Gisselle
“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.
Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.
“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.
Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.
“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan. “Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!” Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.” Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala. Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props. “Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.” Napa-ayos a
GisselleWalang imik akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa police station. Napansin ko pa na ako lang ang nag-iisang nadampot doon, and the rest ay puro mga naka-uniporme na ang kasama ko roon.Tila ba biglang nanikip ang dibdib ko habang pinalilibutan ako ng mga pulis. Sari-saring alaala ang bigla na lamang rumagasa sa isip ko na ikinahilo ko na lang bigla. Shocks.“Sir, may isa kaming nahuli.”Nabigla ako nang pagpasok namin ay agad nila akong pinaupo sa tabi ng lamesa ng tila pinuno nila rito. Kumunot ang noo ko at humalukipkip agad nang mag-angat ng tingin sa akin ang lalaking abala sa binabasa nito sa hawak niyang papel.Ramdam ko ang titig nito sa akin ngunit nagmatigas akong hindi ito lingunin. Pinanatili ko ang mga mata sa blangkong pader nila rito upang huwag tuluyang atakihin ng anxiety ko, habang pilit na iwinawaksi sa isip ang mga alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay nagbibigay takot at pagkabalis
GisselleMarahan kong nakagat ang ibabang labi at umiling dito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko habang nanginginig sa kaba. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ni Dad at ipinasan ako.Tila lahat ng tapang ko ay naglaho sa mga oras na ’yon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at hindi napigilan ang pag-alpas ng hikbi.“Bakit ba takot na takot ka? Hindi ka naman kakatayin dito. Ang lakas nga ng loob mong gumawa ng kalokohan, ngayong sinisingil ka na ay tiklop ka naman,” ani Dad pagkalapag nito sa akin sa upuan na inupuan ko kagabi rito sa presinto.Talagang sinadya niya iyong iparinig sa mga pulis na naririto para mapagtawanan ako, at hindi naman siya nabigo dahil pati iyong lalaki na kausap ko kagabi ay natawa nang mahina.“Ahm, pagpasensiyahan n’yo po sana si Gisselle, Sir. Takot po kasi ’yan sa inyo kaya nagkakaganiyan,” dagdag pa
GisselleNaghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya. Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama. Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano. “Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?” Huminga ak
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P
GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr
Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone
GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M