"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
View MoreDinig ang mabibilis na yabag at mabibigat na paghinga ni Prinsipe Joven sa madilim na pasilyo ng kanilang kastilyo. Tagaktak na ang kanyang pawis habang walang tigil sa paglingon sa kanyang likuran sa pangambang nasundan siya nang kanyang mga pinagtataguan.
Mas bumilis pa ang kanyang pagtakbo nang maulinigan ang mga boses ng mga taong humahabol sa kanya. Bumungad sa kanya ang isang mataas at paikot na hagdan nang lumusot siya sa isang lagusan patungo sa tore ng kanilang kastilyo. Mabilis subalit buong pag-iingat niyang inakyat iyon hanggang sa natagpuan niya ang isang maliit na silid. Nang makapasok ay kaagad niyang iginala ang kanyang paningin upang maghanap ng pwede niyang mapagtaguan subalit tanging ang maalikabok at malaking kama lamang ang naroroon sa loob ng silid.Parang binayo ang kanyang dibdib nang marinig ang malakas na pagkalabog sa kanyang pinto. Halos magiba na ang pinto sa lakas ng pagkatok ng sinumang nasa likod niyon. Mabilis siyang gumapang sa ilalim ng kama at maluha-luhang tinakpan ang bibig."Prinsipe Joven, alam kong nariyan ka," boses ng isang babae. "Bakit mo ako pinagtataguan gayong sinabi mo noon na ibig mo akong pakasalan?"Tuluyan nang napaiyak ang prinsipe nang kanyang makilala ang nagmamay-ari ng tinig.(flashback)Limang araw na ang nakararaan nang nagkaroon ng sayawan sa kaharian nina Prinsipe Joven. Halos lahat ng mga mariwasang pamilya sa kanilang kaharian ay inimbitahan ng kanyang ama para sa natatanging okasyon na iyon.Nakatuon ang atensyon ni Prinsipe Joven sa alak na iniinom habang nakaupo sa kanyang trono. Kahit anong pilit sa kanya ng amang Hari na pumili ng dalagang maisasayaw ay hindi niya ito sinusunod.Habang pinanonood ang mga nagsasayawan sa gitna ng pabilyon ay napansin niya ang isang babae na nakasuot ng mahaba at itim na balabal. Nakatayo ito sa gitna at nakaharap sa kanya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa malaking pandong nito. Tipid niya itong nginitian subalit bigla itong tumalikod at naglakad palayo.Tila napukaw ang kanyang interes sa mahiwagang babae. Inayos niya ang suot na maskara at sinundan ito.Naging mabilis ang mga hakbang ni Prinsipe Joven nang lumiko sa isang tahimik na pasilyo ang dalaga. Hindi pa man niya nakikita ang tunay na anyo nito ay tila tiyak na niyang ito ang babaeng gugustuhin niyang ipakilala sa kanyang ama na maging kabiyak."Binibini, sandali!"Napahinto sa paglalakad ang babae subalit hindi ito lumingon. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na Prinsipe?"Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Prinsipe Joven habang unti-unting lumalapit sa babae."Ikinagagalak kong malaman na kilala mo kung sino ako.""May kailangan po ba kayo?" tanong uli ng babae habang nakatalikod pa rin sa kanya. Nakayuko lamang ito at itinatago ang mukha sa kanyang makapal na pamandong.Pumwesto ang prinsipe sa harapan ng dalaga."Ano ang iyong ngalan?""Martha po."Napatangu-tango si Prinsipe Joven. "Martha... Napakagandang pangalan. Kaninong angkan ka naman nagmula? ""Isa po ako sa mga tagapagsilbi niyo rito sa kaharian."Agad na umarko ang isang kilay ng prinsipe at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Martha. Maganda ang hubog ng katawan ni Martha kung kaya't balewala sa kanya kung alipin lamang nila ito."Gusto kita, Martha," tahasang sabi ng Prinsipe."Pero mahal na Prinsipe, isa lamang akong hamak na alipin."Lumapit si Prinsipe Joven kay Martha. "Hindi mahalaga sa akin kung ano man ang estado mo sa buhay. Bukas na bukas din ay ipapaalam ko kay Ama na magpapakasal tayo sa susunod na linggo..." Hinawakan niya ang kamay ni Martha.Kakaibang damdamin ang umusbong sa kalooban ni Martha. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib at ang pag-init ng kanyang pisngi. Ito pa lamang kasi ang unang pagkakataon na may lalaking nagtapat sa kanya ng paghanga at sino ang mag-aakala na sa isang makisig na prinsipe pa niya ito matatanggap."Maaari bang ipakita mo ngayon sa akin ang iyong mukha. Ibig kong masilayan ang iyong kagandahan."Nag-aalangan man, napilitang hubarin ni Martha ang kanyang talukbong. Unti-unti siyang nag-angat ng mukha at sinalubong ang mga titig ng prinsipe.Agad na napabitaw si Prinsipe Joven nang makita ang tunay na anyo ni Martha. Tila isang bangungot para sa kanya ang kanyang nasaksihan. Kulot, mahaba at makapal ang buhok, makapal ang kilay, nangingitim ang mga ngipin, at halos mapuno ng mga butlig ang mukha ni Martha.Puno nang pandidiring tiningnan ni Prinsipe Joven si Martha. "Ano 'yan?! Bakit ganyan ang iyong wangis? Paano magugustuhan ni Ama ang ganyang klaseng pagmumukha?!"Tila pinagpira-piraso ang puso ni Martha sa mga narinig mula sa prinsipe. Sinubukan niyang lapitan ito subalit marahas siya nitong itinulak dahilan para matumba siya sa sahig.Lingid sa kaalaman ni Prinsipe Joven ay isang mangkukulam si Martha. At dahil sa masasakit na salitang kanyang binitawan ay numuo ang matinding poot sa kalooban ng dalaga.(end of flashback)Nagulat si Prinsipe Joven nang biglang bumagsak ang pinto ng kwartong kanyang pinagtataguan. Ilang pares ng mga paa ang kanyang nakita na isa-isang pumasok sa silid.Mariin niyang tinakpan ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Subalit hindi nagtagal, napagsigaw siya nang bigla na lang may humila sa kanyang paa palabas sa kanyang pinagtataguan. Bumungad sa kanya ang kanyang mga alipin na napasailalim na sa itim na mahika ni Martha."Narito ka lamang pala."Halos mapatalon si Prinsipe Joven sa kanyang kinatatayuan nang biglang sumulpot sa kanyang tabi si Martha."Hindi ka ba natutuwang makita ako ulit, mahal kong Prinsipe?" tanong ni Martha sa nang-aakit nitong tinig.Hindi sumagot si Prinsipe Joven. Inilibot niya ang kanyang tingin upang maghanap ng pwede niyang matakbuhan."Huwag ka ng mag-abala pang tumakas. Wala ka na rin namang kawala pa sa akin," nakangising wika ni Martha. "Nagpunta ako rito upang malaman kung kailan ang araw ng ating kasal," bulong nito sa kanya.Agad na nanindig ang mga balahibo ni Prinsipe Joven nang maramdaman ang pagdampi sa kanyang balat ng mainit na hininga ni Martha. Dahil do'n ay naitulak niya ito dahilan para magpuyos ito sa galit.Sinuyod ng tingin ni Prinsipe Joven ang kabuuang anyo ni Martha. Hindi maitago sa kanyang mukha ang labis na pandidiri. "Mas gugustuhin ko pang kitilin ang sarili kong buhay kaysa makita araw-araw ang ganyang klaseng pagmumukha!" Walang pag-aalinlangan siyang sumampa sa malaking bintana at pikit-matang tumalon.Halos kumawala ang puso ni Prinsipe Joven sa labis na takot habang hinihintay ang kanyang pagbagsak. Subalit ilang segundo na ang lumipas, wala pa rin siyang nararamdaman na kahit ano. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nakalutang. Tumingin siya sa ibaba at nakitang ilang dangkal na lamang ang kanyang pagitan mula sa lupa."Akala mo ba'y hahayaan kitang mamatay na lang nang gan'yan kadali?!" Dinig niyang sabi ni Martha.Tumingin sa bintana si Prinsipe Joven kung saan siya tumalon at nakita roon si Martha na nakatayo. Nakataas ang isang kamay nito habang matalim ang tingin sa kanya. Nang ikumpas nito ang kamay pababa ay patihaya siyang bumagsak sa lupa. Napasigaw siya nang bigla itong lumundag at sinunggaban siya.Inilapit ni Martha ang mukha sa mukha nang nanginginig na prinsipe. Sa isang iglap ay sinakop ng kanyang bibig ang bibig nito at nagbuga ng isang itim na usok. Nang matapos siya ay tumayo na siya at nakangising tinitigan ang nakatulala na ngayong prinsipe."Sana'y magustuhan mo ang munti kong regalo sa iyo, Kamahalan!" humahalakhak niyang sabi."Ang regalong iyan ay ipamana mo nawa hanggang sa iyong kaapu-apuhan!" dugtong pa niya bago tuluyang naglaho sa karimlan.Ilang sandali lang, biglang namilipit si Prinsipe Joven sa kanyang kinahihigaan at napadaing sa sakit na naramdaman. Pakiramdam niya ay unti-unting nababali ang lahat ng buto sa kanyang katawan. Umiiyak na napahawak siya sa kanyang mukha nang maramdamang tila kumakalas ang kanyang mga panga at tumutulis ang kanyang mga ngipin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang braso na unti-unting tinutubuan ng puting balahibo at ang kanyang mga kuko ay unti-unti na ring humahaba na tila ba kuko ng isang mabangis na hayop. Umalingawngaw ang palahaw ng kawawang prinsipe sa buong kaharian. Palakas nang palakas ang kanyang mga sigaw hanggang sa unti-unti iyong naging isang malakas na alulong.13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments