Share

Chapter 1

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-05-26 09:35:59

Napabalikwas ng bangon si Calista matapos mapanaginipan si Prinsipe Joven, ang pinagmulan ng kanilang angkan. Sa hindi malamang dahilan ay napapadalas ang mga gabing napapanaginipan niya ito. Napalingon siya sa kanyang katabing kama nang marinig ang pagbulong-bulong ng matalik na kaibigan na si Hera. Nagsasalita na naman ito nang tulog.

Naiiling siyang napangiti, saka dumako ang tingin sa kama ng pinsan niyang si Althaia. Nagtaka siya nang makitang wala ito roon.

Bagamat malalim na ang gabi ay hindi siya nakaramdam ng pag-aalala para sa pinsan sapagkat normal na sa kanilang mga taong-lobo ang gumala nang gano'ng oras, lalo na kapag kabilugan ng buwan.

Babalik na sana siya sa pagtulog nang mapansin ang makinang na bagay na nakapatong sa mesa, sa ibabaw ng isang unan. Ang kan'yang korona. Napabuntong-hininga siya nang maisip ang mga obligasyong kanyang kahaharapin simula bukas bilang bagong Reyna ng kanilang tribo.

(flashback)

Masayang nagsasalo-salo ang mga taong-lobo sa malawak na bakuran ng tahanan ng Inang reyna upang ipinagdiwang ang ika-108 na kaarawan nito, sa gitna ng kagubatan ng Montgomery. Bukod sa liwanag na nagmumula sa buwan, nagbigay rin ng liwanag sa madilim na kapaligiran ang mga pailaw na nakasabit sa mga puno, poste, at sa mga bandiritas.

Sa isang tabi, matatagpuan sina Calista, Hera, at Althaia na masayang nagkukwentuhan habang pinagsasaluhan ang mga nakahandang pagkain sa kanilang mesa. Sa gitna ng kanilang pagkukwentuhan, napadako ang mga mata ni Calista sa kanilang Inang Reyna na nakaupo sa malaki at mataas na silya na inihanda nila para rito. Nakangiti nitong pinagmamasdan ang kanyang regalo na koronang gawa sa iba't ibang klase ng mga bulaklak na pinitas niya pa sa hardin ng kanilang paaralan.

Bagamat may edad na, hindi kababakasan ng panghihina ang reyna. Bata itong tingnan para sa edad nito at maganda pa rin ang tindig ng pangangatawan. Ilang sandali pa, tumayo na ito at nagtungo sa maliit na entablado, sa gitna ng bakuran. She roamed her sight and caught a glimpse of her two grandchildren, Calista and Althaia.

"Magandang gabi," panimula niyang bati. "Bago ang lahat, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. Talagang napakaganda ng inyong mga inihanda..." she paused and stared at all of her people. "Alam kong ang layunin ng pagtitipong ito ay ang ipagdiwang ang aking kaarawan... Subalit gusto ko rin gamitin ang pagkakataong ito upang ipagbigay alam sa inyo na plano ko nang bumaba sa aking trono."

Pansamantalang natahimik ang lahat sa sinabi ng reyna. Ilang saglit lang ay nagkaroon na ng mga bulung-bulungan.

Puno ng pagtatakang nagkatinginan sina Calista at Hera. Hindi nila inaasahan na gano'n kaaga bababa sa pwesto ang kanilang Inang Reyna. Kahit kasi matanda na, malakas pa rin ito at alam nilang kayang-kaya pa rin silang pamunuan nito.

"Calista, pumarito ka," ma-awtoridad na sabi ng Reyna.

Nagulat si Calista at buong pagtatakang nilingon sina Hera at Althaia. Lahat din ng mga nasa pagtitipong iyon ay sa kanya na rin nakatingin.

"Sige na, Calista." Abot tainga ang ngiti ni Hera.

Nag-aalangan namang sumunod si Calista at sinamahan ang reyna sa entablado. Hinawakan ng reyna ang kanyang kamay bago nakangiting humarap sa lahat. "Malugod kong ipinapaalam sa inyo na ang aking apo na si Calista ang napili kong tagapagmana ng aking trono."

Agad na namilog ang mga mata ni Calista at buong pagtatakang tiningnan ang Inang Reyna na abot tainga ang ngiti na pinapalakpakan siya.

Tila unti-unting kumukupas sa pandinig ni Calista ang mga palakpakan ng kanyang mga ka-tribo habang tinitingnan niya ang mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa isiniwalat ng reyna. Huminto ang kanyang mga mata sa kanilang mesa upang tingnan ang mga kasama subalit tanging si Hera na lamang ang naroroon na nakatayo na rin at pinapalakpakan siya. Hinanap niya ang pinsang si Althaia subalit bigo siyang makita ito.

(end of flashback)

Ni minsan, hindi sumagi sa isip ni Calista na balang araw ay magiging reyna siya ng kanilang tribo. Alam niyang isang malaking pribiliheyo na mapili siya ng kanilang Inang Reyna na maging tagapagmana nito subalit hindi rin lingid sa kanyang kaalaman ang kaakibat na mga reponsibiladad oras na maupo na siya sa trono. At isa pa sa inaalala niya, kapalit din ng pagtanggap niya sa tungkuling ito ang pagbitaw sa kanyang pangarap na magkaroon ng isang normal na buhay katulad ng sa mga normal na tao.

Napahinto sa pagmumuni-muni si Calista nang may marinig na ingay sa labas. Dahil likas na sa kanilang mga taong-lobo ang pagkakaroon ng matalas at sensitibong pandinig ay rinig niya halos lahat ng bagay kahit malayo ito sa kanya.

Napakunot siya nang may narinig na humahangos.

Kinuha niya ang itim na balabal na nakasabit sa kanyang upuan at nagpasyang lumabas.

Sinalubong siya ng malakas at malamig na ihip ng hangin nang tumungtong siya sa labas ng kanilang bahay. Iginala niya ang kan'yang tingin, wala siyang ibang nakita kundi ang naglalakihang mga puno at ang mga bahay ng kanyang kapit-bahay na pawang nakasara na ang mga ilaw.

Isinuklob niya ang hood ng suot na balabal at saka naglakad-lakad. Napahinto siya nang may narinig na sumisinghap. Napalingon siya sa direksyon ng bahay ng kanilang Inang Reyna. Sa 'di malamang dahilan, bigla na lang may gumapang na matinding kilabot sa kanyang buong katawan.

Habang binabagtas ang daan patungo sa tahanan ng kanilang Inang Reyna ay pahina rin nang pahina ang singhap hanggang sa tuluyan na iyong kumupas sa kan'yang pandinig .

Bagamat nangangatog na ang mga tuhod dahil sa labis na kaba, nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Mas lalong tumindi ang kanyang nerbiyos na nararamdaman nang natanaw niya na ang malaking bahay ng reyna. Natanaw niya sa mga bintana ng bahay na nakabukas pa rin ang mga ilaw nito.

Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang mapansin niya ang isang bulto ng tao na kumakaripas ng takbo patungo sa kakahuyan, palayo sa bahay ng reyna.

Nakakunot niya itong sinundan ng tingin. "Althaia?" Nakilala niya ang suot nitong pulang balabal na iniregalo niya rito noong kaarawan nito.

Susundan niya sana ito nang may mapansin siyang kakaiba sa bakuran ng Inang Reyna. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, unti-unti siyang lumingon doon. Namilog ang kanyang mga mata at nanghihinang bumagsak sa kanyang kinatatayuan. Bumungad sa kanya ang nakabulagta na Inang Reyna. Nakatusok ang katawan nito sa mga patusok na bakal sa tarangkahan ng bakuran nito. Nakadilat man ay tiyak niyang wala na itong buhay.

"Hindi!"

Related chapters

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 2.1

    "HINDI ko sinasadya."Umiiyak at nanginginig na nakasiksik si Althaia sa sulok ng bahay ng kanyang kasintahang si Henry.Bagamat ilang araw na ang nakalipas, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga nangyari nang gabing iyon.(flashback)Umiiyak at galit na ibinalibag ni Althaia sa puno ang isang usa na nasalubong niya sa kagubatan. Ibinunton niya sa kawawang hayop ang kanyang sakit na nararamdaman. Paulit-ulit niyang tinadyakan ang wala nang buhay na usa habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Labis-labis ang sama ng loob na kanyang nararamdaman dahil sa naging desisyon ng kanilang Inang Reyna na ang pinsan niyang si Calista ang dapat na maging susunod na reyna ."Bakit?! Bakit?! Bakit?!" Humagulgol siya at napaluhod sa lupa.Magmula nang magkaisip, pinangarap niya na ang maging pinuno ng kanilang tribo. Buong pagsisikap niyang ginawa ang lahat upang mapansin siya ng reyna. Nag-aral siya nang mabuti, nagsanay upang maging bihasa sa pakikipaglaban, at naging responsableng alpha ng kanyang p

    Last Updated : 2022-05-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 2.2

    "ARE you saying we should exterminate Calista and her parents?" "You want the throne, right? Ang paraan lang para makuha mo 'yon ay kung mawawala sila," wika ni Henry na ikinagalit ni Althaia.Mabilis na umiling si Althaia sa pagkadisgusto sa ideya nito. "I am not a murderer!""You just killed Ina, remember?"Dahil sa sinabi ni Henry ay tuluyan nang naubos ang pasensya ni Althaia. Mula sa sofang kinauupuan ay sinunggaban niya si Henry na nakatayo sa kabilang panig ng sala. Pareho silang bumagsak sa kahoy na sahig. Gamit ang maliit subalit malakas niyang kamay, sinakal niya ito."Yes, you are my mate pero huwag mong kakalimutan, I am still your alpha," gigil niyang sabi bago nilubayan si Henry na ngayon ay habol na ang paghinga at ubo pa nang ubo.*****"HINDI pa rin ako makapaniwala na hindi man lang nagpakita si Althaia sa burol ni Ina," nakasimangot na sabi ni Hera habang ninanamnam ang ice cream na binili nila nina Calista at ng kanyang kasintahan na si Marcus na isang tao.Nakata

    Last Updated : 2022-05-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 3

    KASABAY nang matulin na pagtakbo ni Calista ang walang humpay na pag-agos ng kanyang mga luha sa takot at sakit na nararamdaman. Hindi maalis sa kanyang isipan ang takot na takot na mukha ng kanyang ama nang walang awa itong sinakmal ni Henry at pinilipit ang leeg hanggang sa humiwalay ang ulo nito sa katawan.Kahit sugatan at pagod na sa pagtakbo, hindi niya magawang tumigil sa pangambang maabutan siya ni Henry at ng mga kasamahan nito. Bagama't medyo malayo na ang kan'yang narating, naririnig at ramdam niya pa rin ang mga presensya nito.Napahinto siya nang sa isang iglap, bigla na lamang may sumunggab sa kanya dahilan para sumubsob siya sa lupa. Napahiyaw siya nang maramdamang kinagat siya sa balikat nang sinumang nakadagan sa kanya. Nang lingunin niya ito, saka niya lang nalaman na si Henry pala iyon na ngayon ay nasa anyong lobo."Grrr!" ungol nito.Gamit ang mga kamay at binti, itinulak ni Calista si Henry nang buong lakas dahilan para tumilapon ito sa malaking puno. Tumayo siya

    Last Updated : 2022-05-26
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 4

    PAGKAMUHI ang nararamdaman ni Hera habang nakatitig kay Althaia mula sa malayo. Nakatayo ito sa gitna ng maliit na entablado habang suot ang korona na dapat sana ay si Calista ang nagmamay-ari ngayon. Ngayon ang araw ng pag-upo nito sa trono dahil inanunsyo ng kasintahan nitong si Henry na si Calista at ang mga magulang nito ay nagpakalayo-layo dahil wala itong kakayahang pamunuan ang kanilang tribo at nahihiya rin ang mga itong harapin sila. Alam ni Hera na malaking kasinungalingan iyon. Hindi makapaniwala si Hera na nagagawa pa ring ngumiti ni Althaia sa harap ng mga katribo matapos ang ginawang pagtataksil nito sa pamilyang kumupkop sa kan'ya.Ilang araw na sinuyod ni Hera ang kagubatan kasama si Marcus subalit tanging ang katawan lamang ng ama ni Calista ang kanilang natagpuan. Halos nalibot na nila ang buong kagubatan subalit hindi niya maramdaman o maamoy ang presensya ng kaibigan. Dahil dito, nabigyan siya ng pag-asa na baka buhay pa si Calista."Bakit hindi mo na lang ipaala

    Last Updated : 2022-06-07
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 5

    5 years later...MULING pumikit si Marcus nang tumama sa kan'yang mukha ang sikat ng araw. Pumihit siya sa kabilang panig ng kama upang tingnan kung gising na ang kasintahang si Hera subalit nagtaka siya nang makitang wala na ito.Pupungas-pungas siyang naupo at sinuyod ng tingin ang buong silid. She was nowhere of sight. Pinulot niya ang kan'yang boxer sa sahig at sinuot iyon bago nagtungo sa lababo at naghilamos. Pansamantala niyang tinitigan ang repleksyon habang iniisip na naman ang susunod na lugar na kanilang susuyurin ni Hera upang hanapin ang nawawala nilang kaibigan na si Calista.Sa tagal ng panahon na hinahanap nila si Calista, naniniwala na si Marcus na posibleng wala na talaga ito. Subalit kahit ilang beses niya nang sinabi ito kay Hera, ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Ipinagpipilitan nito ang kutob na buhay pa ang kanilang kaibigan kahit wala naman itong sapat na basehan. Dose anyos si Marcus nang makilala niya sina Calista at Hera. Ulila na siya nang lubos noon at

    Last Updated : 2022-06-07
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 6

    "NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito."So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito."No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."Sumimangot si Callie.Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad

    Last Updated : 2022-06-08
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 7.1

    SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie. Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki. Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa. Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita

    Last Updated : 2022-06-15
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 7.2

    "THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j

    Last Updated : 2022-06-23

Latest chapter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Epilogue

    13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 80

    MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 79

    ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 78

    NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 77

    MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 76

    "YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 75

    PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 74

    "WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 73

    HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan

DMCA.com Protection Status