliwanag dahil pinutol niya ako agad sa isang kumpas ng daliri niya.“Don’t bother to explain. I wont’hear it.”Napalunok ako
Huling Na-update: 2022-07-07
Chapter: 3“Lagi na lang bang ganito ang drama ng buhay ko? Hay, kailan ba mababago ang routine ng buhay ko?” patamad na umupo ako sa harap ng mesa ko. Santambak na naman kasi ang mga files na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pagkarami raming appeles ang nandiot na kailangan kong i-sort samantalang sa tingin ko nga ay hindi naman kumikita ang kumpanyang ito. Kadarating ko pa lang ng opisina twenty minutes ago pero tinatamad na agad ako.“Ikaw kasi eh, ayaw mong sumama kagabi sa amin. Eh ‘di sana kahit papaano ay may nabago sa buhay mo.” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang officemate kong pakialamera. Nakikialama eh hindi ko naman siya kinakausap.Patamad ko siyang tiningnan. “Aber Jenny, ano ba ang mapapala ko kung sumama ako sa inyo kagabi?”“Syempre ay sasaya ka. Dahil kahit papaano ay magkakaroon ka na ng lovelife tulad ko.” Akala mo nang iingit na ngumisi pa siya sa akin. Sarap ingudngod ng nguso sa mga papeles na nakatambak sa table ko.Double date kasi a
Huling Na-update: 2022-07-06
Chapter: 2Magkasama na kami ngayon dito sa opisina nita at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin ng tuwid sa kanya. Pinamumulahan pa rin ako ng mukha kapag naaalala ko ang katangahang nagawa ko kanina.Nakakainis naman kasi. Bakit kasi kailangang buksan ang pintuan kung kailan feel na feel ko ang pagsandal doon. Iyong tipo pa naman ng pagsandal ko roon at katulad ng mga napapanood ko sa telenobela. At bakit din naman kasi siya tatanga tanga at lampa. Kung matatag lang sana siya ay hindi sana siya natumba kasama ako, iyon tuloy napa face to face tuloy ako sa tagakalat ng lahi niya sa sanlibutan.Hingang malalim, sabay tutok ng mga mata sa laptop ko. Sige lang Yssa, trabaho ka lang. Huwag na kung anu ano ang pakaisipin, focus ka lang sa trabaho.“Miss Delgado? Ano iyang tinatype mong talong? At bakit may scrambled egg diyan sa report na ginagawa mo? Hindi ako aware na restaurant na pala itong company ko. The last time I checked ay toilet bowls ang binebenta natin, nabago na pala. Hindi m
Huling Na-update: 2022-07-06
Chapter: 1“Nakakainis! Naku naman talaga! Kung makautos, akala mo Lord. Hello? Oo nga at kanya ang kumpanyang ito, na siya ang amo ko, siya ang nagpapasweldo sa akin pero nakakainis na talaga siya. Akala naman niya ay ubod ng ganda ang building na ito, hitsura nito. Isang anay na lang yata ang hindi pumipirma ay magigiba na. Panahon pa yata ni kopong kopong itong lugar na ito pero akala mo kung sino siya kung makapagyabang. Summer na summer at mala impyerno na ang init pero magtipid raw at since ako lang naman ang nandito ngayong oras ay mag electric fan na lang daw ako. Pasalamat talaga siya at mahirap maghanap ng trabaho ngayon kaya magtitiis muna ako rito.” Inis na inis na pagmo-monologue ko.Asar na asar ako sa boss kong si Aiden. Paano ba naman ay pinag overtime ako ngayon. Lunes na Lunes ay overtime agad. Pilot kaya ngayon ng inaabangan kong teleserye, tapos ay ano? Nandito pa rin ako sa bulok na opisinang ito.Malakas ang loob kong magsiwalat ng sentimyento ko dahil alam ko na nakauwi na
Huling Na-update: 2022-07-06