Habang sa van, nakita nya na panay ang sulyap sa kanya ni Marvin sa front mirror. Nasa likod ng driver's seat sya nakaupo,katabi nya ang bunsong anak na niyayakap nya. Maya-maya pa, narinig nyang nagtanong ito sa pinsan.Mahina lang iyon pero narinig nya. "Anak nya ba talaga ang dalawang bata? " "Oo naman, kung hindi nya anak, kaninong anak ang mga ito!? ", si Aling Minda ang sumagot sa pabara at pabirong tono na itinuturo pa ang mga bata. " E.... eh, para kasing dalaga lang sya tingnan ", parang napahiya ito sa sagot ng ina nya. Napangisi at nang-asar si Ivy dito. " Yan kasi!, Huwag mangialam, tingnan mo lang! "Napansin ko lang no,hindi naman ata masamang magtanong", depensa nito. " Sa panahon ngayon, marami ng mga kababaihan ang may mga anak na pero maalaga pa rin sa sarili kaya dalaga pa rin silang tingnan. Ang I can say, isa ako dun", pagpapaliwanag nyang nakangiti. "Ay sakto Tet! ", Hindi porke't may anak na, magiging losyang na. Dapat maganda at seksi pa rin p
Last Updated : 2025-02-23 Read more