“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya.
“Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata.
Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason.
Alam naman niya iyon.
At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito.
Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya.
“Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.
“Sa iyo lang ako, noon, ngayon at kahit hanggang sa kailan man,”-JENNY-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?” bakas sa tono ng pananalita ng ina ni Jenny na si Weng ang pag-aalala habang inaabala ng dalaga ang sarili sa pag-e-empake ng ilang personal na gamit na dadalhin niya.Tumango si Jenny saka tinitigan sandali ang kaniyang ina bago ipinagpatuloy an ginagawa. “Sandali lang ho ako doon, mga dalawang linggo, magpapalipas lang ng sama ng loob,” aniyang mapait pang ngumiti pagkatapos.Noon ginagap ng nanay niya ang kaniyang kamay saka iyon marahan na pinisil. “Wala kang kasalanan, biktima ka rin,” ang makahulugan nitong winika habang nakatitig sa kaniyang mga mata.Sa ginawing iyon ng kaniyang ina ay mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang napaiyak. Mabilis naman siya niyakap ng nanay niya saka pagkatapos ay naramdaman na niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang likuran.“Magiging maayos rin ang l
AFTER lunch nang marating ni Jenny ang Baguio City.Isang magandang cabin ang nirentahan niya para sa plano niyang dalawang linggo na pananatili roon. Pero katulad narin ng sinabi ng nanay niyang si Rowena, walang problema kung gusto niyang I-extend iyon. Doon ay simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Jenny.“Salamat po,” ang dalaga sa may edad ng babae na nag-abot sa kaniya ng susi ng cabin.“Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako doon sa bahay ko,” anito sabay itinuro ang isang bahay na hindi malayo sa kinaroroonan ng cabin na nirentahan niya.Tumango ang ginang habang mataman na nakatitig sa kaniyang mukha kaya lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Jenny. “Sige po,” iyon ang muli ay tipid niyang sagot.“Pasensya ka na anak, napakaganda mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. Pero alam mo, parang pamilyar ang mukha mo, hi
MASARAP ang Beef with Brocolli na free meal para sa kanya. Ayon kay Aling Malou ay si Mama Loida raw ang personal na nagluto ng hapunan para sa gabing iyon. Darating raw kasi ang anak nitong lalaki kaya ganoon. Katulad kanina ay nanatiling tipid ang mga sagot ni Jenny kay Aling Malou. Although mabait naman ito talaga, ganoon lang talaga siya, may pagkamahiyain at tahimik. Naalala nga niya, noon college siya madalas siyang tuksuhin ng nag-iisang kaklase at naging kaibigan niya sa private university kung saan siya nag-aral ng unang taon sa kolehiyo. Si Ara. Sa pagkakaisip rito ay agad na nakaramdam ng matinding pangungulila sa kaniyang dibdib si Jenny. First year lang silang naging magkaklase ni Ara kasi nagtransfer na siya sa isang state university sa ikalawang taon niya. Hindi na kasi kinaya ng budget nila na tustusan ang pag-aaral niya para sa unibersidad na iyon dahil nawala ang scholarship niya, dahil sa isang malak