Gisselle
Naghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya.
Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama.
Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano.
“Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?”
Huminga ako nang malalim at napakamot ng batok. “Fine. Wala namang masyadong ginawa, Dad.”
“Ano-ano ang ginawa mo roon? Ang sabi ni Guevarra ay mabait ka naman daw at masunurin,” dagdag pa nito na lihim kong ikina-ismid.
“Nagpakain ng hayop at nagdilig ng halaman, Dad, saka umupo nang ilang oras doon. ’Yon lang,” tugon ko na nababagot na sa usapan. “Can I go to my room now, Dad? I’m already tired and sleepy.”
Ngumisi ito. “Bukas ay ihahatid ulit kita roon pagkatapos ng klase mo. Huwag mo ring tatangkain na lumabas ngayong gabi dahil naka-monitor kami sa ’yo palagi, okay? Now, go to your room...”
“Okay po,” tugon ko na lamang at walang ganang nagtungo sa room ko. Naramdaman ko pa ang pagsunod ni Mom sa akin na hinayaan ko lang.
“Anak, okay naman ba ang pakikitungo sa ’yo ni Mister Guevarra?” pang-uusisa nito pagka-upo ko sa kama. Nakita ko pa si Dad na sumunod pala sa amin at tumayo sa tabi ng pinto ng kuwarto ko.
Tumango ako rito. “Okay naman siya, Mom. Ayoko lang kausap dahil hindi ko naman ka-level ang edad. Ilang taon na po ba ’yon?” takang tanong ko dahil sa hitsura ng lalaking iyon ay sa tantya ko’y mga nasa treinta anyos na. Tiyak din na may asawa na ’yon o girlfriend.
Natawa ito at ibinalik sa closet ko ang bestida na binaon ko sa police station kanina. “Sa nakalap kong impormasyon ay treinta y tres na, pero single pa rin. Naku, ingat ka at huwag masyadong magpaganda, baka matipuhan ka ng mga kung sino-sinong matatanda roon. Natuto na ako sa ama mo noon, nakakatakot lang at ang creepy kung iisipin mo,” anito na ikinatahimik ko.
Yeah, thirty si Dad nang landiin ang nanay ko. It’s really creepy for my Mom since she is not into thirty years old men. Ano naman ang laban niya sa medyo may edad na lalaki at may sinabi sa lipunan, e, bata pa siya at hindi pa ganoon karami ang karanasan sa buhay? Kahit ako ay ayokong manipulahin ako ng lalaki.
Naupo ito sa tabi ko habang si Dad ay umismid. “Gisselle anak, bata ka pa, okay? Huwag ka munang mag-boyfriend-boyfriend na ’yan. Saka na ’yan kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral,” pangangaral nito na siyang nagpangiti sa akin.
“Of course, Mom. Wala pa naman akong balak, ’no. Ayoko pang tumulad kay Kisses na nagpapaligaw na,” natatawang turan ko’t nahiga sa kama.
Pati ito ay natawa habang inaalis ang sandals ko sa paa. “Ikaw talaga. Magpahinga ka na at bababa na rin kami ng Dad mo.”
“Sige po,” tugon ko’t ipinikit ang mga mata. Ngunit agad ding natigilan nang magsalita ang ama ko.
“Saan galing ’yang nag-iisang kiat-kiat mo, Gisselle? Bigay ni Guevarra?”
Awtomatikong bumangon ako’t tiningnan ang tinutukoy nito. Tila ako namutla at agad na dinampot ang bag sa kama. Lumabas pala mula roon ang prutas na itinago ko. Shit.
Agaran akong bumalik sa pagkakahiga at tumalikod sa kanila. “O-Opo, bigay nga niya,” pagsisinungaling ko upang hindi na siya mang-usisa pa.
Dumilim ang buong kuwarto pag-alis nila. Hinayaan ko ang sarili na tumihaya sa kama at tulalang pinagmasdan ang mga nagkikislapang bituin sa kisame ko.
Kinabukasan ay maaga na naman akong bumangon para pumasok. Siniguro kong naunahan ko si Dad bago niya pa ako dalawin dito sa kuwarto ko.
Pagpunta ko sa kusina ay naabutan ko si Ate Melda na nagsasandok na ng ulam, at si Kisses na nakaupo sa upuan at tulala.
“Good morning,” tipid kong bungad sa kanila na agad din naman nilang tinugunan. Nagbeso ako sa kapatid ko bago maupo sa tabi nito.
“Ano lang ang ginawa n’yo kahapon? Sino nanalo?” usisa ko dahil kaklase ko naman itong si Kisses. Hindi lang kami magkagrupo at nag-iimikan sa school dahil magkaiba kami ng ugali. Good thing hindi ko rin siya totally kamukha.
“Wala naman kami halos ginawa. Nag-cheer lang at nagkasiyahan. Congrats pala dahil panalo ang grupo n’yo. Naungasan n’yo lang kami ng ilang points,” anito na ikinatawa ko.
Sumandok ako ng pagkain at ganoon din ang ginawa nito. “Well, alam mo naman ang Aunt Thea natin. Palaban ’yan kaya ginalingan masyado. Tsk.”
“Kaya nga, e. Oo nga pala, kumusta naman ang araw mo roon sa presinto?” pagtatanong nito na tila ikinasira agad ng araw ko. Napansin nito ang naging reaksiyon ko na ikinahalakhak nito.
Banas kong hinagod ang basang buhok at uminom ng tubig. “Sa susunod ay tatakbuhan ko na ’yang mga tanod at pulis na ’yan,” asar kong turan na lalo niyang ikinatawa.
Napailing-iling ito at kumain. “Ikaw talaga, Gisselle. Nagawa nga nilang baguhin ang pananamit at kilos mo, pero hindi pa rin talaga mawawala ang pagiging pasaway at boyish mo,” anito pa na siyang tuluyang nagpatahimik sa akin.
Umiwas na lamang ako ng tingin dito at ibinaling sa pagkain ang atensiyon. I don’t want to remember anything from my past, masyadong nakakasira ng araw.
Pagkatapos kong kumain at linisin ang sarili ay iniwan ko na roon ang kapatid ko. Dire-diretso akong nagtungo sa sasakyan ko.
Naabutan ko pa si Thea roon na nag-aabang at abala sa pagtitipa sa phone nito. Napaasik ako’t binuhay ang sasakyan.
Hindi naman sumasabay sa amin ang kapatid ko dahil may sarili itong service.
Naramdaman ko ang pagsakay ng babaita habang inaayos ko ang seatbelt ko. Matinis na boses agad nito ang bumungad sa akin na ikinainis ko.
“Siraulo ka ba?” singhal ko rito na ikinaismid niya.
“Ito naman! Ang aga-aga ay ang init ng bumbunan mo. Ano ba ang problema?” usisa nito na hindi ko pinansin.
Walang imik akong nagmaneho papuntang school. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay hinila na agad ako ni Thea papunta sa pagmamay-ari kong milktea shop. Sa tapat lang ’yon ng school namin kaya malakas ang benta, isa pa ay halos mga puro rich kid ang mga estudyante rito.
“Good morning, Ma’am Gisselle, Ma’am Thea!” bati sa amin ng mga staff ko na dalaga’t binata. Schoolmate din namin pero panghapon ang pasok kaya rumaraket dito tuwing umaga.
Ngumiti ako sa mga ito nang tipid at bumati pabalik. Naupo ako sa upuan kung saan tanaw na tanaw ko ang elite school na pinapasukan namin, habang si Thea ay bumili ng paborito niyang milktea.
“Selle, hindi ka bibili?” anang Thea habang naghihintay ng order niya. Umiling ako rito at napahinga nang malalim.
Tahimik kong inilibot ang paningin sa kabuoan ng shop ko. Naipatayo ko itong shop noong sixteen pa lamang ako at hindi pa nag-aaral dito sa lugar na ’to. So far, hanggang ngayon ay nag-o-operate pa rin itong milktea-han ko at mabenta pa rin.
May mga doughnut din na pakulo rito at kape para sa mga gutom na estudyante, iyon din kasi ang request ng mga estudyante sa akin simula nang makilala nila ako noong mag-aral ako rito ilang buwan na ang nakalilipas. Pero mas kilala pa rin ito sa milktea dahil iyon ang unang produkto ko rito.
Dito ako kumukuha ng lakas ng loob para gumasta ng pera para sa mga kalokohan ko.
Paglabas namin doon ay pumasok na kami sa klase. Wala pa naman ang prof kaya sige sa pagsipsip si Thea sa inumin niya. Ganoon din ang iba kong mga kaklase na kumakain at umiinom ng mga paninda ko mula roon sa labas.
Natampal ko na lamang ang noo ko at ibinaling sa hallway ang tingin. Nasa unahan ko lamang naka-upo si Althea, pareho kaming nasa tabi ng bintana, at sa gilid ko naman ay ang kapatid ko na tahimik na nagsusulat ng kung ano-ano sa maliit na notebook niya.
Sinulyapan ko saglit ang isinusulat nito at napa-asik din.
“Gustong-gusto mo talaga ang name mong Kisses Monday, ’no?” taas-kilay kong tanong dito na ikinatingin niya sa akin.
Ngumiti ito nang matamis. “Of course, si Mommy ang nagbigay ng name natin, e. Pati nga pangalan mo ay gustong-gusto ko, my twinnie.”
Napasimangot ako rito at umismid nang pabiro.
“Leanne, gala tayo mamayang uwian, ha?” biglang sulpot ni Jasmine na ikinatingin ko rito.
Si Thea ang biglang sumagot habang ngingisi-ngisi. “Hindi na siya puwede, Jas. Bantay-sarado ’yan sa Dad niya ngayon at nagko-community service pa sa police station. Kawawang Gisselle, malungkot ang buhay,” pang-aasar sa akin nito na ikina-asar ko naman.
Umirap ako nang suminghap nang peke si Jasmine at kunwaring nagulat sa narinig, halata namang nang-aasar lang. Mga tarantado.
“Ay, sayang naman kung ganoon. Yayain sana namin mag-inuman sa bahay. Doon ay walang curfew-curfew.”
Tila napantig ang tainga ko dahil sa sinabi ni Jasmine. Kinunotan ko ito ng noo. “What time ba? Alas seis naman ang alis ko sa impyerno, puwede pa akong makahabol sa bahay ninyo.”
Natawa ang mga ito at napailing sa akin, lalo na ang kapatid ko na wala namang pakialam sa mga kalokohan ko sa buhay.
“’Yon, o! Habol ka mamaya, ha. Doon kasi matutulog ang barkada kaya may inuman. Doon ka na rin matulog, Leanne,” ngising wika ni Jas.
Tumango ako rito at tipid na ngumiti. “Let’s see. Kapag nagawa kong takasan ang Dad ko at ang mga pulis ay didiretso ako sa inyo. How about you, Thea?” baling ko sa isa na pangisi-ngisi lang sa tabi.
Tinaasan ako nito ng kilay, mayamaya’y tumango. “Sasama ako, pero hanggang alas nueve y media lang ako. Susunduin ako ng boyfie ko, e.”
Yeah, whatever. Mabuti na lang at may extra akong damit dito.
I’m so excited to have fun after a long and boring hours in police station. Napangiti ako nang lihim...
Sa labasan pa lang ay nakaabang na agad ang sasakyan ni Dad. Naabutan ko ang mga ito na nakatambay sa shop ko habang ngumunguya pareho. Huminga ako nang malalim dahil heto na naman, dadalhin na naman ako sa huling hantungan ko. Papaano ba ako makakatakas sa mga ito?
Pagpasok ko sa shop ay marami-rami na rin ang mga estudyante na naroon. Mabuti na lamang at malawak ang espasyo rito kaya hindi ganoon kasiksikan.
Naupo ako sa tabi ni Mom na abala sa pagkain ng mga kung ano-ano—na paniguradong nakuha niya lamang nang libre rito. But I don’t mind, nakakalibre rin naman ako sa bahay mula pa noon.
“Nagugutom ka na ba? Kumain ka muna bago tayo dumeretso roon,” ani Dad na tinanguan ko lang.
Nagpahatid ako ng pagkain sa isa sa mga staff ko na kabisado na ang paborito kong pagkain. Take-out iyon at natakam ako bigla dahil sa gutom.
“Sarap talaga ng doughnut n’yo riyan, anak. Mamaya nga ay o-order ako, pero babayaran ko naman kaya huwag kang mag-alala,” wika ni Mom na tinanguan ko lang.
Masyadong okupado ang isip ko kung papaano ko matatakasan si Dad mamaya. Damn.
Sa loob ng sasakyan ay binusog ko ang sarili ko. Hindi ko pa man iyon nauubos nang dumating na agad kami sa gate ng Hades na ikinairap ko.
Wala akong nagawa kundi ang bitbitin ang mga pagkain ko pababa ng sasakyan. Nasumpungan ko pa agad si Guevarra na tila naghihintay sa labas ng istasyon nila. Nakatarak na agad sa akin ang tingin nito na ikinatalikod ko habang sumisimsim ng milktea ko.
Ang weirdo naman ni Kamatayan. Handang-handa na talaga akong sunduin at dalhin sa impyerno niya.
“Sir, iiwan na namin ang señorita. Pagurin mo masyado para wala nang lakas na magbalak gumala mamaya,” ani Dad na ikinapadyak ko.
Sumama agad ang mukha ko at binitiwan ang straw sa bibig ko.
Bakit ba kailangan pa niyang sulsulan si Kamatayan? Talagang pinagkakaisahan nila ang libingan ko.
Napairap ako nang makaalis ang sasakyan ng magulang ko. Nanatili ako sa gate at hindi pinansin si Guevarra na nakahalukipkip habang hinihintay na lumapit ako sa kaniya.
Neknek niya.
Tinalikuran ko ang mga kampon ng kadiliman at nagpalipas ng ilang sandali roon para ubusin ang pagkain. Tahimik kong tinanaw ang paligid na napakapayapa. May iilan pa akong nakitang mga pulis na nagpapahangin sa labas ng gate nila at palakad-lakad. Talagang solo nila ang lugar na ito dahil wala naman silang kapitbahay, puro talahiban at puno ang naririto. Malamig din kahit na tanghali ngayon kaya masarap tumambay at maggitara.
Tsk. Sana pala ay dinala ko ang gitara ko, para tatambay ako rito kapag walang utos, sabay takbo na rin para tumakas.
“Ayaw mo bang kumain sa loob? May upuan naman doon.”
Napaigtad ako nang may sumulpot na boses. Lihim akong napa-asik at nilingon ito. Umiling lamang ako at muling kumagat sa kinakain ko.
Naramdaman ko pa ang pagtabi nito sa akin na ikina-angat kong muli ng tingin dito. Kahit napipilitan ay inalok ko ito ng kinakain ko na agad naman niyang inilingan habang tipid na nakangiti sa akin.
Tsk. Buti naman.
“Saan ba nakakabili niyan? Matagal na akong naghahanap ng branch ng SeLeanne dito, pero wala pa akong nakikita. Una kong natikman ang mga produkto nila noong mga nakaraang buwan, bigay lang ng Tito ko. Simula noon ay hinahanap-hanap ko na,” aniya kaya naman para akong biglang nabilaukan at binuhusan ng napakalamig na tubig.
W-What?
Kilala niya pala ito? Wala sa edad at hitsura niya na kumakain siya ng ganito. Sabagay, hindi talaga magandang humusga.
Pakiramdam ko pa, naging conscious ako masyado sa mga ibinebenta ko. Sinisiguro ko naman na pasok sa standard ng kalinisan at taste ng mga tao ang mga tinapay at iba’t ibang klase ng tea na produkto ko. Pero ngayong kaharap ko ang mamang ito na nais na matikman muli ang paninda ko ay parang bigla akong nag-alangan.
Sa hitsura niya kasi ay parang siya ’yong tipo ng tao na mapuna sa mga nakikita at nakakain. Shit.
Ibinaba ko ang hawak at nilunok ang kinakain, bago ito sagutin nang nanginginig. Isabay pa na magkatabi kami nito.
“S-Sa tapat lang po ng school namin, Sir. May branch sila roon.” Marahan akong napalunok at muling sumipsip sa inumin ko. Para akong natutuyuan ng lalamuman dahil sa topic namin.“Sige, masubukan ko nga roon. Nagde-deliver ba sila?”
Sunod-sunod akong tumango. “Yep, mga college student lang din ang mga nagde-deliver. Mga schoolmates ko po,” sambit ko.
Napatango ito at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng uniporme niyang camouflage.
“I see,” aniya’t tipid na ngumiti sa akin. “Anyway, tapos ka na ba? May ipapagawa na ako sa ’yo.”Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. Agad-agad? Kakakain ko pa nga lang, e.
Tumango na lang ako rito at itinapon sa b****ahan ang mga b****a. Sumunod ako rito papasok sa loob. Binati pa ako ng mga kasamahan niya na sinuklian ko rin naman ng magalang na pagbati at tipid na ngiti.
Sinenyasan ako nitong maupo sa upuan na puwesto ko na. Pag-upo ko’y kinuha nito ang phone at nagtipa roon na ikinakunot ng noo ko. Kahit nagtataka ay naghintay pa rin ako sa ipapagawa raw nito.
“Kabisado mo ba ang numero ng SeLeanne? Balak kong um-order ngayon pero hindi ko alam kung papaano,” mayamaya’y aniya na muntik ko nang ikasamid sa sariling laway.
Tumango ako rito at lihim na napangiwi. Inabot nito sa akin phone niya na agad ko namang tinanggap. Sa F******k ito nag-open kaya naman naisipan kong i-search na lang ang page ng business ko.
But one thing caught my attention pagpindot ko ng search bar ng account nito.
He’s searching for my account?
What the fuck?
Ang latest na sinearch niya roon ay ang buong pangalan ko, which is ang lumabas ay ang totoong account ko na may litrato ko pa na nakaupo sa kama habang hawak-hawak ang gitara ko. Kuha iyon ng kambal ko sa loob ng kuwarto kong pangprinsesa—na pinagtulungan pa ni Dad at Mom na ipagawa para lang pilitin akong gustuhin ang mga girly stuffs noon.
At ang malala ay nag-friend request pa ito sa akin. Damn. Hindi pa ako nagbubukas ng account. Mabuti na lang talaga at hindi ko ipino-post ang kahit na anong patungkol sa SeLeanne sa account ko, kundi ay mabibisto talaga ako ng mamang ito.
Ibinalik ko na lang sa lalaki ang phone niya dahil para akong lalagnatin sa natuklasan ko. May contact naman ako sa shop kaya nagtipa ako roon.
“Ano ba ang order mo, Sir?” tanong ko habang ito ay nakasilip sa phone ko.
Agad itong natigilan kaya naman ipinakita ko na lang dito ang mga litrato ng produkto ko. Tiyak naman na wala siyang alam sa mga pangalan ng tinda roon.
Namili siya roon ng mga natipuhan niya, kaya iyon din ang ipinadala ko sa shop. Ipinagpatuloy nito ang trabaho habang hinihintay ang order niya, samantalang ako ay nagwalis-walis sa loob dahil iyon ang unang utos niya.
Wala pa atang treinta minuto nang may mag-imporma na sa amin na may delivery rider sa labas. Nang silipin ko kung sino ang naghatid ay agad din ang ginawa kong pagtago.
Naku naman, barkada ko pa na si Julius. Nakakahiya kung makikita niya ako rito. Tiyak na hahalakhak iyon.
Mabuti na lang at nilabas din iyon ni Guevarra. Pagbalik nito ay ang daming paperbag na hawak. Yeah, ang dami niyang in-order.
Sige, payamanin n’yo ako lalo...
“Ang dami naman niyan, bossing. Sino-sino ang lalamon niyan?” wika ng kabaro niya na lumalawit na ang dila sa pagkatakam. Parang aswang na nakakita ng buntis. Tsk. Halata namang mukhang pagkain ang isang ito, pasimple pa kung dumali ng tanong sa bossing nila.
“Para sa atin ’yan. Kumuha na kayo at kumain muna,” ani Guevarra na mapagbigay pala sa mga kasamahan niya.
Umismid ako’t ipinagpatuloy ang pagwawalis ng sahig. Nag-mop ako matapos n’yon.
“Miss, ayaw mo bang kumain muna?” tawag sa akin ng isang babaeng pulis na agad ko namang nginitian nang magalang.
Nakakatakot naman kasing galitin at lantarang pakitaan ng kamalditahan ang mga ito, pakiramdam ko kapag ginawa ko ’yon ay pagtutulungan nila akong patayin dito, o ’di kaya’y pagbabantaan ang buhay ko. Nadala na ako noon, ayoko nang maulit muli ang nakaraan ko na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako.
Umiling ako sa mga ito. “Kakakain ko lang po...”
GisselleSa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk.Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga mag
Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.
Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.
Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I
GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah
GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t
GisselleNaalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.
Gisselle “GISSELLE, saan ka raw ba nagpupupunta? Nag-aalala na ang magulang natin, o.” Walang gana kong nilingon si Kisses sa tabi ko at napahinga nang malalim. “Pakisabi huwag nang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko, at kita mo naman na buhay na buhay pa ako ngayon. So, hayaan n’yo na ako, please lang,” nababagot kong turan na ikinanguso nito lalo. Hindi na ito nangulit pa kaya nangalumbaba ako at ibinalik sa bintana ang tingin. Sa unahan ko ay si Thea na hindi ako pinapansin, tiyak na nagtatampo dahil sa ginawa ko noong nakaraan. Tss. Hindi naman sila malaking kawalan sa buhay ko. Malapit na rin pala ang bakasyon. Pagtapos ng community service ko ay uuwi ako nang mag-isa sa Iloilo para magpahinga. Pagkatapos ng klase ay agad akong umalis ng school. Pinuntahan kong muli ang bahay na maaari ko nang tirhan habang inaayos
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P
GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr
Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone
GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M