Share

Chapter 8

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2022-06-26 18:02:42

NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.

(Flashback)

Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito.

Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?

"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.

(End of flashback)

"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.

Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi habang iniisip si Clyde.

"It wasn't meant to feel like this."

*****

HINDI maalis-alis ang mga ngiti sa labi ni Clyde hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay. Nakaukit pa rin sa kan'yang isipan ang ginawa nilang paghahalikan ni Callie.

"Nakipagbasag-ulo ka na naman?!" galit na bungad sa kan'ya ng Papa Herman niya nang datnan niya ito sa kanilang sala habang nanonood ng balita.

Agad na naglaho ang kan'yang ngiti at salubong ang mga kilay na tiningnan ang ama. "Basag-ulo agad, Pa? Hindi ba pwedeng naaksidente lang ako?"

Kaagad namang nag-iwas ng tingin ang kan'yang Papa Herman at tumikhim.

Kapwa silang napalingon sa hagdan nang marinig ang malakas at mabibilis na yabag. Humahangos na bumaba ang kan'yang Mama Geraldine at patakbo siyang nilapitan.

"Ano'ng aksidente?!" nag-aalala nitong tanong. Mas lalo pa itong nagkumahog nang makita ang plaster sa kan'yang ulo. "Diyos ko naman, Clyde! Saan mo nakuha 'yan?!"

Nakangiting napakamot sa panga si Clyde. "You won't believe what I just did, Ma." Inilapit niya ang kan'yang bibig sa tainga ng ina at saka bumulong, "I just saved someone."

"Babae na naman!" akusa sa kan'ya ng kan'yang Mama Geraldine.

Natawa siya sa naging reaksyon nito. "Ma, it was a kid!"

Dinig na dinig niya ang biglang pagmumura ng kan'yang ama. "L****k ka talaga, Clyde! Pati bata papatulan mo!"

Pinandilatan ni Clyde ang ama bago naiiling na tumawa. "Gan'yan na ba talaga kasira-ulo ang tingin niyo sa akin, Papa? Pa, good boy na 'to!" pagmamalaki niya sa ama.

Saglit na tumahimik at tila nag-isip nang malalim ang kan'yang Papa Herman pagkatapos, naiiling itong lumapit sa kan'ya dala ang isang sobre na naglalaman ng isang liham.

Kunot-noo niyang kinuha iyon nang iabot ito nito sa kan'ya.

"Galing kay Tito Lando mo," seryosong saad nito.

Ang kan'yang Tito Lando ay ang panganay na kapatid ng kan'yang ina. Isa ito sa mga heneral ng WW Force, ang samahan ng mga sundalong tumutuligsa sa mga taong-lobo.

Nagtataka niyang nilingon ang kan'yang Mama Geraldine dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya sinulatan ng kan'yang Tito gayong hindi naman sila malapit sa isa't isa.

Binuksan niya na ang sobre upang masagot ang kan'yang mga katanungan. Isa iyong imbitasyon.

"Gusto ng Tito mo na pagka-graduate mo ay mag-training ka sa kanilang kampo," walang kaemo-emosyong sabi ng kan'yang ama.

"Po?! Pero bakit?" Naglakad-lakad siya sa harapan ng mga magulang habang binabasa ang liham imbitasyon sa kan'ya.

"He wants you to join the WW Force." Bumuntong-hininga ang kan'yang ama bago nagpatuloy. "He also said that he won't take no for an answer."

*****

PALINGA-LINGA sa loob ng library si Clyde. Halos isa't kalahating oras na siya roon subalit hindi niya pa rin nakikita si Callie. Isa pa sa ipinag-aalala niya ay hindi na rin ito tumutugon sa mga chat at tawag niya.

Dalawang araw na ang nakalipas nang huling beses silang nagkita at noon pa iyong gabing hinalikan niya ito. Kutob niya, iniiwasan siya nito dahil sa pangyayaring iyon.

"Hoy!"

Nagulat siya nang bigla na lang siyang binulaga ni Spencer sa kan'yang likuran. Nagtaka siya nang makita ang ayos ng buhok nito. Wala na ang dating abot balikat nitong buhok. Maiksi at maayos na ang tabas nito katulad ng mga sa sundalo.

"Ano'ng nangyari sa buhok mo?" kunot-noo niyang tanong kay Spencer.

Sumimangot din si Spencer at bumuntong-hininga, saka naupo sa kan'yang tabi. "Mahabang kwento."

"Sabihin mo na, pabitin ka pa eh."

Sumandal si Spencer sa upuan at seryoso siyang tinitigan. "Papasok na ako sa WW Force."

"Ano?!" Muntik na siyang mapatayo sa gulat.

"Alam ko isa itong malaking kalokohan, pero ano'ng magagawa ko? Pinagbantaan ako ni Papang ibebenta niya ang mga motor ko kapag hindi ako sumunod sa kan'ya."

Napaisip siya bigla. Bakit parang pwersahan na ngayon ang pag-re-recruit sa kanila na sumapi sa WW Force?

Sumandal na rin siya sa upuan at saka nagbuga ng hangin. "Paano ang pag-aaral mo?"

Tumawa nang mapakla si Spencer. "Tingin mo poproblemahin nila 'yon? Hindi maganda ang academic performance ko Clyde, kaya ang sabi ni Papa mag-training na lang daw ako sa WW Force para may pakinabang ako."

Ngumisi siya at napailing. "Kalokohan lang 'yang WW Force na 'yan! Hindi naman totoo ang mga taong-lobo eh. Ang dapat nilang atupagin ay ang paghahanap sa tunay na salarin sa mga patayan na 'yan."

*****

ABALA si Callie sa pagsisilid ng kan'yang mga gamit sa bag nang bigla na lang sumungaw sa pinto ng kan'yang silid ang Mama Mercy niya.

"May kailangan po kayo, Ma?" tanong niya rito.

Nakangiting pumasok ang kan'yang ina at naupo sa kan'yang tabi sa kama.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, anak?" tanong nito sa kan'ya at saka isinuklay ang mga daliri sa kan'yang mahabang buhok.

Tumawa siya nang bahagya. "Wala naman po, bakit?"

"Talaga ba?"

Naguluhan siya sa ikinikilos nito kaya pumihit na siya paharap dito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Ngumiti nang makabuluhan ang kan'yang Mama at kinurot siya sa pisngi. "Napansin ko kasi na mas gumaganda ka nitong mga nakaraan, bakit kaya?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Ginagamit ko na po kasi 'yong mga beauty products na binili niyo para sa akin."

"Iyon ba talaga ang dahilan?" Pinag-krus ng Mama Mercy niya ang mga braso at tiningnan ang mga pulang rosas na bigay sa kan'ya ni Clyde. Nakalagay na ang mga iyon sa plorera, sa ibabaw ng kan'yang study table. "May boyfriend na ba ang anak ko?"

Agad na pinagpulahan siya ng pisngi sa sinabi ng ina. "Wala po, Mama!"

Natawa ito at muli siyang kinurot sa pisngi. "Dalaga ka na talaga!"

"Ma, wala po talaga akong boyfriend," diin niya.

"Alam mo bang mas madalas ka nang nakangiti ngayon? Iyong mga ngiti mo katulad na katulad siya no'ng ngiti mo noon do'n sa ospital. Iyon din ang unang beses na nakita kitang ngumiti kaya hindi ko iyon makakalimutan."

Naaalala niya ang araw na tinutukoy ng kan'yang Mama Mercy. Nang panahong iyon, si Clyde din ang dahilan ng ngiting iyon.

Hinawakan ng kan'yang Mama ang kamay niya. "Okay lang naman sa amin ng Papa mo na magka-boyfriend ka na, Callie, as long as na hindi ka nito sasaktan."

Matamlay siyang ngumiti. Yumuko siya at itinuon ang mga mata sa sahig. "Ang totoo po Mama, ayokong mangahas na pumasok sa gan'yang klase ng relasyon. Hindi po lahat ay katulad niyo ni Papa Simeon na matatanggap ang totoong ako."

Agad na napawi ang mga ngiti ng kan'yang ina at tinitigan siya nito nang may awa. Bumuntong-hininga ito at hinaplos ang kan'yang pisngi.

"Callie, hindi mo naman kailangang ipaalam sa kanila ang pagiging taong-lobo mo. Limang taon na ang lumipas simula nang tumira ka kasama namin at gano'n katagal ka na ring namumuhay katulad ng sa mga normal na tao. Naitago mo siya nang gano'n katagal kaya sigurado akong kaya mo pang gawin iyon ng mas mahabang panahon."

Pilit siyang ngumiti at inisip nang mabuti ang sinabi ng kan'yang ina. Kaya niya ba talagang gawin iyon?

*****

"CALLIE!"

Mas binilisan pa ni Callie ang paglalakad sa hallway nang marinig ang boses ni Clyde. Sa ilang araw na pag-iwas niya rito ay ngayon lang ulit nag-krus ang kanilang mga landas.

Napahinto siya sa paglalakad ng pigilan siya nito sa braso.

"Are you avoiding me?" Habol-habol ni Clyde ang paghinga dahil sa paghabol sa kan'ya.

"Yes, so please stop bothering me," malamig niyang tugon. Maglalakad na sana ulit siya nang pigilan ulit siya nito.

"Bakit? Are you mad because I kissed you?"

Iwinakli niya ang kamay ni Clyde na nakahawak sa kan'yang braso at nakasimangot na tiningnan. "Why would I get upset to something so petty? It was just a stupid kiss!"

"W-what? Stupid kiss? Callie, you kissed me back."

"And you were affected by that? Clyde, that was just part of the game!" Tumawa siya na tila ba nang-iinsulto at tinaasan pa ito ng kilay.

"G-game? You see this as a game?" dismayadong sabi ni Clyde.

"Yes!"

Mas lumapit pa si Clyde sa kan'ya at hinawakan siya sa magkabilang braso. Yumukod ito upang magpantay ang kanilang mga mata. Seryoso ang mga titig nito sa kan'ya. "Tigilan mo na ang palabas na 'to. I know this isn't you, Callie. Tell me, why are you doing this?"

Ramdam niya ang biglang paglakas ng tibok ng kan'yang puso. Tila gusto na nitong kumawala sa kan'yang dibdib.

"Narinig ko kayo." Pilit niyang pinatatag at pinatapang ang anyo. Ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Clyde, higit sa lahat ayaw niyang ipahalata rito na apektado na siya sa presensya nito.

"What exactly do you mean by that?"

Ngumisi siya at taas-noong sinalubong ang nakakatunaw na mga titig ni Clyde. "Alam kong pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo."

Nagulat si Clyde sa kan'yang isiniwalat.

Kumawala siya rito nang unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kan'ya. "All I did was go along with your scheme," wika niya.

Napapikit si Clyde, saka huminga nang malalim. "I'm sorry, Callie. That was not my intention. I only told them that out of pride, but I swear even before that bet I already liked you. Everything I've shown you is true," paliwanag nito.

Umiling siya at pilit na tumawa. "Too bad, Clyde. You see, everything I did was just a show."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chel Aguirre
Thank you so much for reading ....
goodnovel comment avatar
Eric Bet Chayda
love this story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 9

    MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n

    Huling Na-update : 2022-07-04
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 10

    "ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie."I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that."Sinabi ko na sa 'yo noon pa,

    Huling Na-update : 2022-07-06
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 11

    AGAD na humarang si Mercy sa harapan ni Callie upang itago ang hitsura nito ngayon kay Clyde. Lumingon siya kay Clyde at nakitang hinahabol na nito at ng kasama nito ang lalaking nagtangka ng masama sa kanila. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nito nakita ang pagbabago sa anyo ni Callie.Ikinulong niya ang mukha ni Callie sa kan'yang palad. Matatalim ang kulay ginto nitong mga mata na nakatitig sa kawalan at nanginginig ang katawan sa galit. Nagsisimula na rin itong tubuan ng mga puting balahibo sa pisngi at mga braso. Kahit anong tawag ni Mercy kay Callie ay tila hindi siya nito naririnig."Callie, honey, look at me!" Niyugyog niya ito at halos magmakaawa na subalit hindi ito natitinag. "Please, don't!""Tita," narinig niya ang boses ni Clyde. Laking gulat niya nang makitang pabalik na agad ito sa kanila.Tinangka niyang hilahin si Callie palayo subalit bigla na lamang sumulpot sa kan'yang harapan si Simeon."Calista!" tawag ni Simeon sa tunay na pangala

    Huling Na-update : 2022-07-08
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 12

    "ALTHAIA, tingnan mo kung sino itong bisita natin!" nakangising wika ni Henry kasama si Marcus na seryoso lamang ang mga tinging ipinupukol sa kanila. "O, hindi ka man lang ba babati sa Inang Reyna?" tanong nito kay Marcus nang huminto sila sa harapan ni Althaia.Hindi kumibo si Marcus.Mula sa trono, lumapit si Althaia kina Henry at Marcus. "It's been awhile..." Natigilan siya at napapikit nang malanghap ang amoy ni Marcus. "You smell different..." Ngumisi siya at marahas na hinablot ang bahagi ng t-shirt ni Marcus na malapit sa leeg. Mas lalo pang lumapad ang kan'yang ngisi nang makita ang pilat nito sa leeg. "I can't believe this, you're finally one of us! Congratulations!"Humahalakhak na bumalik si Althaia sa kan'yang trono at prenteng naupo. "Hindi mo yata kasama ang magaling kong kaibigan.""Masyadong abala ngayon si Hera kaya hindi siya makabisita," walang kaemo-emosyong tugon ni Marcus.Tumangu-tango si Althaia. "At ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi naman kaya p

    Huling Na-update : 2022-07-12
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 13.1

    "MAY kutob akong may kalokohang pinaplano itong sina Marcus at Hera," wika ni Althaia habang nakakulong sa mga bisig ni Henry. Magkatabing nakahiga ang mga ito sa isang malaking kama sa kailaliman ng gabi."Sabihin mo lang kung ano'ng gusto mong gawin ko sa kanila, mahal kong reyna... Ako na'ng bahala..." Nakapikit at inaantok na sabi ni Henry.Ngumiti si Althaia at tiningala si Henry. Inabot ng kan'yang labi ang labi nito. Napangiti naman si Henry si ginawa niyang biglang paghalik."Sa ngayon, manmanan lang muna natin ang mga kilos ni Marcus," bulong ni Althaia at saka yumakap nang mahigpit kay Henry at nagpasya na ring matulog.*****DAHIL sa hindi makatulog, nagpasya si Callie na bumaba sa kusina upang magtimpla ng camomile tea.Matapos gumawa ng tsa ay napadako ang kan'yang tingin sa mga espadang naka-display sa dingding. Agad siyang napangiti sapagkat muli niyang naalala si Clyde.Pabalik na siya sa kan'yang silid nang napansin niya ang liwanag na sumisilip sa siwang ng pinto patu

    Huling Na-update : 2022-07-14
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 13.2

    DALI-DALING isinuot ni Callie ang mga hinubad na damit habang nagmamatyag at pinapakarimdaman ang paligid. Nang makita kanina sina Alice na ibang direksyon ang tinungo, hindi niya napigilang sumunod sa mga ito lalo pa't alam niyang may pinaplanong masama ang mga ito sa isa sa mga kasamahan nito.Hindi maalis-alis ang kan'yang ngiti sa labi habang inaalala ang ginawa niyang pagtulong kay Aimen nang pinagtripan ito nina Alice. Bukod do'n, masaya siya dahil sa tagal ng panahon ay no'n lang siya ulit nakapag-anyong lobo."Are you that happy?" tanong niya sa kan'yang lobo. Ramdam niya kasi na nasiyahan ito na muling nakalabas.Matapos makapagbihis ay bumalik na siya sa kan'yang grupo."Where have you been?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Megan.Napansin niya na mukhang nagkakagulo ang mga kasamahan niya. "Ano'ng meron?""Aakyat ngayon dito 'yong mga rangers na naiwan sa baba. May mga estudyante kasi kanina na nagsigawan na may malaking lobo raw," tugon ni Megan na sa tono ng pananalita a

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 14

    "IT... IT was you, right?" tanong ni Aimen kay Callie. Nakatayo ito sa tabi ng isang puno, isang metro ang layo mula sa pwesto ni Callie.Mula sa gilid ng kan'yang mga mata, tiningnan ni Callie si Aimen na nanginginig sa sobrang lamig dahil sa suot nitong basang damit."What do you mean?" patanong niyang tugon kay Aimen habang abala siya sa pagbibihis."Iyong lobo... Ikaw 'yon, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong sa kan'ya.Hindi kaagad sumagot si Callie, nanatili siyang nakatitig sa lupa habang iniisip ang itutugon kay Aimen."Ikaw talaga 'yon, tama?" ulit ni Aimen.Bumuntong-hininga si Callie at saka humarap kay Aimen. "What made you think na isa akong lobo?""Ang mga mata mo... Kulay ginto siya kanina, katulad no'ng sa lobo."Tumango si Callie at matamlay na ngumiti. "I guess there's no use kung magsisinungaling pa ako."Bagama't may hinala na, nakaramdam pa rin ng kaba si Aimen nang kumpirmahin sa kan'ya ni Callie na siya nga iyong lobo."Secret ba 'yang pagiging taong-lobo mo?"

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 15

    "DO YOU really have to go, honey?" nag-aalalang tanong ni Mercy kay Callie.Matapos malaman ang balita tungkol sa pagkamatay ni Spencer ay kaagad na nagpaalam si Callie kay Mercy na sasamahan si Clyde pagpunta sa burol nito. Wala namang problema iyon kay Mercy subalit nang nalaman niya na mga taong-lobo ang pinagsususpetyahan na dahilan ng pagkamatay ni Spencer ay kaagad siyang nagdalawang-isip kung dapat bang pasamahin doon si Callie.Tiningnan ni Callie ang repleksyon ng kan'yang Mama Mercy sa vanity mirror sa kan'yang harapan. "I have to, Mama. Clyde's heartbroken from what happened to his friend, he needs me."Lumapit sa kan'ya ang ina at ipinatong ang mga palad nito sa kan'yang mga balikat. "Will you be okay?"Nakangiting hiniwakan ni Calista ang kamay ng ina at tumango. Kapwa nakatingin sila sa repleksyon nila sa salamin. "Mag-iingat po ako, Mama."Ngumiti na lamang si Mercy bilang tugon at pilit na pinapanatag ang loob.Napalingon sila sa pinto nang kumatok doon si Simeon."Nand

    Huling Na-update : 2022-08-01

Pinakabagong kabanata

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Epilogue

    13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 80

    MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 79

    ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 78

    NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 77

    MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 76

    "YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 75

    PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 74

    "WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 73

    HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan

DMCA.com Protection Status