Loved and Chained

Loved and Chained

last updateLast Updated : 2021-09-18
By:   SGirl  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
18 ratings. 18 reviews
32Chapters
11.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

Gisselle Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan. “Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!” Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.” Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala. Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props. “Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.” Napa-ayos a...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Chelsi
Good story
2023-01-02 11:26:11
1
user avatar
changbinbin
gustong -gusto kopo ang plot ng story.... definitely Will read over& over again
2022-02-28 07:14:35
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-02-15 00:30:40
1
user avatar
Miss A.
this is a good read ...️
2022-02-10 17:15:10
1
user avatar
Miss A.
kudos sa author
2022-02-10 17:14:58
1
user avatar
Miss A.
nice story!
2022-02-10 17:14:45
1
default avatar
Michael
Good Story to read
2021-12-27 22:22:26
2
user avatar
talesofher
sa unang tingin, aakalain mo na ordinaryong love story but once you get deep into the story, mare-realize mo na hindi lang pagmamahal ang laman kundi ang kakambal din nito na sakit. kudos to the author for bringing this story to life!
2021-12-11 21:08:26
3
user avatar
CarLyric
Nakakaintrigue ha, medyo bago sa paningin ang may police na character...........
2021-12-10 22:58:25
2
user avatar
leeeigh_
i think the plot is good tas ang ganda pa ng writing style. medyo naguluhan lang ako sa relationship ni giselle kay althea and auntie melanie hehehehe
2021-12-10 17:54:49
1
user avatar
acronuxx
taray! first time ko yatang magbabasa ng ganitong story, a police man with an ordinary girl
2021-12-08 12:36:31
1
user avatar
Archeraye
super interesting po ng blurb!!
2021-11-13 15:34:36
1
user avatar
talesofher
very exciting and interesting!
2021-11-10 21:56:38
1
user avatar
SweetDevilishAngel
An interesting story!
2021-11-10 16:31:54
1
user avatar
CarLyric
unique story.......... mapatino nga kaya sya ni police officer?......
2021-11-10 16:07:15
1
  • 1
  • 2
32 Chapters
Kabanata 1
Gisselle Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan.  “Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!”  Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.” Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala.  Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props.  “Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.” Napa-ayos a
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more
Kabanata 2
GisselleWalang imik akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa police station. Napansin ko pa na ako lang ang nag-iisang nadampot doon, and the rest ay puro mga naka-uniporme na ang kasama ko roon. Tila ba biglang nanikip ang dibdib ko habang pinalilibutan ako ng mga pulis. Sari-saring alaala ang bigla na lamang rumagasa sa isip ko na ikinahilo ko na lang bigla. Shocks. “Sir, may isa kaming nahuli.”Nabigla ako nang pagpasok namin ay agad nila akong pinaupo sa tabi ng lamesa ng tila pinuno nila rito. Kumunot ang noo ko at humalukipkip agad nang mag-angat ng tingin sa akin ang lalaking abala sa binabasa nito sa hawak niyang papel. Ramdam ko ang titig nito sa akin ngunit nagmatigas akong hindi ito lingunin. Pinanatili ko ang mga mata sa blangkong pader nila rito upang huwag tuluyang atakihin ng anxiety ko, habang pilit na iwinawaksi sa isip ang mga alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay nagbibigay takot at pagkabalis
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more
Kabanata 3
GisselleMarahan kong nakagat ang ibabang labi at umiling dito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko habang nanginginig sa kaba. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ni Dad at ipinasan ako. Tila lahat ng tapang ko ay naglaho sa mga oras na ’yon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at hindi napigilan ang pag-alpas ng hikbi. “Bakit ba takot na takot ka? Hindi ka naman kakatayin dito. Ang lakas nga ng loob mong gumawa ng kalokohan, ngayong sinisingil ka na ay tiklop ka naman,” ani Dad pagkalapag nito sa akin sa upuan na inupuan ko kagabi rito sa presinto. Talagang sinadya niya iyong iparinig sa mga pulis na naririto para mapagtawanan ako, at hindi naman siya nabigo dahil pati iyong lalaki na kausap ko kagabi ay natawa nang mahina. “Ahm, pagpasensiyahan n’yo po sana si Gisselle, Sir. Takot po kasi ’yan sa inyo kaya nagkakaganiyan,” dagdag pa
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more
Kabanata 4
Gisselle Naghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya.  Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama.  Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano.  “Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?”  Huminga ak
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more
Kabanata 5
GisselleSa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk. Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga mag
last updateLast Updated : 2021-09-08
Read more
Kabanata 6
Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more
Kabanata 7
Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
Kabanata 8
Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more
Kabanata 9
GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah
last updateLast Updated : 2021-09-12
Read more
Kabanata 10
GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t
last updateLast Updated : 2021-09-13
Read more
DMCA.com Protection Status