Share

Panauhin

Author: ArEnJayne
last update Huling Na-update: 2022-08-10 21:17:09

Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing.

"Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan.

"Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.

Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro.

"Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya.

"Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay ulit ang lahat, pipiliin ko na maging mayaman. Siguro hindi ganito ang naging takbo ng buhay ko." Pahayag n'ya.

Tinapik nito ang kanyang balikat bilang suporta at pagpapalakas ng kanyang loob.

"Bakit hindi mo minsan sinagot ang tawag mula sa kanya? Hindi ka ba nasasabik?" usisa ng lalaki.

"Wala naman dapat pag-usapan pa. Pamilya pa rin n'ya ang masusunod at papakinggan n'ya. Kaya para saan pa na kausapin ko s'ya," masama ang loob na saad ni Kael sa kaibigan.

"Malay mo, gusto n'ya humingi ng tawad. Baka may importante s'yang sasabihin. O hindi kaya ay kinumusta mo na man lang sana ang anak ninyo," patuloy ng kaibigan.

"Bakit mo ipinagpipilitan ang tungkol sa amin?" tanong n'ya.

Na-ikwento n'ya minsan dito ang kanyang buong buhay. Kung paano nagsimula ang lahat bago s'ya humantong sa kasalukuyang sitwasyon.

"Dahil hindi ako nawawalan ng pag-asa," sagot nito.

Umiling s'ya dahil ayaw na n'yang pahabain pa ang paksa.

"Kung sakali na makakalabas ka ng kulungan, ano ang una mong gagawin?" tanong ng kaibigan.

"Gusto ko makita at makasama ang mga magulang ko. Aalagaan ko sila at pipilitin ko na baguhin ang buhay namin. Siguro, kung magkaroon ng pagkakataon ay nais ko makita at makilala ang anak ko." Pahayag n'ya.

"Natutuwa ako makinig sa mga gusto mo gawin," sagot nito.

"May uuwian ka ba sa paglabas mo?" balik tanong n'ya.

Umiling ito at naging malamlam ang mga mata.

"Huwag kang malungkot dahil mananatili tayo na magkaibigan hanggang sa labas. Welcome ka sa bahay namin," saad ni Kael.

"Salamat, pare!" tugon ng tigasin na lalaki.

Bumalik na sila sa kanilang selda.

"Mariano, may dalaw ka!" tawag ng isang bantay.

Sabik na tumayo s'ya at lumapit rito. Naka-posas ang kanyang mga kamay palabas ng kulungan. Iginiya s'ya nito sa isang silid kung saan maaring maghintay ang mga dalaw. Hinanap n'ya ang familiar na mukha na inaasahan n'ya na s'yang dadalaw sa kanya ngunit wala naman ito. Ang tanging nandoon ay ang isang lalaki na matamang nakatingin sa kanya.

"Mariano, dito ka na maupo," utos ng naka-uniporme na lalaki.

Sumunod naman s'ya. Sinalubong n'ya ang mga mata ng bisita. Hindi n'ya ito kilala. Mukhang mayaman ang kanyang bisita dahil sa tindig at uri ng pananamit nito. Matagal s'ya nakaupo habang nakaharap rito. Hinintay n'ya na magsalita ito dahil wala s'yang kaalam-alam kung sino ito at kung ano ang pakay nito.

"Magtitinginan lang ba tayo dito?" hindi nakatiis na tanong n'ya.

Tumikhim ng bahagya ang bisita. Mukhang naghahanap din ito ng bwelo bago magsalita.

"I came here to see you personally. I have heard a lot about you," panimula nito.

Nakinig lang s'ya sa ibang sasabihin nito. Naiintindihan n'ya ang mga salitang ginamit nito.

"Sorry! Dapat pala at nagsalita ako sa tagalog. Na-curios ako kaya ako nagpunta rito dahil gusto ko makita ka ng personal. Napapaisip tuloy ako kung paano ka nagustuhan ng kagaya ni Noelle. Well, may itsura ka naman ngunit wala ka namang dating. Anyway, nandito lang ako para magpakilala. Ako si Davis Montelibano, ang bagong asawa ni Noelle Mondragon." Mahabang pahayag ng lalaki.

Wala s'yang ibang naiintindihan sa mga sinabi nito maliban sa mga huling salita ng nagpakilalang lalaki.

"Iyon lang ba ang pakay mo?" nanghahamon na tanong ni Kael.

Balewala sa kanya ang mga sinabi nito.

"Well, I just wanted to tell you na huwag ka ng umasa na may babalikan ka pa sa paglabas mo," mayabang na paliwanag ng lalaki.

"Wala kang dapat ipag-alala dahil malabo na makalabas ako rito. Isa pa, hindi ko na iniisip pa na may babalikan ako sakali man na makalabas ako," sagot ni Kael.

"Mabuti naman kung ganun," tugon ng bisita.

"Oo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nag-aksaya ka ng panahon sa kagaya ko." saad ni Kael.

"Don't think it that way na insecure ako kaya kita kinausap. It is just out of curiosity," depensa nito.

"Wala naman akong sinabi na kahit ano. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Kung iyan lang ang pinunta mo rito, salamat. Hindi ko na kailangan pa na kumustahin sila. Sigurado naman ako na masaya sila at nasa mabuti silang sitwasyon. Mas tahimik ang lahat kung nasa malayo ako," pahayag n'ya.

"Nice thought. Hindi na ako magtatagal. Nice meeting you!" pagtatapos ng lalaki.

May inabot ito na isang papel. Hindi n'ya binuksan ang nilalaman nito. Mukhang pinahintulutan ito ng bantay. Bumalik s'ya sa loob na hindi man lang sinilip ang nilalaman ng papel na iyon.

"Sino ang dumalaw sa iyo? Bakit nakakunot ang itsura mo?" tanong nito.

"Asawa ni Noelle. Pumunta s'ya upang magpakilala. Nag-usap lang kami sandali." Pagbibigay alam n'ya.

"Nagyabang lang pala. Masyadong malakas ang loob ah pero halatado na insecure s'ya," pahayag ng lalaki.

"Ma-insecure s'ya sa katulad ko? Nakakatawa! Wala naman ako'ng maipagmamalaki," pakli n'ya.

"Hindi iyon dadalaw dito upang makita kung talagang hindi s'ya lugi sa iyo. Sus, mga ganyang tao hangin lang mayroon sa mga iyan pero walang laman kundi puro yabang." Komento ni Mando.

"Ano pa ngayon ang ikalulugi n'ya? Eh nasa kanya na ang lahat ng mayroon ako. Pero okay lang iyon, sa tingin ko naman ay masaya sila. " Patuloy na sabi ni Kael sa kaibigan.

"Sigurado ka na sa sinasabi mo na wala ka na talagang pakialam sa kanila? Baka mamaya malulon mo ang dila mo at bigla ay kabigin mo sila pabalik," saad ni Mando sa kanya.

Kibit balikat ang kanyang naging tugon. Wala s'yang kailangan patunayan dahil hindi naman s'ya malaya na makakagalaw.

"Kung ako sa iyo, dapat lagi kang handa at positibo lang dapat ang iniisip. Malay mo sa makalawa ay laya ka na," patuloy na sabi ng kaibigan.

"Sige na, maniniwala na talaga ako sa iyo," sagot n'ya sa kaibigan.

Ang naging pag-uusap na iyon ng kanyang kaibigan ang hindi n'ya makakalimutan. Dahil ilang buwan lang ay nakatanggap s'ya ng hindi inaasahan na bisita. Natagpuan na lamang n'ya ang sarili matapos ang mahabang panahon na paghihintay sa isang napakalaking bahay kasama ang nagpakilalang pamilya.

"Hayaan mo dahil makakabawi rin ako sa iyo," pabulong na sabi n'ya.

Balak n'yang tulungan sa kaso si Mando upang makalabas din ito. Kakausapin n'ya ang abogado ng pamilya upang maisagawa ang kanyang binabalak. Nagkaroon sila ng kaunting salo-salo kasama ang kanyang mga magulang at malalapit na kamag-anak. Sa isang hotel ito ginanap. Nangyari iyon isang araw matapos s'ya mailabas ng kulungan. Sa unang gabi n'ya sa malaking bahay ay nanatili na mulat ang kanyang mga mata. Napakalayo nito sa buhay na inaasahan n'ya kung mangyari nga na makalaya s'ya. Isang biyaya ang mapawalang-sala s'ya sa kaso upang makapamuhay ng panibago na malayo sa gulo at kapahamakan kasama ang mga nagkaka-eydad na n'yang mga magulang.

"Are you okay?" tanong ng kanyang tiyuhin na may hawak din ng baso na naglalaman ng alak.

"Opo, salamat!" tipid na tugon n'ya.

Hindi pa rin n'ya maiwasan ang makadama ng pagkailang.

"Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi. Pamilya tayo rito at gaya ng sinabi ko pantay-pantay ang lahat sa atin," pahayag ng kapatid ng ama.

Tumango s'ya bilang tugon. Naisip n'ya na baka ito na ang tamang pagkakataon upang buksan at sabihin n'ya ang nag-iisang kahilingan na nais n'ya sana matupad. Inarok n'ya ang pagkasabi nito sa kanya at sa tingin n'ya ay hindi ito nagbibiro.

"Kailangan ko sana ng tulong para sa isang kaibigan." Panimula n'ya.

"Ano ang gusto mo mangyari," saad n'ya.

Ipinagtapat n'ya ang nais n'yang mangyari. Hindi ito ang unang pabor na pinagbigyan ng mga ito.

"I will see what I can do," tugon nito.

Nagpasalamat si Kael sa kabutihan ng pamilya ng ama.

"Mag-enjoy muna tayong ngayong gabi. Huwag kang mahihiya dahil para sa iyo ito." Pahayag nito.

Ngumiti s'ya bilang ganti sa sinabi nito. Isang dinner lang naman ang nangyari at may kaunting kasiyahan gaya ng pagsasayawan at kantahan kaya naaliw ang lahat. Masaya s'ya mula sa isang sulok habang nanunuod sa mga ito. Walang maitulak kabigin dahil talaga naman na magagandang lahi ang kanyang pinanggalingan. Ngayon ay alam na n'ya ang dahilan kung bakit hindi sila magkakamukha ng kinilala n'yang mga magulang.

Kaugnay na kabanata

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Bagong buhay

    Napakalaking pagbabago ang mga sumunod na mga araw para kay Kael."This is your space! Magiging kumportable ka rin. May mga makakasama ka naman dito na s'yang mag-aasikaso sa mga kailangan mo. Nandito rin naman ang mga magulang mo. Gusto mo bang sumilip sa kumpanya o mag-travel? Magsabi ka lang, pero kung ako ang masusunod mas maigi na take your time to heal, to travel saka ka sumabak sa negosyo. You have lost the chance to enjoy habang ikaw ay nasa kulungan," mahabang pahayag ng kanyang tiyuhin."Siguro po ay tama kayo. Magbakasyon na muna ako bago tingnan ang kumpanya. Pero hindi ba nakakailang? Ano ba naman ang pinag-aralan ko at mga naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa kumpanya? Iniisip ko na mag-aaral ako," naisip sabihin ni Kael.Ayaw n'ya ipahiya ang kanyang tiyuhin na malaki ang naitulong sa kanya. Gusto n'ya ma-improve ang kanyang sarili. Marami s'yang nais gawin para maipagmalaki ng kanyang pamilya. Wala s'yang ibang iniisip kundi ang makabawi sa kanila."Magagawan natin ng

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Landas

    Naging masaya ang bakasyon nila ng pamilya. Lahat iyon ay dahil sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Magno. Nakabalik na sila galing sa mahabang bakasyon kasama ang mga magulang na sina Esther at Joe, maging ang kapatid n'ya sa mag-asawa na si Xandro. Mas natuwa ito dahil mas mai-enjoy nito ang buhay lalo na ang pag-aaral na hindi naghihikahos. Sa Manila nito napiling mag-aral samantala si Kael na ngayon ay kinikilala sa pangalan na Xian ay nais mag-aral sa ibang bansa. Nais n'ya maging magaling sa larangan ng negosyo upang maipagmamalaki s'ya ng kanyang pamilya. Paalis na s'ya ng bansa at umaasa s'ya na sa kanyang pagbabalik ay ibang Kael na ang haharap sa ibang tao. Habang wala pa s'ya, ang kanyang Uncle Magno at mga pinsan muna ang s'yang mamamahala sa kumpanya. "Mag-ingat ka sa Europa! Iba ang kultura doon kumpara dito sa atin," paalala ni Magno sa kanya."Alam ko naman po iyon, Papa. Huwag kayong mag-alala dahil uuwi ako rito ng buo at gwapo," saad n'ya na may halong biro.Papa an

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   After five more years

    "Diyos ko naman! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka, anak? Sana naman ay nasundo ka sa airport at nakapagluto man lang kami ng paborito mo," bungad ng ina.Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Halos hindi s'ya nito nakilala dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan at lalong gumanda ang kutis na s'yang nag-enhance pa lalo sa kanyang itsura at tindig. Nang nahimasmasan ay isang napakahigpit ng yakap nito at napalakas ang boses. Lumabas rin sa silid ang amain nang marinig ito. Kagaya ng ina ay niyapos rin s'ya ng lalaki. Mapapansin na matanda na nga ang dalawa subalit mas maaliwalas ang awra ng mga ito kumpara dati noong nasa kulungan s'ya at naghihirap ang kanyang pamilya."Okay lang po! Nakarating naman ako ng ligtas. Isa pa, gusto ko na ma-surpresa kayo," tugon n'ya."Sobra! Salamat naman at nandito ka na. Akala nga namin ay tuluyan mo ng iwan ang Pilipinas eh dahil masaya ka na sa buhay mo doon. Mas tahimik at walang makapanakit sa iyo," pahayag ni Esther."Hindi ko naman ha

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   He got everything

    Sa loob ng maiksing panahon ay naging effective na employer naman si Xian sa kanyang mga empleyado. Hindi maiwasan na may mga nagpapahiwatig sa kanya subalit umiiwas s'ya. Ayaw n'ya na magkaroon ng problema sa loob ng kanyang kumpanya lalo pa kung s'ya ang involve. Katatapos lang ng meeting n'ya kasama ang managers ng bawat departmento at masaya s'ya sa naging pag-usad ng kumpanya. Nadagdagan ang mga kliyente nila at marami sa kanyang mga empleyado ay masaya habang nagtatrabaho sa kanyang kumpanya."Boss, may tawag po para sa inyo!" saad ng kanyang sekretarya.Si Jasmin ay dati ng sekretarya ng mga naging boss sa kumpanya. Magaling ito at masayang kasama. Madalas ay ito ang ginagawang tagapagpadala ng mensahe at tulay ng mga gusto makalapit sa kanya. Makulit rin ito lalo na sa labas ng trabaho. "Sino daw sila?" tanong n'ya.Kababalik lang n'ya ng opisina."Si Boss Magno po," tugon ng babae.Bumalik na rin ito sa sarili n'yang station. Inatupag naman agad ni Xian ang nasabing tawag. X

    Huling Na-update : 2022-09-08
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   They have crossed again

    Nag-enjoy sa mahabang bakasyon si Xian kasama ang kaibigan na si Michelle. Hinatid n'ya ito sa airport. Ito rin ang huling araw ng kanyang pahinga dahil babalik na rin s'ya sa kanyang trabaho. "I hope you enjoyed your stay," pahayag n'ya.Nakakapit sa kanyang bisig ang tila modelo na babaeng kaibigan. "Of course, I always do. Thanks for the company," malambing na sabi ni Michelle.Nag-iwan ito ng halik saka nag-check in kasabay ng kanyang luggage. Saka lamang umalis ng paliparan si Xian. Nasanay na s'ya ganung pangalan. Hindi na rin n'ya halos kilala ang dating katauhan ni Kael. "Where are you?" tanong ng kanyang Papa Magno.Isang tawag mula rito ang pumukaw sa kanyang isipan."Sorry, nawala sa isip ko. I'm on my way, hinatid ko lang sa airport ang isang kaibigan. How about you, Papa?" balik tanong n'ya."Almost there. I'll see you later," paalam nito.Mabilis na pinharurot n'ya ang dalang sasakyan. Patungo s'ya sa kulungan kung saan s'ya nanggaling. Araw ng paglaya ng kaibigan n'y

    Huling Na-update : 2022-09-10
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Crossed again

    Walang pagbabago sa mga araw na nagdaan sa buhay ni Xian. Maging s'ya ay nakadama ng pagkabagot minsan. Araw ng Sabado, madalas ay lumalabas s'ya upang maglaro ng golf subalit ngayon ay nasa bahay lamang s'ya dahil tinatamad s'ya lumabas at bigla na lang s'ya nawala sa mood."I heard you have met the famous Don Mondragon," saad ng kanyang tiyuhin.Sumadya ito sa kanyang bahay dala ang paborito nitong laruan. Mahilig ito sa cards at kahit hindi alam ni Xian kung paano ito laruin ay pinagsikapan n'ya na matuto. Pagkatapos ng lunch nang ito ay dumalaw sa kanyang bahay. Ngayon lang ulit ito nakapunta dahil madalas na ito mag-travel kasama ang asawa. Bakasyon ang bagong pinagkakaabalahan ng tiyuhin."Yes, I didn't expect to meet him at the party. He mentioned your name. Hindi ba n'ya alam na may anak ang dati n'yang kaibigan?" usisa n'ya."No. Ang alam n'ya ay namatay ang bata. Nobody knows about you and even everybody in this house aside from Esther, Joe and Mando. Ang alam nila ay anak k

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Golf incident

    Dahil walang pasok sa opisina kaya naisip ni Xian na mag-relax sa isang golf club. Nais n'ya maglaro kasama ang tiyuhin at si Magno. Naging automatic member s'ya dahil sa isang organization ng mga negosyante na sinalihan n'ya at isang malaking bagay ang pagiging Zaragoza n'ya upang maisama sa VIP list ng nasabing club. Ang naturang lugar ay may lawak na sampung ektarya at may mga nagagandahang palm trees sa paligid na halatang highly maintained. My man-made lake sa isang bahagi ng club at gusali kung saan nagsisilbi itong pahingahangan ng exclusive members. Alas sais pa lang ay nandoon na sila. Sinadya n'ya na maaga sila upang hindi sila maabutan ng mainit na sikat ng araw. Wala pang limang beses simula nang nakapasok s'ya sa club dahil mas lamang ang pagiging abala n'ya sa negosyo. Ngayon ay gamay na n'ya ang bawat sulok ng operation kaya nagagawa na n'yang mag-unwind kasama ang malapit na kaibigan at kamag-anak. "Bakit hindi mo inaya sina Rochelle, Papa?" tanong n'ya sa kanyang tiy

    Huling Na-update : 2022-09-12
  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Karibal

    "What do you expect me to do? Begging for you to keep your inclusion in the club?" nanggagalaiti sa galit na bulyaw ni Davis sa telepono."Do you really have to step down to this level, Mr. Montelibano? I am quiet disappointed," tugon n'ya na nanunuya.Ewan ba n'ya pero nakaramdam s'ya ng kakaibang katuwaan ngayon sa naging reaction ni Davis sa nangyari. Hindi n'ya inaakala na may pagka-childish ito na nagtatakip sa kanyang katapangan."I called to let you know that I am not frightened!" sagot nito sa kanya."Really? Hmmmm, then why do you bother yourself calling at this hour? I am a busy person and I thought you were too," pahayag n'ya.Oras ng trabaho at usually ay hindi s'ya nag-entertain ng tawag na hindi na-confirm ng kanyang sekretarya. Kaya lang ay hindi na kinaya ni Jasmin ang kakulitan at katigasan ng ulo ng tao sa kabilang linya. Nakailang tawag at paliwanag na umano ang babae subalit hindi tumigil si Davis hangga't hindi nakakausap ang amo."I was. But i couldn't wait for an

    Huling Na-update : 2022-09-13

Pinakabagong kabanata

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Napiling landas

    "Why are you sad?" tanong ni Noelle sa anak.Napansin n'ya kasi na matamlay ito. Sa isang sulok lang ito ng kwarto habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip ng kanyang anak kaya naman ay nilapitan n'ya ito. "Mom!" mahinang bulalas nito na hindi naman nagulat sa bigla n'yang pagsulpot."What's the matter?" malambing na tanong n'ya sa anak.Umiling ito na halatang may pag-alinlangan. "Don't be afraid. I won't be mad. Mas gusto ko na nagsasabi ka," dagdag na sabi n'ya upang huwag mailang ang anak."Mom, do you know he is leaving?" tanong ng anak.Hindi n'ya masyadong naintidihan ang ibig nitong sabihin."Sino?" nagtataka na tanong n'ya sa anak upang masiguro kung ano at sino ang tinutukoy nito."Daddy told me he is leaving. Hindi ba s'ya nagpaalam sa iyo?" sabi ng anak.Tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Naiintindihan ko kung bakit malungkot ka. Sigurado naman ako na babalik s'ya ng bansa. Nandito ang mga negosyo n'ya at syempre ikaw. Alam mo naman na hi

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Regrets

    Masaya ka na ngayong nahatulan at nakulong na si Daddy?" halos pabulong na tanong ni Noelle.Sumundo s'ya sa anak at hindi na s'ya nagtaka na nandoon din ang lalaki. Mas naging madalas ang paglalaan nito ng oras sa kanilang anak. Pagkatapos madiin sa kasalanan ang ama ay naging malungkutin si Gabriel. Dahil mahal nito ang matanda lalo na lumaki s'ya na walang ama sa kanyang tabi. Kaya naman ay ginagawa ni Xian ang lahat upang mabawasan kung hindi man tuluyang mabura ang sama ng loob nito sa nangyari. Nakaupo sila habang tinatanaw ang anak na noon ay abala sa kanyang practice sa paborito nitong sport na soccer. Nagsisimula na ito nahilig sa sports. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on? Anyways, hindi kita masisisi dahil tatay mo ang pinag-uusapan natin dito," tugon ng lalaki.Bumuntong-hininga si Noelle. Ayaw n'ya makipagtalo sa lalaki. Ngunit hindi n'ya mapigilan ang sarili na hindi maglabas ng kanyang nararamdaman. Lalo na ngayon na malaki ang naging epekto nito sa

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Gunita

    Naging sunod-sunuran si Noelle sa kagustuhan ng mga magulang sa takot na tuluyan s'yang itakwil at madamay ang anak na hindi pa naisisilang. Matinding depression, anxieties at stress ang dulot nito sa kanya. Dagdagan pa ng na-diskubre n'ya na niloloko s'ya ni Kael. Matapos pinalayas ng ama ang asawa sa mansion ay halos ikamatay n'ya ito. "You don't deserve him! Mabuti na rin iyan na habang maaga ay malaman mo ang totoo na hindi s'ya tunay sa iyo. Kayamanan lang natin ang gusto ng oportunista na iyon kaya ikaw ang napili n'ya na maging biktima. Malas lang n'ya dahil maagap at matalino ang iyong ama kaya agad na nalaman natin ang totoong layunin n'ya," sabi ng ina.Pinapalubag nito ang kanyang loob ngunit halos ayaw tumigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pinalalabas nito na hindi s'ya mahal ni Kael. "Hindi ako makapaniwala na magagawa n'ya ito. Ang alam ko mahal n'ya ako at kaya n'yang panindigan ang pagmamahal na iyon. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na kulang ako dahi

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Nadiin

    Pagkatapos ng maraming insidente na nangyari sa kanyang negosyo ay nagsimula na magpa-imbestiga si Xian. Handa s'yang harapin at mapanagot ang may gawa ng lahat ng pananabotahe sa kanyang kumpanya. Nakuha n'ya at ng kanyang abogado ang mga dokumento na magsilbing ebidensya laban sa Don."Ever since ay naging aso na sunod-sunuran si Davis sa pag-asa na matatanggap s'ya ni Noelle sa buhay nito. Kawawang lalaki! Gwapo, matalino at mayaman ngunit na-uto ng isang kagaya ni Don Arnulfo," sabi n'ya sa kanyang abugado."Saan mo nakalap lahat ng ito?" nagtataka na tanong ng kanyang abogado."Some helped me. Huwag kayo mag-alala dahil legit ang lahat ng sources nito at may mga handang tumestigo laban sa kanya," saad n'ya sa abogado.Tingin kasi n'ya ay nagdadalawang-isip pa ito."Okay. Pag-aaralan ko ang lahat ng ito and I will get back to you as soon as I can," tugon ng kanyang abogado.Sa opisina n'ya ito ngayon upang doon sila mag-usap. Wala s'yang ibang inatupag in the past few days kundi a

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Hear out at hatol

    "Bakit ginabi kayo?" masama ang timpla ng mukha na sita ng Donya.Hinarangan pa nito ang kanilang daraanan. Napatingin si Gabriel sa kanya dahil hindi s'ya sumagot sa tanong ng Lola nito."Mom picked me up from school po. We were with Daddy for a short time," sagot ng bata."Sabi ko na nga ba eh. Nakipagkita ka sa lalaking iyon. Para ano? Para lalong idiin ang ama mo?" hirit nito na hindi man lang s'ya tinanong sa nangyari."Mom, you don't know what you are saying. Let's just talk some other time. This isn't the perfect time, we are all tired for whole day's work," saad n'ya."Pagod? All I know was you didn't go out to work. You went somewhere. Ano ang ginagawa mo habang nahihirapan sa sitwasyon n'ya ang Daddy ninyo, ha? I know what I am saying and I am sure about my feelings. Siguro masaya kayo behind our back dahil nagsa-suffer na ang asawa ko sa bilangguan," patuloy na litanya ng ina."Anak, you go upstairs and change. I will call you when dinner is ready," utos n'ya sa anak upang

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Areglo

    Malaking surpresa ang nangyaring pagkahuli kay Don Arnulfo. Nabigla ang lahat lalo na ang Donya."Hindi ninyo magagawa ito sa asawa ko," bulalas ng matandang babae."May proseso po tayo na kailangan sundin. Kung tunay na walang kasalanan ang asawa ninyo ay mapapawalang-sala po s'ya," tugon ng pulis.Umalis na ang mga ito habang ang Donya ay naiwan na nakatulala. Mabilis na tinawagan ng katulong ang mga anak ni Don Arnulfo. Mabilis na dumating ang mga ito at nagpulong. Late na nakarating si Noelle dahil galing pa s'ya sa malayo. May nilakad s'ya na mahalaga. Nagtaka s'ya sa nakitang emosyon ng mga kapatid. Galit ang itsura ng mga ito."Ano ang problema? Bakit kumpleto yata tayo. Nasaan si Daddy?" tanong ni Noelle.Nakatingin ang lahat sa kanya. "Alam mo kasalanan mo lahat ng ito eh. Kung hindi dahil umandar ang kati at kagagahan mo ay tahimik sana ang buhay natin," sabi ng kanyang Kuya habang dinuduro s'ya.Nalilito na hindi n'ya alam kung paano mag-react."Hindi ko alam ang sinasabi n

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Kabayaran

    Masayang-masaya ang Don sa nagiging takbo ng lahat lalo na sa plano n'ya na makipagbati at ayusin ang pakikitungo sa anak ng kanyang namayapa na kaibigan. Lahat na nangyayari ay naayon sa kanyang plano. Ang dating iniisip n'ya na impossible na magkasundo sila ni Xian ay tuluyan ng nabura. Lalo na pumayag ito na magdagdag ng kanyang investment sa kumpanya kapalit ng kagustuhan nito para umano sa ikabubuti ni Gabriel na kanyang apo. "Dad, ano ang kinalaman mo sa nangyayari sa mga negosyo ni Xian?" usisa ni Noelle.Kagagaling lang nito sa naudlot na bakasyon kasama si Xian. Naging malaya na ito gawin ang nais basta ang kapalit naman ay ang kaginhawaan sa kanyang buhay lalo na ngayon na tumatanda s'ya. Dapat ay mas maging praktikal at matalino s'ya sa pagdesisyon."Ano ang sinasabi mo? Kita mo naman na magkasundo na kami ng tao tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo? Hindi mo ba naisip na malaki rin ang mawawala sa akin sa oras na mawalan ng interes si Xian sa kumpanya dahil sa trahedya?

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Business is business

    Hindi masyadong ininda ni Xian ang nangyaring sunog. Para sa kanya ay walang value ito kumpara sa kinikita ng kanyang kumpanya. Mas naka-focus s'ya sa kanyang investment sa kumpanya ni Don Arnulfo. Ito ang mas kailangan n'ya pagtuunan ng pansin lalo na bago pa lang ito at marami pang kailangan gawin. Sa isang business conference s'ya for three days kaya naman ay inatasan n'ya ang kanyang sekretarya at si Mando na sila muna ang pansamantala na tatanaw habang wala s'ya kasama ang iba pang mapagkakatiwalaan na mga empleyado sa kumpanya. Sa China s'ya nag-attend ng nasabing conference. Katatapos lang ng kanyang first day sa nasabing pagtitipon at sa isang hotel s'ya namalagi kung saan din ginaganap ang conference. Nakatayo s'ya habang nakatingin sa malawak na siyudad. Na-enjoy naman n'ya kahit paano ang tanawin. Nakaka-relax na para sa kanya ang makakita at makaranas ng bagong paligid. Bumalik sa katotohanan ang kanyang isipan dahil sa isang tawag. "Ano? Nasaan ka ngayon?" tanong n'ya.T

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Trahedya

    Malaking tulong ang naging deal nila ni Don Mondragon. Masunurin naman pala talaga ito. Nagagawa na n'ya ang kanyang gusto sa oras kung kailan bakante s'ya at nais n'ya makapiling ang anak. Madalang naman kung sila ay magkasalubong ng matanda at wala na rin s'ya halos balita kay Davis pagkatapos ng kanyang narinig na pag-usap nito kasama si Noelle. Weekend kaya naman ay niyaya n'ya ang anak na mag-out of town. Nais pa nito na isama ang ina at dahil hindi n'ya magawang tanggihan ang kagustuhan ng anak kaya pumayag s'ya. Sa isang resort sa kabilang probinsya n'ya dinala ang mga ito. Nais kasi n'ya na maiba naman ang kanilang environment matapos ang mahabang oras sa trabaho. Umaga pa lang ay nasa byahe na sila. Makikita na excited ang anak sa kanilang pupuntahan. First time kasi na mag-out of town sila na magkasama. "Daddy, thanks for the invite!" pasalamat nito.Kabababa lang nila ng sasakyan at nasa labas pa lang sila ng resort ngunit makikita agad ang magandang tanawin mula roon."Yo

DMCA.com Protection Status