Home / Romance / CRAVE (FILIPINO VERSION) / CHAPTER 2 “CITY OF PINES”

Share

CHAPTER 2 “CITY OF PINES”

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

AFTER lunch nang marating ni Jenny ang Baguio City.  

Isang magandang cabin ang nirentahan niya para sa plano niyang dalawang linggo na pananatili roon. Pero katulad narin ng sinabi ng nanay niyang si Rowena, walang problema kung gusto niyang I-extend iyon. Doon ay simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Jenny. 

“Salamat po,” ang dalaga sa may edad ng babae na nag-abot sa kaniya ng susi ng cabin. 

“Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako doon sa bahay ko,” anito sabay itinuro ang isang bahay na hindi malayo sa kinaroroonan ng cabin na nirentahan niya.  

Tumango ang ginang habang mataman na nakatitig sa kaniyang mukha kaya lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Jenny. “Sige po,” iyon ang muli ay tipid niyang sagot. 

“Pasensya ka na anak, napakaganda mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. Pero alam mo, parang pamilyar ang mukha mo, hindi ko sigurado kung saan pero tiyak ako na nakita na kita.” anito sa tono na halatang siguradong-sigurado sa sinasabi. 

Nagkibit lang ng balikat niya si Jenny sa sinabing iyon ng ginang na sa tingin niya ay matanda lang ng ilang taon sa kaniyang ina. Dahil sa kaisipan na iyon ay bigla tuloy siyang nangulila kay Rowena.  

“Ganoon ho ba? Sige po, magpapahinga na muna ako,” minabuti niyang sabihin na iyon sa magalang na paraan dahil ang totoo bigla siyang nakaramdam ng pagkahapo. Kung dahil ba iyon sa mahabang oras na pagda-drive o sa dahilan kung bakit niya minabuting umakyat ng Baguio, hindi niya tiyak. 

“Sige, oo nga pala free ang first meal mo dito. Ihahatid nalang sayo ni Malou,” ang ginang. “bago ko nga pala makalimutan, tawagin mo nalang akong Mama Loida,” pagpapakilala pa nito saka iniabot ang kamay sa kaniya. 

“Jenny po,” sagot naman ng dalaga. 

***** 

AGAD na iginala ni Jenny ang paningin niya sa loob ng cabin nang makapasok.  

Maaliwalas at maganda pero simple.  

Well nakita na niya iyon sa picture nang I-book niya sa isang booking app. Pero iba parin talaga ang pakiramdam kapag nandoon ka na. Mas ramdam niya ang magandang ambiance ng lugar kaya naman may palagay siya na hindi magiging mahirap sa kaniya ang mag-move on kung nasa ganitong lugar siya. 

Isa lang iyong maliit na cabin na kung tutuusin ay perfect for couple.  

May maliit na sala at kusina. Kumpleto sa kailangang kasangkapan at furnitures.  

Pumasok siya at saka itinulak pasara ang pinto. Sa kwarto siya nagtuloy. Agad na bumati sa kaniya ang magandang four poster bed na katamtaman lang ang size. Sa may bintana ay may coffee table set. Habang malapit naman sa banyo ang isang built in closet. 

Umidlip lang sandali si Jenny saka na niya sinimulan ang pag-aayos ng mga damit niya sa loob ng closet. Pagkatapos noon ay pumasok na siya ng banyo para maligo. 

Saktong kalalabas lang niya ng banyo nang makarinig ng magkakasunod na katok sa pinto. Noon niya sinulyapan ang relo na nakasabit sa dingding ng kwarto. Masyado pang maaga para sa oras ng hapunan dahil pasado alas singko pa lang kaya inisip niya na hindi iyon ang free meal na sinasabi sa kaniya ni Aling Loida. 

“Ano po iyon?” ang agad niyang tanong nang mapagbuksan ang kumakatok. 

Bumati kay Jenny ang isang babaeng sa tingin niya ay mas bata lang ng ilang taon kay Aling Loida. May dala itong isang tray. Nasa tray ang isang tasa ng mainit na kape. 

“Magandang hapon, ako si Malou, pinabibigay ito sa iyo ni Maam Loida,” ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.  

“Wow thank you po,” aniya saka tinanggap ang tray. 

Tumango muna si Malou bago muling nagsalita. “Mamaya ihahatid ko ang hapunan mo. Totoo nga ang sinabi ni Maam Loida, napakaganda mo at magalang, kaya siguro nagustuhan ka niya kaagad,” anito pa sa humahangang tono. 

Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ni Jenny sa papuring iyon sa kaniya ng kaharap. “Salamat po,” ang tanging naisipan niyang isagot. 

Ngumiti lang ito saka na siya iniwan. 

Muli ay naiwang mag-isa si Jenny. Pumasok siya sa loob at naupo na love seat na yari sa narra saka inilapag sa center table ang tray. 

Tahimik niyang sinimsim ang kape na ibinigay sa kaniya ni Aling Malou saka napangiti nang malasahan ang sarap niyon.  

Noong kolehiyo siya ay kumuha siya ng kursong Hotel and Restaurant Management. Pero nang maka-graduate at magkaroon ng sapat na pera na pantustos ay nag-aral rin siya ng unit para sa cooking at baking kaya siya nagkaroon ng titulo bilang isang ganap na chef. Para iyon sa bakery na ginamit na pantuguyod sa kaniya ng kaniyang ina na si Rowena. 

Sa paglipas ng panahon ay magkatulong nilang napalago ng nanay niya ang noon ay maliit lamang nila na bakery. At pangarap niyang makapagpatayo ng branches niyon pagdating ng panahon. 

Marami pang dahilan para ituloy niya ang buhay niya sa kabila ng lahat ng hindi magandang nangyari sa kanya dahil sa ginawa ni Ryan. Pero hindi mangyayari iyon kung hindi niya tutulungan ang sarili niya. 

***** 

“SA susunod na araw na ang birthday ko pero bakit hindi ka parin umuuwi dito? Anong plano mo? Hindi mo ako sasamahan?” mataas ang boses na sermon ng nanay ni Jason sa kaniya na nasa kabilang linya. 

Napangiti si Jason sa sinabing iyon ng kaniyang nanay. “Syempre pupuntahan ko kayo nay. May tinatapos lang akong trabaho kaya hindi pa ako nakakauwi,” paliwanag niya saka dinampot ang mug ng kaniyang kape. 

Agad na umiling ang binata nang mapag-alaman na malamig na ang kape niya na laman niyon. Mula sa pagkakaupo sa harapan ng kaniyang working table ay tumayo ang binata at lumabas ng kaniyang silid para magtimpla ng bago. 

“Kung ganoon pala bakit hindi ka tumatawag? Kung hindi pa ako ang kokontak sa iyo hindi ko malalaman ang plano mo,” hindi parin nagbabago ang tono ng pananalita ng nanay niyang si Loida kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Jayson ang tuluyanang matawa ng mahina. 

“Nay, sorry, busy lang talaga ako. Alam mo naman hindi madali ang magpatakbo ng negosyo,” pag-amin niya sa tono na naglalambing at alam niyang makapagpapawala sa inis na nararamdaman sa kaniya ng kaniyang ina. 

Kaklase at isa sa mga naging kaibigan niya noong kolehiyo pa siya si Paul. Hindi naman sila talagang malapit ni Paul noon dahil ang talagang naging best friend niya ay si Daniel.  

Pero dahil nga sa naging karibal niya ito kay Ara ay mas pinili niyang lagyan ng space ang pagitan nila ni Daniel, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala si Paul.  

Sa simula ay pareho silang naging empleyado ni Paul sa engineering firm na iyon ng tiyuhin nitong si Robert. Pero dahil sa mahusay na pagtatrabaho nilang dalawa ay naisipan ng tiyuhin ng kaibigan niya na ibenta sa kanilang dalawa ang kalahati parte ng firm na pinaghatian naman nila ni Paul. 

At dahil nga mayroon naman silang sapat na ipon ay pareho nilang hindi pinalampas ang pagkakataon na iyon. Hanggang nang sa huli ay nagkasakit si Uncle Robert. Noon minabuti ng pamilya nito na dalhin sa ibang bansa ang lalaki upang doon ipagamot. At dahil wala naman sa dalawang anak nitong parehong babae ang kumuha ng engineering bukod pa sa katotohanan na walang interes sa negosyo ang mga ito ay muling ibinenta sa kanila ni Paul ang natitirang parte ng firm. 

“Oh eh pareho naman kayo niyang kaibigan mo. Eh ano nga kung yumaman kayo ng husto pero wala naman kayong mga pamilya? Para saan ba ang pinaghihirapan ninyo?” nang marinig ang sinabing iyon ng nanay niya ay mabilis na parang nagising si Jason mula sa malalim niyang pag-iisip. 

“Nay, may girlfriend si Paul, ako wala,” aniyang tumawa ng mahina saka sinalinan ng bagong brewed na kape ang kaniyang tasa. 

“Sus! Ang maganda pa umuwi ka na dito! Para saan pa at naging boss ka kung sa mga simpleng bagay lang na ganito hindi mo ako mapagbigyan!” sa tono ng pananalita ng nanay niya alam niyang hindi na siya makakatanggi pa. 

“Sige nay, sasabihan ko si Paul,” aniyang nakangiting binalikan ang tinatapos na trabaho. 

“Kung gusto mo siyang isama, isama mo na. Malaki naman itong bahay, o kung gusto niya pwede kong ibigay sa kaniya iyong isang bakanteng cabin ng libre,” sa sinabing iyon ng kaniyang nanay ay naramdaman ni Jayson na marahil nga labis na pangungulila na ang nararamdaman nito para sa kanya.  

Hindi kasi siya madalas makauwi ng Baguio.  

Taga rito talaga sila sa Maynila at ang bahay na tinutuluyan niya ngayon ay ang old house na minana pa ng tatay niya sa mga magulang nito na istilong bahay pa ng mga Kastila. Naalagaan lang iyon kaya hindi tuluyanang nasira at hanggang ngayon ay iyon ang ginagawa niya. 

“Mukhang maganda ang takbo ng business ninyo ah,” aniya sa kaniyang ina. 

“Oo, isang cabin nalang ang bakante. Hay naku anak, sana makilala mo iyong dalaga nating guest ngayon dito, napakaganda at talagang bagay na bagay kayo!” nasa tono ng pananalita ng nanay niya ang sinabi nito. 

Iyon ang ikalawang beses na narinig niyang nagsalita ng ganoon si Loida kaya naman hindi napigilan ni Jayson ang ma-amuse. Ang unang beses ay noong nasa kolehiyo palang siya, nang ipakita niya rito ang picture ng babaeng idini-date niya, si Jenny. 

Mapait na ngumiti si Jason dahil sa alaala habang ang masarap na haplos niyon sa kaniyang damdamin, katulad ng dati ay parang permenente na.  

“Sige nay kung talagang excited na kayong makasama ako mamayang hapon aakyat na ako ng Baguio,” totoo naman iyon pero bukod pa roon ay may isa pa siyang dahilan kung bakit bigla niyang nagawang magpasya ng ganoon kabilis. At kung ano iyon, hindi rin niya matukoy. 

Related chapters

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 3 "PICTURE INSIDE HIS WALLET"

    MASARAP ang Beef with Brocolli na free meal para sa kanya. Ayon kay Aling Malou ay si Mama Loida raw ang personal na nagluto ng hapunan para sa gabing iyon. Darating raw kasi ang anak nitong lalaki kaya ganoon. Katulad kanina ay nanatiling tipid ang mga sagot ni Jenny kay Aling Malou. Although mabait naman ito talaga, ganoon lang talaga siya, may pagkamahiyain at tahimik. Naalala nga niya, noon college siya madalas siyang tuksuhin ng nag-iisang kaklase at naging kaibigan niya sa private university kung saan siya nag-aral ng unang taon sa kolehiyo. Si Ara. Sa pagkakaisip rito ay agad na nakaramdam ng matinding pangungulila sa kaniyang dibdib si Jenny. First year lang silang naging magkaklase ni Ara kasi nagtransfer na siya sa isang state university sa ikalawang taon niya. Hindi na kasi kinaya ng budget nila na tustusan ang pag-aaral niya para sa unibersidad na iyon dahil nawala ang scholarship niya, dahil sa isang malak

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 4 “MORNING WALK”

    NANG gabing iyon ay hindi naging madali para kay Jason ang matulog. Hindi parin kasi mawala sa isipan niya ang sinabi kanina sa kaniya ng nanay niya. Na si Jenny na dati niyang nobya noong nasa kolehiyo pa siya ang babaeng sinasabi nitong mabait at magandang guest na gustong-gusto nito. Mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay bumangon si Jason. Pagkatapos ay binuksan ang bintana ng kaniyang kwarto at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Sa maraming pagkakataon mula nang maging in-demand ang social media ay sinubukan naman talaga niyang hanapin si Jenny. Hindi niya maunawaan kung bakit niya ginagawa iyon noong umpisa, pero katulad nang sinabi niya nang dalawin niya si Ara sa puntod nito kamakailan lang, pakiramdam niya ay kailangan siya ni Jenny. At ngayon na mukhang ibinigay na nga ng langit ang hinihingi niya, ano ang gagawin niya? Sa tanong ng iyon ay walang ibang nagawa si Jason kundi ang magpakawal

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 5 “BREAKFAST INVITE”

    SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya. “Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon. Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina. “I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito. Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan. Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi mag

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 6 “CATCH UP”

    AGAD na natigilan si Jenny sa narinig na sinabing iyon sa kaniya ni Jason.“Really?” hindi niya pinilit ang sarkasmo na humalo sa tono niya.Malungkot ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jason sa pagkakataong iyon. “Galit ka parin ba sa akin?” tanong nito.“Ano sa tingin mo?” she asked back saka humigop ng kape sa hawak niyang mug.Kibit ng balikat lang ang isinagot ni Jason sa tanong niyang iyon. “So chef kana pala? Masaya ako para sa’yo,” naramdaman niya sa tono ng pananalita ng binata ang sinabi nitong iyon. Pero hindi niya alam kung bakit parang bitterness ang gusto niyang maramdaman.“Alam mo wala ako sa mood para makipaglokohan at makipagbolahan. May pinagdaraanan ako kaya naisipan kong magbakasyon,” iyon ang iritable na niyang sagot.“What? Hindi kita binobola,” ang maagap na pagtutuwid ni Jason sa m

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 7 “YOU TWO ARE THE SAME”

    “BAKIT ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba mapaniwalaan ang sinasabi ko?” ang natatawa niyang tanong saka ibinalik ang paningin sa mga puno ng pino na kanina pa niya pinagmamasdan.Matagal bago nagawang sagutin ni Jason ang sinabi niyang iyon. But eventually, sumagot parin ang binata. “Saan mo ba nakilala ang lalaking iyon at bakit nagawa niya sa’yo ang ganoon?” nasa tono nito ang galit.Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa si Jenny sa narinig na sinabi ni Jason. Pati narin ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang sa halip ay nanulas sa mga labi niya.“Look who’s talking? He did make me a mistress without my knowledge, yes, and you? Well, ginamit mo lang naman ako para takpan ang nararamdaman mo para sa best friend ko. Ngayon tatanungin kita, anong pinagkaiba ninyong dalawa? Wala naman hindi ba? Kasi pareho lang kayong user, pare

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 8 “HE REMEMBERS”

    “BILISAN mo nasa ibaba na sila at hinihintay tayo,” si Ara na tapos na sa pagliligpit ng mga gamit.“Bakit ang bilis naman nila?” hindi man niya aminin pero nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan pero pinipilit niyang ignorahin.“Hindi na importante iyon, gutom na gutom na ako,” ang sa halip ay winika ni Ara.Tumawa lang ng mahina si Jenny sa narinig niyang iyon saka na tumayo. Habang tinatahak nila ang hagdan pababa ng gusali ay pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pilit niyang ginagawang normal ang mga kilos niya ang kahit papaano naman ay nagawa niya iyon. Kung mayroon man siyang hindi nagawang kontrolin, iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.At lalong nagtumindi iyon nang matanawan ng tuluyan ang isang lalaking para sa kaniya ay ang pinaka-gwapo sa lahat ng nakita niya.“Hello, sorry kung pinag

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 9 “NO ONE CAN HAVE HER”

    PRESENT DAY...“ANG lakas rin naman ng loob mo para magpakita pa sa akin. Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko?” ang galit na galit na winika ni Rowena kay Ryan.“Please naman po makinig kayo sa akin, mahal na mahal ko ang anak ninyo,” ang tanging nasabi niya.Alam naman niyang mali ang ginawa niya.Matagal na siyang kasal sa asawa niya pero hindi pa niya naramdaman ang klase ng kaligayahan na naramdaman niya sa piling ni Jenny. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na walang nangyayari sa kanila maliban sa simpleng paghahalikan. Pero kailangan parin niyang aminin sa sarili niya na matagal na niyang pinagnanasaan si Jenny.Napakaganda nito. Napakakinis ng kutis at napakabango. Iyon ang dahilan kaya palagi ay mabilis na nagigising ang libido niya sa mga pagkakataon na maghahalikan silang dalawa.“Wala na akong kailangan pang marinig na kah

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 10 “FIRST AFTER TEN YEARS”

    MARAHAS na napasinghap si Jenny dahil doon.Napakasarap ng daloy ng kuryente na kumalat sa kabuuan niya dahil sa kung tutuusin ay simpleng halik lang na iyon ng binata sa kaniya. Nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya ay ramdam parin niya ang matinding pag-iinit ng buo niyang mukha. Alam niyang namumula iyon nang mga sandaling iyon at hindi siya nangkamali dahil pinatunayan iyon sa kaniya ng sinabi ni Jason.“Parang ganiyan din ang kaparehong reaksyon mo nung unang beses kitang nahalikan ten years ago,” anas nito saka siya muling niyuko at siniil ng halik sa kaniyang mga labi sa ikawalang pagkakataon.Katulad kanina ay mabilis lang ang halik na iyon.Pero tama si Jason, at katulad narin ng sinabi nito kanina, same reaction kahit kung tutuusin ay sampung taon na ang nakalilipas.Noon nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Jenny, hindi lang kay Jason kundi mas higit sa kaniyang saril

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 64 “MIRIAM”

    “NANDITO ka na pala, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? O kumain ka na ba?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Miriam kay Ryan na kararating lang kahit kung tutuusin ay umaga na. Noon malamig ang emosyon sa mga mata lang siyang sinulyapan ng lalaki at pagkatapos ay padabog pero walang imik na ibinaba sa mesa na nasa loob ng kwarto nila ang dala nitong bag. “Ah, Ryan, may---,” “Putang ina, Miriam! Hindi ka ba naman makahalata na hindi kita gustong kausap? Mukha mo nga lang sukang-suka na ako eh! Kaya tantanan mo ako sa mga kaartehan mo!” ang galit nitong bulyaw sa kanya na labis niyang ikinabigla. Iyon lang at nagtuloy na ito sa loob ng banyo. Alam niyang maliligo lang ito at aalis na naman. Noon parang dinudurog ang pusong huminga ng magkakasunod si Miriam. Hindi man niya gustong magalit kay Ryan sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi si Jenny ang unang naging babae nito. D

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 63 “MORNING DEW 4”

    MALAKAS na napasigaw si Jenny dahil sa biglaang pagsibasib na ginawa ni Jason sa kanyang pagkababae. Hindi karaniwang kay Jason ang ganoon. Palagi kasi, o kung hindi man ay mas tamang sabihing madalas, sa simula ay nagiging maingat ito at dahan-dahan upang hindi siya mabigla. Pero sa puntong ito, masyadong mapusok at naging marahas ang bibig nito sa kanyang pagkababae. Hindi nito pinakitaan ng kahit anumang gentleness ang hiyas niya dahil hindi nagtagal, habang sinusuyo ng bibig nito ang kanyang bukana ay naramdaman rin niya ang mabilis na pagpasok ng daliri nito doon at nagsimulang maglabas-masok kaya lalong tumirik ang mga mata ni Jenny sa labis na kaligayahan. “Damn! Jason! Shit!” ang magkakasunod at walang pagitan niyang sambit nang magsimulang maglunoy sa kanyang harapan ang dila at bibig nito na tinutulungan rin ng daliri nito. Kung ang lahat ng pagsasanib pwersa na iyon ang titingnan, ano nga naman ang laban niya? Wala

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 62 “MORNING DEW 3”

    ALAM ni Jenny na ang halik na iyon na ang simula. Alam niyang kung ibabase sa mapang-angkin na bibig ni Jason ngayon ay talagang malilintikan siya. Pero okay iyon sa kanya dahil alam naman niya sa sarili niyang wala siyang kakayahang tumanggi. Palagi kapag sinimulan siyang sindihan ng binata ay nararamdaman na lamang niyang sabik na sabik siya kay Jason at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Shit! Mmnn, sige pa please, hard!” utos niya nang magsimula ang binata sa ngayon ay malalalim na nitong ulos sa kanya. Pero hindi iyon nangyari. Ilang sandali lang at hinila na ni Jason palabas ang pagkalalaki nito at pagkatapos ay tinungo ang tub at sinimulang pinuin ng tubig. Mabilis na pinuno ng matinding excitement ang puso ni Jenny dahil doon. Nang balikan siya ni Jason ay hinawakan nito ang batok niya saka siya muling mariing kinuyumos ng halik. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay parang nilalagnat sa tindi ng init na kaniyang nararamdaman. Pero kah

DMCA.com Protection Status