Share

Marupok
Marupok
Author: Bb. Busilak

1

Author: Bb. Busilak
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Nakakainis! Naku naman talaga! Kung makautos, akala mo Lord. Hello? Oo nga at kanya ang kumpanyang ito, na siya ang amo ko, siya ang nagpapasweldo sa akin pero nakakainis na talaga siya. Akala naman niya ay ubod ng ganda ang building na ito, hitsura nito. Isang anay na lang yata ang hindi pumipirma ay magigiba na. Panahon pa yata ni kopong kopong itong lugar na ito pero akala mo kung sino siya kung makapagyabang. Summer na summer at mala impyerno na ang init pero magtipid raw at since ako lang naman ang nandito ngayong oras ay mag electric fan na lang daw ako. Pasalamat talaga siya at mahirap maghanap ng trabaho ngayon kaya magtitiis muna ako rito.” Inis na inis na pagmo-monologue ko.

Asar na asar ako sa boss kong si Aiden. Paano ba naman ay pinag overtime ako ngayon. Lunes na Lunes ay overtime agad. Pilot kaya ngayon ng inaabangan kong teleserye, tapos ay ano? Nandito pa rin ako sa bulok na opisinang ito.

Malakas ang loob kong magsiwalat ng sentimyento ko dahil alam ko na nakauwi na ang lahat ng mga kasamahan ko rito sa opisina. Kung mayroon mang pwedeng makarinig sa akin ay si manong guard lang iyon pero malabo dahil alam ko na busy na iyon ngayon sa pagkain ng balut sa ibaba ng building. Ang boss ko namang si mister sungit ay imposible rin na marinig ako dahil bukod sa pagsusungit ay past time niya rin ang matulog.

Ang saya, hindi ba? Pinag overtime niya ako pero siya ay matutulog lang. Nasaan naman ang hustisya roon? Huwag niyang sabihing guwapo siya, well guwapo naman talaga siya. Ibigay na natin sa kanya iyon, pero kasi naman! Nakakalimutan kong crush ko siya kapag sinusungitan at tinatambakan na niya ako ng trabaho.

Nangalumbaba ako sa table ko at hindi ko tuloy naiwasang balikan kung bakit nga ba ako napadpad sa bulok na kumpanyang ito.

Nasa coffee shop ako noon eh at iniisip kung ano na ang gagaiwn ko sa buhay ko. Katatapos ko lang mag-resign sa trabaho ko bilang isang secretary dahil bukod sa manyakis ang amo ko ay ubod ng selosa ng asawa nito. Kaysa naman mapahamak pa ako kaya umalis na lang ako, kaya naman heto ako ngayon tambay tambay lang muna.

Kasalukuyan akong nanonood ng music video ng mga koryanong minamahal ko nang pag angat ko ng tingin sa may bandang pintuan ay nakita ko siyang naglalakad. Akala mo ay pag aari niya ang lugar dahil sa tindig niya. Pagpasok pa lang niya ay may kakaiba na siyang aura na dala dala, kala mo bagyo dahil sa nag uumapaw na sex appeal. Halos lahat yata kaming mga babae roon ay napalingon sa kanya.

Swabeng swabe kung kumilos, simpatiko, iyong tipo na makalaglag panty. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit na hindi siya mukhang koryano, siya na yata ang destiny ko. Siya na ang inilaan ni Lord para sa akin. Yes, kine-claim ko na siya na ang para sa akin. Siya na ang destiny ko.

Pero mas lalo pa akong na-convince na siya na nga ang itinadhana sa akin sa sumunod na nangyari. Para akong na-magnet habang papalapit siya sa table ko after niyang makuha ang order niya. As in nakatingin lang ako sa mukha niya na feeling ko ay naggo-glow ng mga oras na iyon.

May nakaready siyang alanganing ngiti nang tuluyang makalapit sa akin. “Hi, miss mind if I share a table with you?”

Hindi ko alam pero nakatulala lang ako. Parang na-magnet na ako sa mala anghel niyang mukha.

“Miss? Is this seat available?”

“Yes, available ako!” Mabilis kong sagot.

Na-realize ko lang na mali ang nasabi ko nang makita kong kumunot ang noo niya na parang naguluhan. Tapos ay iiling iling at akma na siyang tatalikod. Huh? Ano ba ang nasabi ko?

Sa katarantahan na makalampas ang pagkakataon na makasama ko ang destiny ko ay napatayo akong bigla at hinawakan siya sa braso. “Uhhmmm, sorry. Nagbabasa kasi ako kaya hindi ko masyadong naintindihan ang itinanong mo.” Palusot ko pa kahit alanganin ako kung bebenta iyon.

So, iyon nga ang nangyari. Magka-share kami sa table at dahil likas akong mausisa ay nalaman kong may ari pala siya ng isang kumpanya. Kasalukuyan siyang namomroblema dahil bigla na lang daw hindi pumasok ang sekretarya niya.

Napaisip tuloy ako, bakit ang tanga naman noong sekretarya niya para hindi na pumasok. Saang lupalop ng Pilipinans ka makakahanap ng ganito kagwapong boss. Kung ako ang sekretarya nitong kaharap ko, malamang ay sa opisina na niya ako tumira para lang masilayan araw araw ang ganito ka anghel na mukha.

So, to make the story short ay nagbiro ako kung pwepwede bang ako na lang ang mag apply. Sa gulat ko ay kinagat naman niya ang pagbibiro ko. Siguro nga kasi ay badly needed niyang talaga ng sekretarya. At ako naman, two birds with one stone ang peg ng beauty ko. Bukod sa magkakatrabaho na uli ako ay magkakaroon pa ako ng ubod ng simpatikong amo.

At heto nga ako ngayon sa kasalukuyan, gustong gusto ko nang bawiin ang mga nasabi ko noong una ko siyang makita. Hindi naman pala tanga ang sekretarya niya dahil nag-resign ito. Kaya naman pala bigla biglang nag alsa balutan nang walang paalam ang dating sekretarya nito ay dahil sa walang kasing bait na amo nila. Buti na lang talaga at gwapo siya kaya kahit papaano ay nakakapagtiis ako.

Mayamaya ay tumunog ang intercom.

“Miss Delgado, pumasok ka nga muna rito.”

Heto na naman, pinapatawag na naman ako sa lungga ni Hitler. Nagising na pala ang hari. Dapat lang naman na magising na siya dahil alas-otso na kaya. Habang ako ay kanina pa nagtatrabaho rito siya naman ay binirahan ng pagtulog pagkatapos magdinner kaninang alas-sais.

“Yssa, inhale, exhale.” Pagpapakalama ko sa sarili ko bago tumayo at lumapit sa opisina ni Hitler.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago marahang binuksan ang pinto.

“Ahhmm sir, bak-“ Hindi ko na naituloy ang balak kong pagtatanong dahil sa bumungad sa paningin ko. Sunod sunod akong napalunok sa tanawing nakita ko.

Wait, tam aba ang nakikita ko? Hindi baa ko nag hahalusinasyon lang? Hindi ba ako namamalikmata lang at pinaglalaruan ng paningin ko?

KInurap kurap ko ang mga mata ko para siguraduhing tama nga ang nakikita ko.

“Miss Delgado? May problema ba?”

Hindi ako makasagot, nakatulala lang ako.

“Are you alright Miss Delgado?”

Itinuro ko ng nguso ko ang hubad niyang katawan. No, hindi naman hubad na hubad. Topless lang pero kahit na, naman kasi eh.

“Ah, ito ba?’ Tila anghel na sagot niya. “Nagising kasi akong basa ng apwis ang likod ko kaya hinubad ko na muna. Tinamad na akong kumuha ng spare shirt ko.” Pagkatapos niyang magsalita ay natahimik siya, parang biglang may na-realize. “Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo?”

“Oo nga sir, bakit ka nga nagpaliwanag sa akin eh hindi naman ako nagtatanong.” Pabibong sagot ko pa, pero lihim akong napaisip. Kahit pala papaano ay may mabuting dulot ang pagtitipid niya. Sana nga ay palagi na lang siyang magtipid para ganitong tanawin parati ang makikita ko. Sana ipatupad sa opisinang ito ang no aircon policy.

“Anyway, kaya kita tinawag. Dalhin mo na lang dito sa loob ng opisina ang mga dapat mong gawin. Dito na natin tapusin ang mga dapat tapusin para mas makatipid tayo sa kuryente. If you want, pwede mo na ring tanggalin iyang suot mong blazer. Ubod ng kapal niyan, sigurado ako na kanina ka pa init na init.” Seryosong utos niya sa akin.

“Sir, marupok po ako.” Wala sa loob na bulong ko.

“May sinasabi ka ba Miss Delgado?” Dahil sa narinig na tanong niya ay napatakip akong bigla sa bibig ko. Mukhang nasabi ko ang tumatakbo lang sa isipan ko.

“W-wala po sir, lalabas na po muna ako para kunin ang mga gamit ko.”

Nagmamadali akong lumabas ng opisina niya. The moment na maisara ko ang pintuan ay sumandal muna ako roon saka nag sign of the cross. “Lord, gabayan mo po ako. Bigyan mo po ako ng lakas na huwag maging marupok.”

Todo pikit pa ako at seryoso sa pagdarasal nang walang anu ano ay biglang bumukas ang pintuan sa likuran ko. Dahil sa buong bigat ko ang nakasandal sa pintuan, mabilis akong natumba at dinamay pa ang kung anong bagay na nakapitan ko. Sisigaw na sana ako at ire-ready na ang katawan ko matigas na sahig na kababagsakan ko nang matigilan ako.

Teka lang, nasaan ang matigas na sahig? Flat naman ang sahig namin dito sa opisina, bakit bukol bukol ito? Nakapikit ko pang pinisil pisil ang kung anong nadadama kong bukol. Bakit may malambot na tela?

“Miss Delgado!” Puno ng awtoridad na boses ang narinig ko. Kaya naman ay unti-unti kong binukas ang mga mata ko para lang magkulay suka.

“Huwag mong masyadong pisilin iyan at baka mabasag.”

Saka ko lang nalaman na pareho kaming nasa sahig. Alam kong pinamulahan ako ng mukha nang ma-realize kung saan nakahawak ang kamay ko.

“Lord, sabi ko naman po ay marupok ako. Kunin mo na po ako.”

Kaugnay na kabanata

  • Marupok   2

    Magkasama na kami ngayon dito sa opisina nita at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin ng tuwid sa kanya. Pinamumulahan pa rin ako ng mukha kapag naaalala ko ang katangahang nagawa ko kanina.Nakakainis naman kasi. Bakit kasi kailangang buksan ang pintuan kung kailan feel na feel ko ang pagsandal doon. Iyong tipo pa naman ng pagsandal ko roon at katulad ng mga napapanood ko sa telenobela. At bakit din naman kasi siya tatanga tanga at lampa. Kung matatag lang sana siya ay hindi sana siya natumba kasama ako, iyon tuloy napa face to face tuloy ako sa tagakalat ng lahi niya sa sanlibutan.Hingang malalim, sabay tutok ng mga mata sa laptop ko. Sige lang Yssa, trabaho ka lang. Huwag na kung anu ano ang pakaisipin, focus ka lang sa trabaho.“Miss Delgado? Ano iyang tinatype mong talong? At bakit may scrambled egg diyan sa report na ginagawa mo? Hindi ako aware na restaurant na pala itong company ko. The last time I checked ay toilet bowls ang binebenta natin, nabago na pala. Hindi m

  • Marupok   3

    “Lagi na lang bang ganito ang drama ng buhay ko? Hay, kailan ba mababago ang routine ng buhay ko?” patamad na umupo ako sa harap ng mesa ko. Santambak na naman kasi ang mga files na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pagkarami raming appeles ang nandiot na kailangan kong i-sort samantalang sa tingin ko nga ay hindi naman kumikita ang kumpanyang ito. Kadarating ko pa lang ng opisina twenty minutes ago pero tinatamad na agad ako.“Ikaw kasi eh, ayaw mong sumama kagabi sa amin. Eh ‘di sana kahit papaano ay may nabago sa buhay mo.” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang officemate kong pakialamera. Nakikialama eh hindi ko naman siya kinakausap.Patamad ko siyang tiningnan. “Aber Jenny, ano ba ang mapapala ko kung sumama ako sa inyo kagabi?”“Syempre ay sasaya ka. Dahil kahit papaano ay magkakaroon ka na ng lovelife tulad ko.” Akala mo nang iingit na ngumisi pa siya sa akin. Sarap ingudngod ng nguso sa mga papeles na nakatambak sa table ko.Double date kasi a

  • Marupok   4

    Nagulat pa ako nang pagsapit ko sa mesa ko ay maabutan kong prenteng prente na nakaupo sa visitor’s chair si Ma’am Mary.“M-mam, nandito pa po pala kayo.” Bahagya pa akong yumukod bilang tanda ng paggalang at isa pa ay nahihiya ako dahil sa naabutan niyang eksena sa amin ng anak niya kanina. Sa totoo lang ay ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang buong pangyayari. Mas lalo pa akong nahihiya ngayon dahil walang ibang pinakita sa akin si Ma’am Mary kung hindi puro kabutihan lang. Baka mamaya pa nito ay iba na ang isipin niya tungkol sa akin.“O iha, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nahihiya ka sa akin?”“Kasi naman po Ma’am…”“Don’t tell me na nahihiya ka dahil sa naabutan kong eksena ninyo ni Aiden kanina?Kimi akong tumango, tapos ay tangkang magpapaliwanag na sana.“Kas-“ Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko sanang paghingi ng paumanhin at pagpapaliwanag dahil pinutol niya ako agad sa isang kumpas ng daliri niya.“Don’t bother to explain. I wont’hear it.”Napalunok ako

Pinakabagong kabanata

  • Marupok   1

    “Nakakainis! Naku naman talaga! Kung makautos, akala mo Lord. Hello? Oo nga at kanya ang kumpanyang ito, na siya ang amo ko, siya ang nagpapasweldo sa akin pero nakakainis na talaga siya. Akala naman niya ay ubod ng ganda ang building na ito, hitsura nito. Isang anay na lang yata ang hindi pumipirma ay magigiba na. Panahon pa yata ni kopong kopong itong lugar na ito pero akala mo kung sino siya kung makapagyabang. Summer na summer at mala impyerno na ang init pero magtipid raw at since ako lang naman ang nandito ngayong oras ay mag electric fan na lang daw ako. Pasalamat talaga siya at mahirap maghanap ng trabaho ngayon kaya magtitiis muna ako rito.” Inis na inis na pagmo-monologue ko.Asar na asar ako sa boss kong si Aiden. Paano ba naman ay pinag overtime ako ngayon. Lunes na Lunes ay overtime agad. Pilot kaya ngayon ng inaabangan kong teleserye, tapos ay ano? Nandito pa rin ako sa bulok na opisinang ito.Malakas ang loob kong magsiwalat ng sentimyento ko dahil alam ko na nakauwi na

DMCA.com Protection Status