NANG gabing iyon ay hindi naging madali para kay Jason ang matulog. Hindi parin kasi mawala sa isipan niya ang sinabi kanina sa kaniya ng nanay niya. Na si Jenny na dati niyang nobya noong nasa kolehiyo pa siya ang babaeng sinasabi nitong mabait at magandang guest na gustong-gusto nito.
Mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay bumangon si Jason. Pagkatapos ay binuksan ang bintana ng kaniyang kwarto at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin.
Sa maraming pagkakataon mula nang maging in-demand ang social media ay sinubukan naman talaga niyang hanapin si Jenny. Hindi niya maunawaan kung bakit niya ginagawa iyon noong umpisa, pero katulad nang sinabi niya nang dalawin niya si Ara sa puntod nito kamakailan lang, pakiramdam niya ay kailangan siya ni Jenny.
At ngayon na mukhang ibinigay na nga ng langit ang hinihingi niya, ano ang gagawin niya?
Sa tanong ng iyon ay walang ibang nagawa si Jason kundi ang magpakawala ng buntong hininga.
Hindi naman niya nakalimutan kung ano ang nangyari kahit ten years na ang nakalilipas. At kahit minsan hindi rin nawala sa isipan niya ang sakit at panunumbat sa mga mata ni Jenny nang huli silang magkita. Pati narin ang mabibigat na salitang binitiwan nito sa kaniya bago sila tuluyang naghiwalay.
“Marami na ang nawala sa akin mula nang mahalin kita. Ibinigay ko na ang lahat pero hindi parin sapat ang mga iyon. Pinatay mo ako, inalis mo sa akin ang pangarap ko at ang dahilan para mabuhay. Tapos ngayon gusto mo na patawarin kita? I’m sorry, pero pagkatapos ng lahat ng napagdaanan ko hindi ako naniniwala na posible pang magpatawad ang taong namatay na.”
Kasalanan naman talaga niya at aminado siya doon. Sinubukan niyang ibaling sa iba ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Ara dahil sobra siyang nasaktan nang malaman niya ang tungkol rito at kay Daniel.
Marami siyang idinate na babae noon.
Lahat magaganda at sexy.
Pero dahil kaibigan niya si Jenny at palaging nasa tabi niya ang dalaga, hindi niya naiwasan ang hindi ito makita. Hanggang nang sa huli ay naging nobya na nga niya ang dalaga.
Minahal siya ni Jenny noon at ganoon rin naman siya dito. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya para kay Ara. Ang selos na kinikimkim niya sa dibdib niya tuwing nakikita niyang masaya ito sa piling ni Daniel.
At si Jenny?
Huli na ang lahat nang ma-realize niya ang halaga nito para sa kanya. Nang wala na ito sa piling niya.
Malaki ang kasalanan niya rito. At ngayong nandito lang ang dalaga sa malapit, iyon ang nakikita niyang dahilan kaya parang natatakot siyang makaharap ang dalaga.
Kumusta na kaya ito?
Sa tanong na iyon ay agad na nakaramdam si Jason ng matinding pananabik at pangungulila para sa dati niyang nobya.
Nakahanda na ba siya?
Ipinilig nalang ng binata ang ulo niya sa tanong na iyon saka muling nagbalik sa kaniyang higaan.
*****
MAGAAN ang pakiramdam nang magising si Jenny kinabukasan.
Malamig na klima at mga pine trees ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya ang Baguio City. Kinakalma ng maganda tanawin ang kalooban niya.
Ginawa lang niyang mabilis ang pagliligo at minabuti niyang huwag ng basain ang kaniyang buhok. Naligo rin naman kasi siya kahapon pagdating niya at hindi na lumabas kaya hindi nadumihan ang buhok niya.
Tapos na siyang magbihis at kasalukuyang inaayos ang sarili sa harapan ng salamin nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa kaniyang pinto. Inisip niyang baka si Aling Malou iyon at hindi nga siya nagkamali.
“Good morning, kumusta ang tulog mo?” ang mabait nitong tanong sa kaniya.
“Okay naman po,” sagot ni Jenny habang matamis na nakangiti.
“Kukunin ko lang iyong tray,” anito.
“Ah, sandali lang po,” ani Jenny na nagmamadaling kinuha ang tray sa kusina.
“Salamat po, pakisabi kay Mama Loida masarap iyong Leche Flan,” aniyang iniabot kay Malou ang tray kasama ang platito at kutsarita na nahugasan na niya kagabi.
Tumango si Malou habang masaya ang aura ng mukha habang nakatitig sa kaniya. “Pinapatanong nga pala ni Ma’am Loida kung gusto mong sumabay mag-agahan sa kanila ng anak niya?”
Sa tanong na iyon ay mabilis na gumana ang isipan ni Jenny para mag-isip ng maisasagot. “Naku salamat nalang po pero gusto ko po kasing maglakad-lakad ngayong umaga,” pagsasabi niya ng totoo.
“Ganoon ba? O sige iyon nalang ang sasabihin ko sa kaniya. Huwag mo nga palang kalilimutang magsuot ng bonet at jacket. Mahamog at baka sipunin ka,” bilin ni Malou bago siya tuluyang iniwan.
Sinundan muna ni Jenny ng tingin ang papalayong si Malou bago isinara ang pinto. Wala siyang dalang bonet pero hooded jacket naman ang dala niya kaya wala siyang kailangang alalahanin.
*****
SA branch ng isang kilalang coffee shop naisipan ni Jenny na bumili ng kape nang matanawan niya iyon hindi kalayuan mula sa pinanggalingan niya. Walang customer sa counter kaya naging mabilis lang ang pag-a-assist sa kaniya.
Hindi niya tiyak kung dahil ba sa kinain niyang hapunan kagabi kaya hindi siya nakakaramdam ng gutom at mas gusto niyang humigop nalang ng mainit na kape habang naglalakad.
Someday bibili ako ng bahay dito sa Baguio.
Iyon ang sinasabi ng isang bahagi ng isipan niya habang nakangiting tinitingala ang matataas na puno ng pine trees na nakahilera sa kabilang bahagi ng kalsada na nilalakaran niya.
Dahil doon ay hindi napansin ng dalaga ang kasalubong niyang lalaking nakayuko naman sa hawak nitong cellphone. Huli na para iwasan iyon dahil nagkabanggaan na sila. Natanggal ang takip ng hawak niyang kape at kaya tumalsik iyon sa kamay niya kaya sa huli ay nabitiwan niya ang cup.
“Naku miss sorry hindi ko sinasadya!” ang maagap na winika ng lalaking nakabanggaan niya.
Hindi iyon pinansin ni Jenny at sa halip yumuko ng hindi tinitingnan ang lalaki para sana damputin ang nahulog na paper cup.
“Style lang siguro ninyong mga lalaki ang manakit, tapos mag-so-sorry kayo, napaka-nonsense!” ang naiinis niyang sambit.
“Kaya nga nag-so-sorry ako kasi hindi ko sinasadya,” giit nito.
“Huli na kasi nasaktan na nga ako!” ang galit na muling sagot ng dalaga saka itinuwid ang pagkakatayo.
Noon din niya tiningala ang matangkad na lalaking nasa kaniyang harapan ngayon. Para lang matigilan nang sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos sampung taon ay nagkaroon siya ng chance na masilayan ang maiitim at para sa kaniya ay pinakamagandang pares ng mga mata sa buong mundo.
“J-Jason?” aniya sa tono na hindi makapaniwala kasabay ang hindi maipaliwanag na pagbilis ng tahip ng kaniyang dibdib.
“Jen,” anas naman nito saka siya nginitian.
*****
“NASAKTAN ka ba? Patingin nga?” nang makabawi sa pagkabigla ay biglang naalala ni Jason na napaso nga pala si Jenny ng dala nitong kape kanina.
Noon niya walang anumang salitang hinawakan ang kamay nito na nakita niyang bahagya ngang namumula. Pero hindi rin naman nagtagal dahil binawi rin ni Jenny ang kamay nito mula sa kanya.
“Okay lang ako,” anito pa saka yumuko para iwasan ang kaniyang paningin.
Napangiti sa ginawing iyon ni Jenny ang binata. Hindi parin ito nagbabago, ito parin ang mahiyain na Jenny na nakilala niya noon.
“So totoo nga ang sinasabi ni Mama,” aniyang naging dahilan kaya muli siyang tiningala ng dating nobya.
“What?” nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Jenny.
“Na ikaw iyong maganda at mabait na guest namin na dumating kahapon,” sagot niya saka hindi napigilan ang mapangiti.
Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa para sa kaniya ay pinakamagandang mukha na kaniyang nakita sa buong buhay niya. Kaya naman kitang-kita niya ang pagguhit ng pagtataka sa mga mata nito.
“W-What do you mean?”
Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jason nang marinig ang panginginig sa tinig ni Jenny.
“Anak ako ng may-ari ng cabin na inuupahan at tinutuluyan mo ngayon,” sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ni Jenny sa narinig. “Ikaw ang anak ni Mama Loida?” tanong nito.
Tumango-tango si Jason saka humakbang palapit kay Jenny. “Kumusta ka na?”
Hindi pa nakakasagot ang dalaga ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili. Kinabig niya ito saka mahigpit na niyakap.
“Masaya ako at nagkita ulit tayo,” anas niya na alam niyang umabot sa pandinig ng dalaga.
SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya. “Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon. Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina. “I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito. Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan. Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi mag
AGAD na natigilan si Jenny sa narinig na sinabing iyon sa kaniya ni Jason.“Really?” hindi niya pinilit ang sarkasmo na humalo sa tono niya.Malungkot ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jason sa pagkakataong iyon. “Galit ka parin ba sa akin?” tanong nito.“Ano sa tingin mo?” she asked back saka humigop ng kape sa hawak niyang mug.Kibit ng balikat lang ang isinagot ni Jason sa tanong niyang iyon. “So chef kana pala? Masaya ako para sa’yo,” naramdaman niya sa tono ng pananalita ng binata ang sinabi nitong iyon. Pero hindi niya alam kung bakit parang bitterness ang gusto niyang maramdaman.“Alam mo wala ako sa mood para makipaglokohan at makipagbolahan. May pinagdaraanan ako kaya naisipan kong magbakasyon,” iyon ang iritable na niyang sagot.“What? Hindi kita binobola,” ang maagap na pagtutuwid ni Jason sa m
“BAKIT ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba mapaniwalaan ang sinasabi ko?” ang natatawa niyang tanong saka ibinalik ang paningin sa mga puno ng pino na kanina pa niya pinagmamasdan.Matagal bago nagawang sagutin ni Jason ang sinabi niyang iyon. But eventually, sumagot parin ang binata. “Saan mo ba nakilala ang lalaking iyon at bakit nagawa niya sa’yo ang ganoon?” nasa tono nito ang galit.Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa si Jenny sa narinig na sinabi ni Jason. Pati narin ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang sa halip ay nanulas sa mga labi niya.“Look who’s talking? He did make me a mistress without my knowledge, yes, and you? Well, ginamit mo lang naman ako para takpan ang nararamdaman mo para sa best friend ko. Ngayon tatanungin kita, anong pinagkaiba ninyong dalawa? Wala naman hindi ba? Kasi pareho lang kayong user, pare
“BILISAN mo nasa ibaba na sila at hinihintay tayo,” si Ara na tapos na sa pagliligpit ng mga gamit.“Bakit ang bilis naman nila?” hindi man niya aminin pero nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan pero pinipilit niyang ignorahin.“Hindi na importante iyon, gutom na gutom na ako,” ang sa halip ay winika ni Ara.Tumawa lang ng mahina si Jenny sa narinig niyang iyon saka na tumayo. Habang tinatahak nila ang hagdan pababa ng gusali ay pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pilit niyang ginagawang normal ang mga kilos niya ang kahit papaano naman ay nagawa niya iyon. Kung mayroon man siyang hindi nagawang kontrolin, iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.At lalong nagtumindi iyon nang matanawan ng tuluyan ang isang lalaking para sa kaniya ay ang pinaka-gwapo sa lahat ng nakita niya.“Hello, sorry kung pinag
PRESENT DAY...“ANG lakas rin naman ng loob mo para magpakita pa sa akin. Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko?” ang galit na galit na winika ni Rowena kay Ryan.“Please naman po makinig kayo sa akin, mahal na mahal ko ang anak ninyo,” ang tanging nasabi niya.Alam naman niyang mali ang ginawa niya.Matagal na siyang kasal sa asawa niya pero hindi pa niya naramdaman ang klase ng kaligayahan na naramdaman niya sa piling ni Jenny. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na walang nangyayari sa kanila maliban sa simpleng paghahalikan. Pero kailangan parin niyang aminin sa sarili niya na matagal na niyang pinagnanasaan si Jenny.Napakaganda nito. Napakakinis ng kutis at napakabango. Iyon ang dahilan kaya palagi ay mabilis na nagigising ang libido niya sa mga pagkakataon na maghahalikan silang dalawa.“Wala na akong kailangan pang marinig na kah
MARAHAS na napasinghap si Jenny dahil doon.Napakasarap ng daloy ng kuryente na kumalat sa kabuuan niya dahil sa kung tutuusin ay simpleng halik lang na iyon ng binata sa kaniya. Nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya ay ramdam parin niya ang matinding pag-iinit ng buo niyang mukha. Alam niyang namumula iyon nang mga sandaling iyon at hindi siya nangkamali dahil pinatunayan iyon sa kaniya ng sinabi ni Jason.“Parang ganiyan din ang kaparehong reaksyon mo nung unang beses kitang nahalikan ten years ago,” anas nito saka siya muling niyuko at siniil ng halik sa kaniyang mga labi sa ikawalang pagkakataon.Katulad kanina ay mabilis lang ang halik na iyon.Pero tama si Jason, at katulad narin ng sinabi nito kanina, same reaction kahit kung tutuusin ay sampung taon na ang nakalilipas.Noon nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Jenny, hindi lang kay Jason kundi mas higit sa kaniyang saril
"JENNY," anas ni Jason habang nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa kaniya.Sa sandaling pagkakataon ay sinubukan ni Jenny na salubungin ang mga titig na iyon sa kaniya ng binata. Pero hindi rin niya kinaya, dahil katulad ng dati, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon sa kabila ng katotohanan na gusto niya ang nakikita niyang matinding paghahangad sa mga mata ng nito.Hindi siya nagsalita at sa halip ay ipinikit nalang ang kaniyang mga mata. Laking pasasalamat niya at hindi kinontra ni Jason ang ginawa niyang iyon at sa halip ay naging accomodating nalang. Marahil alam din nitong walang siyang lakas ng loob na makipag-eye contact dito.Naramdaman niya ang labi ni Jason na muling inangkin ang kaniya. Habang ang kamay nitong nasa pagitan ng kaniyang mga hita ay naramdaman niyang inialis doon ng binata. Noon siya nagdilat ng kaniyang paningin saka nakitang hinawakan ng binata ang laylayan ng suot niyang jacket.Hinila iyon paitaas ng b
HINDI ginawang madali ni Jason para sa kay Jenny ang huminga nang mga sandaling simulan nitong dampian ng maliit na halik ang kaniyang mukha at ilang beses na nagtagal sa kaniyang mga labi.Pakiramdam niya sa paraan ng pagkilos nito ay parang wala ng bukas pa. Masyadong mapusok ang binata pero sa kabila noon ay nasa mga haplos parin nito ang tenderness na talagang gustong-gusto niya."J-Jason!" ang marahas niyang sambit nang maramdaman niyang muling binalikan ng kamay ng binata ang hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita.Wala na ang suot niyang panloob kanina kaya naman ibang klase kaligayahan ang naramdaman niyang gumuhit sa katawan niya lalo nang simulan ng binata ang paikot na paraan ng pagdama sa kaniyang bukana.Nagbuka siya ng bibig para sana pakawalan ang isang naliligayahan na ungol pero napigil iyon nang biglang inangkin ni Jason ang kaniyang mga labi para sa isang mas mapusok na halik."Ipapasok ko na?" nang sandaling iniwan ng binata
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.
“NANDITO ka na pala, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? O kumain ka na ba?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Miriam kay Ryan na kararating lang kahit kung tutuusin ay umaga na. Noon malamig ang emosyon sa mga mata lang siyang sinulyapan ng lalaki at pagkatapos ay padabog pero walang imik na ibinaba sa mesa na nasa loob ng kwarto nila ang dala nitong bag. “Ah, Ryan, may---,” “Putang ina, Miriam! Hindi ka ba naman makahalata na hindi kita gustong kausap? Mukha mo nga lang sukang-suka na ako eh! Kaya tantanan mo ako sa mga kaartehan mo!” ang galit nitong bulyaw sa kanya na labis niyang ikinabigla. Iyon lang at nagtuloy na ito sa loob ng banyo. Alam niyang maliligo lang ito at aalis na naman. Noon parang dinudurog ang pusong huminga ng magkakasunod si Miriam. Hindi man niya gustong magalit kay Ryan sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi si Jenny ang unang naging babae nito. D
MALAKAS na napasigaw si Jenny dahil sa biglaang pagsibasib na ginawa ni Jason sa kanyang pagkababae. Hindi karaniwang kay Jason ang ganoon. Palagi kasi, o kung hindi man ay mas tamang sabihing madalas, sa simula ay nagiging maingat ito at dahan-dahan upang hindi siya mabigla. Pero sa puntong ito, masyadong mapusok at naging marahas ang bibig nito sa kanyang pagkababae. Hindi nito pinakitaan ng kahit anumang gentleness ang hiyas niya dahil hindi nagtagal, habang sinusuyo ng bibig nito ang kanyang bukana ay naramdaman rin niya ang mabilis na pagpasok ng daliri nito doon at nagsimulang maglabas-masok kaya lalong tumirik ang mga mata ni Jenny sa labis na kaligayahan. “Damn! Jason! Shit!” ang magkakasunod at walang pagitan niyang sambit nang magsimulang maglunoy sa kanyang harapan ang dila at bibig nito na tinutulungan rin ng daliri nito. Kung ang lahat ng pagsasanib pwersa na iyon ang titingnan, ano nga naman ang laban niya? Wala
ALAM ni Jenny na ang halik na iyon na ang simula. Alam niyang kung ibabase sa mapang-angkin na bibig ni Jason ngayon ay talagang malilintikan siya. Pero okay iyon sa kanya dahil alam naman niya sa sarili niyang wala siyang kakayahang tumanggi. Palagi kapag sinimulan siyang sindihan ng binata ay nararamdaman na lamang niyang sabik na sabik siya kay Jason at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Shit! Mmnn, sige pa please, hard!” utos niya nang magsimula ang binata sa ngayon ay malalalim na nitong ulos sa kanya. Pero hindi iyon nangyari. Ilang sandali lang at hinila na ni Jason palabas ang pagkalalaki nito at pagkatapos ay tinungo ang tub at sinimulang pinuin ng tubig. Mabilis na pinuno ng matinding excitement ang puso ni Jenny dahil doon. Nang balikan siya ni Jason ay hinawakan nito ang batok niya saka siya muling mariing kinuyumos ng halik. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay parang nilalagnat sa tindi ng init na kaniyang nararamdaman. Pero kah