author-banner
A.N.J
A.N.J
Author

Novels by A.N.J

Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
Read
Chapter: Author note
Author note Hi all..... Maari n'yo ba akong tuluyang na makapasok sa ranking. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVAL
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 20
Chapter 20Akira POV"Jane, pumunta muna tayo sa mansion ni Ninong Axel," wika ko sa aking kaibigan."Sus, sabihin mo lang ma gusto mo lang siya makita. Hay naku Kira, wag ako. Sa edad nating 25 ay alam ko na ang tumatakbo d'yan sa kukuti mo," irap niyang sabi."Shhhh..... Himaan mo yang boses mo," bulong ko dito."Ay, sorry!" hinging paumanhin niya sa akin. "Sabagay, sino ba namang hindi ma in love sa mala adones nito at parang isang Greek god na bumaba sa langit kahit na 40's na ito ay parang masa 30's pa," ngising bulong niya sa akin.Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Jane na parang kilig na kilig pa kaysa sa akin.“Grabe ka talaga, Jane. Ako na nga ‘tong may gusto, ikaw pa ang mas gigil,” bulong ko habang tinatakpan ang mukha ko sa hiya.“Hoy, huwag ka na mahiya. Kung ako sayo, e ‘di sulitin mo na habang andyan pa si Ninong Axel. Malay mo, ikaw pala ang type n’ya sa lahat ng pamangkin sa kaibigan,” sabay kindat pa niya.Napahinga ako nang malalim at saka tumingin sa sa
Last Updated: 2025-04-08
Chapter: Chapter 19
Chapter 19Pagdating ko sa mansion, diretsong pumasok ako sa loob—walang lingon-lingon, walang salitang binigkas. Tahimik ang buong bahay, gaya ng nakasanayan. Walang maingay na pagbati, walang presensya ng taong nag-aabang sa aking pag-uwi.Walang kahit anong damdamin ang laman ng lugar na ito—maliban sa lamig at katahimikan.Tinungo ko ang hagdanan, paakyat sa aking kwarto. Pagpasok ko, agad kong hinubad ang coat at inilagay sa upuan. Binuksan ko ang maleta sa tabi ng kama at sinimulan kong ayusin ang mga gamit para sa business trip bukas.Lahat ng isusuot ko, maayos kong tinupi at inayos—pormal, itim, eksaktong akma sa imahe kong gustong panatilihin. Hindi ako pupunta roon bilang isang simpleng negosyante. Pupunta ako bilang Axel Villaraza —isang taong hindi puwedeng maliitin.Habang pinupuno ko ang maleta, saglit akong napahinto. Natanaw ko ang sarili sa salamin—matigas ang mga mata, walang emosyon sa mukha.Ito na ba talaga ako ngayon?Walang pamilya. Walang pag-ibig. Walang kahi
Last Updated: 2025-04-07
Chapter: Chapter 18
Chapter 18 "Wala akong oras, Fatima!" madiin kong sabi, ramdam ang pag-init ng dugo ko. "Mag-focus ka na lang sa asawa mong pinagpalit mo sa’kin." Tahimik siya sa kabilang linya. Ilang saglit ang lumipas, pero hindi ako nagdalawang-isip na putulin ang tawag kung wala rin lang siyang sasabihin. Ngunit bago ko pa iyon magawa, narinig ko ang mahinang boses niya. "Wala na siya, Axel…" Napahinto ako. Naramdaman ko ang bigat sa tinig niya, isang uri ng lungkot na hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya. "Wala na ang asawa ko," mahina niyang ulit, parang pilit na pinipigilan ang sariling hindi humikbi. Napatikom ang kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maawa? Dapat ba akong makiramay? O dapat ba akong matuwa dahil ito ang kapalit ng sakit na idinulot niya sa akin noon? "At ano'ng gusto mong gawin ko?" malamig kong tanong. "Mag-sympathize? Magbigay ng comfort? Hindi ako gano'ng klase ng tao, Fatima." "Alam ko," sagot niya. "Hindi ko rin naman
Last Updated: 2025-04-04
Chapter: Chapter 17
Chapter 17Pagsapit ng hapon, pinauwi ko nang maaga si Jhanna. Kailangan niyang magpahinga dahil maaga kaming aalis bukas papunta sa ibang bansa para sa isang business trip. Hindi ko gusto ang mga abala, at mas lalong ayaw ko ng mga pagkukulang sa trabaho. Kailangan kong siguraduhin na magiging maayos ang lahat.Naiwan akong mag-isa sa opisina, nakatingin sa malawak na lungsod sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng mga gusali ay kumikislap na parang mga bituin sa lupa, pero sa akin, isa lang itong paalala na sa mundong ginagalawan ko, walang puwang ang pagpapabaya.Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang schedule para bukas. Maaga ang flight namin, at kailangang sigurado akong walang magiging problema sa mga detalye ng trip na ito.Ngunit sa kabila ng pagiging abala ko sa trabaho, may isang bagay na hindi ko matakasan—ang pangalan niya. Isang pangalang pilit kong iniiwasan, pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko.Napailing ako. Hindi ko dapat hinahayaang guluhin ako nito
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: Chapter 16
Chapter 16Naging abala ako sa aking negosyo kaya nawala ang mga ibang nagpagulo sa aking isipan. Ilang araw na rin akong halos hindi natutulog, inuuna ang trabaho kaysa sa sarili kong pahinga. Hindi ko alam kung ito’y isang paraan para takasan ang mga gumugulo sa isipan ko o sadyang ganito na lang ako—mas pipiliin pang lunurin ang sarili sa trabaho kaysa harapin ang realidad.Ang tunog ng keyboard at ang liwanag mula sa screen ng laptop ko ang tanging kasama ko sa mga oras na ito. May mga papel na nakakalat sa mesa, mga kontrata at proposal na kailangan kong aprubahan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko maitatangging may isang bagay—o isang tao—na paulit-ulit bumabalik sa isip ko.Mabigat ang bawat buntong-hininga ko. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata, umaasang kahit sa ilang segundo lang, mawawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit nang idilat ko ito, bumalik ang realidad—at ang pangalan niya, isang pangalang pilit kong iniiwasan ngunit hindi ko magawang kalimu
Last Updated: 2025-04-01
UNLIKELY FATE

UNLIKELY FATE

"Once you touch me, you're mine!" Yan ang mariin kong sinabi sa fiancé ng stepsister ko. Ako si Grace Cutanda, 25 years old — isang babaeng walang pakialam sa mga taong nasasaktan ko. Mas pinili kong maging matigas at walang puso dahil 'yan ang nagligtas sa akin mula sa mga mapanlinlang na tao. Nagbago ang lahat nang magpakasal ang aking dad sa isang oportunistang babae. Sa isang iglap, ang tahimik naming buhay ay napuno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Kasama niya ang anak niyang tila perpektong babae sa mata ng lahat — si Bianca. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang babaeng sanay mang-agaw at manira. Hindi siya nagdalawang-isip na ipakita kung paano siya paborito ng lahat, habang ako ang laging nasa tabi, tila isang anino. At ngayon, ang fiancé niyang si Andrew — isang successful na businessman na may mapanuksong titig at nakakapanghinang presensya — ay parang isang gantimpala na ipinagyayabang niya. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Andrew, para bang may lihim na pagnanasa at pagtataksil na bumabalot sa pagitan namin. Alam kong mali. Pero bakit tila ako ang mas nanaisin niyang piliin? At sa huling pagkakataon, binalaan ko siya. "Once you touch me, you're mine." Ngunit handa ba akong akuin ang mga magiging konsekwensya ng mga salitang binitiwan ko?
Read
Chapter: Author note
Author noteHi all..... Maari n'yo ba akong tuluyang na makapasok sa ranking. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much....Love: Author ANNE JANE NAVAL
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 14
Chapter 14“Pwede ba, lubayan mo ako.”Mariin kong sabi habang umiwas ng tingin. Ramdam ko pa rin ang tindi ng titig niya, pero pinilit kong maging matatag. “Bumalik ka na sa fiancée mo na si Bianca.”Tahimik siya sa ilang segundo. Akala ko’y aalis na siya, pero sa halip, naramdaman ko ang isang hakbang palapit. Lalo akong nainis.“Ayaw mo akong tingnan, pero nanginginig ka.”Mababa at punong-puno ng kutob ang tono niya. “Sabihin mong wala akong epekto sa’yo, Grace, pero ‘yung katawan mo—hindi marunong magsinungaling.”Napakuyom ako ng kamao.“Hindi ikaw ang mundo ko, Liam. At lalong hindi ako tulad ng mga babaeng nahuhulog sa mga ngiti mo.”Huminga ako nang malalim at hinarap siya. “Isa kang malaking pagkakamali.”Ngunit ngumiti lang siya. Isang ngiting nakakainis, mapanuksong parang alam niyang nagsisinungaling ako.“Funny,” sambit niya, dahan-dahang umatras. “Kasi kung talagang pagkakamali ako... bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako makalimutan?”Pakiramdam ko’y gusto ko siya
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 13
Chapter 13Bumalik ang init sa pisngi ko habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Liam Dela Vega na paalis na. Ang lalaking ‘yon—akala mo kung sino. Sa bawat salitang binitiwan niya, para akong pinipitik sa ego, sinusubukang pukawin ang galit na pilit kong kinokontrol.Pinisil ko ang aking palad, hinigpitan hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng sariling mga kuko sa balat ko.“Anong karapatan mong bastusin ako ng gano’n?” pabulong kong tanong, ngunit puno ng poot. “Hindi mo ako laruan. Hindi mo ako katulad ng mga babaeng sinanay mong paikutin.”Mabilis ang paghinga ko habang tinititigan ang sahig ng ballroom, parang iyon lang ang bagay na hindi ako huhusgahan. Gusto kong lumabas, gusto kong sumigaw. Pero hindi ako papayag na sa sarili kong bahay, sa sarili kong pamilya, ay magmukha akong mahina.Hanggang sa may narinig akong isa pang tinig — pamilyar, pero masama pa rin sa pandinig.“You should’ve been nicer, Grace.”Boses ni Bianca.Umikot ang paningin ko sa inis at agad akong humara
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 12
Chapter 12 Lumingon ako kay Marise. Sa kabila ng sitwasyon, nanatili pa rin ang manipis na ngiti sa kanyang labi, para bang nagtatagumpay siya sa bawat salita kong binitiwan. "At ikaw," mariin kong sabi, diretso ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na matatanggap kita sa bahay na 'to. Hindi mo kailanman mapapalitan si Mom. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo." Naglakad ako palapit, halos magtama ang aming mga mata. "Walang espasyo dito para sa mga manloloko." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking silid. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng lahat ng emosyon. Galit, poot, at matinding hinanakit. Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa kama at napahagulgol. "Mom, bakit mo kami iniwan? Paano ko haharapin 'to nang wala ka?" Alam kong simula pa lang ito. At kahit gaano kahirap, handa akong ipaglaban ang karapatan ni Mom. Hinding-hindi ko hahayaan na basta na lang nilang lapastanganin ang alaala niya. Lumipa
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Chapter 11
Chapter 11 Tahimik lang si Manang habang pinagmamasdan ako. Halatang gusto niya akong kausapin, pero hinayaan niya akong unahin ang sarili kong emosyon. Nang matapos ko nang inumin ang gatas, saka siya muling nagsalita. "Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo, Grace," malumanay niyang sabi. "Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Hindi iyon makakatulong." Napayuko ako, pilit na itinatago ang namumuong luha sa mga mata ko. "Manang… Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Dad kay Mom," mahina kong sabi, nanginginig ang boses. "At ngayon, magpapakasal siya sa babaeng sumira sa pamilya namin." Hinawakan ni Manang Luz ang kamay ko, marahan niya itong pinisil na parang sinasabi niyang nandito lang siya para sa akin. "Alam ko, anak," sagot niya. "Pero tandaan mo rin na hindi ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito. Huwag mong kargahin ang bigat ng pagkakamali ng iba." Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. "Pero, Manang… Paano ko mapapatawad si Dad? At pa
Last Updated: 2025-03-28
Chapter: Chapter 10
Chapter 10 One Month Later Isang buwan na ang lumipas mula nang ilibing namin si Mom. Akala ko'y unti-unti ko nang natutunan kung paano magpatuloy, pero muli na naman akong niyanig ng isang balita na hindi ko inaasahan. Labis akong nagalit nang sinabi ni Dad na magpapakasal siya muli — at ang mas masakit pa, walang iba kundi si Marise. "Anong sinabi mo, Dad?" Halos hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap niya. "Grace, alam kong mahirap itong tanggapin," malamig na sagot ni Dad, pero ramdam ko ang bahagyang pagkailang sa boses niya. "Pero gusto ko nang mag-move on. Deserve kong maging masaya." "Masaya?" Napatawa ako nang mapait. "Kailan mo pa nasabi na deserve mo ng kaligayahan, Dad? Isang buwan pa lang si Mom sa lupa at ngayon, magpapakasal ka na sa kabit mo?" Napailing ako, pilit na pinipigil ang luha ko. "Grace—" "Alam mo ba kung anong ginawa niya kay Mommy?!" Naputol ko ang sasabihin niya. "At ikaw? Alam mo bang sinira mo ang
Last Updated: 2025-03-28
MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?
Read
Chapter: Author Note
Author noteHi all..... Maari n'yo ba akong tuluyang na makapasok sa ranking. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much....Love: Author ANNE JANE NAVAL
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 25
Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 24
Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Chapter 23
Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Chapter 22
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.
Last Updated: 2025-03-22
Chapter: Chapter 21
Bago ako makatugon, narinig ko ang mga hakbang ni Mama Amara papalapit. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, pero may bahagyang pagmamalaki rin. "Zamara," tawag niya, marahang hinaplos ang pisngi ko. "Kaya mo ‘to. Pero alalahanin mo rin ang dahilan kung bakit ka lumalaban." Tumango ako. "Para sa kanila. Para sa pamilya ko." "At para sa sarili mo," dagdag ni Davis. "Dahil oras na para malaman mo ang buong katotohanan." Napatingin ako sa kanya, ramdam ang bumibigat na mga salitang binitiwan niya. "Anong ibig mong sabihin?" "May isang bagay pa na kailangan mong malaman," sagot niya, bumuntong-hininga. "Hindi lang tungkol sa pagiging Subject Zero. Tungkol ito sa tunay mong pagkatao." Napalunok ako. "At ano ‘yon?" "Tungkol sa ama mo, Zamara. At kung bakit ka nila nilikha." Tahimik akong napatingin kay Mama Amara, ngunit wala akong nabasa sa kanyang ekspresyon. Isang matinding kaba ang sumiklab sa dibdib ko. "Handa ka na bang marinig ang lahat?" tanong ni Davis, titig na t
Last Updated: 2025-03-21
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status