PROLOGUE
Habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.
Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.
“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa nakaraan nang narinig kong magsalita si Daddy na hindi ko namalayang pumasok pala sa kwarto ko. Nakangiting tiningnan ko siya pagkatapos ay tinanguan.
Tuluyan siyang lumapit sa akin at saka inalalayan akong makatayo. “Hindi na talaga baby ang anak ko, hindi na ako ang number one man sa buhay niya.”
“Dad…” Kahit anong pagpipigil kong umiyak ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko, mabuti na lang at waterproof ang make-up ko. “Alam n’yo naman po na ako pa rin ang forever baby ninyo. Iyon nga lang, madadagdagan na po.” Hinawakan ko ang tiyan ko habang sinasabi iyon.
“Alam ko naman iyon anak, huwag ka ng umiyak. Baka masira pa ang make up mo.” Kumuha siya ng tissue mula sa mesa at saka dinampian ang pisngi ko na may luha pa. “Ang ganda ganda ng anak ko, kung nandirito lang ang Mommy mo, sigurado ako na masayang masaya iyon.”
Pagkabanggit niya kay Mommy ay lalo lang akong naiyak, na-miss ko lang lalo si Mommy. Alam ko sa puso ko kung gaano ko kagusto na nandito si Mommy sa mahalagang araw na ito ng buhay ko.
“Ayan, sigurado ako na duet kayo ng Mommy mo sa pag iyak. Napakaiyakin n’yo talagang mag ina. Manang mana ka sa pinagmanahan. Tahan na, baka gusto mong bawiin ko ang sinabi kong ang ganda ganada mo ngayon?” Kunwari pa ay pananakot sa akin ni Daddy.
“Dad naman eh…”
“Araw ng kasal mo pero iyak ka ng iyak. Ano, nagsisisi ka na ba? Nagbago na ba ang isip mo? Sabihin mo lang at ilalayo n akita agad bago pa malaman ni Richard. Kahit pa malakas sa akin ang lalaking iyon ay hindi ako mangingiming ilayo kasa kanya once na sinabi mo na ayawan na. sabihin mo lang ‘nak.”
“Si Daddy talaga.”
Yes, isa sa pinakaimportanteng revelation noong araw na iyon ay ang pagkakatuklas ko ng closeness nina Daddy at Richard. Wala naman pala akong dapat ipangamba na hindi magkasundo ang dalawang lalaking mahal na mahal ko dahil daig pa nga ng dalawa ang magbest friend kapag nag uusap eh.
Iniangkla na ni Dad ang braso niya sa akin matapos masigurong wala ng bakas ng luha sa pisngi ko habang ako ay masaya iyong tinanggap.
Nang tuluyang makalabas kami ng cottage ay bumungad sa akin ang simple ngunit magandang pagkakaayos ng resort. Punong puno ito ng puting rosas na siyang pinakapaborito ko. Yes, dito rin sa resort namin piniling magpakasal kasama ng mga taong malalapit sa amin. Masyado akong inlove sa may ari at sa mismong resort para umisip pa ng ibang venue para sa kasal namin.
Ang lalakaran ko ay nalalatagan ng mga puting petals at sa dulo ng mga petals na iyon ay nakita kong gwapong gwapo na naghihintay sa akin si Richard.
Nang magsimula ang wedding march at alalayan ako ni Dad na magsimula ng maglakad ay hindi ko na naman napigilan ang pag iyak. This time ay wala ng tigil sa pagtulo ang luha ko, halo halong emosyon na ang nasa dibdib ko. Kinakabahan pero masayang masaya ako, to the point na parang sasabog na ang puso ko sa sobrang tuwa.
The moment na makita kong lumabas ng cottage si Stacy ay bumalik na naman ang kabang naramdaman ko noong nagpropose ako sa ngayon last month sa eksaktong lugar kung saan ako nakatayo ngayon. At nang magtama ang mga mata namin bago siya maglakad papalapit sa akin ay trumiple pa ang kabog ng dibdib ko. Hindi rin nakatulong ang dalawang lalaking katabi ko sa ngayon, sina Mike at Eric na puro pang aasar ang lumalabas sa mga bibig.
“Hala ka Rekdi, umiiyal si Stacy oh. Tsk Tsk Tsk, mukhang ayaw na yatang magpakasal.” Sabi ni Mike.
“Ay grabe ka naman Mike, huwag mo nan gang dagdagan ang kaba nitong si Rekdi.” Pagkatapos ay tinapik tapik pa ni Eric ang balikat ko. “Pero Rekdi, bakit nga kaya umiiyak si buntis, walang tigil oh. Baka nga sapilitan lang itong kasal na ito ha. Shotgun wedding yata ito. Patay tayo diyan, damay pa kami kapag nagkataon.”
Tiningnan ko silang pareho ng masama pero parang balewala lang anman sa kanila iyon. Nagbungisngisan pa ang mga lintek at saka nag high five.
Seriously, sobra akong thankful sa mga kagrupo kong ito. They are like a family to me. Nilibot ko ang paningin sa team ko na alam kong masayang masaya para sa akin. Agad nila akong tinulungan sa mga plano ko kahit alam nila na walang kapalit na bayad, dahil alam nila na ito ang makakapagpasaya sa akin.
Pagkatapos ay tiningnan ko si Lola. Alam ko na masayang masaya siya para sa akin, para sa amin ni Stacy. Alam kong katulad ng parati niyang sinasabi sa akin, ito ang pangarap niya para sa akin, ang makita akong ikinakasal. Wala man akong magulang na kasama ngayong mahalagang araw ng buhay ko, si Lola ay sobrang sapat na.
Muli kong ipinokus ang tingin kay Stacy habang papalapit sila ng daddy niya sa akin. Sobrang thanful din ako kay Tito dahil hindi siya nagdalawang isip na ipagkatiwala sa akin si Stacy at ang isa pang bagay. Nangako ako sa kanya at may isang salita ako.
Nang ilang hakbang na lang ang layo nila sa akin ay hindi ko napigilan ang sarili ko na salubungin na sila. Bingi ako sa tawanan sa paligid ko. Habang tumatakbo kasi ang oras ay mas lalo lang akong kinakabahan. Walang nagawa si Tito kung hindi ang tapikin nag balikat ko, kinamayan niya ako pero yakap ang iginanti ko sa kanya. Nagsimula na rin s apagtulo ang luha ko ng abutin ko ang kamay ni Stacy. Nang tingnan ko siya, ngumiti siya sa akin sabay kapit ng mahigpit.
“Babe…” Iyon lang ang nasabi niya dahil para siyang nauupos na kandilang bumagsak sa bisig ko.
“Hala! Rekdi, nahimatay si Stacy, mukhang labag nga sa loob nag pagpapakasal!” Narinig ko pang sbai sa may likuran ko na hindi ako sigurado kung si Mike ba o si Eric ang nagsalita.
Wala na akong pakialam, natataranta kong binuhay si Stacy at dinala sa cottage namin. May mga naririnig ako sa paligid na sigawan, komosyon, na kesyo tumawag ng doctor, kesyo kumalma lang raw ako.
Paano ako kakalma? My bride just collapsed infront of me!
“Rekdi, umamin ka. Nag advance ka kagabi ano? Baka nasobrahan.” Si Sam na agad palang nakasunod sa amin.
“Babe, gumising ka lang promise babawasan ko a ang pagiging mahilig ko…” wala sa sariling bulong ko sa kanya.
“Narinig ko iyon Rekdi ha.” Nagawa pang mang inis ni Sam samantalang ako ay tarantang taranta na, pero wala na akong pakialam kung marinig man iyon ng lahat ng tao sa resort.
“Apo, ano nagkamalay na ba si Stacy?” Nagpapanic na tanong sa akin ni Lola pagkapasok niya sa cottage.
Umiling ako kay Lola saka lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ng babaeng mahal ko.
“Nagpatawag na ako ng doctor.” Ang Daddy naman ni Stacy ang nagsalita na kasunod ni Lola na pumasok sa cottage.
Ang dami daming boses ang naririnig ko pero halos wala akong iniintindi. Ang concern ko lang ay ang babaeng nakahiga at walang malay sa harapan ko.
“Babe, gising ka na. Promise talaga, magkamalay ka lang bawas na talaga ang pagiging mahilig ko. Promise iyan, kaya gising ka na, please…”
“Anong oras ba kayong natulog kagabi nitong si Stacy, Ricardo?” Usisa ni Lola sa akin.
Bago pa ako makasagot ay angsalita na si Sam. “Ang itaong n’yo po Lola ay kung natulog ba sila. Kabisado n’yo naman itong apo ninyo, ‘di ba? Sana ay mapanindigan ang promise niya ngayon, pero I doubt!”
Pagkatapos kong tingnan ng masama si Sam ay napansin kong unti unti nang nagkakamalay si Stacy.
“Hmmn… Anong nangyari?” Disoriented niya pang tanong. “Bakit ang daming tao?” Para siyang may na-realize kaya bigla siyang napabangon. “Wait! Teka lang! Hindi ba at ikakasal tayo? Bakit tayo nandito sa cottage? Tapos na ba? Anong nangyari?’ Sunod sunod niyang usisa kaya hindi ako makahanap ng tiyempo para makapagpaliwanag.
“Buntis, hinimatay ka kasi kanina noong humawak ka kay Rekdi.” Agad na paliwanag sa kanya ni Mike. “Sabihin mo sa amin ni Eric kung napipilitan ka lang magpakasal ha.”
“At kung pinilit ko man siya, anong gagawin ninyo? Ha?” Tanong ko na medyo nilakasan pa ang boses.
Biglang nagtone down ang boses ni Mike pagsagot niya sa akin. “Ahmm, syempre Rekdi tutulungan ka naming makiusap kay Stacy na pumayag na siyang magpakasal sa iyo. Sayang ang effort.”
“Magsitigil nga kayo! Puro kayo kalokohan.” Saway ni Lola sa amin.
“Lola, wala pong nakikipaglokohan diot. Mga seryoso po kaming tao, hindi po kami mga comedian.” Seryosong banat pa ni Mike na ikinailing ko.
“Eh kung seryosong paghahambalusin ko kaya kayo nitong abaniko ko?” At iniamba niya na nga ang hawak niya sa mga kolokoy. “Haal sige, magsilabas na tayo at hayaan na muna nating magpahinga si Stacy. Iwanan na muna natin sila dito ni Ricardo.”
“Naku Lola Cedes.” Si Eric naman ngayon nag humihirit. “Mahirap mapag isa itong si Rekdi na kasama si Stacy. Malamang sa malamang nito ay kinabukasan na wedding.”
Pero walang naging sagot si Lola sa kanya kung hindi ang muling pag amba ng abaniko nito, ang mga kolokoy namna ay tawa lang ng tawa. Halos sanay na naman sila sa isa’t isa.
Bago tuluyang lumabas sina Tito at Lola ay lumapit muna sila kay Stacy.
“Baby doll, hihintayin ka namin sa labas ha. Siguraduhin mo muna na okay na okay ka na bago lumabas. Hindi na pumasok diot sa loob si Tita mo dahil aasikasuhin yata iyong kanina.” Ngumiti pa si Tito kay Stacy at saka ako tinapik sa balikat bago sumunod palabas sa guapito boys. Kaya pala hindi ko nakita si Tita Amanda na sumunod sa amin, mabuti naman at may nag asikaso sa labas dahil ang lahat ay tumakbo pasunod sa akin dahil na rin sa pag aalala.
“Stacy apo, doon muna kami sa labas ha. Mag usap muna kayo nitong apo ako. Kung talagang napipilitan ka lang na magpakasal sa kanya ay hindi ako tututol. Ayos lang sa akin iyon.”
“La naman!” Mabilis kong pag angal. Pati ba naman siya ay naniniwala na napipilitan lang ang Babe ko sa pagpapakasal sa akin?
Pero hindi niya pinansin ang pag angal ko. “Pero iha, sinasabi ko sa iyo, kapag tinanggihan mo itong apo kong si Richard, aysus para kang tumanggi sa grasya. Tingnan mo naman, garantisado mabait ang gwapong gwapo iyan. Hindi ka na lug isa kanya, kaya ka namang buhayin niyan pati na ang mga magiging anak ninyo. Mapagmahal din iyan, iyon nga lang ay napakahilig lang talaga. Pero huwag kang mag alala, nangako naman siya kanina na magkamalay ka lang daw ay babawas-bawasan na raw niya ang pagiging manyakis niya.”
Napakamot ako sa batok dahil sa sinabi ni Lola kay Stacy. Joke lang kaya iyon, hindi naman iyon seryoso eh.
Nang maiwan kaming dalawa ni Stacy ay tinitigan ko ko lang siya. Wala akong maisip na sasabihin. Nablangko ako dahil sa dami ng takot na naramdaman ko kanina nang mawalan siya ng lay s abisig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ako makapagsalita.
“Naku ha, ayaw ko ng mga titig mong ganyan. Don’t tell me ay berde na naman ang tumatakbo diyan sa utak mo?”
“Bakit, ayaw mob a?” Naisip kong sakyan ang sinasabi ni Stacy para kahit papaano ay gumaan ang takot na sa dibdib ko.
“Naku ha, hindi pa nga yata nakakabawi ang katawan ko sa gunawa natin kagabi, humihirit ka na naman diyan. At saka may promise ka ‘di ba? Babawasan mo na raw.”
“Huh? Parang wala yata akong maalalang sinabi ko iyon Babe. Kung mayroon man, sigurado ako na joke lang iyon.”
Muli ko siyang tinitigan pagkatapos ay sumeryoso na ako. “tell me honestly Babe, ayaw mo ba ang idea na makasal sa akin? Napipilitan ka lang ba? Nabigla ka lang ba?” Nawala bigla ang confidence ko dahil sa mga biro ng mga kolokoy na iyon kanina.
Pero mas lalo lang lumakas ang kaba ko nang hindi siya sumagot, bagkus ay tiningnan niya lang ako.
“Okay lang ako Babe kung ayaw mong talaga. Kung napipilitan ka lang ay ayos lang na iwanan mo na lang ako rito. Hindi ako magtatanong, basta iwan mo na lang ako.”
Tumayo si Stacy, iiwanan niya nga ako? So totoo na napipilitan lang siya sa pagpapakasal sa akin?
“Pasensya na kung madalian kitang inayang magpakasal. Ito lang naman kasi Babe ang naisip kong paraan para maging legal ang pangarap ko. Ang pangarap kong matulog at magising na ikaw ang masisilayan, na maging misis kita at ina ng mga magiging anak natin. Gusto ko lang naman kasing i-secure ang forever natin.”
Nang hindi ako makarinig ng anumang kaluskos mula sa kanya ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. Hindi ko na alam kung nasaang parte na ba siya ng cottage, basta nakatingin lang ako sa kisame habang nagsasalita.
“Since nang gabing iyon, ginulo mo na ang utak ko eh, ang mundo ko. Hindi dahil sa intimate na pinagsaluhan natin.” Sandali akong napahinto at bumuntong hininga na muna bago muling nagpatuloy. “Okay give na symepre gusto kong maulit iyong pinagsaluhan natin that night pero maa lamang ang kagustuhan kong makita kang muli. Ayaw talagang mawala sa utak ko ng mukha mo. Kahit na anong gawin ko, bigla bigla ka na lang susulpot sa utak ko. Mula noon ay nagkagusto na ako sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano ako ilang ulit na bumalik sa club na iyon sa pagbabakasakaling mapadaan ka uli doon, na hahanapin mo ako, na magkakasama tayong muli.”
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang parang desperadong nakikiusap kay Stacy ngayon. “Pumayag ka lang na magpakasal sa akin ngayon Babe ay ipinapangako ko na never kang mag iisa. Hindi lang kamay mo ang hahawakan ko at gagabayan kung hindi pati na ang puso mo. Hindi ako gagawa ng anumang makakasakit sa aiyo dahil ako ang unang masasaktan kapag nakaramdaam ka ng ganoon. Iyong magic moment na iyon noong gabing iyon ay habang buhay kong iniingatan sa puso ko. Promise babe, starting this day, lahat ng mangyayari sa buhay mo na kasama ko ay magiging pinakamasaya.”
“Babe, ayaw mo bang talaga? Ayaw mong makasal sa akin? Hindi ba sapat ang love mo sa akin para pakasalan moa ko? Kasi ako, mahal na mahal kita…” This time ay humarap na ako sa kanya at nakita ko siya malapit sa pintuan kaya mas lalo akong kianbahan, iiwanan niya nga ako?
Pero lalo akong naguluhan nang nginitian niya ako ng ubod ng tamis kasabay ng pag agos ng luha sa pisngi niya. “Ang dami mo pa kasing drama, tumayo ka na diyan at naghihintay na ang mga tao sa atin.”
Dahil sa narinig, mabilis akong bumangon at lumapit sa kanya saka sabay kaming lumabas ng cottage at bumalik sa venue. Marami pala kaming haharapin sa labas ng cottage, unang una na roon ay ang future naming magkahawak kamay.
“Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganga
“Rekdi!” Humahangos na sigaw ni Mike sa akin after niyang buksan ang pintuan ng ObVan. Lunchtime na nang oras na iyon pero nandito pa rin ako dahil may nire-review kaming eksena. Hindi kasi ako masyadong satisfied sa kinunan namin last week and I know pati ang mga artista ko ay ganoon rin ang nararamdaman kaya baka ire-shoot na lang namin iyon.“Mike, ano ba iyon?” Pilit kong kinalma ang boses ko dahil medyo nairita ako. Paano ba naman nagmamadali na nga ako at nag aalala ako dahil hindi ko nasabayan maglunch nag asawa ko pagkatapos ay iistorbohin lang ni Mike ngayon ang ginagawa ko.“S-si Stacy!” Hinihingal niya pang sabi.Pagkarinig sa pangalan ko, agad akong kinabahan. “Bakit? Anong nangyari kay Stacy?”“Dinidugo siya, Rekdi!”Wala na akong nainitindihan sa iba pang sinabi ni Mike, basta ang alam ko ay dali dali akong bumaba mula sa ObVan at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Sta
Abala ako sa pagbo-browse sa net nang magulat ako sa pagdukwang sa akin ng mister ko para halikan ako.“Na-miss kita.” Sabi niya sa akin after the kiss. “Busy?” Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko, pagkatapos ay hinaplos niya ang tiyan ko at saka marahan iyong hinalikan. Medyo malaki na rin nag umbok ng tiyan ko, magse seven months na rin kasi siya. After ng nangyari noon sa taping ay hindi na niya ako pinayagan na sumama sa kanya, nasa bahay lang ako habang nagdidirek siya. Kapag naman hindi siya busy ay idine-date niya ako, lumalabas kami at kumakain sa masasarap na restaurant.Nakangiti ko siyang tinanguan pagkatapso ay muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.“Mukhang ngang sobrang busy ka Babe. Hindi mo man lang kasi napansin ang pagdating ng gwapo mong asawa eh.” Kunwari ay nagtatampo pa niyang sabi sa akin pagkatapos niyang dumiretso ng tayo. Kagagaling niya lang mula sa pre-production meeting nila. Inabot
“Stacy!” Halos mabingi ako sa ginawang pag sigaw ni ate Raq sa pangalan ko. Nagkataon kasing malapit lang ang location nila ngayon kaya umuwi sa bahay ang asawa ko para sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain at kinakailangan na niyang bumalik sa set ay naglambing ako kung pwede ba akong sumama pero ipapahatid niya rin ako sa hapon. Hindi ko alam kung sa paglalambing ko bang talaga kaya pumayag siya na sumama ako ngayon o sadyang nakulitan na lang siya sa akin. Alam niya naman kasi na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pagbigyan.Dali-dali naman akong nilapitan ni kuya Mike at inalalayan akong makalapit sa mesa. Ang asawa ko ay naharang kasi noong isang artista at may kailangan rin siyang balikan sa kotse, ayaw niya nga sana akong paunahin pero dahil makulit nga ako kaya narito na ako ngayon.“Ano ka ba namang buntis ka, gala ka naman ng gala. Baka mamaya nito ay kung mapaano ka na naman.” Kunwari ay sermon sa akin ni kuya pero abot tenga naman ang pagkaka
Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong halik ni Richard sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa relo sa unahan ay alas dos na pala ng madaling araw."Kararating rating ko lang Babe, sorry nagising pa kita. Anong oras ka natulog?" Umupo siya ng tuluyan sa kama pagkatapos hubarin ang sapatos niya. Mayamaya ay parang sobrang pagod na sumandal siya sa headboard."Tired?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya, hindi niya dapat malaman na past eleven na ako nakatulog. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya."Sobra! Nakakaubos ng energy yung isang talent. Naka ten takes kami para sa isang simpleng eksena. Kung hindi lang talaga madaling araw na, magpapahanap ako kay Jonathan ng iba. Nakakahiya kina A at M, may variety show pa iyung dalawa mamaya."Dahil sa nakikita kong pagod sa mukha ng asawa ko, umalis ako mula sa pagkakahilig sa kanya at saka binigyan siya ng halik. Hindi naman ako napahiya dahil agad siyang gumant

PROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n