Share

Chapter 2.2

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2022-05-26 09:50:37

"ARE you saying we should exterminate Calista and her parents?"

"You want the throne, right? Ang paraan lang para makuha mo 'yon ay kung mawawala sila," wika ni Henry na ikinagalit ni Althaia.

Mabilis na umiling si Althaia sa pagkadisgusto sa ideya nito. "I am not a murderer!"

"You just killed Ina, remember?"

Dahil sa sinabi ni Henry ay tuluyan nang naubos ang pasensya ni Althaia. Mula sa sofang kinauupuan ay sinunggaban niya si Henry na nakatayo sa kabilang panig ng sala. Pareho silang bumagsak sa kahoy na sahig. Gamit ang maliit subalit malakas niyang kamay, sinakal niya ito.

"Yes, you are my mate pero huwag mong kakalimutan, I am still your alpha," gigil niyang sabi bago nilubayan si Henry na ngayon ay habol na ang paghinga at ubo pa nang ubo.

*****

"HINDI pa rin ako makapaniwala na hindi man lang nagpakita si Althaia sa burol ni Ina," nakasimangot na sabi ni Hera habang ninanamnam ang ice cream na binili nila nina Calista at ng kanyang kasintahan na si Marcus na isang tao.

Nakatambay ngayon ang magkakaibigan sa ilalim ng isang puno sa kagubatan, malayo sa teritoryo ng mga taong-lobo. Pinili nilang doon tumambay para sa kaligtasan ni Marcus na patagong nakikipagrelasyon kay Hera na katulad ni Calista ay isa ring taong-lobo.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Calista ang mga nasaksihan nang gabing iyon. Bukod sa pagkamatay ng Inang Reyna, inaalala niya rin ang pinsang si Althaia. Ano ba ang ginagawa nito roon nang gabing iyon?

Malapit sa isa't isa sina Calista at Althaia at parang magkapatid na ang turingan sa isa't isa. Subalit nitong mga nakaraan, napansin niya ang pagiging mailap nito sa kanya at ang pagiging sensitibo sa lahat ng bagay.

"Ano sa tingin mo, Calista?"

Napalingon si Calista sa katabing si Hera nang marahan siyang siniko nito sa tagiliran.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, bakit kaya hindi dumating si Althaia kanina sa libing ni Ina?" ulit ni Hera.

"She's probably heartbroken from what happened," si Marcus ang sumagot.

Tiningnan ni Calista ang hawak na ice cream na ngayon ay tunaw na.

Napairap si Hera. "Kami ba hindi?"

"Ngayong wala na ang reyna niyo, ano'ng plano mo? Ikaw na ba ang mamumuno sa inyo?" tanong ni Marcus kay Calista.

Napabuntong-hininga si Calista. "How can I? Ni wala nga akong alam sa pagiging leader."

Matamlay niyang iniabot kay Hera ang apa ng ice cream na hawak.

Parehong napalingon sina Calista at Hera sa direksyon papuntang batis nang maramdaman nila ang presensya ni Althaia malapit doon.

Iniwan ni Calista ang mga kasama at agad na nagtungo sa batis, doon ay nasalubong niya si Althaia na tila balisa at may kinagagalitan.

Napahinto ito nang makita siya.

"Where have you been? Ilang araw ka na naming hinahanap," kalmadong sabi ni Calista bago naupo sa malaking bato, sa tabi ng batis.

Tila diyamanteng nagniningning ang ilog dahil sa tama ng liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Mapapakinggan din sa paligid ang daloy ng ilog at ang mga huni ng ibon. Tumingala si Calista at dinama ang pagdampi ng preskong hangin sa kanyang mukha.

Nanatiling nakapako sa kinatatayuan si Althaia habang tinitingnan ang pinsan. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Henry. Kaya niya nga bang gawin ang sinasabi nito?

Unti-unti siyang humakbang palapit sa nakatalikod na si Calista. Nakapikit ito at prenteng nakaupo. Bahagya niyang iniangat ang kanyang nanginginig na mga kamay papunta sa leeg nito subalit mabilis niya ring binawi iyon at pabagsak na naupo sa likuran ni Calista. Umiiyak na niyakap niya ang pinsan mula sa likuran nito.

Marahang hinaplos ni Calista ang kanyang braso nakapulupot sa baywang nito. "Shhhh... It's okay... We're going to be okay."

*****

MATAPOS mapatahan ni Calista si Althaia, wala nang nagsalita pa sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpasya si Calista na basagin ang nakakailang na katahimikan sa pagitan nila.

"Where were you that night?" she awkwardly asked.

"K-kailan?" Tila may bumara sa lalamunan ni Althaia sa tanong ng pinsan.

"Nang gabing namatay si Ina... Nagising ako no'n at nakita kong wala ka sa kwarto."

Ikininuyom ni Althaia ang kamay at pilit na pinakalma ang sarili. "Kina Henry," tugon niya habang nakatuon ang mga mata sa ilog.

Nakaramdam ng pangamba si Calista dahil sa pagsisinungaling ni Althaia, bukod do'n, she can also hear her wild heart beats. "Why are you lying, Althaia?" sabi niya sa mahinang tinig. "I-I saw you."

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Althaia sa kanyang kinauupuan. Unti-unti niyang hinarap si Calista. "Wala akong kasalanan. Hindi ko siya pinatay."

Hindi kaagad nakaimik si Calista. Tiningnan niya nang maigi ang pinsan. "I... I never said you killed her. Althaia... D-did you?"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Althaia. Bahagyang napaatras si Calista at tinutop ang bibig. Naluluha niyang tinitigan ang humahagulgol nang si Althaia.

"Hindi ko sinasadya. Calista, ano'ng gagawin ko?! Tulungan mo ako!" Hahawakan sana ni Althaia ang kamay ni Calista subalit natigilan siya nang iniiwas nito ang kamay at unti-unting umatras palayo sa kan'ya. "Calista?"

Umiiyak na umiling-iling si Calista. "H-how could you do that? How..." Napasabunot siya sa sarili at tinitigan si Althaia na para bang isa itong malaking kabiguan sa buhay.

Sinubukang lapitan ni Althaia si Calista subalit mabilis itong tumayo at tumakbo palayo sa kan'ya.

Parang pinagpira-piraso ang puso ni Althaia habang pinanonood ang papalayo nang si Calista. Iniwan na siya ng taong pinaka pinagkakatiwalaan niya.

"Still you won't reconsider my plan?" Biglang sumulpot si Henry na kanina pa pala nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. "Ngayong alam niya na ang sikreto mo, sigurado akong isusumbong ka niya sa mga ka-tribo natin. Paniguradong itatakwil ka nila."

Hindi umiimik si Althaia at patuloy lamang na lumuha.

"Tinalikuran ka na ng pinsan mo, Althaia_."

"Shut up, Henry!" Marahas na pinunas ni Althaia ang mga luha sa pisngi. Dahil sa ginawa ng pinsan ay unti-unting namuo ang galit at hinanakit sa kanyang damdamin. "Let's do it tonight."

Lingid sa kaalaman nina Althaia at Henry, naroon din sina Hera at Marcus, nagtatago sa malaking bato sa tabi ng ilog. Kararating lamang ng mga ito at narinig ang pag-uusap nina Henry at Althaia.

*****

PAPALUBOG na ang araw, ang lahat ay abala sa pag-aayos sa bakuran ng namayapang Reyna. May mga nagsisiga sa gitna ng bakuran habang ang ilan naman ay inilalabas ang mga personal na gamit ng reyna na isasama sa mga susunugin.

Tradisyon ng mga taong-lobo na sunugin ang mga gamit ng namayapa nilang mahal sa buhay. Naniniwala sila na kapag ginawa nila iyon ay mapupunta ang mga kagamitang iyon sa mga ito doon sa paraisong kanilang pupuntahan matapos nilang mamatay.

Habang abala ang iba sa gagawing ritwal, wala namang tigil si Hera sa paghahanap kay Calista. Halos lahat ng nasalubong niya ay tinanong niya na subalit ni isa sa mga ito ay walang nakaaalam kung nasaan si Calista. Nakita niya ang ama ni Calista na mukhang patungo rin sa bahay ng Inang Reyna dahil sa mga bitbit nitong kahoy na gagamitin sa pagsiga. Mabilis niyang nilapitan ito.

"O Hera," nakangiting bati ng Ginoo sa kanya.

"Sir! your family is in danger!" hinihingal niyang sabi.

Kasabay ng mga paputok na sumabog sa kalangitan, agad na naglaho ang ngiti ng matanda.

Ipinaliwanag ni Hera sa ama ni Calista ang mga narinig sa pag-uusap nina Althaia at Henry habang papunta sila sa bahay nito. Halos hindi sila magkarinigan dahil sa mga paputok at sa mga musikerong tumutugtog sa bahay ng Inang Reyna. Halos wala na rin silang masalubong na taong-lobo sa daan dahil halos lahat ng mga ito ay nagtungo na sa bahay ng Inang Reyna.

"Hindi ko maintindihan. Bakit naman gugustuhin ni Althaia na saktan si Calista? Para ng magkapatid ang dalawang iyon," wika ng ama ni Calista na hindi pa rin kayang paniwalaan ang mga sinasabi ni Hera. Pagbukas niya ng pinto sa kanilang bahay ay bumungad sa kan'ya ang mga nagkalat at basag na muwebles.

Parang binayo ang kanilang mga dibdib dahil sa nasaksihan. Agad na hinanap ng Ginoo ang asawa at natagpuan ito sa kusina na duguan at wala nang buhay. May nakatarak sa kaliwang dibdib nito na isang punyal at tiyak niyang yari iyon sa pilak. Ang anumang bagay na gawa sa pilak ay isa sa mga maaaring gamitin upang mapatay silang mga taong-lobo.

Habang nasa mga bisig ang asawa, humahangos na pumasok sa kusina si Hera na katatapos lang libutin ang buong bahay.

"She's not here," wika ni Hera. Saglit na pumikit si Hera at pinakiramdaman ang paligid. Sa pamamagitan ng matalas na pang-amoy, naamoy niya ang amoy ni Henry at ng mga iba pang taong-lobo. Alam niyang ito ay ang pack ni Althaia.

Labag man sa loob na iwanan ang asawa, napilitang tumayo ang ama ni Calista upang iligtas ang anak.

*****

PAGKATAPOS magpalipas ng oras sa isang tagong lugar sa kagubatan, nagpasya ng bumalik si Calista sa kanila para samahan ang mga ka-tribo sa gagawing ritwal sa bahay ng kanilang Inang Reyna. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Althaia, alam niyang mas tama na sabihin niya na sa mga nakatatanda ang ginawa nito. Kailangan nitong pagbayaran iyon upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang reyna.

Malapit na si Calista sa maliit na daan patungo sa kanilang teritoryo nang matanaw niya ang kanyang ama na kumakaripas ng takbo patungo sa kan'yang direksyon. Laking gulat niya nang makitang duguan ito at iika-ika na sa pagtakbo.

"Takbo!" sigaw nito.

Kaugnay na kabanata

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 3

    KASABAY nang matulin na pagtakbo ni Calista ang walang humpay na pag-agos ng kanyang mga luha sa takot at sakit na nararamdaman. Hindi maalis sa kanyang isipan ang takot na takot na mukha ng kanyang ama nang walang awa itong sinakmal ni Henry at pinilipit ang leeg hanggang sa humiwalay ang ulo nito sa katawan.Kahit sugatan at pagod na sa pagtakbo, hindi niya magawang tumigil sa pangambang maabutan siya ni Henry at ng mga kasamahan nito. Bagama't medyo malayo na ang kan'yang narating, naririnig at ramdam niya pa rin ang mga presensya nito.Napahinto siya nang sa isang iglap, bigla na lamang may sumunggab sa kanya dahilan para sumubsob siya sa lupa. Napahiyaw siya nang maramdamang kinagat siya sa balikat nang sinumang nakadagan sa kanya. Nang lingunin niya ito, saka niya lang nalaman na si Henry pala iyon na ngayon ay nasa anyong lobo."Grrr!" ungol nito.Gamit ang mga kamay at binti, itinulak ni Calista si Henry nang buong lakas dahilan para tumilapon ito sa malaking puno. Tumayo siya

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 4

    PAGKAMUHI ang nararamdaman ni Hera habang nakatitig kay Althaia mula sa malayo. Nakatayo ito sa gitna ng maliit na entablado habang suot ang korona na dapat sana ay si Calista ang nagmamay-ari ngayon. Ngayon ang araw ng pag-upo nito sa trono dahil inanunsyo ng kasintahan nitong si Henry na si Calista at ang mga magulang nito ay nagpakalayo-layo dahil wala itong kakayahang pamunuan ang kanilang tribo at nahihiya rin ang mga itong harapin sila. Alam ni Hera na malaking kasinungalingan iyon. Hindi makapaniwala si Hera na nagagawa pa ring ngumiti ni Althaia sa harap ng mga katribo matapos ang ginawang pagtataksil nito sa pamilyang kumupkop sa kan'ya.Ilang araw na sinuyod ni Hera ang kagubatan kasama si Marcus subalit tanging ang katawan lamang ng ama ni Calista ang kanilang natagpuan. Halos nalibot na nila ang buong kagubatan subalit hindi niya maramdaman o maamoy ang presensya ng kaibigan. Dahil dito, nabigyan siya ng pag-asa na baka buhay pa si Calista."Bakit hindi mo na lang ipaala

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 5

    5 years later...MULING pumikit si Marcus nang tumama sa kan'yang mukha ang sikat ng araw. Pumihit siya sa kabilang panig ng kama upang tingnan kung gising na ang kasintahang si Hera subalit nagtaka siya nang makitang wala na ito.Pupungas-pungas siyang naupo at sinuyod ng tingin ang buong silid. She was nowhere of sight. Pinulot niya ang kan'yang boxer sa sahig at sinuot iyon bago nagtungo sa lababo at naghilamos. Pansamantala niyang tinitigan ang repleksyon habang iniisip na naman ang susunod na lugar na kanilang susuyurin ni Hera upang hanapin ang nawawala nilang kaibigan na si Calista.Sa tagal ng panahon na hinahanap nila si Calista, naniniwala na si Marcus na posibleng wala na talaga ito. Subalit kahit ilang beses niya nang sinabi ito kay Hera, ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Ipinagpipilitan nito ang kutob na buhay pa ang kanilang kaibigan kahit wala naman itong sapat na basehan. Dose anyos si Marcus nang makilala niya sina Calista at Hera. Ulila na siya nang lubos noon at

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 6

    "NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito."So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito."No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."Sumimangot si Callie.Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad

    Huling Na-update : 2022-06-08
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 7.1

    SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie. Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki. Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa. Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita

    Huling Na-update : 2022-06-15
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 7.2

    "THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j

    Huling Na-update : 2022-06-23
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 8

    NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.(Flashback)Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito. Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.(End of flashback)"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi

    Huling Na-update : 2022-06-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 9

    MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n

    Huling Na-update : 2022-07-04

Pinakabagong kabanata

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Epilogue

    13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 80

    MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 79

    ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 78

    NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 77

    MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 76

    "YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 75

    PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 74

    "WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 73

    HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status