Chapter 9Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinigpitan ang kapit. "Calm down, sweetheart. Mas mabuting makisama ka na lang.""Hindi ako susunod sa'yo, Davis! Wala kang karapatang kontrolin ang buhay ko!" mariing sigaw niya, ngunit mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya, pinipigilan siyang makalapit sa pinto.Napangisi ako. "Hindi na ito tungkol sa kung anong gusto mo, Zamara. Matagal mo akong tinakasan, pero ngayong nasa akin ka na ulit… sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas pa."Halatang bumilis ang paghinga niya, at kahit anong galit ang ipakita niya sa akin, hindi niya maitago ang kaba sa kanyang mga mata."Isang bagay lang ang tandaan mo, Zamara," bulong ko habang inilapit ang labi ko sa kanyang tenga. "Sa oras na lumapag tayo sa destinasyon natin... magsisimula na ang bagong buhay mo—kasama ako.""Hindi mo ako pwedeng dalhin kung saan, maypasok ako sa school mamayang 10 am at malapit na aking makapagtapos ng lawyer."Napangisi ako sa sinabi niya. "School? Graduation?" Iniling
Chapter 10"Sabihin mo, anong hitsura niya?" seryoso kong sabi.Buti na lang at sinabi niya sa akin. Kaya napakuyom ang kamao ko.Nanlilimahid ang galit sa loob ko habang iniisip ang ibig sabihin nito. Nag-umpisa na sila.Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang pagkakatunton ko kay Zamara. May ibang gumagalaw sa likod ng anino—at hindi ko pa alam kung ano ang pakay nila."Tandaan mo, Zamara," madiin kong sabi habang hinigpitan ang hawak ko sa manibela. "Anuman ang sabihin sa’yo ng lalaking 'yon, huwag kang magpapaloko. Hindi ko alam kung anong binulong niya sa’yo, pero tandaan mo kung sino lang ang dapat mong pagkatiwalaan."Bumaling siya sa akin, nag-aalangan. "At sino naman ang dapat kong pagkatiwalaan?" may hamon sa boses niya.Matalim kong ibinalik ang tingin sa kanya. "Ako."Tumikhim siya, saka napairap. "Napaka-possessive mo."Hindi ko iyon itinanggi. "Dahil may dahilan ako."Biglang bumukas ang phone ko, isang text message ang natanggap ko mula sa isang anonymous number:"
Chapter 11Zamara POV Ang tension sa pagitan namin ni Davis ay hindi mabasag-bagsag. Nakaupo ako sa pinakamalayong upuan sa loob ng jet, habang siya naman ay kampanteng nakasandal sa kabilang bahagi, pinagmamasdan ako na para bang isang laruan na gusto niyang paglaruan."Zamara, wala ka bang balak makipag-usap?" tanong niya, may bahid ng amusement sa boses.Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko. Isa kang kidnapper."Napangisi siya. "Technically, hindi kita kinidnap. Sinama lang kita nang kusa.""Hindi ako kusang sumama, Davis! Binuhat mo ako!""Well, wala kang masyadong pagpipilian noon," sagot niya, bahagyang nagkibit-balikat. "At ngayon din."Napabuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili. "Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ako itinatakas kung wala naman akong ginawang masama?"Bumuntong-hininga rin siya, pero sa kanya, parang wala lang ito—na para bang normal lang ang sitwasyong ito para sa kanya. "Zamara, hindi ito tungkol sa'yo lang. May mga taong gustong makuha ka, at hi
Chapter 12Napangisi si Davis, halatang hindi natinag sa pang-iinis ko. "Aaminin ko, medyo nasaktan ako doon," aniya, habang kunwari’y pinipisil ang dibdib niya na parang may sugat. "Pero teka lang, bakit parang ikaw ang mas affected? Miss mo ako, ano?"Napairap ako. "Miss ko mukha mo? Ano ako, nawalan ng matinong pag-iisip?""Hmm, hindi mo kailangan aminin. Nararamdaman ko naman." Kumindat pa siya na parang hindi siya tinatawag kong baliw ilang segundo lang ang nakalipas.Mabilis akong lumapit at tinuro siya sa noo. "Uulitin ko, Davis. EX-UNCLE. Tapos na ‘yung chapter ng buhay ko na may kinalaman ka!"Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tinakpan niya ang dibdib niya na parang nasaktan. "Ouch. Grabe naman ‘to. Sinaktan mo na puso ko, sinigawan mo pa ako. Hindi mo na talaga ako mahal?""Tumigil ka nga diyan!" Napapikit ako sa sobrang inis. "Kung gusto mong saktan kita sa totoong buhay, sabihin mo lang. Malakas ako ngayon!""Hmm." Nagkibit-balikat siya. "Sige nga, subukan mo."Naningkit
Chapter 13 "Hmm…" Pumikit siya na parang nag-iisip, tapos biglang bumukas ang mga mata niya at diretsong tumingin sa akin. "Isang matamis na 'thank you' lang naman." Tiningnan ko siya nang masama. "Baka gusto mo na rin ng marriage proposal?" Napangisi siya. "Hindi pa naman. Pero kung gusto mong i-fast forward, game ako." Sinamaan ko siya ng tingin, pero mas malakas ang sigaw ng sikmura ko. "Ugh! Fine! Thank you, Davis!" "Napipilitan ka ata?" "Mas gusto mo bang walang salamat tapos wala ka ring ilong mamaya?" Tumawa siya. "Okay, okay. Mukhang gutom ka na nga. Tara na bago mo ako tuluyang katayin." Diyos ko, bigyan mo ako ng lakas na ‘wag itapon ang tray ng pagkain sa mukha ng lalaking ‘to. Habang dala ni Davis ang tray ng pagkain, hindi ko maiwasang titigan siya nang masama. Ang lalaking ito, walang ibang ginawa kundi paglaruan ang utak ko! "Ang lalim ng iniisip mo," sabi niya habang nilalapag ang pagkain sa harapan ko. "Ako ba 'yon?" "Hindi, iniisip ko kung paano
Chapter 14 Hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko. Parang may slow-motion effect ang utak ko sa nangyari. Zamara, kahit anong tanggi mo, alam kong gusto mo na akong halikan. Halikan? Sino? Siya? Ako? KAMI? Napailing ako at napahawak sa noo. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ‘yon? At bakit parang hindi ko kayang i-deny nang buo? Biglang bumukas ang pinto at sumilip si Davis. "Hindi ka pa rin tapos mag-internal monologue mo diyan?" "GAGI!" Napatalon ako sa gulat. "Ano ba, Davis?! Sinasadya mo talagang buwisitin ako?" Ngumisi siya at sumandal sa pinto, parang bida sa action movie. "Hindi ko naman kasalanan na bagay sa'yo ang galit. Nakakadagdag sa charm mo." Sinamaan ko siya ng tingin. "At ikaw? Kulang na lang lagyan kita ng warning sign na delikado sa puso at utak!" Tumawa siya nang mahina. "Puso at utak agad? Grabe, ang bilis natin ah." "Ugh! Gusto kitang batuhin ng unan—teka, meron ba dito?!" Lumingon-lingon ako, pero wala akong mahagilap na pwedeng ipukol sa pagm
Chapter 15 "S-sino ba talaga ako?" naguguluhang tanong ko dito. Napatingin sa akin si Davis, at sa unang pagkakataon, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Hindi na siya nakangiti. Hindi na siya nang-aasar. Ang nakikita ko lang sa mukha niya ay isang bagay na mas nakakatakot—seryoso siya. "Tama ang tanong mo, Zamara," sagot niya, malamig ang boses. "Sino ka ba talaga?" Nanatili akong nakatitig sa kanya, hinihintay ang sagot, pero imbes na sumagot, tumingin siya sa lalaki na nag-abot ng tablet sa kanya kanina. "Prepare the files," utos niya. "It's time she knows." Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Ano'ng ibig niyang sabihin? "Bakit parang alam mo na ang sagot, Davis?" tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag na boses ko kahit na ang totoo, parang may bagyong bumabangga sa loob ko. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang magkabilang balikat ko at tumitig sa mga mata ko na parang gusto niyang ipaalala na hindi ito biro. "Dahil, Zamara," mahina pero matigas ang boses
Chapter 16 Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o magpapasalamat. "Kailan mo ito nalaman, Davis?" Saglit siyang hindi sumagot. Nakita kong bumagsak ang kanyang balikat, parang hindi niya gustong aminin ang kasunod niyang sasabihin. "Mas matagal na kaysa sa aakala mo..." Muntik na akong mapaatras. "Ano?" "Years ago, Zamara. Alam ko na noon pa." Parang may kung anong sumabog sa dibdib ko. "And you didn’t tell me?!" "Because I wanted to protect you!" madiin niyang sagot. "Hindi mo pa naiintindihan! Kung nalaman mo noon, baka hindi ka na buhay ngayon! Hindi ka handa, Zamara!" "At ngayon, tingin mo handa na ako?" Mariin ang tingin ko sa kanya. "Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko, Davis? Manahimik? Tumakbo? O gamitin ang hindi ko alam na pagkatao laban sa mga taong humahabol sa akin?" Hindi siya sumagot agad. Tumikhim siya bago bumulong, "Lahat ng ‘yan, kung kinakailangan." Ramdam kong may mas malalim pa siyang hindi sinasabi. Pero isa
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.
Bago ako makatugon, narinig ko ang mga hakbang ni Mama Amara papalapit. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, pero may bahagyang pagmamalaki rin. "Zamara," tawag niya, marahang hinaplos ang pisngi ko. "Kaya mo ‘to. Pero alalahanin mo rin ang dahilan kung bakit ka lumalaban." Tumango ako. "Para sa kanila. Para sa pamilya ko." "At para sa sarili mo," dagdag ni Davis. "Dahil oras na para malaman mo ang buong katotohanan." Napatingin ako sa kanya, ramdam ang bumibigat na mga salitang binitiwan niya. "Anong ibig mong sabihin?" "May isang bagay pa na kailangan mong malaman," sagot niya, bumuntong-hininga. "Hindi lang tungkol sa pagiging Subject Zero. Tungkol ito sa tunay mong pagkatao." Napalunok ako. "At ano ‘yon?" "Tungkol sa ama mo, Zamara. At kung bakit ka nila nilikha." Tahimik akong napatingin kay Mama Amara, ngunit wala akong nabasa sa kanyang ekspresyon. Isang matinding kaba ang sumiklab sa dibdib ko. "Handa ka na bang marinig ang lahat?" tanong ni Davis, titig na t
Chapter 20 Tahimik ang paligid, ngunit sa loob ko’y may nag-aalab na emosyon — takot, galit, at determinasyon. Ang mga salita nina Davis at Mama Amara ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Assassin. Mafia Queen. Subject Zero. "Ano ang unang kailangan kong malaman?" tanong ko, pilit pinapatatag ang boses ko. Nagpalitan ng tingin sina Davis at Mama Amara. Si Davis ang unang sumagot. "Una, kailangan mong maunawaan ang buong kakayahan mo. Ang eksperimento sa'yo ay hindi lang pisikal, kundi mental rin. May mga kakayahan kang hindi pa nagigising," paliwanag niya. "At para magamit mo 'yon, kailangan mong matutunan kung paano kontrolin ang isip at katawan mo." "At paano ko gagawin 'yon?" "May mga tao akong kakilala na maaaring magturo sa'yo," dagdag ni Davis. "Mga dating operatiba na tulad ko. Alam nila kung paano ka sanayin." Napalunok ako. "At pagkatapos?" "Tutulungan ka naming matunton ang mga taong nasa likod ng eksperimento. Hindi ka na magiging biktima, Zamara. Magiging isang m
Chapter 19 Nakatitig ako sa labas ng bintana, pero parang wala akong nakikita. Para akong lumulutang sa kawalan, pilit na iniintindi ang lahat ng nalaman ko. Ang buong buhay ko, naniwala akong ang taong pumatay sa pamilya ko ay isang halimaw—ngayon, sinasabi nilang siya ang ama ko? Narinig ko ang boses ni Mama Amara, malambot at puno ng pag-aalala. “Anak, alam ko na mahirap sa'yo ang tanggapin. ‘Wag kang mag-alala, andito ako. Hindi kita pababayaan.” Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong bumigat ang aking dibdib. "Mama… bakit ngayon ko lang nalaman?" Lumapit siya at marahang hinaplos ang buhok ko. "Dahil gusto kitang protektahan. Alam kong darating ang araw na matutuklasan mo ang lahat, pero gusto kong siguruhing handa ka.” Napailing ako. "Pero paano kung hindi ko kayang tanggapin? Paano kung... hindi ko matanggap na ang taong kinamumuhian ko ay siya ring dugong nananalaytay sa akin?" Tahimik akong tiningnan ni Davis. Ang lalaking i
Chapter 18 Pagkababa pa lang namin sa private jet, agad akong sinalubong ni Amara—ang nagpalaki kay Zamara, ang tanging itinuring kong tunay na pamilya sa kabila ng lahat ng kasinungalingan sa buhay namin. Mahigpit niyang niyakap si Zamara, nanginginig ang balikat nito sa hindi mapigilang pagluha. "Anak… anak ko…" mahina ngunit puno ng emosyon ang boses niya. Nanatili akong nakatayo sa tabi, pinapanood silang dalawa. Alam kong hindi lang si Zamara ang may dinadalang bigat ngayon. Pati si Amara—na kahit alam niyang hindi niya tunay na anak si Zamara, minahal at inalagaan pa rin niya ito ng buong puso. Tumikhim ako, pilit na pinapakalma ang namumuong tensyon sa dibdib ko. "Tara na sa loob, kailangan nating pag-usapan ang lahat." Dahan-dahang bumitiw si Amara kay Zamara at tumango. "Tama ka, Davis. Panahon na para malaman niya ang lahat." Habang naglalakad kami papasok ng malaking villa sa isla, ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang ni Zamara. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng
Chapter 17 Davis POV Tinitigan ko lang si Zamara habang pilit niyang iniintindi ang mga rebelasyong sinabi ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang galit, sakit, at higit sa lahat—ang kawalan ng tiwala. Alam kong nasaktan ko siya sa pagtatago ng katotohanan, pero wala akong ibang choice. I did what I had to do. Pero ngayon, mukhang wala na akong pagpipilian kundi sabihin ang lahat. "Zamara," tinawag ko siya, pero hindi niya ako tiningnan. Imbis, pinanatili niyang matalim ang tingin sa akin, parang isang leon na nag-aabang ng tamang pagkakataon para umatake. Napahawak ako sa batok ko. "Hindi ko ginusto na malaman mo nang ganito ka-biglaan." "Talaga lang, Davis?" malamig niyang sagot. "Ilang taon mo akong hinayaang mabuhay sa kasinungalingan?" Gusto kong sumagot nang maayos, pero paano? Paano mo ipapaliwanag na minsan, mas ligtas ang tao sa loob ng isang kasinungalingan kaysa sa mapait na katotohanan? "Alam ko na bago pa tayo muling nagkita," mahina kong sagot. "At kung kaya