The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

last updateLast Updated : 2022-12-01
By:   ArEnJayne   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9
2 ratings. 2 reviews
46Chapters
5.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kalayaan

"Salamat Panginoon!" ang tanging paulit-ulit na usal ni Kael habang palabas ng kulungan. Tatlong taon s'ya na namuhay bilang bilanggo. Subalit para sa kanya ay ilang dekada na ang nakaraan matapos s'yang madiin sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya magagawa. Nagmahal lang naman s'ya sa isang Noelle Mondragon, ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Lucille at Arnulfo Mondragon. Mula sa waiting area ay nandoon ang isang matipuno na lalaki. Hindi alintana sa pisikal na anyo nito ang tunay na edad dahil makisig at malakas pa rin ang dating nito. Ito si Magno Zaragoza. Nagpakilala na kapatid ng kanyang ama at tagapamahala ng mga naiwan na negosyo nito. May anak itong babae na mas bata sa kanya. Malapad ang mga ngiti na hinarap n'ya ito. Niyakap s'ya ng mahigpit ng lalaki habang mahinang tinatapik nito ang kanyang likuran. "Congratulations! Malaya ka na!" bati ni Magno. Hindi n'ya mapigilan ang bahagyang mapaiyak habang yakap s'ya nito. "Maraming salamat! Kailanman ay tatanawin k...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
monteevs
nice story...️
2023-12-29 21:08:14
0
user avatar
Dennis Oxales Nobal
maganda Ang kwento
2023-06-28 11:18:24
0
46 Chapters
Kalayaan
"Salamat Panginoon!" ang tanging paulit-ulit na usal ni Kael habang palabas ng kulungan. Tatlong taon s'ya na namuhay bilang bilanggo. Subalit para sa kanya ay ilang dekada na ang nakaraan matapos s'yang madiin sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya magagawa. Nagmahal lang naman s'ya sa isang Noelle Mondragon, ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Lucille at Arnulfo Mondragon. Mula sa waiting area ay nandoon ang isang matipuno na lalaki. Hindi alintana sa pisikal na anyo nito ang tunay na edad dahil makisig at malakas pa rin ang dating nito. Ito si Magno Zaragoza. Nagpakilala na kapatid ng kanyang ama at tagapamahala ng mga naiwan na negosyo nito. May anak itong babae na mas bata sa kanya. Malapad ang mga ngiti na hinarap n'ya ito. Niyakap s'ya ng mahigpit ng lalaki habang mahinang tinatapik nito ang kanyang likuran. "Congratulations! Malaya ka na!" bati ni Magno. Hindi n'ya mapigilan ang bahagyang mapaiyak habang yakap s'ya nito. "Maraming salamat! Kailanman ay tatanawin k
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more
Busal at Kasal
Masaya ang mga nakalipas na taon kay Kael. Iyon ay dahil sinagot s'ya ng kanyang sinisinta na si Noelle. Nagkakilala sila dahil sa isang kaibigan na kaklase ng dalaga. Simula noon ay niligawan n'ya ito at kahit nagkaroon ng alinlangan ay sinagot s'ya ng kasintahan. Hindi inaasahan ni Kael na nagmumula sa isang makapangyarihan na pamilya pala ang kanyang sinisinta. Graduate s'ya ng kolehiyo sa kursong electronics subalit alam n'ya na hindi ito sapat upang maipagmalaki s'ya ng kasintahan sa kanyang pamilya. Kaya nagsisikap s'ya upang makaipon. Dahil hilig din n'ya ang magbutingting ng mga pyesa ng mga sasakyan at motor kaya ginagawa n'yang sideline ang pagiging mekaniko sa tuwing day off n'ya sa regular n'yang trabaho sa isang appliance store. "Ano'ng oras ka makakauwi?" tanong ng kasintahan na tumawag sa kanya sa telepono.Patago ang kanilang relasyon ayon na din sa kanilang napag-usapan. Ang gusto kasi nila na mangyari ay ang maging stable muna sila financially bago nila ipakilala an
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more
Nabuwag na pangarap
Inasahan na ni Kael ang maaring kahihinatnan pagkatapos ng kanilang pagpapakasal. Hindi naman s'ya bato upang hindi magdamdam ngunit nagagawa n'yang magpakatatag para sa binubuong pamilya. Dalawang buwan pa lang simula nang naikasal sila ngunit hindi na mabilang ang mga insidente kung saan ay sinasadya s'yang ipahiya ng mga ito sa ibang tao."I'm sorry about Dad, perfectionist lang talaga iyon!" saad ng kanyang asawa na ipinagtatanggol ang ama.May ipinag-uutos kasi ito sa kanya na hindi n'ya agad naiintindihan at dahil doon ay pinag-initan s'ya at pinahiya sa harap ng mga kasambahay. "Alam ko naman kung ano ang nais nila ipamukha sa akin. Okay lang dahil matitiis ko pa naman," malumanay na pahayag n'ya sa kanyang asawa."Ako ang nahihiya dahil ikaw ang nahihirapan," sabi ni Noelle.Nakaupo silang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. Sa mansion sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga magulang ni Noelle na mawalay sa kanila ang nag-iisang anak na babae."Aya
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more
Rehas
Hindi man lang inabot ng buwan ay talagang nadiin si Kael sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya naisip na magagawa n'ya. Natagpuan n'ya ang sarili na himas ang malamig na rehas. Umiiyak s'ya sa panibugho dahil hindi ito ang buhay na pinangarap n'ya. Ang makasama ang taong mahal n'ya ang makapagpupuno sa lahat ng iyon. Subalit, ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa kinasasadlakan n'ya ngayon. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Iiyak ka man ng dugo ay walang makakarinig at magkakaroon ng pakialam sa iyo ang mga tao rito." Sabi ng boses ng isang lalaki.Buo at ma-awtoridad ang malaki at malamig na tinig nito. Sa unang tingin ay nakakatakot ang lalaki dahil bukod sa malaki ang katawan ay nakakatakot ang itsura nito. Marahil ay sa mga mata nito na akala mo ay tigre kung makatingin. "Ako si Mando. Matagal na ako rito. Labas pasok ako sa kulungan kaya kilala na ako rito ng mga pulis. Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki.Alanganin man s'ya ay pinagbigyan n'ya ito sa pagnanais na makilala
last updateLast Updated : 2022-07-13
Read more
Buhay selda
Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak. "Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando."Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan."Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakiki
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more
Panauhin
Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing."Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan."Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro."Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya."Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay
last updateLast Updated : 2022-08-10
Read more
Bagong buhay
Napakalaking pagbabago ang mga sumunod na mga araw para kay Kael."This is your space! Magiging kumportable ka rin. May mga makakasama ka naman dito na s'yang mag-aasikaso sa mga kailangan mo. Nandito rin naman ang mga magulang mo. Gusto mo bang sumilip sa kumpanya o mag-travel? Magsabi ka lang, pero kung ako ang masusunod mas maigi na take your time to heal, to travel saka ka sumabak sa negosyo. You have lost the chance to enjoy habang ikaw ay nasa kulungan," mahabang pahayag ng kanyang tiyuhin."Siguro po ay tama kayo. Magbakasyon na muna ako bago tingnan ang kumpanya. Pero hindi ba nakakailang? Ano ba naman ang pinag-aralan ko at mga naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa kumpanya? Iniisip ko na mag-aaral ako," naisip sabihin ni Kael.Ayaw n'ya ipahiya ang kanyang tiyuhin na malaki ang naitulong sa kanya. Gusto n'ya ma-improve ang kanyang sarili. Marami s'yang nais gawin para maipagmalaki ng kanyang pamilya. Wala s'yang ibang iniisip kundi ang makabawi sa kanila."Magagawan natin ng
last updateLast Updated : 2022-09-03
Read more
Landas
Naging masaya ang bakasyon nila ng pamilya. Lahat iyon ay dahil sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Magno. Nakabalik na sila galing sa mahabang bakasyon kasama ang mga magulang na sina Esther at Joe, maging ang kapatid n'ya sa mag-asawa na si Xandro. Mas natuwa ito dahil mas mai-enjoy nito ang buhay lalo na ang pag-aaral na hindi naghihikahos. Sa Manila nito napiling mag-aral samantala si Kael na ngayon ay kinikilala sa pangalan na Xian ay nais mag-aral sa ibang bansa. Nais n'ya maging magaling sa larangan ng negosyo upang maipagmamalaki s'ya ng kanyang pamilya. Paalis na s'ya ng bansa at umaasa s'ya na sa kanyang pagbabalik ay ibang Kael na ang haharap sa ibang tao. Habang wala pa s'ya, ang kanyang Uncle Magno at mga pinsan muna ang s'yang mamamahala sa kumpanya. "Mag-ingat ka sa Europa! Iba ang kultura doon kumpara dito sa atin," paalala ni Magno sa kanya."Alam ko naman po iyon, Papa. Huwag kayong mag-alala dahil uuwi ako rito ng buo at gwapo," saad n'ya na may halong biro.Papa an
last updateLast Updated : 2022-09-06
Read more
After five more years
"Diyos ko naman! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka, anak? Sana naman ay nasundo ka sa airport at nakapagluto man lang kami ng paborito mo," bungad ng ina.Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Halos hindi s'ya nito nakilala dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan at lalong gumanda ang kutis na s'yang nag-enhance pa lalo sa kanyang itsura at tindig. Nang nahimasmasan ay isang napakahigpit ng yakap nito at napalakas ang boses. Lumabas rin sa silid ang amain nang marinig ito. Kagaya ng ina ay niyapos rin s'ya ng lalaki. Mapapansin na matanda na nga ang dalawa subalit mas maaliwalas ang awra ng mga ito kumpara dati noong nasa kulungan s'ya at naghihirap ang kanyang pamilya."Okay lang po! Nakarating naman ako ng ligtas. Isa pa, gusto ko na ma-surpresa kayo," tugon n'ya."Sobra! Salamat naman at nandito ka na. Akala nga namin ay tuluyan mo ng iwan ang Pilipinas eh dahil masaya ka na sa buhay mo doon. Mas tahimik at walang makapanakit sa iyo," pahayag ni Esther."Hindi ko naman ha
last updateLast Updated : 2022-09-06
Read more
He got everything
Sa loob ng maiksing panahon ay naging effective na employer naman si Xian sa kanyang mga empleyado. Hindi maiwasan na may mga nagpapahiwatig sa kanya subalit umiiwas s'ya. Ayaw n'ya na magkaroon ng problema sa loob ng kanyang kumpanya lalo pa kung s'ya ang involve. Katatapos lang ng meeting n'ya kasama ang managers ng bawat departmento at masaya s'ya sa naging pag-usad ng kumpanya. Nadagdagan ang mga kliyente nila at marami sa kanyang mga empleyado ay masaya habang nagtatrabaho sa kanyang kumpanya."Boss, may tawag po para sa inyo!" saad ng kanyang sekretarya.Si Jasmin ay dati ng sekretarya ng mga naging boss sa kumpanya. Magaling ito at masayang kasama. Madalas ay ito ang ginagawang tagapagpadala ng mensahe at tulay ng mga gusto makalapit sa kanya. Makulit rin ito lalo na sa labas ng trabaho. "Sino daw sila?" tanong n'ya.Kababalik lang n'ya ng opisina."Si Boss Magno po," tugon ng babae.Bumalik na rin ito sa sarili n'yang station. Inatupag naman agad ni Xian ang nasabing tawag. X
last updateLast Updated : 2022-09-08
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status