STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT [R18]: (FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY SEQUEL) Hindi pinangarap minsan man ni Jenny sa buhay niya ang maging kabit pero nangyari parin iyon. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumayo upang makalimot nang malaman niya ang totoo. But life is full of surprises dahil muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Jason. Si Jason, ang lalaking unang umangkin ng lahat ng kaya niyang ibigay, at sa pagkakataong ito aware si Jenny na ang desire niya para sa dating nobyo ay mas matindi, at ganoon rin naman ito sa kaniya. The reason why she is so ready to get burned. Masyadong malakas ang pangangailangan nila para sa isa’t-isa that can even happen kahit sa simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata.
View More“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?” bakas sa tono ng pananalita ng ina ni Jenny na si Weng ang pag-aalala habang inaabala ng dalaga ang sarili sa pag-e-empake ng ilang personal na gamit na dadalhin niya.
Tumango si Jenny saka tinitigan sandali ang kaniyang ina bago ipinagpatuloy an ginagawa. “Sandali lang ho ako doon, mga dalawang linggo, magpapalipas lang ng sama ng loob,” aniyang mapait pang ngumiti pagkatapos.
Noon ginagap ng nanay niya ang kaniyang kamay saka iyon marahan na pinisil. “Wala kang kasalanan, biktima ka rin,” ang makahulugan nitong winika habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Sa ginawing iyon ng kaniyang ina ay mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang napaiyak. Mabilis naman siya niyakap ng nanay niya saka pagkatapos ay naramdaman na niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang likuran.
“Magiging maayos rin ang lahat. Tama rin ang naisip mo na magbakasyon muna, kahit papaano makakatulong iyon para sa muli mong pagbangon,” anitong saka siya pinakawalan at nakangiting pinagmasdan. “Hindi pa huli ang lahat para sa iyo, maganda ka at matalino, may maganda at matagumpay na negosyo, makakakita ka ng lalaking deserve mo,” payo sa kaniya ng kaniyang ina.
Hindi sumagot si Jenny sa sinabing iyon ng kaniyang nanay.
Naniniwala naman siya doon.
Pero siguro nga dahil sa nangyari kailan lang ay nasasaktan parin talaga siya. At iyon ang dahilan kung bakit mas pinili niya ang umalis muna ng Maynila at magbakasyon sa isang tahimik na lugar katulad ng Baguio City.
“Kung kailangang I-extend mo ang bakasyon mo, walang problema. Ang importante sa akin, maging maayos ka,” pagpapatuloy ng nanay niya.
Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya.
“Magpapahanda na ako ng pananghalian, o siguro mas maganda kung sa pagkakataong ito ay ako ang magluluto para sa iyo?” sa tono ng pananalita ni Weng ay hindi napigilan ng dalaga ang tumitig sa ina.
Mabilis na naramdaman ni Jenny ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng kaniyang mga mata dahil doon. Kasabay ang tuluyan na ngang pagbalong ng kaniyang mga luha.
“Nay,” aniyang mahigpit na yumakap sa kaniyang ina pagkatapos.
Noon hinaplos ng nanay niya ang kaniyang likuran. Maswerte siya na sa kabila ng lahat ay nagagawa parin siyang unawain ng kaniyang ina. Pero hindi naman niya ginusto ang lahat. Dahil kung tutuusin sa loob ng kulang isang taon hindi niya inakala na ang lalaking itinuturing niyang nobyo ay may asawa at anak na pala. Sa madaling salita naging kabit siya.
Tama, hindi niya alam pero isa pala siyang kabit. At nagagalit siya hindi lang kay Ryan kundi mas higit sa sarili niya, dahil nagawa siya nitong lokohin nang hindi man lang niya namamalayan.
Si Ryan ay nakilala niya sa isang seminar na dinaluhan niya sa Batangas mahigit isang taon narin ang nakalilipas. Manager ito sa hotel kung saan ginanap ang seminar.
Mabait si Ryan kaya naman hindi naging mahirap para sa kaniyang ang pagkatiwalaan ito. Bagay na hindi niya madaling gawin dahil sa nakita narin niyang karanasan ng nanay niya sa kaniya mismong ama. Dahil katulad niya, ang ina niyang si Rowena ay biktima rin ng tatay niya na nagpakilalang binata pero may pamilya na pala.
Anak siya sa labas.
At dahil nga ayaw niyang sundan ang yapak ng kaniyang ina katulad narin ng madalas na ipaalala ni Rowena sa kaniya, iningatan niya ang sarili niya. Pero hindi niya natupad ang bagay na iyon, dahil noong kolehiyo siya, may isang lalaking minahal siya ng labis kaya nagawa niyang ibigay ang virginity niya rito.
“Magsabi ka nga ng totoo sa akin anak, may nangyari ba sa inyo ni Ryan?” nang ina niya na tinitigan siya ng tuwid sa kaniyang mga mata.
Mabilis at magkakasunod na ipinilig ni Jenny ang kaniyang ulo. “Wala po,” pagsasabi niya ng totoo.
Bukod sa lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae noong nasa kolehiyo pa siya ay si Ryan lang ang sumunod na naging nobyo niya. Pero hindi katulad ng nangyari noong una, sa pagkakataong ito ay hindi siya pumapayag na may mangyari sa kanila ni Ryan. Bagay na labis niyang ipinagpapasalamat.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nasasaktan parin siya bukod sa katotohanan na mahal niya si Ryan ay nagagalit rin siya sa sarili dahil kahit wala siyang alam at kung tutuusin ay biktima rin siya, naging kabit parin siya at muntik nang makasira ng pamilya.
Kahapon lang niya nalaman ang totoo. Laking pasasalamat nalang niya at hindi eskandalosa ang asawa ni Ryan na si Miriam. Pinuntahan siya nito sa kaniyang bakeshop saka kinausap, noon nga niya nalaman ang totoo.
Limang taon na palang kasal si Ryan kay Miriam at mayroon nang dalawang anak. Matapos malaman ang totoo ay agad niyang tinawagan ang lalaki. Sa simula ay ayaw nitong umamin sa kaniya. Pero dahil narin sa pagpupumilit niya ay nagawa rin nitong sabihin sa kaniya ang totoo.
Labis na sama ng loob ang naramdaman ni Jenny. Mahal niya si Ryan pero malaking kasalanan ang ipagpatuloy ang lahat ng mayroon sila. At kung sakaling nagkataon sana na nalaman niya sa simula pa lang ang totoo, hindi niya papasukin ang ganoon.
“Mabuti naman kung ganoon, tama ang ginawa mo dahil mas higit sa kaniya ang pwedeng magmahal sa iyo. Kung saan magiging masaya ka,” ang nanay niya habang tinutuyo ang basa niyang mukha.
Tumango si Jenny saka nakaramdam ng agarang pagluluwag ng kalooban at pag-asa sa sinabing iyon ng kaniyang ina. “Salamat nanay,” ang tanging nasambit niya.
*****
MABIGAT ang buntong hininga na pinakawalan ni Jason habang nakatitig sa lapida ng puntod ni Ara.
“Ara, alam ko masaya na kayo ni Daniel. Tama lang na hindi ko ipinaglaban ang totoong nararamdaman ko para sa’yo, dahil sa huli, hanggang sa kabilang buhay kayong dalawa rin pala ang magkakasama,” ang kabilang bahagi ng isipan ni Jason habang tahimik na pinagmamasdan ang pag-aalab ng kulay putting kandila na sinindihan niya.
“Gusto kong maging masaya, pero nagiging mahirap iyon para sa akin kasi nararamdaman ko na palaging may kulang. May hinahanap ako na hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung ano. May hinahanap ako na tila ba naiwala ko noon at parang pinanghihinayangan ko ngayon at hindi ko matukoy kung ano iyon,” pagpapatuloy niya saka hinaplos ang kulay puting lapida.
Ilang sandali lang ang pinalipas ng binata at umalis narin siya doon. Dumaan lang siya sa puntod ni Ara at sinadya talaga niya iyon sa bayan ng San Ricardo. Bumiyahe siya ng kulang dalawang oras para lang kausapin at dalawin ang matalik na kaibigan niyang isang taon naring patay at nakalibing doon.
Noong college sila, unang kita palang niya kay Ara ay nagustuhan na niya ito dahil bukod sa katotohanan na maganda ito ay talagang mabait ang dalaga. Kasama niya si Ara na student assistant sa library at iyon ang naging simula ng pagiging malapit nilang dalawa na sa huli ay nauwi sa matalik na pagkakaibigan.
Pero iba ang nangyari sa kaniya, na-inlove siya kay Ara. Ang masakit nga lang ay hindi sila pareho ng nararamdaman, dahil si Daniel ang nasa puso nito, at huli na nang malaman niya ang tungkol sa lihim na relasyon ng dalawa.
Namatay si Daniel dahil sa malubhang karamdaman. Leukemia. Pero siguro ganoon talaga ang totoong pagmamahal dahil nanatili ang pagmamahal ni Ara para sa yumao niyang isa pang matalik na kaibigan. At iginalang niya ang katotohanang iyon, pero sa kabila ng lahat ay nanatili siya sa tabi ni Ara. Hindi niya ito iniwan, kaya labis niyang dinamdam ang pagkawala nito.
Sinubukan niyang ibaling sa iba ang nararamdaman niya para kay Ara. Marami siyang naka-date at isa sa mga iyon ang totoong hindi niya nakalimutan. Hindi niya alam kung bakit pero sa paglipas ng mahabang panahon, may mga pagkakataon na bumabalik parin ang mga alaala nilang dalawa sa isipan niya.
Kahit hindi niya aminin iba ang kaligayahan na ibinibigay sa kaniya ng mga ngiti at kislap ng magaganda nitong mga mata. At init naman kapag naaalala niya kung sa papaanong paraan nito isinuko sa kaniya ang lahat ng paulit-ulit. At aminado siya na hanggang ngayon ay sumasagi parin ang lahat sa isipan niya. Kahit matagal na panahon narin ang nakalilipas.
“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero alam mo kahit minsan hindi nawala ang kaibigan mo sa isipan ko. At may bahagi dito sa puso ko ang tila ba nagsasabing hanapin ko siya, dahil kailangan niya ako,” muli ay ang kabilang bahagi ng isipan ni Jason habang naglalakad siya palayo sa lugar na iyon.
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.
“NANDITO ka na pala, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? O kumain ka na ba?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Miriam kay Ryan na kararating lang kahit kung tutuusin ay umaga na. Noon malamig ang emosyon sa mga mata lang siyang sinulyapan ng lalaki at pagkatapos ay padabog pero walang imik na ibinaba sa mesa na nasa loob ng kwarto nila ang dala nitong bag. “Ah, Ryan, may---,” “Putang ina, Miriam! Hindi ka ba naman makahalata na hindi kita gustong kausap? Mukha mo nga lang sukang-suka na ako eh! Kaya tantanan mo ako sa mga kaartehan mo!” ang galit nitong bulyaw sa kanya na labis niyang ikinabigla. Iyon lang at nagtuloy na ito sa loob ng banyo. Alam niyang maliligo lang ito at aalis na naman. Noon parang dinudurog ang pusong huminga ng magkakasunod si Miriam. Hindi man niya gustong magalit kay Ryan sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi si Jenny ang unang naging babae nito. D
MALAKAS na napasigaw si Jenny dahil sa biglaang pagsibasib na ginawa ni Jason sa kanyang pagkababae. Hindi karaniwang kay Jason ang ganoon. Palagi kasi, o kung hindi man ay mas tamang sabihing madalas, sa simula ay nagiging maingat ito at dahan-dahan upang hindi siya mabigla. Pero sa puntong ito, masyadong mapusok at naging marahas ang bibig nito sa kanyang pagkababae. Hindi nito pinakitaan ng kahit anumang gentleness ang hiyas niya dahil hindi nagtagal, habang sinusuyo ng bibig nito ang kanyang bukana ay naramdaman rin niya ang mabilis na pagpasok ng daliri nito doon at nagsimulang maglabas-masok kaya lalong tumirik ang mga mata ni Jenny sa labis na kaligayahan. “Damn! Jason! Shit!” ang magkakasunod at walang pagitan niyang sambit nang magsimulang maglunoy sa kanyang harapan ang dila at bibig nito na tinutulungan rin ng daliri nito. Kung ang lahat ng pagsasanib pwersa na iyon ang titingnan, ano nga naman ang laban niya? Wala
ALAM ni Jenny na ang halik na iyon na ang simula. Alam niyang kung ibabase sa mapang-angkin na bibig ni Jason ngayon ay talagang malilintikan siya. Pero okay iyon sa kanya dahil alam naman niya sa sarili niyang wala siyang kakayahang tumanggi. Palagi kapag sinimulan siyang sindihan ng binata ay nararamdaman na lamang niyang sabik na sabik siya kay Jason at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Shit! Mmnn, sige pa please, hard!” utos niya nang magsimula ang binata sa ngayon ay malalalim na nitong ulos sa kanya. Pero hindi iyon nangyari. Ilang sandali lang at hinila na ni Jason palabas ang pagkalalaki nito at pagkatapos ay tinungo ang tub at sinimulang pinuin ng tubig. Mabilis na pinuno ng matinding excitement ang puso ni Jenny dahil doon. Nang balikan siya ni Jason ay hinawakan nito ang batok niya saka siya muling mariing kinuyumos ng halik. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay parang nilalagnat sa tindi ng init na kaniyang nararamdaman. Pero kah
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments