Share

Kabanata 3

Author: SGirl
last update Huling Na-update: 2021-09-04 10:31:08

Gisselle

Marahan kong nakagat ang ibabang labi at umiling dito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko habang nanginginig sa kaba. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ni Dad at ipinasan ako. 

Tila lahat ng tapang ko ay naglaho sa mga oras na ’yon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at hindi napigilan ang pag-alpas ng hikbi. 

“Bakit ba takot na takot ka? Hindi ka naman kakatayin dito. Ang lakas nga ng loob mong gumawa ng kalokohan, ngayong sinisingil ka na ay tiklop ka naman,” ani Dad pagkalapag nito sa akin sa upuan na inupuan ko kagabi rito sa presinto. 

Talagang sinadya niya iyong iparinig sa mga pulis na naririto para mapagtawanan ako, at hindi naman siya nabigo dahil pati iyong lalaki na kausap ko kagabi ay natawa nang mahina. 

“Ahm, pagpasensiyahan n’yo po sana si Gisselle, Sir. Takot po kasi ’yan sa inyo kaya nagkakaganiyan,” dagdag pa ng ina ko na ikinahawak ko sa laylayan ng bestida nito. Ngumiti lamang ito sa akin at tinuyo ang mukha ko. “Sige na, anak. Iiwan ka na namin dito. Magpakabait ka sana.”

Pakiramdam ko ay pinanunuyuan ako ng lalamunan. Aalis na sila, at maiiwan na akong nag-iisang ordinaryong tao rito. 

“Sige ho, Misis at Mister. Hindi naman po namin pababayaan si Miss Gisselle rito. Ite-text ko rin ho kayo kapag pauuwiin ko na siya para masundo ho rito,” rinig kong wika ng Guevarra na ’yon sa magalang na tono. 

Sa loob ko ay nais kong umangal. Bakit ba bine-baby nila ako rito? Really, ipapasundo ako rito? Kaya ko namang umuwi nang mag-isa!

Nang magpaalam na ang mga magulang ko ay halos hindi na maipinta ang mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin kung tatayo ba ako o mananatili na lang sa pag-upo roon. I don’t know, mas lalo akong kinakabahan dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Marami pala sila rito, kagabi ay iilang piraso lang. 

Tanging pagtungo na lamang at paglalaro sa strap ng sling bag ko ang nagawa ko ilang minuto matapos maka-alis ang parents ko. 

Nag-angat lang ako ng tingin kay Guevarra nang kausapin ako nito. Doon ay naabutan ko itong pigil ang mga ngiti habang pinagmamasdan ako.  

Tumikhim ito. “Good morning, Miss Gisselle. May lakas ka na ba?” 

Awtomatikong kumunot ang noo ko. “A-Ano po, Sir?”

Tila naman ito biglang natauhan sa sinabi at napailing. “I mean, nag-almusal ka na ba? Kasi may ipapagawa ako sa ’yo mayamaya kaya kailangan may lakas ka.”

Tumango na lang ako rito. Of course, kaya nga ako nakarating dito ay dahil may lakas ako. Hindi rin naman ako papupuntahin ni Dad dito nang nanginginig sa gutom. 

“Good. Now, follow me.” Bigla itong tumayo kaya naman nataranta ako. 

Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang napipilitan na sumunod dito palabas. 

Mas lalo akong nailang dahil pati sa labas ay ang dami niya ring kalahi. Ayaw akong lubayan ng tingin kaya naman naiilang ako lalo. 

“May mga kinupkop kami rito na mga aso’t pusa. Ang gagawin mo lang ay pakakainin sila tuwing umaga—kapag naririto ka nang maaga, sa tanghali rin at kapag pagabi na. May mga binili akong pagkain nila riyan sa loob. Huwag kang mag-alala dahil mababait naman ’yan sila at naturukan na rin ng anti-rabies nitong nakaraang buwan lang.”

Nabaling sa itinuro nito ang atensiyon ko at hindi naka-imik. Tatlong aso iyon at isang pusa na bagamat mukha talagang galing kalye ay masisigla naman kumilos. 

Agad na tumayo at lumapit kay Guevarra ang mga aso niyang ampon at naglambing. 

Mahilig pala siya sa mga hayop. Yeah, whatever. 

Muntik pa akong mapasigaw nang lapitan ako ng isang aso na balak lang naman akong amuyin at batiin. Hindi ko napansin na bahagya pala akong napakapit sa uniporme nito na agad ko ring ikinabitiw. 

Yuck. 

Nagpagpag ako ng mga kamay at lihim na umismid. 

“Huwag kang matakot sa kanila. Huwag ka ring matakot sa akin—sa amin dito dahil hindi ka naman namin sasaktan. Mababait ang mga kasamahan ko na ’yan, Miss,” aniya na natatawa. Bigla nitong itinuro ang mata ko at napangiti nang tipid. “Namumula pa ’yang mga mata mo. Iyakin ka pala,” biro niya na hindi ko sinagot kahit ngiti lang. 

Nanatiling blangko ang mukha ko at tumungo. Umiyak lang nang isang beses, iyakin na? Siya ba, hindi umiiyak sa tanang buhay niya? Yeah, whatever. 

Napansin ata nito na hindi ako puwedeng biru-biruin kaya sunod nitong itinuro sa akin ang mga halaman nila rito. 

“Pagkatapos mong magpakain ay mga halaman naman ang didiligan mo. Matindi palagi ang sikat ng araw rito at madaling matuyo ang lupa, kaya dapat araw-araw ang pagdidilig mo. Ingatan mo sila at huwag na huwag mong tatangkaing lunurin dahil mga alaga ko ’yan.”

“Pagsisilbi ba sa komunidad ang gagawin ko o pagsisilbi sa mga alaga mong hayop at halaman, Sir?” seryoso kong tanong habang nakamasid sa mga rosas na nasa gilid. May malawak na espasyo rito sa loob, ganoon din sa labas ng gate nila na halos puro puno at halaman. Sabagay, probinsiya ito. 

Napakaraming puno at halaman pala rito na hindi ko napansin kagabi. Masasabi kong maganda at malinis ang kuta nila rito at halatang inaalagaan. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na muli kong ikinabaling dito. 

“Of course not. Magwawalis-walis ka rin dito sa labas at loob kapag napansin mong marami nang kalat at dumi. Kapag naging busy naman kami rito ay uutusan ka rin namin sa ibang bagay na hindi naman mabibigat. Kapag naman nagutom ka o nauhaw ay lumapit ka lang sa akin, okay?” Isinuksok nito ang mga kamay sa bulsa. 

“Okay po...”

“May tanong ka pa ba, Miss?” pahabol nito na agad kong ikinailing. 

Tatapusin ko lahat ng ito para makauwi na rin ako. Tingin ko madali lang naman ito. Tsk. 

“Sige, iiwan na kita rito at may gagawin pa ako sa loob. Lapit ka lang sa akin kapag may kailangan ka pa,” dagdag niya pa na ikinatango ko na lamang. Hinintay ko itong makaalis sa harapan ko bago lapitan ang mga alaga niyang hayop na naririto. 

Sana naman ay may mahuli rin mamaya na curfew violator para may kasama ako rito. Masyadong nakakailang. 

Napahinga ako nang malalim bago bumalik sa loob. Napansin agad ako niyong Guevarra at pinagmasdan. 

Inilapag ko ang sling bag sa upuan ko kanina at hinarap ito. “Nasaan po ba ang pagkain ng mga hayop?”

Tiningnan muna ako nito bago ilabas ang sako-sakong pagkain ng aso’t pusa mula sa gilid niya. Walang imik akong sumandok doon ng pagkain. May pangsandok naman kaya hindi marurumihan masyado ang mga kamay ko. 

Matapos kong magpakain ng hayop siya—I mean, ng mga hayop niya ay kinuha ko ang balde sa likod banda ng police station nila. May gripo na rin doon at nakita ko pa ang mga walis at mop nila. 

Kung sa tingin ni Dad ay mapapatino ako sa pamamagitan nito mula sa mga bisyo ko ay nagkakamali siya. Hindi ako titigil hangga’t hindi ako nasa-satisfy sa lahat ng pang-iinis ko sa kaniya. 

Iginugol ko ang oras ko sa pagdidilig ng mga halaman na narito. Napukaw pa ng isang malaking hilera ng mga sunflower ang atensiyon ko. Napaisip tuloy ako kung babalakin ko bang nakawin ang isang bulaklak na naroon, pero baka huwag na dahil mas malaki pa sa mukha ko ang bulaklak ng sunflower, at mas matangkad pa kaysa sa akin. Baka isipin pa ng mga tao na malala na ako. 

Manghihingi na lang ako siguro kay Guevarra ng buto ng sunflower niya mamaya o bukas kapag medyo kumalma na ako. 

Nag-inat ako ng katawan makalipas ang halos isang oras na pagdidilig at pagtingin-tingin sa mga halaman nila rito. I had no interest in nature before, pero ngayon ay na-appreciate ko ang ganda nila. Nakakatuwa rin palang pagmasdan ang mga bulaklak, puno at mga kung ano-anong klaseng halaman. 

Kapag nagkaroon lang ako ng libreng oras sa bahay ay susubukan kong libutin ang lupain namin doon—na dati ko pa kinatatamarang gawin—na tinatamnan ni Dad at ng mga tauhan niya. 

Pagtanaw ko sa ’di kalayuan ay namangha ako bigla dahil sa nasumpungan kong kiat-kiat. 

What the fuck? Ang liit-liit pa lang ng katawan pero namumunga na? Is that even possible? Or sadyang ignorante lang talaga ako sa nangyayari sa mundo ng mga halaman?

Hindi pa nga ata aabot ang tangkad n’yon sa balakang ko. Nakakaaliw naman tingnan. 

Napangiti ako at binitiwan ang tabo na hawak at lumapit doon. Kahilera n’yon ang mga kalamansi na halos hanggang balakang ko na rin ang taas. 

Saan ba ito nabibili at nang makabili rin? I’ll definitely buy hundred of fruit-bearing trees like this! 

Nag-squat ako at inipon ang saya ng bestida ko upang hindi marumihan. Ipinatong ko ang baba sa palad at mariing pinagmasdan ang kulay orange na maliit na prutas. Pinasadahan ko iyon gamit ang hintuturo at dinama. 

Nang hindi ako makuntento ay hinawakan ko na iyon at pinisil-pisil, just to make sure it is real and not a styrofoam. 

Napangiti ako dahil totoo nga, pero ang ngiting iyon ay agad na nawala. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong nahila ang prutas. Napigtas iyon mula sa kinakapitan n’yon na ikinamaang ko. 

Shit! Agad akong luminga-linga sa paligid upang tingnan kung may nakatingin ba. Wala naman, pero ’yong lalaking si Guevarra ay tanaw na tanaw ako mula sa puwesto niya, pero hindi naman nakatingin sa puwesto ko at ngingiti-ngiti lang sa upuan nito habang nagbabasa ng mga papeles. 

Ho! I thought madadagdagan ang parusa ko rito. 

Nag-isip pa ako ng paraan para maibalik iyon doon sa puno. Pero imposible na dahil wala nang makakapitan ang hawak kong bilog na prutas. 

Napahinga tuloy ako nang malalim at mariing napapikit. Isiniksik ko na lamang iyon sa bulsa ng short ko sa ilalim ng bestida ko. 

Shit. Kinakabahan na ako sa ginagawa kong ito. Pasimple akong umalis doon na para bang walang nangyari. Niligpit ko ang balde at tabo na ginamit ko bago bumalik sa loob. Wala pa naman akong wawalisin sa labas dahil hindi pa naman marami ang mga nagkalat na dahon. 

Bumalik ako sa upuan ko na ikina-angat ng tingin ni Guevarra sa akin. Ibinaba nito ang binabasang papel at nakahalukipkip na sumandal sa swivel chair niya. 

Agad akong nag-iwas ng tingin at sinadyang huwag itong tingnan. Parang nakakatakot naman ito tumingin. Pakiramdam ko, wala pa akong sinasabi ay alam na niya agad ang sikreto ko. 

“Tapos ka na ba?”

Marahan akong tumikhim. “Yes, Sir. Napalamon ko na ’yong mga alaga mo, at nadiligan ’yong mga flowers-flowers mo riyan sa likod,” magalang kong tugon na ikinatango nito. 

“Good. Maupo ka na lang muna riyan. Baka mamaya ay utusan kita,” anito pa na ikinatango ko. 

Naisipan kong maglibot-libot ng tingin sa kabuoan ng station nila rito. Boring sa paningin ko lalo’t puro asul ang nakikita ko. Not my type. 

Humikab ako’t humalukipkip. Naisipan kong tanawin ang mga papel na nasa gilid ko lang, sa table niya na katabi ko. Doon ko lang napansin ang pangalan nito na halos tuklawin na ako pero ngayon ko lang napansin at napagtuonan ng atensiyon. 

PCol. Carlos Joseph Guevarra...

Agad ko ring ibinalik ang tingin sa lalaki na nahuli kong pinagmamasdan ang mukha ko na kanina’y nakatitig sa nameplate niya. 

“Anong oras ba ang uwi ko, Sir?” tanong ko na siyang nagpaseryoso sa mukha niya. 

Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan at ipinatong ang mga kamay sa mesa niya. Mariin niya akong tinitigan na ikinailang ko. 

“Bakit? Magba-bar ka ulit mamaya?” anito na nahulaan agad ang binabalak ko. What the hell?

“Of course not! Gusto ko lang malaman para may ideya ako, Sir,” pagdadahilan ko na ikinaismid niya. 

“Sasabihin ko na lang sa ’yo kapag pauuwiin na kita at baka magplano ka pa ng gala sa kung saan-saan mayamaya. Kung puwede nga lang ay ako na ang maghatid sa ’yo sa inyo,” aniya na hininaan lang ang huling sinabi. 

Nag-isang linya ang mga labi ko dahil umabot pa iyon sa pandinig ko. No way! Hindi ko masisikmurang ihatid niya ako pauwi, baka gawan niya pa ako ng masama sa gitna ng kalsada at talahiban. 

Muli akong napahikab at kinuha ang phone mula sa bag ko. Nag-open ako ng account upang aliwin ang sarili pansamantala mula sa nakakabagot at nakakabinging katahimikan ng presinto nila. 

‘Gaga. Nasa presinto ka raw ngayon?’ basa ko sa nag-pop up na message ni Thea. 

Napairap ako at nagtipa. 

‘Yep, nakakaaliw ngang umupo rito, e. Magpahuli ka rin kaya mamayang gabi para magkasama tayo rito.’

Agad itong nag-send ng mensahe na ikina-ayos ko ng upo. Tiyak na papetiks-petiks lang ito ngayon sa school. 

‘Gosh, pamangkin! ’Yan na nga ba ang sinasabi ko, e. Bokya ka tuloy ngayon. Ano oras ba uwi mo, girl?’

Napahinga ako nang malalim at napailing. 

‘Hindi ko alam, huwag mo na ring itanong. Ano na pala ang balita riyan? Sino panalo?’

Muling nag-vibrate ang phone ko. 

‘Wala pa. On-going pa lang ang laban.’

Nag-okay na lang ako rito bago muling itago ang phone ko. 

Sana pala pumasok na lang ako ngayon. Mas boring pa pala tumambay rito kaysa sa school. 

Tahimik kong kinalkal ang sling bag ko para lang may magawa at mapagbalingan ng atensiyon. Nang maalala ko ang kiat-kiat sa bulsa ko ay pasimple ko iyong dinukot at inilagay sa loob ng bag. 

“Gutom ka na ba?” 

Agad akong nag-angat ng tingin dito at umiling. “Hindi pa po. Nauuhaw lang.”

Sinundan ko ito ng tingin nang mabilis itong tumayo at lumapit sa water dispenser nila rito. Lihim na lamang na tumaas ang isang kilay ko habang nagmamasid dito. 

Pinagsisilbihan niya ako, e, samantalang ako ang dapat na magsilbi rito? Bumaliktad ata. 

Gayumpaman ay tinanggap ko pa rin ang inabot nitong isang baso ng tubig at nagpasalamat. 

Nang maubos ay ibinalik ko rin iyon sa kaniya at pinunasan ang bibig. Nagtaka pa ako nang maupo ito sa kanto ng desk niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. 

Agaran ang ginawa kong pag-iwas at pagtikhim. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Kung makatingin ay para akong pinagtatawanan sa isip. Dahil ba sa umiyak ako kanina? Tss. 

“Pulis pala noong nabubuhay pa ang lolo mo, ganoon din ang tatay mo. May sundalo na ba sa inyo?” usisa nito na lihim kong ikinatigil. 

Bakit niya alam?

Pasimple akong nag-angat ng tingin dito. “Meron, uncle ko po, Sir.”

Tumango-tango ito. “Ang lolo ko at mga anak niyang lalaki ay nagsundalo rin noon. Ang iba ay active pa tulad ng pinakabatang tito ko. Ako lang ang nag-pulis sa amin,” pagkukuwento niya na wala naman akong pakialam. 

Tumango lamang ako ngunit tila ang dami nitong oras makipagdaldalan ngayon. 

“Dito ko na rin halos iginugugol ang oras ko sa police station simula nang mawala ang ina at ama ko, parehas silang sundalo na namatay sa pakikipaglaban. Wala naman akong kapatid na makakasama pa sa buhay, maliban sa mga tito ko na may kaniya-kaniya ring buhay. Masuwerte ka pa nga dahil nariyan pa ang mga magulang mo na gumagabay sa ’yo. Imbis na magrebelde ka sa kanila ay dapat sinusulit mo ang pagkakataon na nasa tabi mo pa sila. Hindi natin hawak ang kapalaran nila,” anito na natulala ang mga mata sa kawalan. 

Ayoko mang makinig sa kadramahan nito sa buhay ay kahit papaano’y medyo nahahabag din ako para rito. Tiyak na napakatahimik ng buhay niya. Kaya pala mukha siyang tahimik na tao, nawawala lang ang impresyon kong iyon sa kaniya kapag ganitong madaldal siya. Pansin ko pa na matipid ito kung makipag-usap sa mga kasamahan niya rito, at kadalasan ay puro tango lang. 

Sa muling pagkakataon ay tumango lamang ako rito at inilabas ang payo nito sa kabilang tainga. Whatever. Tiyak na si Dad din ang nagkuwento sa lalaking ito patungkol sa mga  pinaggagagawa ko sa buhay. 

Wala ba siyang ibang tinatrabaho ngayon at dakdak siya nang dakdak? Wala naman akong interes na makipag-usap sa matandang tulad niya. Puro pangmatatanda lang ang usapan. 

“Ikaw, ano ba ang pangarap mo sa buhay?” mayamaya’y tanong nito na muli kong ikinatingin dito. 

“Pangarap ko po? Marami, Sir. Ang iba ay nabuo ko na at natupad, and I’m still looking forward for more. Pagtapos ko ng kolehiyo ay uumpisahan ko na ang mga main goal ko sa buhay. I want to be a business woman,” tugon ko na ikinangiti nito. 

“Hindi ka lang pala pasaway. May pangarap ka rin sa buhay at hindi nagpapabaya. I’m happy to hear that, Miss Gisselle. Tama ’yan, huwag puro bisyo ang inaatupag dahil wala namang patutunguhan ’yang masasamang bisyo na ’yan. Sisira lang ’yan sa buhay ng tao.” Ngumiti ito at nag-thumbs up sa akin na ikinaiwas ko ng tingin. “Sa nakikita ko ay mabuti ka namang bata. Magalang ka ring sumagot. Sana pati sa Dad mo ay i-apply mo rin ang ganiyang katangian.”

Psh. Bata? Do I look like a kid? Yeah, whatever. 

Nakaupo lamang ako roon hanggang sa sumapit ang dapit-hapon. Antok na antok ako habang naghihintay ng ipapagawa nila sa akin, pero mukhang wala na. 

Anong oras ba ang uwi ko? Wala naman ako halos ginawa rito. Sana pinauwi na lang nila ako kaysa tumunganga ako rito na parang tanga. 

“Ah, Sir? Puwede pong magtanong?” biglang pukaw ko sa officer na nasa tabi at may ginagawa. Agad naman itong napatingin sa akin at ngumiti. “Anong oras ho nagsasara itong police station n’yo?” tanong ko na ikinatawa ng mga nakarinig. 

Awtomatikong nag-isang linya ang labi ko at nagtaka. 

“Hija, bente kuwatro oras bukas itong police station. Bakit mo naitanong?” medyo natatawang wika ng mamang kinausap ko dahil sa kaignorantehan ko. 

Tila ako napahiya roon kaya napakamot ako ng ulo. “Wala ho. Hindi ko po kasi alam kung anong oras ako makakauwi,” pag-aamin ko. 

Nakakabuwisit kasi ’yong Guevarra na ’yon. Tamang hinala. 

“Ganoon ba. Mas mabuting si chief na lang ang tanungin mo patungkol diyan—O, nariyan na pala siya!”

Napahikab ako nang pumasok si Guevarra na agad na napatingin sa akin. 

Lihim akong napaismid dahil sa pagkabuwisit dito. 

“Bossing, tila uwing-uwi na si Miss. Nagtatanong na kung anong oras daw ba ang uwi niya,” anang tila binatang pulis na hindi ko kilala. Pero sa pagkakatanda ko ay isa ito sa mga humuli sa akin kagabi. 

Natawa ang mga ito, samantalang ako ay tumungo. Wala namang nakakatawa. 

“Nakausap ko na ang tatay niya para sunduin dito. Papunta na rin iyon ngayon,” rinig kong wika ni Guevarra na ikinamaang ko. 

Ho! Makakauwi na rin. Inayos ko sandali ang sarili at huminga nang malalim. Makakaalis na rin ako sa impyernong ito. 

“Bossing, may nawawalang isang bunga ng kiat-kiat sa likod. Bilang na bilang ko ’yon, e. Tila may dumali na roon, inunahan na agad tayo.”

Agad akong nag-angat ng tingin sa lalaking pumasok at natigilan. Tila ako biglang namutla nang mapatingin sa akin si Guevarra nang seryoso. Agad din naman nitong ibinalik sa lalaking pumasok ang tingin at namaywang. 

“Hayaan n’yo na ’yon. Baka may kumuha lang na daga—malaking daga,” anito na ikinapikit ko nang mariin. 

Shit. Mukhang nakita niya nga ako kanina kaya nagpaparinig siya nang ganito sa akin. Kung isasauli ko naman ay nakakahiya lalo’t ang daming nakamata sa akin dito. 

Inis kong kinagat ang ibabang labi at napa-asik nang marinig ang tawanan nila...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
leen.dayag23
if I'm not mistaken si dark ang Lolo niya? Si Alfonso which is daddy niya ay anak ni dark, panganay to be exact , thylane ang pangalawa tas bunso si martin. and if it's true huhu, meaning sa panahon na to Wala na si dark?...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Loved and Chained   Kabanata 4

    GisselleNaghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya. Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama. Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano. “Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?” Huminga ak

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Loved and Chained   Kabanata 5

    GisselleSa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk.Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga mag

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • Loved and Chained   Kabanata 6

    Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • Loved and Chained   Kabanata 7

    Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.

    Huling Na-update : 2021-09-10
  • Loved and Chained   Kabanata 8

    Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Loved and Chained   Kabanata 9

    GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • Loved and Chained   Kabanata 10

    GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Loved and Chained   Kabanata 11

    GisselleNaalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.

    Huling Na-update : 2021-09-14

Pinakabagong kabanata

  • Loved and Chained   Wakas

    Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.

  • Loved and Chained   Kabanata 31

    Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a

  • Loved and Chained   Kabanata 30

    Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai

  • Loved and Chained   Kabanata 29

    Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n

  • Loved and Chained   Kabanata 28

    Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

  • Loved and Chained   Kabanata 27

    Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P

  • Loved and Chained   Kabanata 26

    GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr

  • Loved and Chained   Kabanata 25

    Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone

  • Loved and Chained   Kabanata 24

    GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status