“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”
“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Amara POV Love is the most powerful weapon you can do everything for the person you love. Yan ang laging sinasabi sa akin ni Lola. Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mamahalin mo, you can sacrifice your own life for them. Sometimes you need to sacrifice yourself for the sake of your loved ones. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsakripisyo ang isa kung pwede naman silang lumaban ng sabay at piliing mahalin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng sakripisyo? Simula bata pa lang ako iyun na lang ang sinasabi at pinapaalala sa akin ni Lola. Laking Lola ako hindi ko na rin hiniling na makilala pa ang mga magulang ko dahil kung talagang mahal nila ako bakit nila ako iniwan kay Lola? Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila, ni pangalan hindi ko kilala. Ang sabi ni Lola kung mahal mo ang isang tao magsasakripisyo ka pero bakit ako ang isinakripisyo ng mga magulang ko? Hindi ko maintindihan. Hangg
May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito?Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. “Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. “Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola.Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. “Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa baha
“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso. “Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot. Waaahh ang cute niya. “Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. “Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. “Ano