Share

Chapter 2

Author: Bb. Busilak
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Rekdi!” Humahangos na sigaw ni Mike sa akin after niyang buksan ang pintuan ng ObVan. Lunchtime na nang oras na iyon pero nandito pa rin ako dahil may nire-review kaming eksena. Hindi kasi ako masyadong satisfied sa kinunan namin last week and I know pati ang mga artista ko ay ganoon rin ang nararamdaman kaya baka ire-shoot na lang namin iyon.

“Mike, ano ba iyon?” Pilit kong kinalma ang boses ko dahil medyo nairita ako. Paano ba naman nagmamadali na nga ako at nag aalala ako dahil hindi ko nasabayan maglunch nag asawa ko pagkatapos ay iistorbohin lang ni Mike ngayon ang ginagawa ko.

“S-si Stacy!” Hinihingal niya pang sabi.

Pagkarinig sa pangalan ko, agad akong kinabahan. “Bakit? Anong nangyari kay Stacy?”

“Dinidugo siya, Rekdi!”

Wala na akong nainitindihan sa iba pang sinabi ni Mike, basta ang alam ko ay dali dali akong bumaba mula sa ObVan at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Stacy na kasalukuyang pinalilibutan ng mga tao ko na pawang mga nagpapanic. Mabilis ko siyang kinuha mula kay Sam at binuhat.

“Sam, kayo na muna ang bahala rito. Kung kakayanin na i-pack up na lang gawin ninyo. Please…” Hindi ko nakalimutang ibilin habang mabilis na isinasakay ang asawa ko sa sasakyan namin.

“Yes, Rekdi. Kami na muna ang bahala rito. Huwag mo na muna kaming intindihin.”

“Eric, samahan mo na muna sina Rekdi. Ikaw na ang magdrive.” Narinig kong utos ni Juls.

“Ric please, bilisan natin…” pakiusap ko habang ini-start niya ang makina ng kotse.

Katatapos lang ilipat dito sa private room si Stacy after niya sa emergency room. Si Eric ay hindi pa rin umaalis simula pa kanina kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa presensya niya. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kanina, tulirong tuliro ako.

At ngayon nga ay kinakausap ako ng doctor habang payapang natutulog ang asawa ko.

“Direk Richard, ligtas na naman sina Stacy at ang baby ninyo. At sana, kung hindi talaga natin mapipigilan ang pagla-loving loving kay misis, bawas bawasan po muna natin ha. Para hindi po ma-stress si baby sa loob.”

Pagtango na lang ang nagawa ko sa bilin niyang iyon, pagkuwan ay nagpasalamat na ako sa kanya. Paglabas niya ng kwarto ay saka ko binalingan ang hanggang sa ngayon ay natutulog kong asawa.

Kinuha ko ang isang kamay niya at ikinulong sa palad ko saka marahang dinala sa bibig ko para halikan.

“Babe, tinakot mo naman ako eh. Lagi mo na lang ba akong tatakutin? Huwag namang ganito Babe. Kung gusto mo akong i-torture ay kilitiin mo na lang ako o kaya naman ay hiwa hiwain mo na lang ng blade ang braso ko. Pwede ring bunutin mo ang lahat ng kuko ko sa paa. Huwag lang iyong ganitong klase ng pananakot. Aatakihin ako nito sa puso kahit na wala naman akong sakit sa puso eh.”

Hinaplos ko ang pisngi niya na ngayon ay medyo nagkakakulay na. Kanina kasi noong wala siyang malay na dalhin ko rito sa ospital ay halos mawalan iyon ng kulay sa sobrang putla kaya lalo lang trumiple ang kaba ko kanina. “You know that I love you, kayong dalawa ni peanut. Kaya hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa inyong dalawa.”

Ang tiyan naman niya ang hinaplos haplos ko. “Peanut, kalma ka lang diyan ha. Huwag mong masyadong pahirapan si Mommy mo. Pasensya ka na kay Daddy at laging nakikipagkita sa iyo si Junjun. Kasalanan talaga ni Daddy eh. Promise talaga anak, pipigilan na ni daddy, pipigilan ko na ang sarili ko. Ilang buwan na lang naman eh, kakayanin ko na iyon.”

“Rekdi, parang narinig ko na iyang ganyang linyahan sa Batangas. Take two ba ito o insert at cure lang?” Natatawang singit ni Eric sa monologue ko. Muntik ko nang makalimutan na nandito pa rin pala siya at ngayon ay kasalukuyang nilalantakan ang pagkaing pinadeliver niya kanina.

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa paligid ko, at pagmulat ko nga ng mga mata ay puting kisame ang bumungad sa akin. Ospital yata ito, saka ko lang naalala ang nangyari sa akin na siyang dahilan kung bakit ako narito. Pagbaling ko ng tingin sa gilid ay nakita ko ang asawa ko na kausap si kuya Eric.

“Ayaw kong iwan si Stacy rito, Ric.” Narinig kong sabi ni Richard.

“Eh Rekdi, kahit raw iyong night effect na lang ang kuann natin ngayon, for airing na daw kasi iyon kaya hindi pwedeng i-reschedule.” Narinig ko namang sabi sa kanya ni kuya Eric. “Papunta na rito si Raq, siya na muna ang bahala kay Stacy habang si Sam naman ang gagawa ng trabaho niya.” Dagdag pa ni kuya.

Nakita ko ang pagsabunot ni Richard sa buhok niya, halatang frustrated na frustrated na siya. Alam ko ang iniisip niya. Alam kong hindi siya makapagdesisyon dahil inaalala niya ang kalagayan ko. Kaya naman ay hindi na ako nakatiis, hindi ko kayang tagalan na nakikita siyang ganoon. Torn between us and his work kaya naman ipinaramdam ko na gising na ako.

“Babe.” Mahinang tawag ko sa pansin niya.

Agad naman siyang bumaling sa akin at mabilis na hianwakan ang kamay ko. “Babe, mabuti naman at gising ka na. I love you, kayo ni peanut.” Malambing niyang sabi sa akin.

“I love you too.”

“Kamusta na ang pakiramdam mo?”

“Si peanut, kamusta na siya?” Kailangan ko na munang makasigurado, pero alam ko, nararamdaman ko na walang nangyaring masama sa kanya.

“You are now both fine, sabi ni doc.”

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Pagkuwan ay nginitian ko ng matamis ang asawa ko. “Nagmamadali na sigurong lumabas si Peanut, ano? Kasi nararamdaman niya na hindi na makahintay ang Daddy niya.”

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa noo ko. Mayamaya naman ay ang tiyan ko na ang hinahaplos niya. “Peanut, diyan ka muna sa tummy ni Mommy ha. Magpalaki ka na muna diyan. Don’t worry, kayang kaya namang alagaan ni Daddy si Mommy. Promise, hindi na kita iistorbohin riyan.” Pagkuwan ay tiningnan niya ako. “Huwag ka ng sasama sa location ha.”

Napalabi ako dahil sa sinabi niya, naisip ko na nagkaroon tuloy ng dahilan ang asawa ko na higpitan ako ngayon.

Mayamaya ay sumabat si kuya Eric. “Hindi ba Rekdi ay hindi naman iyon ang reason kung bakit dinugo si Stacy kanina? Ang sabi ni Doc, ayon sa pagkakarinig ko ha, ito naman ay base lang sa narinig ng dalawang tenga ko.”

“Ano daw ang reason kuya?”

“Ang sabi ay nasobrahan ka daw kasi sa s-“

“Sa stress!” Biglang sabi ng asawa ko. “Kaya bawal kang ma-stress Babe ha.” Nahuli ko pa ang matalim na tingin na iginawad niya kay kuya habang si kuya Eric naman ay tatawa tawa lang.

“Eh ano pang ginagawa ninyo rito?”

“Syempre, binabantayan ka Babe.”

“Hindi ba at may trabaho pa kayo? Bakit nandito pa kayong daalwa?”

“Pinapapack-up ko na nga. Ayaw ko kasi na iwanan ka rito Babe.”

Napailing ako. “Hindi ba at ang sabi mo naman ay maayos na kaming dalawa ni peanut. Besides, alam ko na mayroong for airing dahil nakita ko iyon sa sequence breakdown kanina. Kaya Richard, hindi pwedeng mapack-up ngayon.”

“Per-“

“Wala nang pero pero. Bawal akong ma-stress, remember? Kaya sige na, balik na kayo roon sa location. Nakakahiya sa mga artista, sa mga tao. Nakakahiya sa buong production team.” Bumaling naman ako kay kuya Eric. “Kuya, pakikaladkad na nga po itong lalaking ito pabalik sa location.”

“Babe naman…” Pag angal pa ng mister ko.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “So, sino ang lumalabas na matigas ang ulo ngayon? Hindi naman kasi pwedeng hindi ka na bunalik roon. Career mo ang nakasalalay rito. Direktor ka roon, hindi ka ordinaryong staff na pwedeng basta basta na lang mawala. Sige ka, baka mamaya niyan ay ipa-shoulder pa sa iyo ang expenses ng buong production today. Aba Ricardo, wala akong balak na padedehin ng am ang anak natin.” Panenermon ko pa sa kanya.

“Eh ‘di breastfeed na lang siya katulad ng daddy niya.”

Nakatikim tuloy siya ng batok dahil doon.

“Babe naman, may ibang tao oh.” Tukoy niya kay kuya Eric na tahimik na kumakain sa isang sulok. “Pinapakita mo naman kay Eric na battered husband ako nito eh.” Pagrereklamo niya pa kunwari.

“Kayong dalawa, sanay na sanay na ako sa paglalandian ninyo. Kaya sige lang, don’t mind me.” Sabi ni kuya Eric sa amin. “Pero alam mo Stacy may point talaga ang sinasabi mo kay Rekdi. May chance na magkatotoo iyon. Magkano ng aba ang expenses ng isnag araw na taping? Bayad sa mga gamit, sa catering, sa mga artista, sa mga tao. Hindi na bale kaming guapito boys at si Raq, hindi na lang kami maniningil. Pero Rekdi, matitiis mo ba ang mga crew natin na walang maiuuwing pera para s apamilya nila ngayon? Makakaya ba ng konsensya mo na mantika at toyo nag iuulam ng mga pamilya nila sa mga susunod na araw? Hidni na bale ang mga anka ko dahil marami naman kaming stock ng imported na de-lata kasi nga ay mayaman naman kami.” Mahabang sermon niya na hindi ko alam kung seryoso dahil nakangisi siya pagkatapos niyang magsalita.

“Mayaman ka naman pala eh, sagutin mo na ang bayad sa crew natin.” Nakangiting ganting sagot naman sa kanya ng asawa ko.

“Rekdi naman, nagbibiro lang naman ako. Puro sardinas ang laman ng cabinet sa bahay. Pero on a serious note, may for airing tayo Rekdi. Mapapahamak ka niyan sa mga boss natin kapag hindi natin nakunan iyon ngayon. Kung pwede nga lang ba na ako na lang ang magdirek eh, kanina ko pa sana ginawa.”

“Babe, bumalik ka na roon sa location. Don’t worry, hindi naman ako aalis rito, hindi kami aalis ni peanut rito. Hihintayin ka namin.”

“Bumuntong hininga muna ang asawa ko bago muling bumaling sa akin. “Will you be alright here?” Tumango ako. “Are you sure?” Paninigurado pa niya.

“Stacy, parating si Raq. Siya muna ang magbabantay sa iyo habang kumakayod pa iyong asawa mo.”

“Thank you kuya.”

Bumaling naman kay kuya Eric ang asawa ko. “Ric, sa labas ka na muna.”

“Okay Rekdi.” At naglakad na nga si kuya papunta sa pinto pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay muli siyang bumaling sa amin.

“Rekdi, baka mag round one ka pa diyan ha. Remember, iyong promise mo kanina. Nai-record ko iyon sa cellphone ko.” Tatawa tawa pang sabi niya.

“Anong promise iyon, kuya?” Curious kong tanong.

“Ipapakita ko rin ito sa iyo Stacy, sa tamang panahon…” At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto habang tumatawa.

“Ano iyon?” Ang asawa ko naman ang tinanong ko.

“Wala iyon, alam mo naman iyang si Eric. Puro kalokohan ang nasa utak.”

“Weh? Parang ikaw ang pinuno ng mga kalokohan.”

“Sige na, ako na ang pinuno. Basta dito ka lang ha, hintayin mo ako.”

“At saan naman sa tingin mo ako pupunta?”

“Basta dito lang kayo ni peanut. Parating na si Raq, dala niya iyong cellphone mo at ang iba mo pang gamit. Humiga ka lang rito, huwag kang galaw ng galaw. Kapag may naramdaman kang masakit, just press the buzzer para ma-inform agad ang mga nurse. Tatawagan kita parati.”

“Grabe naman kung makapagbilin. Bakit, saan ka ba magpupunta, sa Timbuktu? OFW lang ang peg? Sa taping ka lang pupunta at sigurado akong ilang kanto lang ang layo noon dito sa ospital. Ang OA ah, dali na. Kiss mo na ako para makabalik ka na doon.”

“Basta Babe, mag iingat ka rito ha.” Aktong bababa na ang mukha niya sa akin para gawaran ako ng halik nang biglang pumasok sina kuya Eric.

“Sabi ko sa iyo ay pumasok na tayo agad eh. Iyan, eh ‘di napigilan natin ang round one. “Natatawang sabi ni kuya Eric sa bagong dating na si ate Raq.

“Rekdi, sorry.” Hinging paumanhin ni ate Raq. “Si kuya Eric kasi eh, ang kulit.”

“Kahit kailan talaga kayo! Mga wrong timing eh.” Napapailing pang sabi sa kanila ng asawa ko habang ako ay natawa na lang.

Related chapters

  • Body Shots (Book II)   Chapter 3

    Abala ako sa pagbo-browse sa net nang magulat ako sa pagdukwang sa akin ng mister ko para halikan ako.“Na-miss kita.” Sabi niya sa akin after the kiss. “Busy?” Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko, pagkatapos ay hinaplos niya ang tiyan ko at saka marahan iyong hinalikan. Medyo malaki na rin nag umbok ng tiyan ko, magse seven months na rin kasi siya. After ng nangyari noon sa taping ay hindi na niya ako pinayagan na sumama sa kanya, nasa bahay lang ako habang nagdidirek siya. Kapag naman hindi siya busy ay idine-date niya ako, lumalabas kami at kumakain sa masasarap na restaurant.Nakangiti ko siyang tinanguan pagkatapso ay muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.“Mukhang ngang sobrang busy ka Babe. Hindi mo man lang kasi napansin ang pagdating ng gwapo mong asawa eh.” Kunwari ay nagtatampo pa niyang sabi sa akin pagkatapos niyang dumiretso ng tayo. Kagagaling niya lang mula sa pre-production meeting nila. Inabot

  • Body Shots (Book II)   Chapter 4

    “Stacy!” Halos mabingi ako sa ginawang pag sigaw ni ate Raq sa pangalan ko. Nagkataon kasing malapit lang ang location nila ngayon kaya umuwi sa bahay ang asawa ko para sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain at kinakailangan na niyang bumalik sa set ay naglambing ako kung pwede ba akong sumama pero ipapahatid niya rin ako sa hapon. Hindi ko alam kung sa paglalambing ko bang talaga kaya pumayag siya na sumama ako ngayon o sadyang nakulitan na lang siya sa akin. Alam niya naman kasi na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pagbigyan.Dali-dali naman akong nilapitan ni kuya Mike at inalalayan akong makalapit sa mesa. Ang asawa ko ay naharang kasi noong isang artista at may kailangan rin siyang balikan sa kotse, ayaw niya nga sana akong paunahin pero dahil makulit nga ako kaya narito na ako ngayon.“Ano ka ba namang buntis ka, gala ka naman ng gala. Baka mamaya nito ay kung mapaano ka na naman.” Kunwari ay sermon sa akin ni kuya pero abot tenga naman ang pagkaka

  • Body Shots (Book II)   Chapter 5

    Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong halik ni Richard sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa relo sa unahan ay alas dos na pala ng madaling araw."Kararating rating ko lang Babe, sorry nagising pa kita. Anong oras ka natulog?" Umupo siya ng tuluyan sa kama pagkatapos hubarin ang sapatos niya. Mayamaya ay parang sobrang pagod na sumandal siya sa headboard."Tired?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya, hindi niya dapat malaman na past eleven na ako nakatulog. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya."Sobra! Nakakaubos ng energy yung isang talent. Naka ten takes kami para sa isang simpleng eksena. Kung hindi lang talaga madaling araw na, magpapahanap ako kay Jonathan ng iba. Nakakahiya kina A at M, may variety show pa iyung dalawa mamaya."Dahil sa nakikita kong pagod sa mukha ng asawa ko, umalis ako mula sa pagkakahilig sa kanya at saka binigyan siya ng halik. Hindi naman ako napahiya dahil agad siyang gumant

  • Body Shots (Book II)   Prologue

    PROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n

  • Body Shots (Book II)   Chapter 1

    “Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganga

Latest chapter

  • Body Shots (Book II)   Chapter 2

    “Rekdi!” Humahangos na sigaw ni Mike sa akin after niyang buksan ang pintuan ng ObVan. Lunchtime na nang oras na iyon pero nandito pa rin ako dahil may nire-review kaming eksena. Hindi kasi ako masyadong satisfied sa kinunan namin last week and I know pati ang mga artista ko ay ganoon rin ang nararamdaman kaya baka ire-shoot na lang namin iyon.“Mike, ano ba iyon?” Pilit kong kinalma ang boses ko dahil medyo nairita ako. Paano ba naman nagmamadali na nga ako at nag aalala ako dahil hindi ko nasabayan maglunch nag asawa ko pagkatapos ay iistorbohin lang ni Mike ngayon ang ginagawa ko.“S-si Stacy!” Hinihingal niya pang sabi.Pagkarinig sa pangalan ko, agad akong kinabahan. “Bakit? Anong nangyari kay Stacy?”“Dinidugo siya, Rekdi!”Wala na akong nainitindihan sa iba pang sinabi ni Mike, basta ang alam ko ay dali dali akong bumaba mula sa ObVan at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Sta

  • Body Shots (Book II)   Chapter 1

    “Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganga

  • Body Shots (Book II)   Prologue

    PROLOGUEHabang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang araw na ito. Ang araw na pareho naming pinapangarap ni Richard, ang araw ng aming kasal. Pagkatapos ng sorpresang proposal niya sa akin noong isang buwan sa beach resort na pag aari niya naman pala ay mabilisan naming inasikaso ang mga kakailanganin sa kasal. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa aming dalawa ay hindi kami nahirapan na mag asikaso, mas lalo pa ngang napadali ang trabaho dahil ang lahat ay nagtulong tulong.Sino ba ang mag aakala na may niluto palang sorpresa ang magaling na boyfriend ko. To think na sumama pa ang loob ko sa kanya dahil feeling ko ay hindi niya na ako masyadong inaasikaso, na siguro ay nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi na siya ganoon ka-eager na makita ako. Iyon pala ay para lang sa sorpresa niya sa akin kaya may drama siyang ganoon.“Ready, anak?” naputol ang pagbalik ko sa n

DMCA.com Protection Status