Venixe Martinez has a perfect life. She's rich and beautiful. But everything changed when her parents was killed. She will do anything for her revenge. Until she met Alexander Montereal, a handsome, rich businessman. She tried to push him away, but he is too irresistible. Every wall that she built between them, gradually crumbled. Is she willing to give up her vengeance for Alexander's sake?
view moreTWO YEARS LATERDAHAN-DAHAN na naglakad si Venixe habang papasok sa resort ni Angel. Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Malamig ang klima ng December lalo na at malapit sa dagat.Lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang makita ang taong hinahanap.Si Xander.Hinayaan niya lamang ang sarili na pagmasdan muna ang lalaking minahal niya at mamahalin habang buhay. Dito niya pinuntahan dahil ang sabi ni Angel ay madalas ito nagpupunta sa kaniyang resort dahil umaasa ito na naroon siya. Umaasa raw ito na dito sila magkikita na dalawa dahil dito raw siya unang nakita ni Xander noon.Namasa ang kaniyang mata sa isipin na iyon na hinihintay siya ni Xander. Kinausap niya si Angel at Lucas upang hindi malaman ni Xander kung nasaan siya.Sa loob ng dalawang taon ay nagpunta siya ng Italy. Nag-aral siya doon
"Gusto kong makapagsimula ng bagong buhay, Xander. But I'm sorry... gusto ko iyon gawin na ako lang. Gusto kong hanapin ang sarili ko. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Kung tayo talaga ang nakatadhana, magkikita at magkikita pa rin ang landas natin, Xander." Hinalikan ni Venixe sa labi si Xander pagkatapos nitong magpaalam sa binata.Umiling si Xander."If you need space, I'll give it to you. Just don't leave me, Ven. I need you. I love you... I love you... Huwag naman ganito, Ven..." lumuhod na yumakap si Xander kay Venixe habang umiiyak ito.Hindi niya kayang tanggapin ang desiyon nitong umalis at magsimula ng panibagong buhay na hindi siya kasama. "I can wait... Just tell me kung hanggang kailan. Kaya kita hintayin basta huwag mo ako iiwan nang hindi ko alam kung babalikan mo ba talaga ako. Please, Ven. I'm begging you."Pinilit ni Venixe na tanggalin ang braso ni Xander na nakapalibot sa maliit niyang baywang. "X-ander, please. Pakawalan mo na a
"Take care of her." Bilin ni Cloud kay Xander habang nakatitig kay Venixe na nakahiga sa hospital bed.Matindi ang naging tama ng bala sa katawan ni Venixe kaya hindi agad ito nagising. Hindi na rin nailigtas ang kanilang baby ni Venixe. Sina Alpha at Balmond ay lumaban pa sa mga tauhan nina Xander kaya namatay na rin sila. Si Sari ay tumakas ngunit nahuli na rin at kasalukuyan na nakakulong.Pinag-usapan na nina Cloud at Xander na ilalayo na ni Xander si Venixe upang makapagbagong buhay sila, malayo sa magulong buhay. Ang dasal nila ay gumising na si Venixe, lalo na si Cloud upang makapagpaliwanag pa kay Venixe at makapagpaalam din bago ang kaniyang flight. Aalis na ng bansa si Cloud at doon maninirahan sa America."I will."Pagkaalis ni Cloud ay nilapitan ni Xander si Venixe at hinawakan ang kamay. Kinakausap niya ang dalaga kahit hindi siya nito naririnig.Kinabukasan ay tinawagan siya ng Nurse ni Venixe at pinaalam na nagising na si
GALIT NA GALIT si Balsier habang palakad-lakad sa kaniyang opisina. Kanina pa siya tinitingnan nina Alpha at Balmond. Kunot na kunot ang kaniyang noo at hindi mapakali. Tahimik lang na nakamasid ang dalawa sa kaniya."Magbabayad 'yang Karson na 'yan at ang anak niya!" galit nitong saad sa dalawa. Tumigil siya sa ginagawang pabalik-balik na lakad at umupo sa swivel chair.Namatay si Haya sa ginawang paglusob sa kanila ni Karson sa lumang gusali."Idagdag mo pa si Cloud," mariing wika ni Alpha saka sumimsim sa alak na hawak.Matalim na tinitigan ni Balsier si Alpha at napatiim bagang. Habang iniisip niya ang ginawang pagtatraydor sa kanila ni Cloud."Hanapin niyo si Venixe.Uunahan natin si Cloud. Hindi siya p'wedeng makuha nina Cloud at Karson! Siya ang gagamitin ko laban kina Cyb at Cloud," mariin nitong wika at nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit."Ako na ang bahala sa bagay na 'yan," wika ni Alpha."Alam kaya ni Venixe ang toto
VENIXESINADSAD ko ang upuan kung saan ako nakatali at lumapit sa may edge ng cabinet at doon kinaskas ko ang tali sa kamay ko.'Shit!'Matatagalan ako sa pagkaskas dito dahil hindi ito matalim. Inikot kong muli ang paningin sa kabuuan ng silid baka may mahanap pa ako na pwede kong gamitin para makalas ang tali.May salamin ang isang cabinet na malapit sa bintana. Kung sisipain ko iyon para mabasag, maglilikha naman iyon nang ingay at maririnig ako sa labas. Pero isa iyon sa naisip kong pwedeng pangtanggal ko sa tali. Ang maliit na salamin sa ilalim ng cabinet ang napansin ko. Hindi iyon kalakihan kaya kapag sinipa ko para mabasag, hindi iyon masyadong maglilikha nang malakas na ingay.Iyon nga lang, mahihirapan ako na makuha ang basag na salamin kapag nasa sahig na dahil nakatali ang paa ko sa upuan. Hindi ako makakakilos nang maayos para maabot an
VENIXEMABILIS ANG bawat kilos namin upang makatakas sa mga kalaban. Nasa basement kami at hindi kami basta-basta makakalabas dahil madami ang kalaban namin na nakaabang.'Kaninong tauhan kaya sila? Paano nga ba nila nalaman na nandito kami? Paano nila nalaman na nandito si Balsier? Mayro'n kayang traydor sa loob ng Balzi?'Hawak-hawak pa rin ako nang mahigpit ni Cloud sa kamay. Punong-puno nang takot ang dibdib ko hindi para sa sarili ko, kun'di para sa anak ko. Kung ako lang, kaya kong lumabas at makipagpatayan sa kanila. Wala akong pakialam kung mamatay ako pero hindi na ngayon.Huminga ako nang malalim at piping nagdarasal para sa kaligtasan namin ng anak ko at ni Cloud.Napayuko kami dahil biglang may nagpaputok. Nakita na nila kami. Nagtago kami sa gilid ng sasakyan. Patuloy lang namin naririnig ang maingay na sagutan ng putok ng baril.Pinayuko ako lalo ni Cloud para maprotektahan. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakakaunawang tina
VENIXEGULAT NA GULAT ako sa taong kaharap ko ngayon. Pinatawag ako ni Haya dahil may importante raw siyang sasabihin. Sinabihan niya akong huwag ipaalam kay Cloud na pinapunta niya ako rito kaya hindi ko kasama si Cloud. Pinasundo niya rin ako sa mga tauhan niya kanina.Doon pa lang ay kinutuban na ako kanina nang hindi maganda. At ito nga ang bumungad sa akin. Si Balsier!Finally... nagkita na rin kami pagkatapos ng labing limang taon. Ito ang araw na pinakahihintay ko."Balsier..." mahinang sambit ko sa pangalan ng taong kaharap ko ngayon. Naikuyom ko ang palad ko sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang kaharap ko siya.Gusto kong ikasa ang baril na dala ko at itutok sa kaniya. Gusto kong tadtarin ng bala ang katawan niya. Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili.Malaki siyang lalaki at kasing edad siguro ito ng daddy ko. Prente siyang nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa akin. Gusto ko siyang sugurin ng suntok at t
VENIXE"BAKIT BIGLAAN yata ang pagpapakasal niyo, Ven?" tanong sa akin ni Angel habang pumipili ako ng damit na susuotin sa kasal namin ni Cloud.Tatlong araw lang ang nakalipas simula noong nakita ko si Xander at Sari sa unit niya. Si Cloud na ang nag-aayos ng iba pang kailangan sa kasal namin. Civil wedding lang 'yon at sa bahay lang namin gagawin."Habang maliit pa ang tiyan ko," sagot ko sa tanong niya habang abala pa rin ako sa pagpili ng dress. Pinipilit kong maging malakas at matapang para sa anak ko. Lahat ng plano ko ay hindi natupad.Una, ang pagpatay kay Balsier. Pangalawa, itong plano namin ni Xander na magsasama. Pangatlo, ang pagsurpresa ko sana kay Xander tungkol sa anak namin. Handa akong lumaban para sa relasyon namin, para sa kaniya. Pero wala pala akong dapat ipaglaban dahil umpisa pa lang ay wala palang totoo sa pinakita niya at sinabi. Isa siyang manloloko. And I hate
VENIXEISANG PUTING silid ang bumungad sa paningin ko pagkagising ko. Pinilit kong bumangon pero may dextrose na na nakakabit sa kamay ko. Si Dorris ay natutulog sa couch na nasa loob ng silid. Medyo mabigat pa ang ulo ko at makirot ang likuran ko. Pati ang katawan ko ay masakit. Nanghihina ang pakiramdam ko.Bumukas ang pinto at pumasok si Angel at Miguel, kasunod si Cloud na nanatili lang sa may pintuan pagkasara ng pinto. May benda ang kamay niya at puro pasa ang kaniyang mukha. Visible na visible ang ebidensiya ng pakikipaglaban namin sa dalawang lalaki na nagtangka sa buhay ko."Kumusta ka Ven? Mabuti naman at gising ka na." Umupo sa edge ng kama si Angel."Ayos lang. Ang baby ko, Cloud?" agad kong tanong nang maalala ang baby ko."Sshh... calm down. Maayos ang lagay ng baby mo," sagot ni Angel. Alam na niya na buntis ako.Napayuko ako dahil inilihim ko ito sa kanila. Nagising na rin si Dorris at lumapit sa akin. Hinawakan ni Angel ang
VENIXE WALKED slowly without making any noise while holding her silencer. She was wearing a mask that was half of her face covered. She wore a black plunge wrap around a halter crop top partnered with a black pants and black high heels. Nang nasa hallway na si Venixe malapit sa room ng kanyang target, palinga-linga siya sa paligid kung may tao. Naiwan sa baba ang mga bodyguard ni Mr. Sanchez. The silence of the surroundings was deafening. Pagkapasok ni Venixe sa loob ng hotel room ay agad niyang nakita na nakaupo si Mr. Sanchez sa upuan nang nakahubo't hubad habang nakapikit at nilalaro ang pribadong parte ng kanyang katawan. She smirked. Ang libog ng matandang target niya ngayon. Hindi naman bago sa kanya na malibugan ang mga lalaking target niya. Sexy ang mga sinusuot niyang damit para madali siyang makalapit sa mga target niyang hindi basta-bastang malapitan katulad ng target niya ngayon na si Mr. Sanchez.Mr. Sanchez was moaning in pleasure while his right hand was busy moving up
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments