MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

last updateLast Updated : 2025-04-13
By:  A.N.JUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
26Chapters
302views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Chapter 1 Zamara POV "From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit pa rin iyong umuugong sa aking isipan kahit ilang taon na ang lumipas. Kahit anong gawin ko, hindi ko mabura ang tinig na iyon. Hindi ko matakasan ang anino ng nakaraan. Kaya napagdesisyunan kong lumayo. Iniwan ko ang tahimik naming baryo at nakipagsapalaran sa Maynila—isang lungsod na hindi ko alam kung tatanggapin ako o lulunukin ng buo. Ang tanging dala ko ay ilang pirasong damit, kaunting ipon, at ang pangarap kong makalaya. Sa loob ng ilang taon, pinilit kong bumuo ng panibagong buhay. Natuto akong maging matatag sa isang lugar na puno ng ingay, mabilis ang takbo ng buhay, at walang pakialam sa mga taong tulad ko. Pero may isang bagay akong hindi napaghandaan… Hindi ko inakalang kahit gaano ako kalayo, may mga bagay talagang hindi basta-basta nawawala. At isa na roon si Davis Santillian.Nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko siya—si Davis Santillian.Nasa VIP section siya, nakasandal sa upuan, ha...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
A.N.J
yehey..... I got 116 views.... thank you very much
2025-03-22 10:43:37
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:08:58
1
user avatar
SKYGOODNOVEL
hello all....
2025-03-17 17:28:51
1
user avatar
A.N.J
hello all.... I'm newbie here. masaya ako dahil nakapasok ako dito. sana ma gustuhan ninyo ang aking ginawang story.
2025-03-15 19:13:09
0
user avatar
Mairisian
Recommended!!! 🫶
2025-03-15 02:23:56
1
26 Chapters
Chapter 1
Chapter 1 Zamara POV "From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit pa rin iyong umuugong sa aking isipan kahit ilang taon na ang lumipas. Kahit anong gawin ko, hindi ko mabura ang tinig na iyon. Hindi ko matakasan ang anino ng nakaraan. Kaya napagdesisyunan kong lumayo. Iniwan ko ang tahimik naming baryo at nakipagsapalaran sa Maynila—isang lungsod na hindi ko alam kung tatanggapin ako o lulunukin ng buo. Ang tanging dala ko ay ilang pirasong damit, kaunting ipon, at ang pangarap kong makalaya. Sa loob ng ilang taon, pinilit kong bumuo ng panibagong buhay. Natuto akong maging matatag sa isang lugar na puno ng ingay, mabilis ang takbo ng buhay, at walang pakialam sa mga taong tulad ko. Pero may isang bagay akong hindi napaghandaan… Hindi ko inakalang kahit gaano ako kalayo, may mga bagay talagang hindi basta-basta nawawala. At isa na roon si Davis Santillian.Nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko siya—si Davis Santillian.Nasa VIP section siya, nakasandal sa upuan, ha
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
Chapter 2
Chapter 2 Hindi ko alam kung bakit siya narito o kung aksidente lang ang lahat, pero hindi ko kayang isugal ang pagkakataon. Lumabas ako sa likurang pinto ng bar, sinikap na hindi lumingon. Hindi ko rin inalintana ang malamig na hangin ng Maynila sa dis-oras ng gabi. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makalayo… bago pa niya tuluyang mabunyag kung sino ako. Pero habang naglalakad ako sa madilim na eskinita, may kakaibang pakiramdam akong bumalot sa akin. Para bang… may nakasunod. Mas binilisan ko ang hakbang ko, pilit nilalabanan ang takot na nagsisimulang gumapang sa aking katawan. "Hindi, imposible. Hindi niya ako nakilala. Hindi niya ako masusundan." Pero isang malalim na boses ang biglang bumasag sa katahimikan ng gabi— "Mira, saan ka pupunta?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang nasa likuran ko. Si Davis. Nanatili akong nakatalikod, pilit pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi puwedeng malaman ni Davis
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
Chapter 3
Chapter 3Patuloy akong sumayaw, pinanatili ang ngiti sa aking labi kahit pa ang loob ko ay naguguluhan. Sino ang lalaking iyon? Bakit iba ang pakiramdam ko sa presensya niya?Hindi siya tulad ng ibang customer na tuwang-tuwa sa panoorin. Tahimik lang siya, pero matalim ang kanyang titig—para bang alam niya ang tunay kong pagkatao, ang lihim na itinatago ko.Pilit kong iniba ang tingin ko, iniiwasan ang titig niya, ngunit sa bawat galaw ko ay nararamdaman ko pa rin ang kanyang presensya. Parang isang aninong nakabantay sa akin.Matapos ang sayaw ko, agad akong bumaba ng entablado at nagtungo sa backstage. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili."Grabe, Mira! Ang daming nagbigay ng tip sa'yo ngayon!" sabi ni Mila, sabay pakita ng isang bungkos ng pera. "Pero girl, napansin mo ba ‘yung lalaking naka-black sa sulok? Hindi siya natanggal ng tingin sa'yo."Napakurap ako. "Napansin ko nga.""Feeling ko mayaman ‘yon, baka naman siya na ang sagot sa mga problema mo!" tukso niy
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
Chapter 4
Chapter 4Agad niya akong binigyan ng calling card saka ito umalis. Nanatili akong nakatayo, hawak ang calling card na iniwan ni Mr. June. Pinagmasdan ko ang pangalan at numero na nakasulat doon. Wala akong balak tawagan siya—pero alam kong hindi siya basta-basta mawawala.Isang linggo.Iyon lang ang palugit niya bago niya sabihin kay ex-uncle kung nasaan ako.Mabilis akong bumalik sa dressing room, hindi alintana ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko. Hindi ko na kayang magsaya o magkunwaring walang nangyari.Pagkaupo ko sa harap ng salamin, napayuko ako at mariing kinuyom ang aking mga palad.“Ano pa ba ang dapat kong gawin?” bulong ko sa sarili.Dalawang taon na lang at magiging ganap na akong abogado. Dalawang taon na lang at makakalaya ako sa mundong ito. Pero paano kung mawala ang lahat ng ito dahil sa isang lalaking iniwan ko sa nakaraan?Hindi. Hindi ako papayag.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin."Kailangan kong humanap ng paraan para mawala siya
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
Chapter 5
Chapter 5 Mabilis akong huminga nang malalim bago sumagot. "Opo. Ako po si Zamara Lopez." Dahan-dahang umikot ang swivel chair, at sa wakas, nasilayan ko na ang mukha ng lalaking kaharap ko. Matikas ang panga niya, matangos ang ilong, at matalim ang titig ng kanyang malamlam na kulay-abo na mga mata. Parang kaya niyang basahin ang iniisip ko sa isang sulyap lang. "Naupo ka," malamig niyang utos habang itinuro ang upuang nasa harap ng kanyang mesa. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko nang lumapit ako at umupo. "Alam mo ba kung anong klaseng trabaho ang ina-apply-an mo?" direkta niyang tanong. Napalunok ako. "Personal Assistant po." Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Tama. Pero ang posisyong ito ay hindi ordinaryong P.A. job." Napatigil ako. "A-anong ibig ninyong sabihin?" Tumayo siya, lumapit, at bahagyang yumuko upang mapantayan ang tingin ko. Mula sa malapitan, mas naging nakakatakot ang presensya niya—parang isang hari na hindi pwedeng suwayin. "I need
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
Chapter 6
Chapter 6Davis POVNakamasid lang ako kay Zamara habang nakasandal siya sa pader, nanlalamig at nanginginig sa takot. Matagal ko na siyang hinanap. At ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko na siya hahayaang makawala pa."Ang tagal mong nagtago, Zamara," malamig kong sabi, pinag-aaralan ang bawat emosyon sa mukha niya—galit, takot, at… isang bahagyang kirot ng pagtataksil. "Pero hindi mo na ako matatakasan ngayon.""Kasalanan mo kung bakit ako tumakas!" mariing sagot niya, nagpipilit na bumangon mula sa takot. "Hindi mo ako pag-aari, Davis!"Napangiti ako. Isang mapanganib na ngiti na alam kong lalo lang magpapakaba sa kanya."Hindi kita pag-aari?" Inilapit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya, pinigilan ang anumang puwang sa pagitan namin. "Kung hindi kita pag-aari, bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang iniisip ko? Bakit kahit saan ako magpunta, ikaw ang hinahanap ko?"Nakita kong napakapit siya sa palda niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi niya ako malilinlang. Kilala
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
Chapter 7
Chapter 7Napakuyom ako ng kamao nang marinig ang pakiusap ni Zamara. Ang tinig niya—basag, desperado—ay tila isang kutsilyong tumatarak sa dibdib ko. Pero hindi ako bibigay. Hindi ko siya pakakawalan.“Shhh… Keep quiet,” malamig kong bulong, mas hinihigpitan ang hawak sa kanya. “Ayokong may makarinig sa’yo.”Patuloy siyang pumapalag, sinisipa ang mga binti ko at pilit na ibinababa ang sarili mula sa pagkakabuhat ko. Pero mahigpit ang pagkaka-lock ko sa kanya. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan laban sa akin, ang mabilis na tibok ng puso niya—hindi lang dahil sa takot kundi dahil sa galit.“Davis, let me go! Hindi mo pwedeng gawin ‘to!” sigaw niya, pilit inaabot ang mukha ko para lang masampal ako.Napangiti ako. Ang matapang kong Zamara. Ang babaeng kahit ilang beses tumakbo palayo ay hindi kailanman kayang takasan ang koneksyon namin.“Hindi kita bibitawan,” malamig kong sagot. “Kahit anong gawin mo, Zamara, akin ka lang.”Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
Chapter 8
Chapter 8 Napatigil siya. Nanlaki ang mga mata at parang hindi makapaniwala sa narinig. "Ano?" "Hindi mo ba ako narinig?" Tumagilid ako, mas lumapit sa kanya, ang mukha ko ilang pulgada lang ang layo sa kanya. "Gusto kong lumuhod ka at aminin mong nagkamali kang iwan ako." Natahimik siya. Alam kong hindi dahil sa pagsunod kundi dahil sa matinding galit na pilit niyang pinipigilan. Nakita ko kung paano nanigas ang kanyang panga, kung paano niya pilit pinaninigas ang katawan para pigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Hindi ko kailangang humingi ng tawad sa'yo, Davis," madiin niyang sagot, ang tinig niya nanginginig hindi sa takot kundi sa matinding emosyon. "Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako tumakas. Ikaw ang dahilan kung bakit ako natatakot." Nanigas ang panga ko. "Ako ang dahilan?" "Oo," matapang niyang sagot. "Akala mo ba hindi ko naaalala kung paano mo ako hinawakan noon? Kung paano mo ako inangkin na parang isang bagay na pag-aari mo? H
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
Chapter 9
Chapter 9Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinigpitan ang kapit. "Calm down, sweetheart. Mas mabuting makisama ka na lang.""Hindi ako susunod sa'yo, Davis! Wala kang karapatang kontrolin ang buhay ko!" mariing sigaw niya, ngunit mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya, pinipigilan siyang makalapit sa pinto.Napangisi ako. "Hindi na ito tungkol sa kung anong gusto mo, Zamara. Matagal mo akong tinakasan, pero ngayong nasa akin ka na ulit… sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas pa."Halatang bumilis ang paghinga niya, at kahit anong galit ang ipakita niya sa akin, hindi niya maitago ang kaba sa kanyang mga mata."Isang bagay lang ang tandaan mo, Zamara," bulong ko habang inilapit ang labi ko sa kanyang tenga. "Sa oras na lumapag tayo sa destinasyon natin... magsisimula na ang bagong buhay mo—kasama ako.""Hindi mo ako pwedeng dalhin kung saan, maypasok ako sa school mamayang 10 am at malapit na aking makapagtapos ng lawyer."Napangisi ako sa sinabi niya. "School? Graduation?" Iniling
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
Chapter 10
Chapter 10"Sabihin mo, anong hitsura niya?" seryoso kong sabi.Buti na lang at sinabi niya sa akin. Kaya napakuyom ang kamao ko.Nanlilimahid ang galit sa loob ko habang iniisip ang ibig sabihin nito. Nag-umpisa na sila.Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang pagkakatunton ko kay Zamara. May ibang gumagalaw sa likod ng anino—at hindi ko pa alam kung ano ang pakay nila."Tandaan mo, Zamara," madiin kong sabi habang hinigpitan ang hawak ko sa manibela. "Anuman ang sabihin sa’yo ng lalaking 'yon, huwag kang magpapaloko. Hindi ko alam kung anong binulong niya sa’yo, pero tandaan mo kung sino lang ang dapat mong pagkatiwalaan."Bumaling siya sa akin, nag-aalangan. "At sino naman ang dapat kong pagkatiwalaan?" may hamon sa boses niya.Matalim kong ibinalik ang tingin sa kanya. "Ako."Tumikhim siya, saka napairap. "Napaka-possessive mo."Hindi ko iyon itinanggi. "Dahil may dahilan ako."Biglang bumukas ang phone ko, isang text message ang natanggap ko mula sa isang anonymous number:"
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status