Amara Hemlock who is living with her grandmother will find the Alpha of the werewolf in the middle of the forest bloody and unconscious. Paano kung ang iniligtas niya ay hindi pangkaraniwang nilalang? Simple lamang siyang namumuhay kasama ng kaniyang Lola sa paanan ng bundok. The Alpha didn't remember anything, who he really was, and where he came from because he is under on spell of the witch. Paano kung ang makakapagpabalik sa kaniyang alaala at kapangyarihan ay isang tunay na pag-ibig? Subalit ang kapalit nito ay ang buhay ng babaeng kaniyang mamahalin. Will he stay in his new life or he will sacrifice the life of the woman he loves? And what if the Alpha find out that Amara is not just a simple girl because she is the long-lost Princess of the werewolf and the Vampire. What will happen to them? Are they destined to love each other or they are destined to fight each other?
View MoreAmara POV
Love is the most powerful weapon you can do everything for the person you love. Yan ang laging sinasabi sa akin ni Lola. Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mamahalin mo, you can sacrifice your own life for them. Sometimes you need to sacrifice yourself for the sake of your loved ones. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsakripisyo ang isa kung pwede naman silang lumaban ng sabay at piliing mahalin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng sakripisyo? Simula bata pa lang ako iyun na lang ang sinasabi at pinapaalala sa akin ni Lola. Laking Lola ako hindi ko na rin hiniling na makilala pa ang mga magulang ko dahil kung talagang mahal nila ako bakit nila ako iniwan kay Lola? Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila, ni pangalan hindi ko kilala. Ang sabi ni Lola kung mahal mo ang isang tao magsasakripisyo ka pero bakit ako ang isinakripisyo ng mga magulang ko? Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa sinasabi ni Lola, kung ganun nga talaga ang meaning ng pagmamahal, ibig sabihin hindi ako minahal ng mga magulang ko dahil iniwan nila ako. Iniwan nila ako sa kamay ng Lola ko. Iwinaglit ko na lamang iyon sa aking isipan. Napapagod na akong intindihin iyon sa araw araw dahil hindi ko talaga maintindihan. Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad sa labas. Sa paanan ng bundok nakatayo ang bahay namin ni Lola, malayo sa kabihasnan kaya madalas kaming mapagkamalang mangkukulam ni Lola mabuti na lang din at hindi kami sinasaktan. Ang totoo pa nga niyan si Lola ang nilalapitan nila kapag kailangan nila ng tulong, kapag nanuno raw kuno yung mga anak nila. Mga utak talaga ng mga tao. Dahil wala naman akong magawa sa bahay naglakad na lang ako sa gubat, baka sakaling makakita pa ako ng puno ng prutas maiuwi ko pa. Pinagkakasya namin ni Lola ang kakaunting kinikita ko sa trabaho, minsan nasa bayan din siya nagtatrabaho. Sinabi ko na ngang huwag na siyang magtrabaho dahil matanda na siya pero lagi niyang sinasabing ayaw niya raw ng pabigat. Tsss. Pinulot ko ang isang kahoy at pinanghahampas ko sa mga nagtataasang mga damo para makadaan ako. Lumilinga linga rin ako sa paligid baka sakaling makakita ng puno ng prutas. Nararamdaman ko ring napapalayo na ako pero okay lang dahil alam ko naman ang pasikot sikot dito sa gubat na ito. Habang naglalakad ako may napansin akong parang katawan ng tao.Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o hindi, syempre mahirap ng magtiwala ngayon. Sinilip ko pa at parang katawan nga ng tao pero duguan, bakit may tao dito? Ang alam ko malayo layo pa ang mga bahay, sinabi ko naman na kami lang ni Lola ang may bahay dito kaya paanong nagkatao dito?
Lumapit pa ako ng kaunti at hindi nga ako nagkakamali, isang katawan ng tao ang nakahiga sa damuhan at naliligo na sa sarili niyang dugo. Napapalunok ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, baka mamaya bampira pala yan o kung anong nilalang na nandito sa bundok, edi patay ako. Tatalikod na sana ako subalit nagsusumigaw ang isip ko, parang hindi kaya ng konsensya kong iwan yan dito. Maglalakad na sana ko paalis subalit parang may sariling isip ang katawan ko at lumapit ito sa taong ito. Punong puno ng dugo ang katawan niya, ano bang nangyari dito? Hindi kaya kinain ng bampira? O di kaya ng mga manananggal tapos wakwak ang katawan kaya nakadapa? Jusko. Nanalangin pa ako bago ako lumuhod para subukang gisingin ito. Tinapik tapik ko siya, natatakot pa ako dahil baka bigla niya na lang akong sunggaban. “Mama, mama, gising.” I tried to wake him up but there is no response from him. Why is he naked anyway? Nasaan ba ang damit nito? Dahan dahan ko siyang pinatihaya.“LOLAAAA.” Malakas kong tili ng magulat ako dahil hinawakan niya ang braso ko pero pansamantala lang yun, hindi ko alam kung hinawakan ba niya o sadyang gawa lang ng ipatihaya ko siya. Kunot noo ko siyang tiningnan halos matulala pa ako ng makita ko ang mukha niya. Tumambad sa akin ang napakaamo niyang mukha. Mukhang kababaliwan ng mga kababaihan, para siyang isang character sa isang fantasy movie dahil sa ganda ng mukha niya, ang makakapal niyang kilay, medyo mahabang pilik mata at namumulang mga labi. Namumula pa rin ang labi niya kahit na parang naubusan na ito ng dugo sa katawan. Tumayo ako at luminga linga sa paligid baka sakaling may makita akong tao subalit impossible ang iniisip ko dahil wala namang bahay sa malapit dahil bahay lang namin ni Lola ang malapit dito. Umupo ako uli at sinubukan siyang gisingin pero wala pa rin. Inilapit ko na rin ang tenga ko sa ilong niya para masiguro ko kung buhay pa ba.Naramdaman ko naman ang mahina niyang hininga, ibig sabihin buhay pa siya at kailangan niya ng magamot dahil kung hindi baka mamatay pa ito, hindi naman kaya ng konsensya ko yun.
Kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko sinubukan ko siyang itayo pero sadyang mabigat siya. Halos magwala pa ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa taong to! Sayang ang lahi kung nagkataon. “Gabayan niyo po ako, bigyan niyo ako ng lakas para maitayo at maibaba ko ang taong ito. Kailangan niya ng gamutin.” Nanalangin pa ako sa taas, dahil hindi kaya ng konsensya kong iwan ang taong lumalaban pa para mabuhay. Tinitigan ko uli siya at bumuntong hininga.Pumwesto ako sa bandang uluhan niya at sinubukan siyang pinaupo, isinandal ko pa sa dibdib ko ang ulo niya.Napakaamo ng mukha niya pero sana hindi ka nangangain.
Hirap na hirap akong itinayo siya. “Makisama ka naman please, kung naririnig mo ako magpagaan ka naman. Hindi biro yang bigat mo ah.” Inis kong saad sa kaniya, naitayo ko na siya at iniakbay ko sa balikat ko ang kamay niya habang nakahawak naman ako sa bewang niya. “Maglakad ka kahit kaunti lang para hindi ako mahirapan.” Muling saad ko, nang ihakbang niya ang isa niyang paa ay nasiguro kong naririnig niya ako pero dahil sa sobrang hina siguro hindi na maimulat ang mga mata niya. Dahan dahan kaming naglakad, medyo malayo pa naman kami sa bahay. Ano ba kasing nangyari dito eh? Kahit na pagod na pagod na ako ay hindi ko piniling magpahinga, nagpatuloy na lang kami sa paglalakad para mabilis kaming makarating sa bahay. Nang makababa na kami sa bundok ay sigaw na ako ng sigaw. “LOLAAA” “LOLAAAA” malakas kong sigaw, alam kong nakauwi na siya ng ganitong oras. “LOLAAAA.” Sigaw ko muli ng matanaw ko na ang bahay. Hindi pa bingi sa lola kaya alam kong maririnig niya ako. “LOLAAAAAA.” Mas malakas kong sigaw. “LOLA DITO!” sigaw ko ng makita ko na siyang lumabas ng bahay. Nang makita niya na ako ay nagmamadali siyang nilapitan ako. “Ano bang ginagawa mo Amara? Sino itong dala dala mo?” tanong niya agad sa akin, tinulungan naman na ako ni Lolang akayin ang lalaking ito.Nang maihiga namin siya ni Lola ay nagmamadali akong naghanda ng mainit na tubig sa planggana at tela. “Saan mo ba nakita ang lalaking yan? Bakit duguan?” nagtatakang tanong ni Lola, sinilip ko naman ang lalaki at wala pa rin siyang malay. “Nakita ko siya habang naglalakad ako sa gubat Lola, ng malaman kong humihinga pa siya tinulungan ko na, hindi kaya ng konsensya ko La eh.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. “Jusko kang bata ka.” Usal niya saka niya inagaw sa akin ang dala dala kong plangganang may tubig na mainit.Lumapit naman na ako kay Lola at kinuha ko rin yung isang tela para tulungan ko na siyang linisan ang katawan ng lalaking ito. Ngayon ko lang naman napansin ang mga natamo niyang sugat sa katawan.
“Lola bakit parang mga karamot ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop sa gubat.” Nagtataka kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko naman si Lola ng huminto siya sa paglilinis sa katawan ng lalaking ito. “Bakit mo ba inuwi yan dito? Hindi natin siya kilala Amara baka mamaya kung anong mangyari sa ating dalawa.” Nag-aalalang saad ni Lola. “Eh kasi naman Lola nakakaawa saka may buhay pa yan eh, hindi naman siguro yan bampira o anong klaseng nilalang yan diba?” saad ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis sa lalaking ito.
“Kapag nagkamalay na siya, paalisin mo na. Mahirap ng magtiwala.” Wika niya nanaman. “Kusa naman siguro yang aalis Lola kapag bumalik na yung lakas niya.” Sagot ko, hindi niya na ako sinagot. Tumayo na si Lola, nanguha siguro ng mga halaman niyang gamot. Dahan dahan ko pang hinaplos ang mga sugat niya. Ano kayang nangyari dito? Bakit ganitong klase ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop, may sugat din siya na halatang kutsilyo ang ginamit. Kung mababangis na hayop lang ang nakasagupa niya bakit may hiwa at saksak siya ng kutsilyo? Hindi kaya totoo talaga ng mundo ng mga iba’t ibang nilalang at isa siya dun?“Ouch!” daing ko ng tapukin ko ang sarili ko dahil kung ano ano ang iniisip ko. Hindi naman sila totoo, tss. Nasosobrahan na yata ako sa kababasa ng mga kwento ng fantasy. Bumalik naman si Lola na dala na ang mga halamang gamot niya. “Ibuka mo ang bibig niya saka mo ito ipainom para mabawasan ang sakit ng mga sugat niya. Pagkatapos ipainom mo ito para magkalakas naman ang katawan niya.” Wika ni Lola na sinunod ko naman. Kinuha ko na lang yung dropper dahil mahirap naman na ipainom ko sa kaniya ito ng dirediretso, hindi niya naman pati mailulunok ito baka mastock pa sa bibig niya. Sayang effort ni Lola. Napainom ko naman sa kaniya ng maayos kahit na tulog. Nang matapos kami ni Lola sa kaniya ay nilagyan na ni Lola ng mga benda ang mga sugat niya. Mas lalo tuloy lumabas ang kagwapuhan niya.4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments