5 years later...
MULING pumikit si Marcus nang tumama sa kan'yang mukha ang sikat ng araw. Pumihit siya sa kabilang panig ng kama upang tingnan kung gising na ang kasintahang si Hera subalit nagtaka siya nang makitang wala na ito.Pupungas-pungas siyang naupo at sinuyod ng tingin ang buong silid. She was nowhere of sight.Pinulot niya ang kan'yang boxer sa sahig at sinuot iyon bago nagtungo sa lababo at naghilamos. Pansamantala niyang tinitigan ang repleksyon habang iniisip na naman ang susunod na lugar na kanilang susuyurin ni Hera upang hanapin ang nawawala nilang kaibigan na si Calista.Sa tagal ng panahon na hinahanap nila si Calista, naniniwala na si Marcus na posibleng wala na talaga ito. Subalit kahit ilang beses niya nang sinabi ito kay Hera, ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Ipinagpipilitan nito ang kutob na buhay pa ang kanilang kaibigan kahit wala naman itong sapat na basehan.Dose anyos si Marcus nang makilala niya sina Calista at Hera. Ulila na siya nang lubos noon at tumutuloy sa isang bahay ampunan. Madalas siyang tinutukso ng kan'yang mga kamag-aral dahil sa wala na siyang mga magulang at sa kan'yang gulang. Subalit iba si Calista sa mga ito dahil bagamat matanda siya rito ng ilang taon, kinaibigan pa rin siya nito. Higit sa ipinagpapasalamat niya, si Calista ang naging daan upang makilala niya si Hera.Masakit din kay Marcus na tanggapin ang sinapit ni Calista subalit sa paglipas ng mga taon ay natutuhan niya na ring tanggapin na wala na ito. Hangad niya lamang na sana ay matutuhan na ring tanggapin ni Hera ang pagkawala nito nang sa gayon ay maipagpatuloy na nila ang kanilang mga buhay at makapagsimulang muli. Tiyak niyang iyon din ang gugustuhing mangyari ni Calista kung nabubuhay pa ito.Napadako ang mga mata ni Marcus sa repleksyon ng kan'yang malaking pilat sa leeg. It was a bite mark made by Hera when she turned him into a werewolf. Noong una'y hindi sang-ayon si Hera sa kagustuhan niya na gawin siyang taong-lobo subalit nang ipaliwanag niya ang dahilan kung bakit gusto niyang maging katulad nito ay napapayag niya rin ito sa huli.Dahil sa isa siyang mortal at higit na mahina kumpara kay Hera, kulang ang kan'yang kapasidad na maprotektahan ito laban sa mga kaaway. Isa sa pangunahing dahilan na nagtulak sa kan'ya na gawin ang desisyong iyon ay ang naging pasya ni Hera na talikuran ang kan'yang mga kalahi upang hanapin at bigyan ng hustisya ang nangyari kay Calista. Alam niyang posibleng magdulot ng kapahamakan dito ang naging desisyon nito lalo pa't pinag-iinitan ito nina Henry. Ngayong tanging si Hera na lamang ang natitirang mahalagang tao sa buhay niya, hindi siya makapapayag na may mangyaring masama rito."Ano kaya ang iniisip ng mahal ko at hindi niya man lang napansin na nandito na ako."Napalingon si Marcus sa kan'yang likuran nang marinig ang malambing na boses ni Hera. Nakaupo ito sa gitna ng kama at ngiting-ngiting nakatitig sa kan'ya. Nilapitan niya ito at masuyong hinalikan sa labi."Alam mo namang ikaw lang ang laging laman nitong isip ko..." nakangiti niyang tugon. "Lalo na nito." Itinuro niya ang tapat ng kan'yang puso.Mas lalo namang napangiti si Hera dahil sa sinabi niya. Itinulak siya nito pahiga sa kama at pabirong hinampas ang kan'yang tiyan. "Dapat lang, noh!"Natawa na lamang si Marcus at tinitigan si Hera. "Where have you been?""Nagpahangin lang ako sa labas."Tango na lamang ang itinugon ni Marcus. Kinuha niya ang nakapatong na remote sa bedside table at nagpasyang buksan ang t.v. Pareho silang natahimik ni Hera nang biglang naputol ang pinanonood nilang palabas at lumabas ang isang flash report.Ang balita ay tungkol sa isang maliit na baranggay kung saan walang awang pinaslang ang ilan sa mga naninirahan doon."Malaking aso! Malaking aso! Nakita ko! Pinatay nito ang mga anak ko!" Halos mabaliw na ang matandang babaeng nakikipag-usap sa reporter habang walang tigil sa pag-iyak.Naikuyom ni Hera ang mga kamao habang nakatuon ang nanunubig na mga mata sa mukha ng matandang nasa telebisyon. "This is what Althaia wants... To show everyone how powerful she is."Hinawakan ni Marcus ang kamay ni Hera upang pagaanin ang kalooban nito.Nilingon ni Hera si Marcus. "I think you should go back to our tribe. Tingnan mo kung ano na ang kalagayan nila roon."Napakunot-noo si Marcus. "Ako lang ang babalik? Paano ka?"Bumaba sa kama si Hera at sinuot ang kan'yang sapatos. "I'll continue looking for her. Kailangan ko nang madaliin ang paghahanap para matapos na ang mga patayang ito.""Hera, paano kung wala na naman pala talaga tayong hinahana_.""Napag-usapan na natin 'to," putol ni Hera sa sinasabi ni Marcus. Tiningala niya ito matapos niyang itali ang mga sintas ng kan'yang sapatos. "You have to trust me in this, Marcus. Nararamdaman ko na buhay pa siya."Yumuko si Marcus at itinuon ang mga mata sa sahig. "Kung buhay pa siya bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa'tin ngayon? Kalat na kalat na ang balita sa mga pagpaslang ng mga taong-lobo sa mga inosenteng tao, bakit wala pa rin siyang ginagawa?"Hindi kaagad nakaimik si Hera. "Maybe she's not ready yet."*****NABITAWAN ni Callie ang hawak na cell phone matapos makita sa news feed ng kan'yang social media account ang balita tungkol sa baranggay na inatake ng mga taong-lobo. Napapikit siya habang inaalala ang kalagayan ng kan'yang mga ka-tribo.Hindi lubos maisip ni Callie na dahil sa pagkawala ng dati nilang Inang Reyna ay hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ito ang itinuro sa kanila ng namayapang reyna. Kailanman ay hindi nito tinuro sa kanila na manakit ng sinumang tao."Ito ba ang gusto mong mangyari, Althaia?"Natauhan si Callie nang marinig ang kan'yang Mama Mercy. "Callie, lalamig na ang pagkain!""Opo!" Mabilis niyang dinampot ang nahulog na cell phone at isinilid sa kan'yang shoulder bag bago sumunod sa kan'yang Mama Mercy sa hapag-kainan.Nadatnan niya kan'yang Mama Mercy sa hapag-kainan kasama ang kan'yang Papa Simeon na abala sa pagpupunas sa punyal nito na gawa sa pilak. Saglit siyang napahinto at tiningnan lang ito sa ginagawa.Napansin naman ni Simeon ang mga titig ni Callie subalit imbes na itago ang punyal ay tila iminuwestra pa nito ito sa harapan nito.Bagamat limang taon na ang lumipas, malayo pa rin ang loob ni Simeon kay Calista. Marahil isa sa dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo nito kay Calista ay dahil sa tutol ito sa desisyon ni Mercy na ipangalan sa kan'ya nito ang pangalan ng namayapa nilang anak. Callie."Simeon, will you keep that thing, please?" inis na sabi ni Mercy nang maupo sa hapag. Nilingon niya si Callie at inaya itong maupo sa kan'yang tabi.Naging tahimik lamang sila sa pagkain ng agahan. Nang matapos, nagpaalam na si Callie na papasok na sa paaralan."Sumabay ka na sa Papa mo," sabi ng kan'yang Mama Mercy. "May dadaanan siya malapit sa school niyo kaya sumabay ka na lang sa kan'ya."Nauna nang tumayo si Simeon at lumabas ng bahay. Nag-aalangan naman itong sinundan ni Callie.*****TAHIMIK lamang sina Callie at Simeon sa loob ng kanilang sasakyan.Habang nakatuon si Simeon sa pagmamaneho, hindi mapigilan ni Callie na sulyapan ang punyal nito sa tabi. Hindi niya maiwasang malungkot sa isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin itong tiwala sa kan'ya. Paano ba naman kasi ay palagi na lamang nitong bitbit kahit saan ang punyal nitong gawa sa pilak. Tingin niya, oras na may makita itong kahinahinala sa kan'ya ay handa itong gamitin ang punyal upang patayin siya."Bakit? Natatakot ka ba?" biglang tanong sa kan'ya ni Simeon nang mapansing nakatitig siya sa armas nito.Umiling-iling si Callie at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. "Kung ang dahilan po kung bakit lagi niyo na lang bitbit ang punyal na 'yan ay dahil sa natatakot kayo na sasaktan ko kayo, please rest assured na wala akong gagawin para ikapahamak niyo." Naglakas-loob siyang tingnan ang kan'yang Papa Simeon. "Malaki po ang utang na loob ko sa inyo ni Mama Mercy at hindi ko rin alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan ninyo sa akin. Pero ito po ang tandaan niyo Papa, ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilyang ipinagkaloob niyo sa akin... Kahit pa kapalit nito ang buhay ko."Natawa nang mapakla si Simeon. Napakunot naman si Callie sa naging reaksyon niya."Calista, how can I trust your words after witnessing how you fought against your people? Isasakripisyo mo ang buhay mo para sa amin ni Mercy na mga mortal na tao? How can I believe someone like you who has neglected her own race?""They were the first to turn their backs on me," nakayukong sabi ni Callie. "They killed my family... They tried to kill me."Agad na inihinto ni Simeon ang sasakyan nang nasa tapat na sila ng gate ng paaralan ni Callie."Maybe they have valid reasons why they decided to kill your family," sabi ni Simeon nang hindi man lang tinitingnan si Callie. "Maybe you aren't the victim after all... You guys might have done something that caused your tribesmen to abandon you."Agad na nanlabo ang mga mata ni Callie dahil sa mga luhang namuo sa kan'yang mga mata. Hindi niya matanggap ang mga narinig sa kan'yang Papa Simeon."My family did not deserve to die in such a horrible way," nanginginig ang boses na sabi ni Callie. Agad niyang pinahid ang luhang gumapang sa kan'yang pisngi. "We live a good life and never cause anyone harm," wika niya bago lumabas ng sasakyan.Hanggang sa makapasok si Callie sa kanilang campus ay hindi niya maawat ang pagpatak ng kan'yang luha.Nang lumiko siya sa isang pasilyo ay may nakabangga siya dahilan para matumba siya sa sahig.She started picking up her belongings on the floor but stopped when she smelled a familiar scent. She looked up at the person she had collided with and was surprised to see the man she had seen in the hospital five years ago standing in front of her."Clyde?" wala sa sarili niyang nasambit ang pangalan nito.Nakangising yumukod at umuklo sa kan'yang harapan si Clyde. Gamit ang hinlalaki, pinahid nito ang mga luha sa kan'yang mga pisngi. "Natutuwa akong malaman na kilala mo kung sino ako.""NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito."So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito."No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."Sumimangot si Callie.Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie. Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki. Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa. Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita
"THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j
NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.(Flashback)Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito. Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.(End of flashback)"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi
MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n
"ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie."I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that."Sinabi ko na sa 'yo noon pa,
AGAD na humarang si Mercy sa harapan ni Callie upang itago ang hitsura nito ngayon kay Clyde. Lumingon siya kay Clyde at nakitang hinahabol na nito at ng kasama nito ang lalaking nagtangka ng masama sa kanila. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nito nakita ang pagbabago sa anyo ni Callie.Ikinulong niya ang mukha ni Callie sa kan'yang palad. Matatalim ang kulay ginto nitong mga mata na nakatitig sa kawalan at nanginginig ang katawan sa galit. Nagsisimula na rin itong tubuan ng mga puting balahibo sa pisngi at mga braso. Kahit anong tawag ni Mercy kay Callie ay tila hindi siya nito naririnig."Callie, honey, look at me!" Niyugyog niya ito at halos magmakaawa na subalit hindi ito natitinag. "Please, don't!""Tita," narinig niya ang boses ni Clyde. Laking gulat niya nang makitang pabalik na agad ito sa kanila.Tinangka niyang hilahin si Callie palayo subalit bigla na lamang sumulpot sa kan'yang harapan si Simeon."Calista!" tawag ni Simeon sa tunay na pangala
"ALTHAIA, tingnan mo kung sino itong bisita natin!" nakangising wika ni Henry kasama si Marcus na seryoso lamang ang mga tinging ipinupukol sa kanila. "O, hindi ka man lang ba babati sa Inang Reyna?" tanong nito kay Marcus nang huminto sila sa harapan ni Althaia.Hindi kumibo si Marcus.Mula sa trono, lumapit si Althaia kina Henry at Marcus. "It's been awhile..." Natigilan siya at napapikit nang malanghap ang amoy ni Marcus. "You smell different..." Ngumisi siya at marahas na hinablot ang bahagi ng t-shirt ni Marcus na malapit sa leeg. Mas lalo pang lumapad ang kan'yang ngisi nang makita ang pilat nito sa leeg. "I can't believe this, you're finally one of us! Congratulations!"Humahalakhak na bumalik si Althaia sa kan'yang trono at prenteng naupo. "Hindi mo yata kasama ang magaling kong kaibigan.""Masyadong abala ngayon si Hera kaya hindi siya makabisita," walang kaemo-emosyong tugon ni Marcus.Tumangu-tango si Althaia. "At ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi naman kaya p
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan