Share

Chapter 7.1

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-06-15 12:16:18

SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie.

Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki.

Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa.

Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita niya noon sa ospital, limang taon na ang nakararaan.

Sa muling pagbabalik ng misteryosang babae sa kan'yang alaala, muling nananariwa sa kan'ya ang mga naganap ng mga panahong iyon.

Dahil sa magulong pamilya, naglayas siya noon sa bahay upang ipakita sa kan'yang mga magulang na hindi niya na kailangan ang mga ito. Dahil doon ay napasama siya sa maling barkada at hindi nagtagal ay nasangkot na rin siya sa sari-saring gulo.

Isa sa huling kinasangkutan niya ay ang pakikipagbugbugan ng kanilang gang sa kalaban nilang isa pang gang. Ang tagpong iyon ang naging dahilan upang matagpuan siya ng kaniyang mga magulang sa ospital kung saan niya rin nakita ang babaeng unang nakapagpatibok sa kan'yang puso.

Sa tanang buhay niya ay noon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng damdamin. Sa unang beses na pagtama ng kanilang mga mata ng estrangherong babae, tila may kamao na sumuntok sa kan'yang dibdib dahilan para bumilis at lumakas ang tibok no'n.

Bagamat malabo na sa kan'yang alaala ang hitsura ng babae, hinding-hindi niya makakalimutan ang kulay ginto nitong mga mata.

"Kanina ka pa ba rito?"

Napahinto siya sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang boses ni Callie sa kan'yang likuran. Mas lalo pang nagliwanag ang kan'yang mukha nang lingunin niya na ito.

Callie was wearing a white dress paired with a white doll shoes. Maayos din na nakalugay sa kan'yang likuran ang mahaba at itim niyang buhok.

"You look great," puri niya kay Callie.

"Thanks, you're looking good as well," ganting puri ni Callie.

Napatitig si Callie sa pumpon ng mga pulang rosas na hawak niya.

"Para sa 'kin ba 'yan?"

"Ah, oo." Iniabot niya ang mga rosas at napakamot sa kan'yang batok. "I hope you like flowers."

Tinitigan ni Callie ang mga bulaklak at inamoy ang halimuyak nito. "Who doesn't? Thank you," tugon nito pagkatapos, ngumiti nang ubod ng tamis.

Napatitig siya sa malaki at kulay-abong mga mata nito. Ngayon niya lamang iyon natitigan nang malapitan. "Wow."

"Wow?" naguguluhang sabi ni Callie.

Alanganin siyang napangiti. "Nothing... Ummm, let's go?" aya niya rito.

Hindi katulad ng kan'yang mga nakagawian, naging maingat siya sa kan'yang pakikitungo kay Callie. Kung noon ay ginagamitan niya ng kan'yang mga sweet gestures ang mga babaeng inilalabas niya para mas ma-turn on ang mga ito sa kan'ya, kay Callie ay nagpaka-gentleman siya.

"Do you like the movie?" tanong niya kay Callie matapos nilang manood. Nakaalis na sila ng sinehan at nag-iisip na naman siya kung saan niya pa maaaring dalhin si Callie.

Tinanguan siya ni Callie at nakangiting yumuko.

"Hmmm... May bagong bukas na restaurant malapit dito, gusto mo bang kumain tayo_." Napahinto siya sa pagsasalita nang napansin niyang biglang huminto si Callie sa paglalakad.

Nakatuon ang atensyon nito sa digital billboard ng tv station sa kabilang kalsada.

Naka-flash sa screen ng billboard ang bago na namang balita tungkol sa patayang hinihinalang mga taong-lobo ang may gawa.

"Puro kalokohan na lang ang laman ng mga balita ngayon," komento niya dahilan para mapalingon sa kan'ya si Callie na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Hindi ka naniniwala na mga taong-lobo ang may gawa ng mga 'yan?" tanong nito sa kan'ya.

Umiling-iling siya at ngumiti. "They are not real, Callie."

"How sure are you?"

"Well, wala pa namang nakapagpapatunay na totoo sila. Duda nga ako na may nakakita na talaga sa kanila eh. You see, Callie, to see is to believe."

Nagtaka siya nang ngumiti nang makabuluhan sa kan'ya si Callie bago nagsimula muling maglakad. Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon at umagapay na lang siya rito.

Muli, napalingon siya rito nang bigla uli itong nagsalita.

"You never know, baka nakakita ka na pala talaga pero hindi mo lang alam," pahayag nito.

*****

"PASENSYA na po, Sir, wala na po kasing available na table para sa inyo eh."

Napalingon si Clyde sa waiter na nagsalita. Nakatayo ito sa pintuan at may kausap itong matandang lalaki na sa tantiya niya nasa sitenta na ang edad.

Naawa si Clyde sa matanda at gusto niya na lamang na ibigay rito ang table nila ni Callie subalit nag-aalangan siya kung papayag ba ito.

"Ummm... Callie_." He stopped when Callie suddenly speaks.

"Let's just give our table to him," anito at ngumiti nang matipid.

Hindi niya naitago ang tuwa sa sinabi ni Callie. She's not only beautiful, she's also thoughtful.

Tumango siya at sinabihan ang waiter na papasukin na ang matanda. Wala namang tigil ang pasasalamat sa kan'ya ng matanda.

Nang makasakay na sila sa kan'yang kotse, nilingon niya si Callie at nginitian.

"Why are you staring at me like that?" naguguluhang tanong sa kan'ya ni Callie habang ikinakabit nito ang seatbelt.

"Nothing, I just find you charming."

Umirap si Callie na ikinatawa niya.

"Bolero ka talaga, ano?" wika nito, saka itinuon ang mata sa labas ng sasakyan. "Let's just go to a drive-thru and get some snacks."

"Ha? Sigurado ka?"

Tumango si Callie at ngumiti. "I know a perfect place where we can eat."

*****

"HOW did you know this place? Paborito ko ring tambayan ito!" tuwang-tuwang sabi ni Clyde nang pumunta sila sa river park kung saan tanaw ang mga city lights.

Puno ng bituin ang kalangitan at napakagandang pagmasdan ng ilog dahil sa reflection ng mga ilaw sa siyudad.

Nakaupo sila sa ibabaw ng trunk ng kan'yang sasakyan habang pinagsasaluhan ang pagkaing binili nila sa fast-food chain.

"Ito ang unang lugar na hinanap ko nang lumipat ako rito sa Duncan Mills. Mahilig din kasi akong tumambay sa ilog noon kasama ang mga kaibigan ko," tugon sa kan'ya ni Callie.

S******p muna siya sa straw ng soft drink bago nagsalita. "So, hindi ka pala rito sa 'min lumaki?"

Umiling si Callie. "I'm from Montgomery."

"I see. That's a small town kung hindi ako nagkakamali."

"It is."

"Then, bakit kayo lumipat dito?" usisa niya uli kay Callie. Napansin niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Tila bigla itong nalungkot.

"It's a long story." Pilit siyang nginitian nito.

Tumango na lamang siya at itinuon na rin ang tingin sa ilog.

Namagitan sa kanila ang nakakailang na katahimikan. Ilang sandali lang ay biglang natawa si Callie.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong dito.

"May naalala lang ako," ngiting-ngiting sabi ni Callie.

Hindi niya maialis ang tingin kay Callie. It was his first time seeing her smiling like that. It was a genuine smile.

"I-share mo naman! Hindi pwedeng ikaw lang ang tumatawa."

Tumikhim si Callie at nakangiti siyang tiningnan. "Can you see that boulder?" Itinuro nito sa kan'ya ang malaking bato sa tabi ng ilog.

"What about that?"

"Naalala ko noong nasa Montgomery pa ako, it was a late afternoon tapos hinahanap ko 'yong dalawa kong kaibigan sa ilog. Nakaugalian na kasi namin na tumambay roon pagkatapos ng klase namin pero nang hapong iyon, nagtaka ako kasi hindi ko sila nakita."

Ngumiti si Clyde at umusog pa nang kaunti palapit kay Callie. "And then?"

Muli na namang napangiti si Callie. Tumingin ito uli sa malaking bato. "Naisip ko na baka ma-le-late lang sila kaya I decided to wait for them. Naupo ako sa ibabaw ng isang malaking bato..." she paused and giggled. "Tapos may bigla akong narinig."

"Ano'ng narinig mo?"

"I can't make out the sound at first kaya hinahanap ko kung saan 'yon nanggagaling tapos nang tumingin ako sa likod ng batong kinauupuan ko..." Inilapit ni Callie ang bibig sa kan'yang tainga at bumulong, "I saw them making out."

Pareho silang natawa.

"Did they saw you? Ano'ng naging reaksyon nila_. Wait, no, ano'ng naging reaksyon mo after seeing them?"

"Of course, I was gobsmacked. Bukod sa first time kong makakita ng gano'n, I also had no idea that they were dating," pahayag ni Callie. "Because of that, ilang araw nila akong iniwasan sa sobrang hiya."

"Naiintindihan ko sila," natatawa niyang sabi.

Nginitian siya ni Callie na tila ba tinutukso siya nito. "Bakit nahuli ka rin ba_."

"Hindi!" putol niya sa sinasabi nito. "Just like you, nahuli ko rin ang isa sa mga kaibigan ko noon doing the same thing your friends were doing... Medyo extreme lang 'yong sa kaibigan ko."

Tumawa nang kaunti si Callie. "Ano'ng sabi niya?"

"Wala siyang sinabi. He just landed a strong punch on my face." He stroke his hair as he laughs. "Well, kasalanan ko naman kasi basta na lang akong pumasok sa kwarto niya."

"He should've locked the door," komento ni Callie.

"Yeah."

Katahimikan na naman ang muling namayani sa pagitan nila.

Nilingon niya si Callie nang bumuntong-hininga ito. "Bakit?"

"I just miss my friends. I wonder what they're doing right now."

"Hindi mo na ba sila nabisita mula nang lumipat kayo rito?" tanong niya.

Umiling-iling si Callie. Ngumiti ito subalit kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang i-comfort ito subalit hindi niya alam kung paano. Nag-aalala siyang baka isipin nitong nananamantala siya.

"Ummm... Clyde, I have to go. Baka hinahanap na ako sa'min," biglang paalam nito.

"Gano'n ba? Sige," tumayo na si Clyde at inalalayan si Callie na bumaba sa trunk.

*****

"THANK you kasi pumayag kang sumama sa 'kin," nahihiyang pasasalamat ni Clyde.

Noon lamang siya nakaramdam ng hiya sa harap ng isang babae. He was always confident pero pagdating kay Callie ay hindi niya maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman. He must be really in love with her.

Nasa labas na sila ng sasakyan, sa tapat ng bahay ni Callie.

"Salamat din, I had a great time. Thank you rin ulit dito." Bahagyang iniangat ni Callie ang hawak na bouquet. "Sige na, papasok na ako. Ingat." Naglakad na ito sa footpath patungo sa kanilang bahay.

Nasa tapat na si Callie ng pinto nang tinawag niya ulit ito. "Ummm... Callie?"

Nilingon siya ni Callie na nakahawak na ngayon sa doorknob ng pinto. "Yes?"

"Pwede pa rin ba tayong lumabas sa susunod?"

Ilang segundo siyang tinitigan lang ni Callie. Kinakabahan siya sa isasagot nito.

Ngumiti si Callie at tumango. "Okay," tugon nito bago tuluyang pumasok sa bahay.

"Yes!" Hindi niya napigilang mapalundag sa tuwa. Abot tainga ang kan'yang ngiti hanggang sa nakapasok na uli siya ng sasakyan. Muli niyang nilingon ang bahay ni Callie. "I'll see you soon."

*****

PAGKAPASOK ni Callie sa kan'yang silid, inilapag niya sa kan'yang study table ang bouquet ng rosas na ibinigay sa kan'ya ni Clyde at sandali iyong tinitigan.

Bahagyang umangat ang isang sulok ng kan'yang labi.

Lingid sa kaalaman ni Clyde, narinig niya ang pag-uusap nilang magkakaibigan tungkol sa pustahan ng mga ito sa kan'ya.

"Looks like my scheme is working."

Related chapters

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 7.2

    "THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j

    Last Updated : 2022-06-23
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 8

    NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.(Flashback)Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito. Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.(End of flashback)"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi

    Last Updated : 2022-06-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 9

    MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n

    Last Updated : 2022-07-04
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 10

    "ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie."I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that."Sinabi ko na sa 'yo noon pa,

    Last Updated : 2022-07-06
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 11

    AGAD na humarang si Mercy sa harapan ni Callie upang itago ang hitsura nito ngayon kay Clyde. Lumingon siya kay Clyde at nakitang hinahabol na nito at ng kasama nito ang lalaking nagtangka ng masama sa kanila. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nito nakita ang pagbabago sa anyo ni Callie.Ikinulong niya ang mukha ni Callie sa kan'yang palad. Matatalim ang kulay ginto nitong mga mata na nakatitig sa kawalan at nanginginig ang katawan sa galit. Nagsisimula na rin itong tubuan ng mga puting balahibo sa pisngi at mga braso. Kahit anong tawag ni Mercy kay Callie ay tila hindi siya nito naririnig."Callie, honey, look at me!" Niyugyog niya ito at halos magmakaawa na subalit hindi ito natitinag. "Please, don't!""Tita," narinig niya ang boses ni Clyde. Laking gulat niya nang makitang pabalik na agad ito sa kanila.Tinangka niyang hilahin si Callie palayo subalit bigla na lamang sumulpot sa kan'yang harapan si Simeon."Calista!" tawag ni Simeon sa tunay na pangala

    Last Updated : 2022-07-08
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 12

    "ALTHAIA, tingnan mo kung sino itong bisita natin!" nakangising wika ni Henry kasama si Marcus na seryoso lamang ang mga tinging ipinupukol sa kanila. "O, hindi ka man lang ba babati sa Inang Reyna?" tanong nito kay Marcus nang huminto sila sa harapan ni Althaia.Hindi kumibo si Marcus.Mula sa trono, lumapit si Althaia kina Henry at Marcus. "It's been awhile..." Natigilan siya at napapikit nang malanghap ang amoy ni Marcus. "You smell different..." Ngumisi siya at marahas na hinablot ang bahagi ng t-shirt ni Marcus na malapit sa leeg. Mas lalo pang lumapad ang kan'yang ngisi nang makita ang pilat nito sa leeg. "I can't believe this, you're finally one of us! Congratulations!"Humahalakhak na bumalik si Althaia sa kan'yang trono at prenteng naupo. "Hindi mo yata kasama ang magaling kong kaibigan.""Masyadong abala ngayon si Hera kaya hindi siya makabisita," walang kaemo-emosyong tugon ni Marcus.Tumangu-tango si Althaia. "At ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi naman kaya p

    Last Updated : 2022-07-12
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 13.1

    "MAY kutob akong may kalokohang pinaplano itong sina Marcus at Hera," wika ni Althaia habang nakakulong sa mga bisig ni Henry. Magkatabing nakahiga ang mga ito sa isang malaking kama sa kailaliman ng gabi."Sabihin mo lang kung ano'ng gusto mong gawin ko sa kanila, mahal kong reyna... Ako na'ng bahala..." Nakapikit at inaantok na sabi ni Henry.Ngumiti si Althaia at tiningala si Henry. Inabot ng kan'yang labi ang labi nito. Napangiti naman si Henry si ginawa niyang biglang paghalik."Sa ngayon, manmanan lang muna natin ang mga kilos ni Marcus," bulong ni Althaia at saka yumakap nang mahigpit kay Henry at nagpasya na ring matulog.*****DAHIL sa hindi makatulog, nagpasya si Callie na bumaba sa kusina upang magtimpla ng camomile tea.Matapos gumawa ng tsa ay napadako ang kan'yang tingin sa mga espadang naka-display sa dingding. Agad siyang napangiti sapagkat muli niyang naalala si Clyde.Pabalik na siya sa kan'yang silid nang napansin niya ang liwanag na sumisilip sa siwang ng pinto patu

    Last Updated : 2022-07-14
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 13.2

    DALI-DALING isinuot ni Callie ang mga hinubad na damit habang nagmamatyag at pinapakarimdaman ang paligid. Nang makita kanina sina Alice na ibang direksyon ang tinungo, hindi niya napigilang sumunod sa mga ito lalo pa't alam niyang may pinaplanong masama ang mga ito sa isa sa mga kasamahan nito.Hindi maalis-alis ang kan'yang ngiti sa labi habang inaalala ang ginawa niyang pagtulong kay Aimen nang pinagtripan ito nina Alice. Bukod do'n, masaya siya dahil sa tagal ng panahon ay no'n lang siya ulit nakapag-anyong lobo."Are you that happy?" tanong niya sa kan'yang lobo. Ramdam niya kasi na nasiyahan ito na muling nakalabas.Matapos makapagbihis ay bumalik na siya sa kan'yang grupo."Where have you been?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Megan.Napansin niya na mukhang nagkakagulo ang mga kasamahan niya. "Ano'ng meron?""Aakyat ngayon dito 'yong mga rangers na naiwan sa baba. May mga estudyante kasi kanina na nagsigawan na may malaking lobo raw," tugon ni Megan na sa tono ng pananalita a

    Last Updated : 2022-07-27

Latest chapter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Epilogue

    13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 80

    MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 79

    ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 78

    NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 77

    MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 76

    "YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 75

    PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 74

    "WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 73

    HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status