Masaya ang mga nakalipas na taon kay Kael. Iyon ay dahil sinagot s'ya ng kanyang sinisinta na si Noelle. Nagkakilala sila dahil sa isang kaibigan na kaklase ng dalaga. Simula noon ay niligawan n'ya ito at kahit nagkaroon ng alinlangan ay sinagot s'ya ng kasintahan. Hindi inaasahan ni Kael na nagmumula sa isang makapangyarihan na pamilya pala ang kanyang sinisinta. Graduate s'ya ng kolehiyo sa kursong electronics subalit alam n'ya na hindi ito sapat upang maipagmalaki s'ya ng kasintahan sa kanyang pamilya. Kaya nagsisikap s'ya upang makaipon. Dahil hilig din n'ya ang magbutingting ng mga pyesa ng mga sasakyan at motor kaya ginagawa n'yang sideline ang pagiging mekaniko sa tuwing day off n'ya sa regular n'yang trabaho sa isang appliance store.
"Ano'ng oras ka makakauwi?" tanong ng kasintahan na tumawag sa kanya sa telepono.
Patago ang kanilang relasyon ayon na din sa kanilang napag-usapan. Ang gusto kasi nila na mangyari ay ang maging stable muna sila financially bago nila ipakilala ang bawat isa sa kani-kanilang mga pamilya.
"Gabi na siguro, Mahal. Marami pang customers na nakapila sa shop," saad n'ya.
"Ganun ba! Sige, bukas na lang tayo magkita bago ka pumasok sa trabaho." Sagot ng kasintahan.
Malapit lang ang kanyang trabaho bilang technician kung saan ilang metro lang ang pagitan ay mararating na ang gusali na pinagmamay-ari ng pamilya nito. Doon din ito ngayon nagtatrabaho bilang assistant manager kahit katatapos lang nito ng kolehiyo. Nag-iisang anak na babae kasi ito kaya ganun na lamang ang paghihigpit ng mga magulang kaya kung magkita man sila ay sa umaga bago sila papasok sa kanilang mga trabaho. Madalang din sila kung lumabas upang gumala at mag-out of town ngunit sulit din naman.
"Okay, sige. Sa dating tagpuan?" tanong n'ya kahit na alam naman n'ya kung saan sila madalas magtagpo.
"Oo naman, basta mag-ingat ka ha!" malambing na paalala ni Noelle sa kanya.
Isa ito sa magandang katangian kung bakit nagustuhan n'ya ang babae. Maliban sa maganda ay maunawain at napaka-humble na tao. Wala s'yang gaanong alam tungkol sa pamilya nito dahil sa tipid ito magkwento at ang laging bukambibig ay mahigpit ang kanyang mga magulang.
"Syempre naman, Mahal. Sige na baka nakakaabala na rin ako sa iyo dyan. Sasabihin ko sa iyo kung nakauwi na ako para hindi ka mag-alala," pagtatapos n'ya ng usapan.
Ibinaba na nga nito ang telepono saka bumalik na sa kanyang trabaho. Ayaw n'ya nababakante ang kanyang oras kaya naman hanggang kaya n'ya ay kanyang gagawin.
"Bata, ano'ng oras na hindi ka pa nagpapahinga?" puna sa kanya ng may-ari ng shop.
Matagal na nagtatrabaho ang kanyang ama sa naturang shop dahil mabubuting loob ang amo nito. Kanina pa umuwi ang kanyang ama dahil sa katandaan nito at may iniindang sakit kaya hindi na n'ya kaya ang mag-overtime gaya ng kanyang ginagawa.
"Okay lang po, malapit na po ito matapos saka na ako uuwi." Magalang na sagot n'ya sa mabait na amo.
Halos kasing-edad lang ito ng kanyang ama at matagal na magkakilala.
"Sige, pero huwag mo masyado pinapagod ang sarili mo. Mahirap na kung ikaw ang magkasakit," paalala ng lalaki.
"Alam ko naman po iyon. Salamat po sa paalala," saad n'ya.
Nagpaalam na ito na uuwi na kaya maiiwan na mag-isa si Kael. Sakto alas dyes na nang s'ya ay matapos sa ginagawa. Nagpunta s'ya sa washing area saka nagpalit ng damit bago umuwi. Matapos ma-lock ang shop ay sumakay na s'ya sa kanyang motorsiklo. Ito ang unang regalo n'ya sa sarili simula nang s'ya ay nagtrabaho upang may magamit sa araw-araw.
"Ano ang nangyari?" gulat na usal n'ya nang madatnan na wasak ang kanyang motor.
Palinga-linga s'ya upang tingnan kung may ibang tao maliban sa kanya. Gusto n'yang magwala sa galit at maiyak dahil grabe ang pag-iingat n'ya sa motor n'ya. Itinuring n'ya itong best friend dahil kasama n'ya ito sa lahat ng lakad n'ya.
"May problema ba, bro?" tanong ng isang lalaki.
Estranghero ito sa kanyang paningin. May tatlo pa itong mga kasama at malalaki ang mga katawan. Mga astig at mukhang matapang ang porma.
"Wala naman, Boss. Nagtataka lang ako kung sino ang may gawa nito sa paborito kong motor. Nag-iisa lang kasi ito at wala akong pambili ng bago," mahinahon ang boses na pahayag n'ya.
Hindi sumagot ang grupo bagkus ay lumapit ito sa kanya. Iba ang kanyang pakiramdam at hindi magandang senyales ang mga nagbabaga na paningin ng mga ito.
"Baka naman mahilig ka makialam sa mga bagay na hindi mo dapat pinapakailaman. Kaya ka siguro binalikan," saad ng lider ng grupo.
"Wala po akong maalala na nakaalitan ko," depensa n'ya.
"Ah talaga ba? Bakit mo pinakailaman ang kapatid ko?" maangas na tanong ng lider.
Pinakamalaki ito sa lahat. Matibay ang katawan at mabagsik tingnan.
"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo, Boss!" sagot n'ya.
Wala naman talaga s'yang ideya kung ano ang tinutukoy ng estranghero.
"Pero kilala mo si Noelle Mondragon?" tanong ng lalaki.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa naging tanong nito.
"Ano ang kailangan ninyo sa akin?" nagtataka na usisa n'ya sa pag-aasam na makakuha s'ya ng matinong sagot.
"Dito ka ba nagtatrabaho? Hindi ko lubos maisip na magagawa ito ng aking kapatid. Ano ang ginawa mo para patulan ka nya?" malakas ang boses na tanong ng lalaki na may pang-uuyam.
"Mahal ko si Noelle at ganun din s'ya. Seryoso ako sa kanya!" paglalahad n'ya.
Nakakalokong ngiti ang namutawi sa bibig nito.
"Mahal? Hindi makakain ang pagmamahal! Ano ang gusto mo? Pera ba? Kaya namin bilhin pati kaluluwa mo, sabihin mo lang at layuan mo ang kapatid ko!" saad ng lalaki.
"Pasensya na, brad! Pero hindi matutumbasan ng pera ang pagmamahal ko kay Noelle." Mariing pahayag n'ya.
"Alam mo ba na ikakasal na s'ya dapat kay Davis? Ngunit sigurista ka, hayop ka! Binuntis mo ba naman ang kapatid ko!" Pahayag ng matapang na lalaki.
Hindi n'ya napaghandaan ang pagbitaw nito ng suntok at tumama sa kanyang kanang pisngi. Naramdaman n'ya ang pamamaga nito. Tila manhid s’ya na hindi nasaktan sa suntok na ibinato sa kanya dahil nakatatak sa kanyang isipan ang pagbulgar nito sa kondisyon ni Noelle.
"Buntis si Noelle?" hindi makapaniwala na tanong n'ya.
Imbes na sagot ay isang malakas na tadyak ang kanyang natanggap kaya napangiwi s’ya sa sobrang sakit. Nahihilo na pinilit n'yang makatayo. Tumunog ang telepono ng lalaki. Nag-iba ang tono nito nang nagsalita ang kausap sa kabilang linya. Lumingon ito sa kanya bago magsalita. Tila hindi ito natuwa sa natanggap na balita. Pagkatapos nito makipag-usap ay pinatay nito ang hawak na telepono. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang leeg. Ang buong akala n'ya ay sasakalin s'ya ng nagpakilala na kapatid ni Noelle. Hawak ng tatlong lalaki ang kanyang mga kamay kaya hindi s'ya makagalaw.
"Ipasok s'ya sa sasakyan!" utos nito sa tatlong kasama.
"Pero, Boss ang akala namin ay hindi na ito dapat buhayin pa!" saad ng isang lalaki mula sa grupo na nagtaka dahil mukhang nagbago ang kanilang plano.
"Sumunod na lang tayo sa utos!" sigaw nito na halatang na-bad trip.
Itinali ng mga ito ang kanyang kamay saka ipinasok sa sasakyan. Naiwan ang kanyang motor na wasak sa isang sulok kasama ang kanyang personal na kagamitan. Hindi n'ya magawang sumigaw dahil may busal ang kanyang mga bibig at may piring ang mga mata. Masakit na ang kanyang mga braso dahil sa mahigpit na pagkakatali. Matagal ang kanilang naging byahe.
"Ibaba n'yo na iyan!" utos ng lider.
Maliksi na gumalaw ang mga ito saka s'ya ipinasok sa isang silid. Narinig n'ya ang mga yabag na patungo sa kanyang direksyon. Pilit na ipinipilig n'ya ang ulo ngunit wala s'yang maaninag kung sino ang paparating.
"Kael!" humahangos at umiiyak na sigaw ni Noelle.
Nakilala n'ya agad ang nag-aalala na boses nito.
"Kuya, ano ang ginawa ninyo sa kanya?" sita ni Noelle sa grupo.
"Gusto ko lang s'ya turuan ng leksyon. Kung ako ang masusunod pinatay ko na iyan eh. Ano ba ang nakita mo sa lalaking iyan ha? Wala s'yang maibigay sa iyo. Wala kang kinabukasan sa kanya," bulyaw ng Kuya ni Noelle.
"Nagmamahalan kami! Nagbabalak naman kami na sabihin sana sa inyo eh, naghahanap lang kami ng magandang pagkakataon. Nag-iipon kami para sa future namin at hindi kami aasa sa inyo!" pagtatanggol ni Noelle.
Alam n'ya na nasasaktan ito sa nangyayari kaya tahimik na pinapatahan n'ya ang nobya. Tinanggal na ang mga tali sa kanyang mga kamay at mata, maging ang busal sa kanyang bibig.
"Sa palagay mo sapat iyon? Nakakahiya ka! Ingrata! Alam mo kung sino talaga ang gusto namin para sa iyo, pero sumuway ka! And worst, nagpabuntis ka! Isang malalaking kahihiyan ang dinala mo sa pamilya. Hampas lupa na ang pinatulan mo, bumukaka ka at nagpabuntis ng hindi kasal!" bulyaw ng ama.
"Handa po akong pakasalan si Noelle. Kahit ano ay kaya kong gawin para sa kanya, pangako mamahalin ko s'ya at hinding-hindi po kayo magsisisi dahil hindi ko s'ya magawang saktan." Pahayag ni Kael.
Ito ang nakikita n'yang pagkakataon upang maipakilala ang sarili sa pamilya ng nobya.
"Dad, please! Hindi ko kayang mawala si Kael. Mas pipiliin ko ang mamatay kesa sa mahiwalay sa kanya. Hindi ko gusto si Davis!" pakiusap ni Noelle sa mga magulang.
Walang salita mula sa matandang Mondragon. Madilim ang mukha habang nakatitig ito kay Kael. Napapalunok at gustong manginig ni Kael.
"Kailangan maikasal kayo sa lalong madaling panahon! Hindi ko papayagan na lumaki ang tiyan ng anak ko na hindi kayo kasal," mariing pahayag ni Don Arnulfo Mondragon.
"What? I can't believe you are doing this!" hysterical na sambit ng ina ni Noelle.
Kontra ito sa naging desisyon ng asawa.
"I have made my decision and it was final!" ulit nito saka tumalikod at lumabas ng silid.
Sa isang bagong bodega s'ya dinala ng nagpakilala na Kuya ni Noelle. Matapos ang pag-uusap ay hindi na n'ya muling nakita ang mga ito.
Hindi umaalis sa kanyang tabi si Noelle habang nakahiga s'ya sa kama at nagpapagaling. Hinayaan sila na magkasama ngunit hindi nawawala ang pag-alala sa mukha ni Noelle.
"Bakit mukhang problemado ka? Okay naman pala sa Dad mo eh, s'ya pa ang nagpasya na ikakasal tayo. Hindi ka ba masaya?" saad n'ya sa nobya.
Bahagya itong ngumiti ngunit napawi rin.
"Sana nga! Hindi na magbabago ang isipan n'ya. Alam ko gagawin ni Mommy ang lahat upang huwag matuloy ang kasal. Salamat dahil naipagtanggol mo ang relasyon natin," halos pabulong na sabi ni Noelle.
Hinahaplos nito ang kanyang mukha habang nakatitig.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka?" naalala n'yang itanong.
"Gusto ko kasi sabihin sa iyo ng personal. Magkikita na dapat tayo kung hindi ka hinarang ng grupo ni Kuya," paglalahad ni Noelle.
Mabilis ang paggaling ni Kael dahil sa pangangalaga ng nobya. Samantala nag-alala naman ang kanyang mga magulang. Ipinaliwanag n'ya ang nangyari na mag-aasawa na s'ya. Nagulat man ngunit walang nagawa ang mga ito. Nababasa n'ya ang pag-alala sa kanilang mukha kahit hindi sila nagsasalita.
"Simpleng kasal lang ang mangyayari. Hindi naman espesyal ang okasyon. Ang mahalaga sa amin ay ang maisalba sa kahihiyan ang pamilya ngunit ayaw namin mailathala na ang aking Unica hija ay nag-asawa ng isang dukha," panimula ng ina ng babae.
Nakayuko lamang ang mga magulang ni Kael sa naging pahayag ng mayamang babae.
"Siguro mas okay na iyon kesa sa may mapapabalita na hindi magandang nangyayari sa ating angkan. Hindi man buo ang pagtanggap kay Kael ng aming pamilya subalit mas mahalaga sa amin ang aming anak. Ayaw namin na mapahamak s'ya kaya kung ito ang makapagpapasaya sa kanya, hahayaan namin s'ya." Dagdag pa na sabi ni Don Mondragon.
Kahit na may pagtutol ay masaya at malugod na tinanggap ni Kael ang hamon at pagpapasya ng mag-asawang Mondragon. Handa s'yang gawin ang lahat upang maging buo, masaya at maipakita na isa s'yang matinong tao para kay Noelle.
"Maraming salamat po, Mommy at Daddy! Huwag po kayong mag-alala dahil mabait po si Kael at responsable kaya hindi po kayo magsisisi," masayang tugon ni Noelle sa mga magulang.
Natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. Natupad ang kanilang matagal na pinapangarap. Bagamat simple, ang mahalaga ay mag-asawa na sila at magkakaroon na sila ng supling. Hindi naman lingid sa kanila na hindi pabor ang kanilang mga magulang ngunit para sa kanila ay isa itong napakalaking hamon na kailangan nila malampasan.
Inasahan na ni Kael ang maaring kahihinatnan pagkatapos ng kanilang pagpapakasal. Hindi naman s'ya bato upang hindi magdamdam ngunit nagagawa n'yang magpakatatag para sa binubuong pamilya. Dalawang buwan pa lang simula nang naikasal sila ngunit hindi na mabilang ang mga insidente kung saan ay sinasadya s'yang ipahiya ng mga ito sa ibang tao."I'm sorry about Dad, perfectionist lang talaga iyon!" saad ng kanyang asawa na ipinagtatanggol ang ama.May ipinag-uutos kasi ito sa kanya na hindi n'ya agad naiintindihan at dahil doon ay pinag-initan s'ya at pinahiya sa harap ng mga kasambahay. "Alam ko naman kung ano ang nais nila ipamukha sa akin. Okay lang dahil matitiis ko pa naman," malumanay na pahayag n'ya sa kanyang asawa."Ako ang nahihiya dahil ikaw ang nahihirapan," sabi ni Noelle.Nakaupo silang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. Sa mansion sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga magulang ni Noelle na mawalay sa kanila ang nag-iisang anak na babae."Aya
Hindi man lang inabot ng buwan ay talagang nadiin si Kael sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya naisip na magagawa n'ya. Natagpuan n'ya ang sarili na himas ang malamig na rehas. Umiiyak s'ya sa panibugho dahil hindi ito ang buhay na pinangarap n'ya. Ang makasama ang taong mahal n'ya ang makapagpupuno sa lahat ng iyon. Subalit, ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa kinasasadlakan n'ya ngayon. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Iiyak ka man ng dugo ay walang makakarinig at magkakaroon ng pakialam sa iyo ang mga tao rito." Sabi ng boses ng isang lalaki.Buo at ma-awtoridad ang malaki at malamig na tinig nito. Sa unang tingin ay nakakatakot ang lalaki dahil bukod sa malaki ang katawan ay nakakatakot ang itsura nito. Marahil ay sa mga mata nito na akala mo ay tigre kung makatingin. "Ako si Mando. Matagal na ako rito. Labas pasok ako sa kulungan kaya kilala na ako rito ng mga pulis. Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki.Alanganin man s'ya ay pinagbigyan n'ya ito sa pagnanais na makilala
Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak. "Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando."Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan."Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakiki
Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing."Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan."Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro."Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya."Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay
Napakalaking pagbabago ang mga sumunod na mga araw para kay Kael."This is your space! Magiging kumportable ka rin. May mga makakasama ka naman dito na s'yang mag-aasikaso sa mga kailangan mo. Nandito rin naman ang mga magulang mo. Gusto mo bang sumilip sa kumpanya o mag-travel? Magsabi ka lang, pero kung ako ang masusunod mas maigi na take your time to heal, to travel saka ka sumabak sa negosyo. You have lost the chance to enjoy habang ikaw ay nasa kulungan," mahabang pahayag ng kanyang tiyuhin."Siguro po ay tama kayo. Magbakasyon na muna ako bago tingnan ang kumpanya. Pero hindi ba nakakailang? Ano ba naman ang pinag-aralan ko at mga naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa kumpanya? Iniisip ko na mag-aaral ako," naisip sabihin ni Kael.Ayaw n'ya ipahiya ang kanyang tiyuhin na malaki ang naitulong sa kanya. Gusto n'ya ma-improve ang kanyang sarili. Marami s'yang nais gawin para maipagmalaki ng kanyang pamilya. Wala s'yang ibang iniisip kundi ang makabawi sa kanila."Magagawan natin ng
Naging masaya ang bakasyon nila ng pamilya. Lahat iyon ay dahil sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Magno. Nakabalik na sila galing sa mahabang bakasyon kasama ang mga magulang na sina Esther at Joe, maging ang kapatid n'ya sa mag-asawa na si Xandro. Mas natuwa ito dahil mas mai-enjoy nito ang buhay lalo na ang pag-aaral na hindi naghihikahos. Sa Manila nito napiling mag-aral samantala si Kael na ngayon ay kinikilala sa pangalan na Xian ay nais mag-aral sa ibang bansa. Nais n'ya maging magaling sa larangan ng negosyo upang maipagmamalaki s'ya ng kanyang pamilya. Paalis na s'ya ng bansa at umaasa s'ya na sa kanyang pagbabalik ay ibang Kael na ang haharap sa ibang tao. Habang wala pa s'ya, ang kanyang Uncle Magno at mga pinsan muna ang s'yang mamamahala sa kumpanya. "Mag-ingat ka sa Europa! Iba ang kultura doon kumpara dito sa atin," paalala ni Magno sa kanya."Alam ko naman po iyon, Papa. Huwag kayong mag-alala dahil uuwi ako rito ng buo at gwapo," saad n'ya na may halong biro.Papa an
"Diyos ko naman! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka, anak? Sana naman ay nasundo ka sa airport at nakapagluto man lang kami ng paborito mo," bungad ng ina.Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Halos hindi s'ya nito nakilala dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan at lalong gumanda ang kutis na s'yang nag-enhance pa lalo sa kanyang itsura at tindig. Nang nahimasmasan ay isang napakahigpit ng yakap nito at napalakas ang boses. Lumabas rin sa silid ang amain nang marinig ito. Kagaya ng ina ay niyapos rin s'ya ng lalaki. Mapapansin na matanda na nga ang dalawa subalit mas maaliwalas ang awra ng mga ito kumpara dati noong nasa kulungan s'ya at naghihirap ang kanyang pamilya."Okay lang po! Nakarating naman ako ng ligtas. Isa pa, gusto ko na ma-surpresa kayo," tugon n'ya."Sobra! Salamat naman at nandito ka na. Akala nga namin ay tuluyan mo ng iwan ang Pilipinas eh dahil masaya ka na sa buhay mo doon. Mas tahimik at walang makapanakit sa iyo," pahayag ni Esther."Hindi ko naman ha
Sa loob ng maiksing panahon ay naging effective na employer naman si Xian sa kanyang mga empleyado. Hindi maiwasan na may mga nagpapahiwatig sa kanya subalit umiiwas s'ya. Ayaw n'ya na magkaroon ng problema sa loob ng kanyang kumpanya lalo pa kung s'ya ang involve. Katatapos lang ng meeting n'ya kasama ang managers ng bawat departmento at masaya s'ya sa naging pag-usad ng kumpanya. Nadagdagan ang mga kliyente nila at marami sa kanyang mga empleyado ay masaya habang nagtatrabaho sa kanyang kumpanya."Boss, may tawag po para sa inyo!" saad ng kanyang sekretarya.Si Jasmin ay dati ng sekretarya ng mga naging boss sa kumpanya. Magaling ito at masayang kasama. Madalas ay ito ang ginagawang tagapagpadala ng mensahe at tulay ng mga gusto makalapit sa kanya. Makulit rin ito lalo na sa labas ng trabaho. "Sino daw sila?" tanong n'ya.Kababalik lang n'ya ng opisina."Si Boss Magno po," tugon ng babae.Bumalik na rin ito sa sarili n'yang station. Inatupag naman agad ni Xian ang nasabing tawag. X
"Why are you sad?" tanong ni Noelle sa anak.Napansin n'ya kasi na matamlay ito. Sa isang sulok lang ito ng kwarto habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip ng kanyang anak kaya naman ay nilapitan n'ya ito. "Mom!" mahinang bulalas nito na hindi naman nagulat sa bigla n'yang pagsulpot."What's the matter?" malambing na tanong n'ya sa anak.Umiling ito na halatang may pag-alinlangan. "Don't be afraid. I won't be mad. Mas gusto ko na nagsasabi ka," dagdag na sabi n'ya upang huwag mailang ang anak."Mom, do you know he is leaving?" tanong ng anak.Hindi n'ya masyadong naintidihan ang ibig nitong sabihin."Sino?" nagtataka na tanong n'ya sa anak upang masiguro kung ano at sino ang tinutukoy nito."Daddy told me he is leaving. Hindi ba s'ya nagpaalam sa iyo?" sabi ng anak.Tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Naiintindihan ko kung bakit malungkot ka. Sigurado naman ako na babalik s'ya ng bansa. Nandito ang mga negosyo n'ya at syempre ikaw. Alam mo naman na hi
Masaya ka na ngayong nahatulan at nakulong na si Daddy?" halos pabulong na tanong ni Noelle.Sumundo s'ya sa anak at hindi na s'ya nagtaka na nandoon din ang lalaki. Mas naging madalas ang paglalaan nito ng oras sa kanilang anak. Pagkatapos madiin sa kasalanan ang ama ay naging malungkutin si Gabriel. Dahil mahal nito ang matanda lalo na lumaki s'ya na walang ama sa kanyang tabi. Kaya naman ay ginagawa ni Xian ang lahat upang mabawasan kung hindi man tuluyang mabura ang sama ng loob nito sa nangyari. Nakaupo sila habang tinatanaw ang anak na noon ay abala sa kanyang practice sa paborito nitong sport na soccer. Nagsisimula na ito nahilig sa sports. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on? Anyways, hindi kita masisisi dahil tatay mo ang pinag-uusapan natin dito," tugon ng lalaki.Bumuntong-hininga si Noelle. Ayaw n'ya makipagtalo sa lalaki. Ngunit hindi n'ya mapigilan ang sarili na hindi maglabas ng kanyang nararamdaman. Lalo na ngayon na malaki ang naging epekto nito sa
Naging sunod-sunuran si Noelle sa kagustuhan ng mga magulang sa takot na tuluyan s'yang itakwil at madamay ang anak na hindi pa naisisilang. Matinding depression, anxieties at stress ang dulot nito sa kanya. Dagdagan pa ng na-diskubre n'ya na niloloko s'ya ni Kael. Matapos pinalayas ng ama ang asawa sa mansion ay halos ikamatay n'ya ito. "You don't deserve him! Mabuti na rin iyan na habang maaga ay malaman mo ang totoo na hindi s'ya tunay sa iyo. Kayamanan lang natin ang gusto ng oportunista na iyon kaya ikaw ang napili n'ya na maging biktima. Malas lang n'ya dahil maagap at matalino ang iyong ama kaya agad na nalaman natin ang totoong layunin n'ya," sabi ng ina.Pinapalubag nito ang kanyang loob ngunit halos ayaw tumigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pinalalabas nito na hindi s'ya mahal ni Kael. "Hindi ako makapaniwala na magagawa n'ya ito. Ang alam ko mahal n'ya ako at kaya n'yang panindigan ang pagmamahal na iyon. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na kulang ako dahi
Pagkatapos ng maraming insidente na nangyari sa kanyang negosyo ay nagsimula na magpa-imbestiga si Xian. Handa s'yang harapin at mapanagot ang may gawa ng lahat ng pananabotahe sa kanyang kumpanya. Nakuha n'ya at ng kanyang abogado ang mga dokumento na magsilbing ebidensya laban sa Don."Ever since ay naging aso na sunod-sunuran si Davis sa pag-asa na matatanggap s'ya ni Noelle sa buhay nito. Kawawang lalaki! Gwapo, matalino at mayaman ngunit na-uto ng isang kagaya ni Don Arnulfo," sabi n'ya sa kanyang abugado."Saan mo nakalap lahat ng ito?" nagtataka na tanong ng kanyang abogado."Some helped me. Huwag kayo mag-alala dahil legit ang lahat ng sources nito at may mga handang tumestigo laban sa kanya," saad n'ya sa abogado.Tingin kasi n'ya ay nagdadalawang-isip pa ito."Okay. Pag-aaralan ko ang lahat ng ito and I will get back to you as soon as I can," tugon ng kanyang abogado.Sa opisina n'ya ito ngayon upang doon sila mag-usap. Wala s'yang ibang inatupag in the past few days kundi a
"Bakit ginabi kayo?" masama ang timpla ng mukha na sita ng Donya.Hinarangan pa nito ang kanilang daraanan. Napatingin si Gabriel sa kanya dahil hindi s'ya sumagot sa tanong ng Lola nito."Mom picked me up from school po. We were with Daddy for a short time," sagot ng bata."Sabi ko na nga ba eh. Nakipagkita ka sa lalaking iyon. Para ano? Para lalong idiin ang ama mo?" hirit nito na hindi man lang s'ya tinanong sa nangyari."Mom, you don't know what you are saying. Let's just talk some other time. This isn't the perfect time, we are all tired for whole day's work," saad n'ya."Pagod? All I know was you didn't go out to work. You went somewhere. Ano ang ginagawa mo habang nahihirapan sa sitwasyon n'ya ang Daddy ninyo, ha? I know what I am saying and I am sure about my feelings. Siguro masaya kayo behind our back dahil nagsa-suffer na ang asawa ko sa bilangguan," patuloy na litanya ng ina."Anak, you go upstairs and change. I will call you when dinner is ready," utos n'ya sa anak upang
Malaking surpresa ang nangyaring pagkahuli kay Don Arnulfo. Nabigla ang lahat lalo na ang Donya."Hindi ninyo magagawa ito sa asawa ko," bulalas ng matandang babae."May proseso po tayo na kailangan sundin. Kung tunay na walang kasalanan ang asawa ninyo ay mapapawalang-sala po s'ya," tugon ng pulis.Umalis na ang mga ito habang ang Donya ay naiwan na nakatulala. Mabilis na tinawagan ng katulong ang mga anak ni Don Arnulfo. Mabilis na dumating ang mga ito at nagpulong. Late na nakarating si Noelle dahil galing pa s'ya sa malayo. May nilakad s'ya na mahalaga. Nagtaka s'ya sa nakitang emosyon ng mga kapatid. Galit ang itsura ng mga ito."Ano ang problema? Bakit kumpleto yata tayo. Nasaan si Daddy?" tanong ni Noelle.Nakatingin ang lahat sa kanya. "Alam mo kasalanan mo lahat ng ito eh. Kung hindi dahil umandar ang kati at kagagahan mo ay tahimik sana ang buhay natin," sabi ng kanyang Kuya habang dinuduro s'ya.Nalilito na hindi n'ya alam kung paano mag-react."Hindi ko alam ang sinasabi n
Masayang-masaya ang Don sa nagiging takbo ng lahat lalo na sa plano n'ya na makipagbati at ayusin ang pakikitungo sa anak ng kanyang namayapa na kaibigan. Lahat na nangyayari ay naayon sa kanyang plano. Ang dating iniisip n'ya na impossible na magkasundo sila ni Xian ay tuluyan ng nabura. Lalo na pumayag ito na magdagdag ng kanyang investment sa kumpanya kapalit ng kagustuhan nito para umano sa ikabubuti ni Gabriel na kanyang apo. "Dad, ano ang kinalaman mo sa nangyayari sa mga negosyo ni Xian?" usisa ni Noelle.Kagagaling lang nito sa naudlot na bakasyon kasama si Xian. Naging malaya na ito gawin ang nais basta ang kapalit naman ay ang kaginhawaan sa kanyang buhay lalo na ngayon na tumatanda s'ya. Dapat ay mas maging praktikal at matalino s'ya sa pagdesisyon."Ano ang sinasabi mo? Kita mo naman na magkasundo na kami ng tao tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo? Hindi mo ba naisip na malaki rin ang mawawala sa akin sa oras na mawalan ng interes si Xian sa kumpanya dahil sa trahedya?
Hindi masyadong ininda ni Xian ang nangyaring sunog. Para sa kanya ay walang value ito kumpara sa kinikita ng kanyang kumpanya. Mas naka-focus s'ya sa kanyang investment sa kumpanya ni Don Arnulfo. Ito ang mas kailangan n'ya pagtuunan ng pansin lalo na bago pa lang ito at marami pang kailangan gawin. Sa isang business conference s'ya for three days kaya naman ay inatasan n'ya ang kanyang sekretarya at si Mando na sila muna ang pansamantala na tatanaw habang wala s'ya kasama ang iba pang mapagkakatiwalaan na mga empleyado sa kumpanya. Sa China s'ya nag-attend ng nasabing conference. Katatapos lang ng kanyang first day sa nasabing pagtitipon at sa isang hotel s'ya namalagi kung saan din ginaganap ang conference. Nakatayo s'ya habang nakatingin sa malawak na siyudad. Na-enjoy naman n'ya kahit paano ang tanawin. Nakaka-relax na para sa kanya ang makakita at makaranas ng bagong paligid. Bumalik sa katotohanan ang kanyang isipan dahil sa isang tawag. "Ano? Nasaan ka ngayon?" tanong n'ya.T
Malaking tulong ang naging deal nila ni Don Mondragon. Masunurin naman pala talaga ito. Nagagawa na n'ya ang kanyang gusto sa oras kung kailan bakante s'ya at nais n'ya makapiling ang anak. Madalang naman kung sila ay magkasalubong ng matanda at wala na rin s'ya halos balita kay Davis pagkatapos ng kanyang narinig na pag-usap nito kasama si Noelle. Weekend kaya naman ay niyaya n'ya ang anak na mag-out of town. Nais pa nito na isama ang ina at dahil hindi n'ya magawang tanggihan ang kagustuhan ng anak kaya pumayag s'ya. Sa isang resort sa kabilang probinsya n'ya dinala ang mga ito. Nais kasi n'ya na maiba naman ang kanilang environment matapos ang mahabang oras sa trabaho. Umaga pa lang ay nasa byahe na sila. Makikita na excited ang anak sa kanilang pupuntahan. First time kasi na mag-out of town sila na magkasama. "Daddy, thanks for the invite!" pasalamat nito.Kabababa lang nila ng sasakyan at nasa labas pa lang sila ng resort ngunit makikita agad ang magandang tanawin mula roon."Yo