"NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.
Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito."So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito."No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."Sumimangot si Callie.Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad na tinitigan niya si Callie. "Well, yeah, I know I'm pretty well-known around here, but the way you said my name sounds like you've known me for a while."Mas inilapit pa ni Clyde ang mukha kay Callie at tinitigan nang maigi ang bawat detalye ng mukha nito. He had dated so many beautiful girls before but Callie's beauty was exceptional. She was like a goddess. Sa tinatagal-tagal niya nang nag-aaral sa kanilang unibersidad, nagtataka siya kung bakit ngayon niya lamang ito nakita. Ngunit ngayong natagpuan niya na ito, hinding-hindi siya makapapayag na hindi ito mapabilang sa kan'yang koleksyon ng mga babae."Mukhang nasobrahan na nga yata talaga ako sa pagliliwaliw sa buhay," nakangisi niyang sabi. "All the time I've spent here in this university, paanong hindi ko man lang napansin 'yang taglay mong kagandahan. I must be a fool."Agad na umarko ang isang kilay ni Callie habang nakatingin kay Clyde. Aminado siya na natuwa siya nang muli niya itong nakita subalit habang tumatagal ang kanilang pag-uusap, nakaramdam siya ng disappointment dito. Hindi niya inakala na ganito pala ang ugali nito.Kilala niya ang mga katulad ni Clyde. Bukod sa presko ang dating nito sa kan'ya, alam niya ring siya ang tipo ng lalaki na mahilig mangolekta ng mga babae na pagkatapos niyang pagsawaan ay basta niya na lang iiwanan.Ngumiti si Callie at sinalubong ang mga titig ni Clyde. Naramdaman niya na tila mas ginanahan ito sa ginawa niya. "You really are a fool to think na uubra sa akin 'yang mga pambobola mo.""What?""Kung ano man 'yang iniisip mo, stop it this instance. I have no plans of becoming one of your toys," malamig na saad ni Callie bago tinalikuran si Clyde.Hindi kaagad nakaimik si Clyde sa sinabi ni Callie. Ni minsan ay hindi niya pa naranasang ayawan ng isang babae. Natawa na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayo ng si Callie."Wala ka ba talagang planong ibigay sa akin ang pangalan mo?!" sigaw niya.Callie waved her hand as a no.Naiiling na natawa si Clyde."Clyde! Nandito ka lang pala."Napalingon si Clyde sa bagong dating. It was Megan, one of his friends."Hi, Megs!" Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kan'yang labi."What's with that grin?"Hindi sumagot si Clyde bagkus muli niyang tinanaw si Callie na malayo na ang narating."Callie?" nagtatakang wika ni Megan nang sundan niya ang tingin ni Clyde.Agad na nilingon ni Clyde si Megan. "You know her?""Tanga lang ang hindi nakakakilala sa kan'ya. She's the goddess of the Education Department."Natawa si Clyde sa naging tugon ni Megan. "I'm indeed an idiot," bulong niya sa sarili. "Education Department? You mean your department?"Tumango si Megan. "Yes, she's one of my seniors.""So, she's going to be a teacher too just like you. Okay," tumatangu-tangong sabi ni Clyde. "But how come na hindi ko siya nakikita rito sa campus?""Well, naroon lang naman siya palagi sa lugar na ni minsan ay hindi mo man lang binibisita."Saglit na nag-isip-isip si Clyde. Ilang sandali lang, biglang nagliwanag ang kan'yang mukha nang mapagtanto ang lugar na tinutukoy ni Megan.*****"HE'S here again."Hindi mapigilan ni Callie ang mapairap nang maramdaman ang presensya ni Clyde sa loob ng library.Napansin niya na ilang araw nang bumibisita si Clyde sa library at hindi man nito aminin, alam niyang siya ang dahilan ng pagpunta nito roon dahil noong unang araw na nagkita sila nito sa corridor ay narinig niya ang pag-uusap nito at ni Megan. Alam niya na ring alam na nito ang pangalan niya.Lumitaw sa kan'yang harapan si Clyde at sinamahan siya sa kan'yang mesa. Naupo ito sa bakanteng upuan sa kan'yang harapan bitbit ang isang makapal na libro. It was a book about Police Administration."Nandito ka ulit? Wow! Napapadalas yata ang pagkikita natin. Don't you think this is fate?" kunwaring gulat na sabi ni Clyde nang makaupo."So, you are a criminology student... Hindi halata," sabi ni Callie at saglit na inalis ang tingin sa librong binabasa upang tingnan si Clyde. Hindi kasi halata sa hitsura nito na isa siyang criminology student. Kumpara sa ibang mga criminology student na malinis ang mga gupit ng buhok, ang kay Clyde ay medyo mahaba na at makapal.Natawa si Clyde nang napansin niya na nakatingin si Callie sa kan'yang buhok. "Dahil ba sa buhok ko? Well, I don't want to cut it. I look better with this style.""At some point kailangan mo ring magpaalam diyan sa hairstyle mo, lalo na kung magpa-practicum ka na. I heard it's a requirement for you guys to have a clean cut." Ibinalik ni Callie ang mata sa librong binabasa.Tumango si Clyde. "You are indeed right. Actually, I'm going to do the second part of my OJT next month. Meaning, madalang mo nang makikita itong mukha ko sa mga susunod na araw.""That's good then."Napangiwi si Clyde. "Ouch!""Shhhh!" saway sa kan'ya ng librarian nang bahagyang lumakas ang kan'yang boses.Humingi ng paumanhin si Clyde sa librarian pagkatapos, muling ibinalik ang tingin kay Callie na nakatuon lamang ang mga mata sa librong hawak."Hey Callie, would you like to have dinner with me after class?""No," walang pag-aalinlangang sagot ni Callie nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Clyde."I know I made an impression that day pero hindi ako katulad ng iniisip mo. I'm not a f*ckboy. Kung makikilala mo lang ako, you'll see I'm also a nice guy."Napaisip si Callie sa sinabi ni Clyde. Masyado nga ba siyang naging mapanghusga rito?Napatingin si Clyde sa kan'yang cell phone nang may biglang tumawag. Nagpaalam siya kay Callie na sasagutin niya muna ito bago lumabas ng library.Sinundan ng tingin ni Callie si Clyde hanggang sa makalabas. Nang nawala na ito sa paningin, dumako naman ang mga mata niya sa naiwan nitong libro. Kinuha niya iyon at napansin na may nakaipit doon na isang makapal na bagay. Nang buklatin niya ang mga pahina nito, natagpuan niya ang isang nakaipit na magazine ng mga sexy na babae rito."Not a f*ckboy, huh?" she smirked.Nagtaka si Clyde nang tila naglaho nang parang bula si Callie nang nakabalik na siya sa loob ng library. Nang lapitan niya ang mesang kinauupuan nila kanina, napagtanto niya kung bakit bigla na lang itong umalis. Ang kanina'y nakatago niyang magazine ay nakatiwangwang na ngayon sa ibabaw ng mesa.Naihilamos niya ang kan'yang palad. "Why do I always mess up in front of her?" he chuckled.*****"WHY is it so hard to get a hold of you these days? Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo?" tanong kay Clyde ng kaibigan niyang si Andrew.Kasalukuyang nagtitipon si Clyde at ang kan'yang mga kaibigang sina Megan, Andrew, at Spencer sa cafeteria ng kanilang unibersidad upang magmeryenda.Bagamat ang mga kaibigan ang kasama, si Callie pa rin ang laman ng isipan ni Clyde. Ano ba ang ayaw nito sa kan'ya?"Megan, do I still look the same?" tanong ni Clyde kay Megan na nag-iisang babae sa kanilang grupo."What do you mean?" Napakunot ng noo si Megan."Pumangit na ba ako?" tanong ulit ni Clyde.Nagkatinginan ang magkakaibigan, naguguluhan sa mga tanong ni Clyde."Teka, are you still hitting on Callie?!" bulalas ni Megan na ikinagulat nina Andrew at Spencer."Callie? 'Yong diyosa niyo?" si Spencer.Tumango si Megan at pinagtawanan si Clyde. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo Clyde, tumigil ka na. Hindi ka uubra sa kan'ya. Callie is not into dating.""Paano mo naman nalaman?" Sambakol ang mukhang tinitigan ni Clyde si Megan."Sa tingin mo ba walang sumubok sa department namin na pormahan siya?""With that gorgeous face, duda akong wala," komento ni Andrew."Hindi interesado sa lalaki si Callie," dagdag pa ni Megan. "Mas gusto niyang kasama ang mga libro kaysa sa inyo.""Hey, we're talking about Clyde Martin here. No one says no to him. Alam nating lahat 'yan." Nakangisi namang sumandal sa upuan si Spencer. "Baka nagpapakipot lang ang babaeng 'yon."Tila lumakas ang loob ni Clyde dahil sa sinabi ni Spencer. Totoo naman ang sinabi nito dahil kahit kailan wala pa talagang babaeng tumanggi sa kan'ya."Kaya ko siyang makuha," saad ni Clyde na ikinatawa ng mga kasama."I doubt it." Umiling-iling si Megan. "I know her. Hindi lalaki ang makapagpapatiklop sa kan'ya.""Let's make a bet then," suhestiyon ni Andrew."Gusto ko 'yan!" Napapalakpak si Spencer.Natawa na lang si Clyde. "Fine!""There's no need for that. I'm telling you guys, hindi mapapasagot ni Clyde si Callie."Taas-noong tiningnan ni Clyde si Megan. "I can do it, Megs. Hindi si Callie ang makakasira sa record ko." Ngumisi siya. "Mark my word, makukuha ko siya sa loob ng isang linggo."Napahalakhak silang lahat dahil sa sinabi ni Clyde. Tila ba siguradong-sugurado ito sa mga sinasabi nito.Napahinto sila sa pag-uusap nang nakita nilang paparating si Callie.Sinenyasan ng mga kaibigan si Clyde na lapitan ito. Dahil sa nagpapasikat sa mga kaibigan, sinunod namn ni Clyde ang gusto ng mga ito."Hey, it's you again," bati niya kay Callie na kasalukuyang nakapila sa counter."Yes, but don't assume that this is all because of fate. Clyde, where in the same university, natural lang na madalas na magku-krus ang mga landas natin," tugon ni Callie pagkatapos ay nginitian siya nito.Bahagyang nagulat si Clyde sa pagngiti sa kan'ya ni Callie. Nasanay na kasi siyang tinatarayan lamang siya nito."Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?" tanong sa kan'ya ni Callie nang mapansing nakatulala na lang siya sa harapan nito."Ummm... Would you like to watch a movie with me this weekend?" bigla niyang tanong. Malakas ang kan'yang kutob na tulad ng dati, tatanggihan na naman siya nito.Muli, ngumiti si Callie. Clyde felt his heart skip a bit."Sure, why not?" tugon nito na ikinagulat niya.SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie. Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki. Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa. Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita
"THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j
NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.(Flashback)Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito. Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.(End of flashback)"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi
MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n
"ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie."I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that."Sinabi ko na sa 'yo noon pa,
AGAD na humarang si Mercy sa harapan ni Callie upang itago ang hitsura nito ngayon kay Clyde. Lumingon siya kay Clyde at nakitang hinahabol na nito at ng kasama nito ang lalaking nagtangka ng masama sa kanila. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nito nakita ang pagbabago sa anyo ni Callie.Ikinulong niya ang mukha ni Callie sa kan'yang palad. Matatalim ang kulay ginto nitong mga mata na nakatitig sa kawalan at nanginginig ang katawan sa galit. Nagsisimula na rin itong tubuan ng mga puting balahibo sa pisngi at mga braso. Kahit anong tawag ni Mercy kay Callie ay tila hindi siya nito naririnig."Callie, honey, look at me!" Niyugyog niya ito at halos magmakaawa na subalit hindi ito natitinag. "Please, don't!""Tita," narinig niya ang boses ni Clyde. Laking gulat niya nang makitang pabalik na agad ito sa kanila.Tinangka niyang hilahin si Callie palayo subalit bigla na lamang sumulpot sa kan'yang harapan si Simeon."Calista!" tawag ni Simeon sa tunay na pangala
"ALTHAIA, tingnan mo kung sino itong bisita natin!" nakangising wika ni Henry kasama si Marcus na seryoso lamang ang mga tinging ipinupukol sa kanila. "O, hindi ka man lang ba babati sa Inang Reyna?" tanong nito kay Marcus nang huminto sila sa harapan ni Althaia.Hindi kumibo si Marcus.Mula sa trono, lumapit si Althaia kina Henry at Marcus. "It's been awhile..." Natigilan siya at napapikit nang malanghap ang amoy ni Marcus. "You smell different..." Ngumisi siya at marahas na hinablot ang bahagi ng t-shirt ni Marcus na malapit sa leeg. Mas lalo pang lumapad ang kan'yang ngisi nang makita ang pilat nito sa leeg. "I can't believe this, you're finally one of us! Congratulations!"Humahalakhak na bumalik si Althaia sa kan'yang trono at prenteng naupo. "Hindi mo yata kasama ang magaling kong kaibigan.""Masyadong abala ngayon si Hera kaya hindi siya makabisita," walang kaemo-emosyong tugon ni Marcus.Tumangu-tango si Althaia. "At ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi naman kaya p
"MAY kutob akong may kalokohang pinaplano itong sina Marcus at Hera," wika ni Althaia habang nakakulong sa mga bisig ni Henry. Magkatabing nakahiga ang mga ito sa isang malaking kama sa kailaliman ng gabi."Sabihin mo lang kung ano'ng gusto mong gawin ko sa kanila, mahal kong reyna... Ako na'ng bahala..." Nakapikit at inaantok na sabi ni Henry.Ngumiti si Althaia at tiningala si Henry. Inabot ng kan'yang labi ang labi nito. Napangiti naman si Henry si ginawa niyang biglang paghalik."Sa ngayon, manmanan lang muna natin ang mga kilos ni Marcus," bulong ni Althaia at saka yumakap nang mahigpit kay Henry at nagpasya na ring matulog.*****DAHIL sa hindi makatulog, nagpasya si Callie na bumaba sa kusina upang magtimpla ng camomile tea.Matapos gumawa ng tsa ay napadako ang kan'yang tingin sa mga espadang naka-display sa dingding. Agad siyang napangiti sapagkat muli niyang naalala si Clyde.Pabalik na siya sa kan'yang silid nang napansin niya ang liwanag na sumisilip sa siwang ng pinto patu
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan