MY TWINS

MY TWINS

last updateLast Updated : 2024-11-18
By:  SKYGOODNOVELCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.6
0 ratings. 0 reviews
239Chapters
122.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan. Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave. Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan. Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya. Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin. Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave. Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan? Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan? Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak? Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Panimula

Chapter 1

Anastasia POV

Pagkarating ko sa harap ng pinto ng condo ni Dave ay pinindot ko ang mga numerong bumubuo ng password nito. May dala-dala akong isang box ng cookies.

“0-4-2-7,” bigkas ko sa mga numero sabay ngiti nang bumukas ang pinto.

Anniversary pa rin talaga namin ang password ni Dave at hindi niya pa rin pinapalitan, April 27. Mahal niya akong talaga.

Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kusina para ilapag sa mesa ang cookies na ginawa ko para sa kanya.

Dave is my boyfriend for 3 years. May plano na kaming magpakasal sa susunod na buwan. Kinikilig ako sa ideya na magiging ganap na akong Mrs. Santiago.

I held my tummy. Siguradong matutuwa si Dave kapag nalaman niyang magkakaanak na kami. Ang sabi pa ng doktor ay kambal ang magiging supling namin.

Matapos kong ilapag ang cookies sa mesa ay nagtungo ako sa kwarto ni Dave. Kakatok pa sana ako pero may narinig akong ungol mula sa isang babae.

Nakaramdam ako ng kaba. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang best friend kong si Katrina na walang saplot at nakapatong kay Dave na hubo’t hubad din.

“Ughhh, Dave, uggghhh, shìt,” pag-ungol ni Katrina sa pangalan ng boyfriend ko habang kinakayod ito.

Nagulat ako at nanghina sa nasaksihan ko. Si Dave ba ang tinutukoy ni Katrina na boyfriend niya for 4 months? Isang malaking pagkakamali na pinakilala ko sa best friend ko si Dave kasi susulutin nya pala.

Ang sakit sa pakiramdam dahil ang dalawang mahalaga sa aking buhay ay nagawa akong pagtaksilan.

Napahikbi ako nang malakas at saka lang nila ako napansin.

"A-ana...." gulat na gulat na sambit ni Dave.

"A-ana...." sabay pa nilang sabi.

Umiiyak pa rin ako. "Bakit nyo ako niloko? Mga hayop kayo! Bakit nyo ako ginanito?” Tumitig ako sa boyfriend ko. “Bakit mo ako niloko Dave? Kung nakukulangan ka sa akin ay sana sinabi mo na lang sa akin, hindi yung maghahanap ka pa ng iba!" humahagulhol kong sabi.

"Ana, let me explain,” nagkukumahog na paliwanag ni Dave. “Me and Kat are—”

"Explain what, Dave? Sapat nang eksplinasyon ‘tong nakikita ko," agad na pagputol ko sa kanya.

Magsasalita pa sana si Dave, nakita ko sa kanyang mata ang lungkot at pagsisi. Gusto ko siyang pakinggan ngunit natabunan ng galit ang aking nararamdaman sa kanya. Hanggang si Katrina naman ang nagsalita.

"Sorry, nagmamahalan kami ni Dave at magiging daddy na siya. Buntis ako, Ana,” saad nito sa akin na kinagalit ko nang sobra.

Naikuyom ni Dave ang palad niya. "Stop it, Katrina!" asik niya rito saka siya lumingon sa akin. “H'wag kang maniniwala sa kanya, Ana,” pagsusumamo niya.

"Ganon? Nakabuo na kayo? Ang kapal talaga ng mukha mo Kat!" Nilapitan ko ang best friend ko at sinampal ito nang malakas. Napatulala lang ito sa ginawa ko at napahawak sa pisngi niya.

Nang bumaling ako kay Dave ay sarkastiko akong natawa. “Hahaha, nakakatawa ‘no? Ako sana ang magsu-surprise sayo Dave. Sasabihin ko sana na, ‘MAHAL MAGING DADDY KA NA, BUNTIS AKO,’ pero ako pala ang masu-surprise sa inyong dalawa. Ang masaklap pa ay ang best friend ko pa talaga, Dave!" singhal ko sa mismong mukha niya. Napatingin sya kay Katrina.

"Masarap ba Kat?” mariin kong tanong sa best friend ko saka ako muling tumitig kay Dave. “At ikaw Dave, masarap bang makipag-s*x sa kaibigan ko?”

Hindi nakatugon si Dave. Dinuro ko siya.

“Ito ang tandaan mo. Hinding-hindi ko mapapatawad ‘tong ginawa niyo. Akala ko Dave sapat na ako sayo pero hindi pala, ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita sa akin at sa magiging anak mo dahil patay ka na sa paningin ko!” Matapos kong singhalan si Dave ay si Kat naman ang dinuro ko. “At ikaw Kat, wala akong kaibigang ahas!”

Napalunok silang dalawa.

“Ito ang tandaan nyong dalawa. Sa oras na magkita ulit tayo ay pagsisisihan nyo kung bakit nyo ako ginago at ginawang tanga!” mariin kong sabi habang pinapahid ang mga luha ko.

Napahinga nang malalim si Dave.

"Mahal please listen, pakinggan mo naman ako. You know how much I love you, rig—”

"Enough! Niloko mo ako Dave. Niloko nyo akong dalawa! Alam mo ba kung gaano ito ka sakit sa akin. Ang sakit sakit sobrang sakit," walang emosyon kong sabi sa kanila. “Taksil ka, Dave!”

"No, no, no, inakit nya ako, Ana. Listen to me," paliwanag nito sa akin na kinailing ko.

"Sapat na ba na dahilan yun, Dave? Ha? Kahit mahal mo ako pumatol ka pa rin sa kanya. Kung ganon, hindi mo talaga ako mahal,” tugon ko sa kanya bago ako bumaling ulit kay Kat. “By the way Kat…"

PAK!

Sinampal ko siya nang malakas. Natulala ulit siya.

"Yan ay para sa panloloko mo sa akin,” sambit ko sa kanya, “at ito naman ay para makalabo ka na!” Tinulak ko siya sa kama at sinabunutan.

Inawat ako ni Dave.

"Please! please! Ana, mahal, buntis si Katrina baka mapa ano ang bata,” tarantang sabi nito sa akin na kinangiti ko nang mapait.

“Really? Sigurado ka ba na sayo talaga ang pinagbubuntis nya? Kung maka sigurado kang sayo, tsk....hindi mo talaga sya kilala," bahagya akong natawa.

Itininuon ko ang atensyon ko kay Katrina. "Be careful Kat, alam mo naman kung ano talaga ang ugali ko at pinakaayaw ko. I’ll make sure na malulugi ang company nyo,” pagbabanta ko sa kanya dito na kinamutla nito.

Tumayo at pinagmasdan silang dalawa.

"From now on, isipin nyo nang wala na kayong kilalang Anastasia Clinton. Mula ngayon, mga mortal ko na kayong kaaway,” pagdedeklara ko saka ako bumaling kay Dave. “Thank you sa gift mo sa akin Dave Santiago, mamahalin ko ito, higit pa sa buhay ko,” napahawak ako sa t'yan ko na ang tinutukoy ay ang sanggol sa sinapupunan ko.

Iniwan ko na silang dalawa. Narinig kong tinawag ako ni Dave pero hindi ko ito pinansin pa.

Tinipa ko ang telepono ko.

"Hello Tanya, please prepare my things. Aalis ako ng bansa. Pati ang private plane ay pakihanda na rin, thanks,” utos ko sa aking PA na pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

Napangiti ako nang mapakla.

At least, mayroon pa rin akong kaibigan na maaasahan sa lahat na oras.

Hinawakan ko ang sinapupunan ko.

I will raise my twins and provide them with the best in life, even if I have to do it alone.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
239 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status