Gisselle
Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti.
Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob.
Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob.
“Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito.
Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.
Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I
GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah
GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t
GisselleNaalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.
Gisselle “GISSELLE, saan ka raw ba nagpupupunta? Nag-aalala na ang magulang natin, o.” Walang gana kong nilingon si Kisses sa tabi ko at napahinga nang malalim. “Pakisabi huwag nang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko, at kita mo naman na buhay na buhay pa ako ngayon. So, hayaan n’yo na ako, please lang,” nababagot kong turan na ikinanguso nito lalo. Hindi na ito nangulit pa kaya nangalumbaba ako at ibinalik sa bintana ang tingin. Sa unahan ko ay si Thea na hindi ako pinapansin, tiyak na nagtatampo dahil sa ginawa ko noong nakaraan. Tss. Hindi naman sila malaking kawalan sa buhay ko. Malapit na rin pala ang bakasyon. Pagtapos ng community service ko ay uuwi ako nang mag-isa sa Iloilo para magpahinga. Pagkatapos ng klase ay agad akong umalis ng school. Pinuntahan kong muli ang bahay na maaari ko nang tirhan habang inaayos
GissellePero ang kasiyahan naming iyon ay naputol dahil sa biglaang dagundong ng kulog. Mukhang uulan pa ata. Nagkatinginan kami ni Guevarra sa hindi malamang dahilan.Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin dahil sa kakaibang kabog ng dibdib ko.“Mukhang uulan pa ho ata. Kailangan ko na pong umalis,” paalam ko na ikinatingin nila sa akin.“Ganoon ba? Balik ka ulit dito sa susunod, hija, ha?” anang Tita Sam na nginitian ko lang. Hindi ko naman alam kung makakabalik pa ako rito. Ayokong mangako.Tumingin ako kay Guevarra para magpaalam. Tiningnan lang ako nito na para bang mabigat pa sa loob nito na paalisin ako. Sa huli ay napahinga ito nang malalim at tumayo.Nagpaalam ako sa mga tita at tito niya bago kami makalabas ng bahay. Pero nabigla ako nang mapansin na malakas na pala ang ulan sa labas.What the hec
GisselleIT WAS JUST a normal fun night for us—at least that’s what I thought. Kasa-kasama ko si Thea nang mag-shopping kami sa mall nang hapon. Madilim na nang lumabas kami para sana umuwi na. Panay ang kuwentuhan, tawanan at harutan dahil sa napagkasunduang usapan. Ito ang naisip naming gawin para magliwaliw. Dumadayo kami sa iba’t ibang lugar gamit ang sasakyan na pag-aari ng pamilya ko—na hindi naman nila masyadong ginagamit—upang mas malibot ang ilang parte ng Luzon. Kadalasan ay siyudad ang puntirya namin para mag-shopping, at kapag naisipan ng isa sa amin ng mas payapang lugar ay probinsiya naman ang destinasyon namin. Good thing mayroon kaming driver na maaasahan since hindi pa legal ang edad namin ni Thea. “... that’s embarrassing, Selle! Hindi ko ma-imagine ang mukha mo noong matapilok ka sa hagd
GisselleMahilo-hilo pa ako nang hawakan ko ang panga nito upang ilayo sa akin, ngunit agad din nitong hinabol ang labi ko na ikina-ungol ko.“Gueva—hmm...”“What, baby, hmm?” pilyong turan niya. Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang labi nito sa leeg ko, paulit-ulit na hinalikan ang parteng iyon na ikinakagat ko ng ibabang labi. Naramdaman ko ang paggapang pababa ng kamay nito, hinawi ang night dress ko’t pinuntirya ang pakay.Isang malakas na singhap ang biglang kumawala sa bibig ko nang maramdaman ang kakaibang kuryente sa parteng iyon. Umarko ang aking likod, pilit na tinatanggap ang ligayang dulot nito lalo na nang hawiin niya ang panloob ko’t ilapat sa sensitibong parte ang malalaki at magagaspang niyang daliri. I trapped his hands, dahil sa kakaibang matinding kiliting dulot ng mga daliri nito sa akin.Ma
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P
GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr
Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone
GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M