Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
ดูเพิ่มเติม"Bro what takes you so long? ", tanong ni Brix ng pumasok sya ng opisina nya. Nakaupo ito sa nakapalibot na couch sa office lounge nya. Nakaupo din sa tabi nito si Kali at si Arden naman ay nakatayo sa harap ng bar counter na walang laman. " May inasikaso muna ako", maikli nyang sagot. "Talaga ba o may.... sinilip ka muna? ", panunukso naman ni Kali. " Bro pasensya na, pinakialaman ko tong vodka mo", wika ni Arden na hawak hawak ang may bukas ng Vodka. Na kinuha nito sa loob ng bar counter, iyon na lang ang natira nyang inumin doon. Hindi nya ginalaw yun dahil nakalaan talaga yun para sa mga kaibigan nya. "That's ok bro. Para naman talaga yan sa inyo", wika niya. " Talaga?! Kung ganun inilaan mo talaga to sa amin", nanlaki pa ang mata ni Arden habang nagsasalita. "Crown Royal, Originally made from Canada",basa nito sa label ng vodka. " Galing pa pala tong Canada. "Oo. Iyan sana ang pasalubong ko sa inyo. Kaso nawalan ako ng oras para dumalaw. Mabuti nga at kayo na an
["Bro, we're on our way now. In a few minutes, anjan na kami.]", basa ni Javi sa message ni Arden. Tumayo sya at lumabas sa kanyang opisina para antayin ang mga ito sa hallway. Ilang minuto lang ang nagdaan, natanaw nya na ang SUV ng kaibigan na papasok sa entrada ng resort. Lumakad sya palapit sa mga ito. Unang bumaba si Kali, kasunod si Brix. Si Arden naman ang nagmamaneho ng sasakyan. Naka summer polo shirts ang mga ito at nakashorts. Halatang pinaghandaan ang pagdalaw nila sa resort nya. Malapad na ngiti ang itinapon ng mga ito sa kanya ng makita sya. "Bro! ", sabay pang tawag ng mga ito na kumaway pa sa kanya. Ngumiti sya pabalik at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito ngunit napahinto sya ng makita ang isang pulang Mercedez Benz na sasakyan na pumarada sa parking lot ng resort. Bumaba ang isang imahe ng babae. Matangkad ito at balingkinitan. Nasa 5'5 ang height. Nakasuot ito ng laced dress na hapit sa katawan nya. Kumunot ang noo nya ng lumingo
Pasado alas tres ng madaling araw, nasa dalampasigan si Matet. Hindi sya nakatulog ng maayos kaya naisipan nito na pumunta ng dalampasigan upang abangan ang pagsikat ng araw. Kasalukuyan syang nakaupo sa dalampasigan habang naaabot ng hampas ng alon ang kanyang mga paa. Nakayakap ang kanyang mga kamay sa kanyang mga paa samantalang nasa tuhod nya ang kanyang baba. Nakarinig sya ng mga yabag papalapit sa kanya pero hindi sya nag-abalang lingunin ito. Mukhang alam nya na kung sino ang papalapit. "Have you forgotten what I said before? May nangunguha ng pangit sa ganitong mga oras! ", wika nito ng makalapit na sa kanya. May dalang pananakot ang tono ng kanyang boses. Hindi nga sya nagkamali, ang lalaki ngang inaasahan nya. "Maybe you also forgot that we're not in the year of nineteen forgotten! We're in Gen-Z era, no one will believe in your story! ", pambabara nya sa lalaki sa malamig na boses. Wala syang planong makipagsagutan dito. " Well, you're right! I used a wrong sente
Ng makita ni Roxie ang matalim na tingin sa kanya ni Miss Matet ay kaagad syang nagtago sa likod ng kasamahan. Takot syang harapin ang klase ng tingin ng babae sa kanya. Alam nya ang kanyang nagawang mali. Hinanap nya din si Alex at nilapitan ito. "Naku Alex! Patay tayo! ", kabado nyang bungad dito. " Bakit? ", maang na tanong ni Alex. " Huwag ka ngang magmaang-maangan jan. Kita mo yung tingin ni Miss Matet, parang papatayin ako. Alam na ata na sinet-up natin sila". "Huwag kang matakot. Hindi naman nakakamatay ang tingin", inaasar pa ni Alex ang kabadong babae. " Naku Alex, kapag ako pinatalsik sa trabaho dahil sa kalokohan mo, ang sahod mo, ako talaga kukuha", pagbabanta ni Roxie kay Alex sa takot na mawalan ng trabaho. "O, bakit sahod ko, kukunin mo. Hindi kita asawa no", asik ni Alex. " Hindi nga kita asawa pero ikaw naman ang nagpahamak sa akin. Kaya kapag mawalan ako ng trabaho, gagawin ko talaga yan", pagbabantang wika nito kay Alex. "Hindi yun mangyayari.
"Boss pwede bang ikaw ang isa sa participant ng game? ", tanong ni Alex kay Javi. Isa sya sa naghahanap ng participant. Kumunot ang noo ni Javi. " At ba't naman ako sasali jan, ha? paasik nyang tanong dito. "Sige naman boss. Minsan lang to at bonding mo na rin sa amin. Para hindi masyado ilang ang mga staff natin sayo", pagkumbinsi ni Alex at hininaan ang boses sa huling katagang sinabi. Napaisip si Javi sa sinabi ni Alex. Oo nga't nararamdaman nya na ilang sa kanya ang mga staff nya. He is always serious and mean. Maybe it's time para ipakita sa mga ito ang good side nya. "Ok, fine! ", sambit nya at pagsang-ayon. " Talaga boss? ", napalatak pa si Alex sa narinig. " Do I need to repeat it? ", taas-kilay na wika ni Javi. " No, no boss. Huwag na. Iba-blindfold na kita", mabilis na depensa ni Alex. "Ok then, who's my partner? ", may kuryusidad na tanong ni Javi. " Sorry boss pero hindi ko pwedeng sabihin. Mais-ispoil ang rules ng game kapag sinabi ko. " hindi na
Ng matapos ang pag-uusap nila ni Miss Matet, agad na pinuntahan ni Alex si Roxie. "Roxie, ano na? Nasabihan mo na ba?", puno ng pangamba at excitement ang kanyang boses. " Aba, relax ka lang Alex ha! Baka atakihin ka sa puso sa excitement mo sa plano natin sa amo natin ", natatawa si Roxie sa reaksyon ni Alex. " Hindi naman sa ganun ha! May kunting takot nga ako, baka hindi umubra ang plano natin. Pero ano na? Sinabihan mo ba? ", naiirita na nitong tanong kay Roxie. " Oo, nasabihan ko na pero 50/50 ata ang tsansa na dadalo. ", matapat na wika ni Roxie. Bumagsak ang balikat ni Alex dahil sa narinig. " Bakit daw? Anong sabi? ". " Hindi naman diretsahan ang sagot nun eh! Basta ang sabi, titingnan nya daw at nagtanong pa kung pwede nya dalhin ang mga anak nya", pagsalaysay ni Roxie. "Anong sabi mo? Sana hindi ka umu-oo ha! ", pag-uusisa naman ni Alex. " Umu-oo nga ako. Sabi ko naman ok lang na dalhin nya ang mga anak nya". Napatampal sa noo si Alex. "Naku! Ba't mo
Nakaupo sa couch sa loob ng office niya ang siklista ng pumasok siya. Kaagad itong tumayo ng makita sya. Dumeretso sya sa kanyang mesa at umupo sa kanyang swivel chair na nakasandig ang likod sa upuan. Sinenyasan niya itong lumapit at itinuro ang upuan sa harap ng mesa. Paika-ika itong lumakad palapit sa mesa niya. "Sir, I'm sorry sa nangyari. Hindi ko po sinasadya yun. Bigla pong nasira ang brake ng bisikleta ko kaya hindi ko po nakontrol ang pagpapatakbo ko", paliwanag nito sa kanya kahit hindi pa sya nagsasalita. Kabado at may takot ang ekspresyong ng mukha nito. "Bakit ganyan ang ekspresyon mo? Katakot-takot ba ako? ", seryosong tanong nya dito na lalo lamang nagpakaba sa siklista. " Hi-hindi naman sa ganun sir, kinakabahan lang ako baka kasi kakasuhan niyo ako", matapat nitong wika kay Javi. "Wala kang dapat ikatakot. Alam ko naman na aksidente ang lahat na nangyari. Wala akong gagawing masama sa iyo. Pinadala kita dito para mabigyan ka ng paunang lunas. Alam ko ma
" Ma'am! Ma'am! ", tumigil si Matet sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kanya. Tumatakbo palapit sa kinaroroonan nya ang bata na binigyan nya ng pagkain. Nagtataka man pero ngumiti sya sa palapit na bata. " Tabi! Tabiiii!!!!!.. "sigaw ng isang cyclist na sa palagay niya ay nawalan ng brake dahil sa sobrang bilis ng pagpatakbo ng bisikleta. Nakita nyang papalapit ito sa kinaroroonan ng bata. ' Gosh! ang bata mababangga nya!', sigaw ng utak nya. Nakaramdam sya ng takot at sobrang kaba habang pinagmamasdan ang papalapit na siklista sa bata. " Hinto!!!!!..... ", sigaw nya sa bata na tumigil sa pagtakbo dahil sa pagsigaw nya. Lumingon ito sa siklista na halos ilang dipa na lang ang layo sa kinaroroonan nito. Natigilan ito at napako sa kinatatayuan. Her adrenaline responds abruptly. She saw an empty can of softdrinks on the ground. 'I'm sorry Kuya for this. Mauna ka muna sa heaven,huwag muna ang batang yan', she whispered before kicking the empty
"Kuya itigil mo muna ang taxi", wika ni Matet habang ang mga mata nya ay nakatingin sa batang babae na namamalimos sa bangketa. Nakaupo ito sa tabi ng pader na naliliman ng anino. Pilit nitong sinisiksik ang sarili sa gilid upang maiwasan ang tindi ng sikat ng araw. "Kuya stop! Stop the car!" inenglish nya ang pagkasabi dahil baka hindi sya nito naiintindihan kaya hindi nito inihinto ang taxi. Pero ganun pa rin, patuloy pa rin ang pagmamaneho nito. Narinig nyang humahalakhak ng mahina si Ronnie kaya nilingon nya ito.Nagtataka sya kung bakit ito tumatawa. Hindi nya na pinansin ang reaksyon ng kapatid, gusto nyang bumaba ng sasakyan para puntahan ang bata. Bahagya na nga nila itong nalalampasan. Kanina nya pa sinasabihan ang driver na huminto pero, parang wala itong narinig. Nag-isip muli sya ng sasabihin para mapahinto ang taxi. Baka hindi lang sya naiintindihan ni Kuya driver. "Kuya set aside the car please", wika nya. Humalakhak na ng malakas si Ronnie dahil sa sinabi nya but
Ng mailagay na ng maayos ni Matet sa box ang nilutong puto at caramel pudding ay dali dali na syang pumanhik sa kwarto nila ni Javi para magbihis. Sumilip sya saglit sa malaking bulwagan ng mansion ng mapadaan sya dito. Halos lahat ng panauhin ay nandoon na. "Mukhang ako na lang ang wala doon ah", sabi nya sa sarili habang lumalakad ng halos patakbo na papuntang kwarto nila."Kakahiya na huli ako, ngayon ko lang makilala buong pamilya nya", kaya mas nilakihan pa nya ang mga hakbang. Nasa pinto pa lang sya ng kwarto ay agad syang sinalubong ni Gelai(Gelo), ang bading na binayaran ni Javi para tulungan sya sa pag-ayos. "Ang tagal nyo po Señorita", bungad nito sa kanya. " Inayos ko pa kasi ang niluto ko at inilagay sa box", maikling paliwanag nya habang humihingal pa. "Maligo na po kayo. Para maayusan ko na po kayo". " Hindi na ako maliligo, halika ka na, tulungan mo na ako sa pag-aayos, "hinila nya ang kamay nito papuntang vanity nya at agad syang umupo sa harap ng salamin...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น