MASARAP ang Beef with Brocolli na free meal para sa kanya. Ayon kay Aling Malou ay si Mama Loida raw ang personal na nagluto ng hapunan para sa gabing iyon. Darating raw kasi ang anak nitong lalaki kaya ganoon.
Katulad kanina ay nanatiling tipid ang mga sagot ni Jenny kay Aling Malou. Although mabait naman ito talaga, ganoon lang talaga siya, may pagkamahiyain at tahimik. Naalala nga niya, noon college siya madalas siyang tuksuhin ng nag-iisang kaklase at naging kaibigan niya sa private university kung saan siya nag-aral ng unang taon sa kolehiyo. Si Ara.
Sa pagkakaisip rito ay agad na nakaramdam ng matinding pangungulila sa kaniyang dibdib si Jenny.
First year lang silang naging magkaklase ni Ara kasi nagtransfer na siya sa isang state university sa ikalawang taon niya. Hindi na kasi kinaya ng budget nila na tustusan ang pag-aaral niya para sa unibersidad na iyon dahil nawala ang scholarship niya, dahil sa isang malaking pagkakamali na masasabi niyang matapos ang nangyari sa kaniya ngayon ay parang hindi niya matanggap na bumabalik parin sa kaniyang isipan.
"Matagal na iyon, ten years na halos, pero bakit hindi ko parin lubusang makalimutan?"
Habang nakatayo siya sa may bintana ng kaniyang kwarto ay iyon ang mga katagang nanulas sa kaniyang mga labi. Kasabay ang isang pamilyar ng kirot na gumuhit sa kaniyang dibdib na naging dahilan kaya minabuti niyang walain na lamang iyon ng tuluyan.
Maraming masasayang bagay siyang mas dapat na pagtuunan ng pansin na pwedeng magpaganda ng mood niya, katulad na lamang nina Mama Loida at Aling Malou.
Nakakatuwa pero kahit bago pa lamang niyang nakikilala ang mga tao doon ay hindi nagiging mahirap para sa kaniya ang magustuhan at makapalagayan ng loob ang mga ito. Lalo na si Mama Loida na nagpasunod pa ng leche flan na dessert raw niya nang kunin ni Aling Malou ang tray ng mga pinagkainan niyang plato.
Hindi pa naman malalim ang gabi kaya naisipan niyang ihatid na ang tray na may lamang platito na pinagkainan niya ng pahabol na leche flan mula kay Mama Loida. Pero nang maalala niya ang nabanggit kanina sa kaniya ni Aling Malou na darating daw ang anak ni Mama Loida na lalaki kaya ito ang nagluto ng hapunan ay minabuti ni Jenny na huwag nang ituloy ang kanyang plano.
Ayaw naman niyang makaistorbo pa sa bonding ng mga ito kaya mas mabuti kung bukas nalang dahil kung tutuusin ay makapaghihintay naman iyon.
*****
SANDALING oras nalang at mararating na ni Jayson ang kaniyang destinasyon.
Sigurado siya na marami na namang nakahanda para sa kaniya ang kaniyang ina hindi lamang pagkain kundi lalong higit ay mga kwento. Doon ay napangiti ang binata.
Hindi nagtagal ay masaya na nga siyang sinalubong ng nanay niyang si Loida nang makababa siya ng kotse.
"Bakit parang pumayat ka yata? Siguro hindi ka nanaman kumakain ng maayos ano?" sita pa sa kanya ng nanay niya matapos niya itong yakapin ng mahigpit.
Malapad na napangiti si Jayson sa sinabing iyon ni Loida.
"Parang hindi naman," aniyang inakbayan ito saka nakangiting kinawayan si Aling Malou na nakatayo naman sa may pintuan ng kanilang bahay.
Noon tinapik ng nanay niya ang kaniyang braso saka siya iginiya patungo sa komedor. "Tamang-tama, masarap ang niluto ko at gumawa rin ako ng paborito mong panghimagas. Kumain ka ng marami," anito nang mabilis siyang pinaupo sa hapag.
Humaplos ang mainit na damdamin sa puso ni Jason hindi lang dahil sa sinabing iyon ng nanay niya kundi lalong higit nang mapagmasdan niya ang masarap na hapunan na inihanda nito para sa kanya.
"Ay, oo nga pala Malou, nabigyan mo ba ng leche flan iyong maganda nating guest na dumating kanina?"
Habang inaasikaso siya ng nanay niya ay iyon ang itinanong nito sa kasambahay nila na si Aling Malou.
"Opo ma'am," sagot naman ng kasambahay.
Noon takang nilingon ni Jason ang kaniyang ina. "Bakit parang masyado naman yatang special ang guest na iyan sa inyo nay?" ang hindi napigilang itanong ng binata.
"Hay naku pabayaan mo na ako, ano namang masama kung bigyan ko ng leche flan guest natin?" sagot sa kaniya ang nanay niya.
"Baka kasi sabihin ng ibang guest eh hindi kayo patas sa treatment ninyo sa kanila," paliwanag niya.
"Hindi naman siguro, lahat naman sila binibigyan ko ng free meal at isa pa, hindi ko maunawaan kung bakit parang ang gaan-gaan ng loob ko sa batang iyon. Bukod sa napakaganda na ay mabait pa."
Puno ng paghanga ang tinig ni Loida habang sinasabi iyon kaya naman hindi na napigilan ni Jayson ang makaramdam ng matinding amusement para sa sinasabi nito guest. At kahit hindi aminin ng nanay niya alam niyang espesyal iyon sa kaniya. Siguro dahil sabik ito sa anak na babae?
"Mag-asawa kana kasi anak, para naman magkaroon na ako ng anak na babae," sa huli ay napatunayan rin niya na tama ang kaniyang hinala.
"Nay, hindi naman ganoon kadali ang pag-aasawa. Syempre kung gagawin ko iyon, gusto ko doon sa babaeng mahal na mahal ko," paliwanag niya saka na sinimulan ang pagkain.
Narinig niyang umungol ang nanay niya. Halatang hindi naniniwala sa kaniyang sinabi kaya hindi napigilan ni Jayson nang maglandas ang mahinang tawa sa kaniyang lalamunan.
"Paano namang mangyayari iyon eh ni wala ka ngang naipakilala sa akin na kahit isang naging nobya mo," reklamo ni Loida na katulad niya ay inabala narin ang sarili sa pagkain ng hapunan.
Sandaling natigilan si Jason sa sinabing iyon ng kaniyang ina.
"Meron nay," amuse niyang kontra sa maling paniniwala ng nanay niya saka ito sinulyapan.
Nagsasalubong ang mga kilay na ibinaba ni Loida ang hawak na kubyertos saka nag-isip. "Meron nga ba?" anitong tila pinipilit na alalahanin ang kung ano.
Ilang sandaling nakiraan sa hapag kainan ang katahimikan. Hanggang sa umabot sa sukdulan ang pagpipigil ni Jayson na tuluyan na ngang natawa pagkatapos.
"Bakit mo ba ako pinagtatawanan?" ang mataray na tanong sa kaniya ng nanay niya.
Magkakasunod na umiling si Jason saka inabot ang baso ng malamig na orange juice at uminom.
"Tama kayo nay, wala nga akong ipinakilala sa inyo. Pero may ipinakita akong picture sa inyo noon, sinabi ko sa inyo na siya ang girlfriend ko noong mga panahong iyon. Natatandaan ninyo?"
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang kumilos ang isang kamay ni Jason saka dinukot ang wallet na nasa likuran ng suot niyang pantalon.
Sa loob ng kaniyang pitaka ay inilabas niya ang isang lumang litrato na sa loob ng mahabang panahon ay hinayaan lamang niyang manatili roon. Totoo naman nagkaroon siya ng mga nobya pero hindi naman niya kailangang ipakita sa mga ito ang isang pribadong bagay na pag-aari niya katulad nalang ng kaniyang pitaka.
Ang litrato ay iniipit pa niya sa maliit na prayer book na ibinigay sa kaniya ng nanay niya na nasa kanya ring wallet.
"Naalala ninyo ito?" aniyang iniabot sa nanay niya ang maliit na litrato na kung tutuusin ay mas maliit kumpara sa isang normal na pitakang pang wallet dahil ginupit lang iyon mula sa isang group photo.
Nanatiling nakatitig si Jason sa mukha ng kaniyang ina kaya naman kitang-kita niya kung paano nalang ang matinding sorpresa na lumarawan sa maganda nitong mukha saka ngiting-ngiting tumitig muna sa kaniya bago nagsalita.
"Siya ito," ang nanay niya.
Mabilis na nangunot ang noo ni Jayson saka nakaramdam ng mabilis na pagtahip ng dibdib.
"Anong ibig ninyong sabihin?" ang kinukutuban niyang tanong.
"Malou! Malou!" sa halip na sagutin siya ay tinawag pa ng nanay niya ang kasambahay nila na mabilis namang lumapit na nangmula sa kusina.
"Maam Loida bakit po?" tanong nito.
"Hindi ba siya ito?" ang nanay niya na kinuha sa kaniya ang maliit na litrato saka ipinakita kay Aling Malou.
Sandaling pinakatitigan ni Aling Malou ang babae sa larawan. Habang si Jason, hindi niya maintindihan kung bakit nang mga sandaling iyon para siyang hindi na makapaghintay sa isasagot nito dahil sa magkahalong excitement at kaba na kaniyang nararamdaman.
"Opo, siya nga po iyong guest natin na dumating kanina," sang-ayon ni Aling Malou na tiningnan siya, nagtatanong ang mga mata nito.
"Anak," sa pagkakataong ito ay siya naman ang hinarap ng kaniyang ina.
"Anong ibig ninyong sabihin nay?"
"Ang babaeng nasa litratong iyan na hawak mo na sinasabi mong naging nobya mo noong nasa kolehiyo ka, siya iyong sinasabi kong maganda at mabait na babaeng guest natin dito. Si Jenny."
Sukat sa narinig ay parang tinamaan ng kidlat na natulala si Jason na tumitig sa mukha ng kaniyang ina. Hindi siya makapaniwala.
NANG gabing iyon ay hindi naging madali para kay Jason ang matulog. Hindi parin kasi mawala sa isipan niya ang sinabi kanina sa kaniya ng nanay niya. Na si Jenny na dati niyang nobya noong nasa kolehiyo pa siya ang babaeng sinasabi nitong mabait at magandang guest na gustong-gusto nito. Mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay bumangon si Jason. Pagkatapos ay binuksan ang bintana ng kaniyang kwarto at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Sa maraming pagkakataon mula nang maging in-demand ang social media ay sinubukan naman talaga niyang hanapin si Jenny. Hindi niya maunawaan kung bakit niya ginagawa iyon noong umpisa, pero katulad nang sinabi niya nang dalawin niya si Ara sa puntod nito kamakailan lang, pakiramdam niya ay kailangan siya ni Jenny. At ngayon na mukhang ibinigay na nga ng langit ang hinihingi niya, ano ang gagawin niya? Sa tanong ng iyon ay walang ibang nagawa si Jason kundi ang magpakawal
SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya. “Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon. Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina. “I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito. Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan. Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi mag
AGAD na natigilan si Jenny sa narinig na sinabing iyon sa kaniya ni Jason.“Really?” hindi niya pinilit ang sarkasmo na humalo sa tono niya.Malungkot ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jason sa pagkakataong iyon. “Galit ka parin ba sa akin?” tanong nito.“Ano sa tingin mo?” she asked back saka humigop ng kape sa hawak niyang mug.Kibit ng balikat lang ang isinagot ni Jason sa tanong niyang iyon. “So chef kana pala? Masaya ako para sa’yo,” naramdaman niya sa tono ng pananalita ng binata ang sinabi nitong iyon. Pero hindi niya alam kung bakit parang bitterness ang gusto niyang maramdaman.“Alam mo wala ako sa mood para makipaglokohan at makipagbolahan. May pinagdaraanan ako kaya naisipan kong magbakasyon,” iyon ang iritable na niyang sagot.“What? Hindi kita binobola,” ang maagap na pagtutuwid ni Jason sa m
“BAKIT ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba mapaniwalaan ang sinasabi ko?” ang natatawa niyang tanong saka ibinalik ang paningin sa mga puno ng pino na kanina pa niya pinagmamasdan.Matagal bago nagawang sagutin ni Jason ang sinabi niyang iyon. But eventually, sumagot parin ang binata. “Saan mo ba nakilala ang lalaking iyon at bakit nagawa niya sa’yo ang ganoon?” nasa tono nito ang galit.Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa si Jenny sa narinig na sinabi ni Jason. Pati narin ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang sa halip ay nanulas sa mga labi niya.“Look who’s talking? He did make me a mistress without my knowledge, yes, and you? Well, ginamit mo lang naman ako para takpan ang nararamdaman mo para sa best friend ko. Ngayon tatanungin kita, anong pinagkaiba ninyong dalawa? Wala naman hindi ba? Kasi pareho lang kayong user, pare
“BILISAN mo nasa ibaba na sila at hinihintay tayo,” si Ara na tapos na sa pagliligpit ng mga gamit.“Bakit ang bilis naman nila?” hindi man niya aminin pero nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan pero pinipilit niyang ignorahin.“Hindi na importante iyon, gutom na gutom na ako,” ang sa halip ay winika ni Ara.Tumawa lang ng mahina si Jenny sa narinig niyang iyon saka na tumayo. Habang tinatahak nila ang hagdan pababa ng gusali ay pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pilit niyang ginagawang normal ang mga kilos niya ang kahit papaano naman ay nagawa niya iyon. Kung mayroon man siyang hindi nagawang kontrolin, iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.At lalong nagtumindi iyon nang matanawan ng tuluyan ang isang lalaking para sa kaniya ay ang pinaka-gwapo sa lahat ng nakita niya.“Hello, sorry kung pinag
PRESENT DAY...“ANG lakas rin naman ng loob mo para magpakita pa sa akin. Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko?” ang galit na galit na winika ni Rowena kay Ryan.“Please naman po makinig kayo sa akin, mahal na mahal ko ang anak ninyo,” ang tanging nasabi niya.Alam naman niyang mali ang ginawa niya.Matagal na siyang kasal sa asawa niya pero hindi pa niya naramdaman ang klase ng kaligayahan na naramdaman niya sa piling ni Jenny. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na walang nangyayari sa kanila maliban sa simpleng paghahalikan. Pero kailangan parin niyang aminin sa sarili niya na matagal na niyang pinagnanasaan si Jenny.Napakaganda nito. Napakakinis ng kutis at napakabango. Iyon ang dahilan kaya palagi ay mabilis na nagigising ang libido niya sa mga pagkakataon na maghahalikan silang dalawa.“Wala na akong kailangan pang marinig na kah
MARAHAS na napasinghap si Jenny dahil doon.Napakasarap ng daloy ng kuryente na kumalat sa kabuuan niya dahil sa kung tutuusin ay simpleng halik lang na iyon ng binata sa kaniya. Nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya ay ramdam parin niya ang matinding pag-iinit ng buo niyang mukha. Alam niyang namumula iyon nang mga sandaling iyon at hindi siya nangkamali dahil pinatunayan iyon sa kaniya ng sinabi ni Jason.“Parang ganiyan din ang kaparehong reaksyon mo nung unang beses kitang nahalikan ten years ago,” anas nito saka siya muling niyuko at siniil ng halik sa kaniyang mga labi sa ikawalang pagkakataon.Katulad kanina ay mabilis lang ang halik na iyon.Pero tama si Jason, at katulad narin ng sinabi nito kanina, same reaction kahit kung tutuusin ay sampung taon na ang nakalilipas.Noon nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Jenny, hindi lang kay Jason kundi mas higit sa kaniyang saril
"JENNY," anas ni Jason habang nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa kaniya.Sa sandaling pagkakataon ay sinubukan ni Jenny na salubungin ang mga titig na iyon sa kaniya ng binata. Pero hindi rin niya kinaya, dahil katulad ng dati, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon sa kabila ng katotohanan na gusto niya ang nakikita niyang matinding paghahangad sa mga mata ng nito.Hindi siya nagsalita at sa halip ay ipinikit nalang ang kaniyang mga mata. Laking pasasalamat niya at hindi kinontra ni Jason ang ginawa niyang iyon at sa halip ay naging accomodating nalang. Marahil alam din nitong walang siyang lakas ng loob na makipag-eye contact dito.Naramdaman niya ang labi ni Jason na muling inangkin ang kaniya. Habang ang kamay nitong nasa pagitan ng kaniyang mga hita ay naramdaman niyang inialis doon ng binata. Noon siya nagdilat ng kaniyang paningin saka nakitang hinawakan ng binata ang laylayan ng suot niyang jacket.Hinila iyon paitaas ng b