Amara POV
Love is the most powerful weapon you can do everything for the person you love. Yan ang laging sinasabi sa akin ni Lola. Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mamahalin mo, you can sacrifice your own life for them. Sometimes you need to sacrifice yourself for the sake of your loved ones. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsakripisyo ang isa kung pwede naman silang lumaban ng sabay at piliing mahalin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng sakripisyo? Simula bata pa lang ako iyun na lang ang sinasabi at pinapaalala sa akin ni Lola. Laking Lola ako hindi ko na rin hiniling na makilala pa ang mga magulang ko dahil kung talagang mahal nila ako bakit nila ako iniwan kay Lola? Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila, ni pangalan hindi ko kilala. Ang sabi ni Lola kung mahal mo ang isang tao magsasakripisyo ka pero bakit ako ang isinakripisyo ng mga magulang ko? Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa sinasabi ni Lola, kung ganun nga talaga ang meaning ng pagmamahal, ibig sabihin hindi ako minahal ng mga magulang ko dahil iniwan nila ako. Iniwan nila ako sa kamay ng Lola ko. Iwinaglit ko na lamang iyon sa aking isipan. Napapagod na akong intindihin iyon sa araw araw dahil hindi ko talaga maintindihan. Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad sa labas. Sa paanan ng bundok nakatayo ang bahay namin ni Lola, malayo sa kabihasnan kaya madalas kaming mapagkamalang mangkukulam ni Lola mabuti na lang din at hindi kami sinasaktan. Ang totoo pa nga niyan si Lola ang nilalapitan nila kapag kailangan nila ng tulong, kapag nanuno raw kuno yung mga anak nila. Mga utak talaga ng mga tao. Dahil wala naman akong magawa sa bahay naglakad na lang ako sa gubat, baka sakaling makakita pa ako ng puno ng prutas maiuwi ko pa. Pinagkakasya namin ni Lola ang kakaunting kinikita ko sa trabaho, minsan nasa bayan din siya nagtatrabaho. Sinabi ko na ngang huwag na siyang magtrabaho dahil matanda na siya pero lagi niyang sinasabing ayaw niya raw ng pabigat. Tsss. Pinulot ko ang isang kahoy at pinanghahampas ko sa mga nagtataasang mga damo para makadaan ako. Lumilinga linga rin ako sa paligid baka sakaling makakita ng puno ng prutas. Nararamdaman ko ring napapalayo na ako pero okay lang dahil alam ko naman ang pasikot sikot dito sa gubat na ito. Habang naglalakad ako may napansin akong parang katawan ng tao.Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o hindi, syempre mahirap ng magtiwala ngayon. Sinilip ko pa at parang katawan nga ng tao pero duguan, bakit may tao dito? Ang alam ko malayo layo pa ang mga bahay, sinabi ko naman na kami lang ni Lola ang may bahay dito kaya paanong nagkatao dito?
Lumapit pa ako ng kaunti at hindi nga ako nagkakamali, isang katawan ng tao ang nakahiga sa damuhan at naliligo na sa sarili niyang dugo. Napapalunok ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, baka mamaya bampira pala yan o kung anong nilalang na nandito sa bundok, edi patay ako. Tatalikod na sana ako subalit nagsusumigaw ang isip ko, parang hindi kaya ng konsensya kong iwan yan dito. Maglalakad na sana ko paalis subalit parang may sariling isip ang katawan ko at lumapit ito sa taong ito. Punong puno ng dugo ang katawan niya, ano bang nangyari dito? Hindi kaya kinain ng bampira? O di kaya ng mga manananggal tapos wakwak ang katawan kaya nakadapa? Jusko. Nanalangin pa ako bago ako lumuhod para subukang gisingin ito. Tinapik tapik ko siya, natatakot pa ako dahil baka bigla niya na lang akong sunggaban. “Mama, mama, gising.” I tried to wake him up but there is no response from him. Why is he naked anyway? Nasaan ba ang damit nito? Dahan dahan ko siyang pinatihaya.“LOLAAAA.” Malakas kong tili ng magulat ako dahil hinawakan niya ang braso ko pero pansamantala lang yun, hindi ko alam kung hinawakan ba niya o sadyang gawa lang ng ipatihaya ko siya. Kunot noo ko siyang tiningnan halos matulala pa ako ng makita ko ang mukha niya. Tumambad sa akin ang napakaamo niyang mukha. Mukhang kababaliwan ng mga kababaihan, para siyang isang character sa isang fantasy movie dahil sa ganda ng mukha niya, ang makakapal niyang kilay, medyo mahabang pilik mata at namumulang mga labi. Namumula pa rin ang labi niya kahit na parang naubusan na ito ng dugo sa katawan. Tumayo ako at luminga linga sa paligid baka sakaling may makita akong tao subalit impossible ang iniisip ko dahil wala namang bahay sa malapit dahil bahay lang namin ni Lola ang malapit dito. Umupo ako uli at sinubukan siyang gisingin pero wala pa rin. Inilapit ko na rin ang tenga ko sa ilong niya para masiguro ko kung buhay pa ba.Naramdaman ko naman ang mahina niyang hininga, ibig sabihin buhay pa siya at kailangan niya ng magamot dahil kung hindi baka mamatay pa ito, hindi naman kaya ng konsensya ko yun.
Kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko sinubukan ko siyang itayo pero sadyang mabigat siya. Halos magwala pa ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa taong to! Sayang ang lahi kung nagkataon. “Gabayan niyo po ako, bigyan niyo ako ng lakas para maitayo at maibaba ko ang taong ito. Kailangan niya ng gamutin.” Nanalangin pa ako sa taas, dahil hindi kaya ng konsensya kong iwan ang taong lumalaban pa para mabuhay. Tinitigan ko uli siya at bumuntong hininga.Pumwesto ako sa bandang uluhan niya at sinubukan siyang pinaupo, isinandal ko pa sa dibdib ko ang ulo niya.Napakaamo ng mukha niya pero sana hindi ka nangangain.
Hirap na hirap akong itinayo siya. “Makisama ka naman please, kung naririnig mo ako magpagaan ka naman. Hindi biro yang bigat mo ah.” Inis kong saad sa kaniya, naitayo ko na siya at iniakbay ko sa balikat ko ang kamay niya habang nakahawak naman ako sa bewang niya. “Maglakad ka kahit kaunti lang para hindi ako mahirapan.” Muling saad ko, nang ihakbang niya ang isa niyang paa ay nasiguro kong naririnig niya ako pero dahil sa sobrang hina siguro hindi na maimulat ang mga mata niya. Dahan dahan kaming naglakad, medyo malayo pa naman kami sa bahay. Ano ba kasing nangyari dito eh? Kahit na pagod na pagod na ako ay hindi ko piniling magpahinga, nagpatuloy na lang kami sa paglalakad para mabilis kaming makarating sa bahay. Nang makababa na kami sa bundok ay sigaw na ako ng sigaw. “LOLAAA” “LOLAAAA” malakas kong sigaw, alam kong nakauwi na siya ng ganitong oras. “LOLAAAA.” Sigaw ko muli ng matanaw ko na ang bahay. Hindi pa bingi sa lola kaya alam kong maririnig niya ako. “LOLAAAAAA.” Mas malakas kong sigaw. “LOLA DITO!” sigaw ko ng makita ko na siyang lumabas ng bahay. Nang makita niya na ako ay nagmamadali siyang nilapitan ako. “Ano bang ginagawa mo Amara? Sino itong dala dala mo?” tanong niya agad sa akin, tinulungan naman na ako ni Lolang akayin ang lalaking ito.Nang maihiga namin siya ni Lola ay nagmamadali akong naghanda ng mainit na tubig sa planggana at tela. “Saan mo ba nakita ang lalaking yan? Bakit duguan?” nagtatakang tanong ni Lola, sinilip ko naman ang lalaki at wala pa rin siyang malay. “Nakita ko siya habang naglalakad ako sa gubat Lola, ng malaman kong humihinga pa siya tinulungan ko na, hindi kaya ng konsensya ko La eh.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. “Jusko kang bata ka.” Usal niya saka niya inagaw sa akin ang dala dala kong plangganang may tubig na mainit.Lumapit naman na ako kay Lola at kinuha ko rin yung isang tela para tulungan ko na siyang linisan ang katawan ng lalaking ito. Ngayon ko lang naman napansin ang mga natamo niyang sugat sa katawan.
“Lola bakit parang mga karamot ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop sa gubat.” Nagtataka kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko naman si Lola ng huminto siya sa paglilinis sa katawan ng lalaking ito. “Bakit mo ba inuwi yan dito? Hindi natin siya kilala Amara baka mamaya kung anong mangyari sa ating dalawa.” Nag-aalalang saad ni Lola. “Eh kasi naman Lola nakakaawa saka may buhay pa yan eh, hindi naman siguro yan bampira o anong klaseng nilalang yan diba?” saad ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis sa lalaking ito.
“Kapag nagkamalay na siya, paalisin mo na. Mahirap ng magtiwala.” Wika niya nanaman. “Kusa naman siguro yang aalis Lola kapag bumalik na yung lakas niya.” Sagot ko, hindi niya na ako sinagot. Tumayo na si Lola, nanguha siguro ng mga halaman niyang gamot. Dahan dahan ko pang hinaplos ang mga sugat niya. Ano kayang nangyari dito? Bakit ganitong klase ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop, may sugat din siya na halatang kutsilyo ang ginamit. Kung mababangis na hayop lang ang nakasagupa niya bakit may hiwa at saksak siya ng kutsilyo? Hindi kaya totoo talaga ng mundo ng mga iba’t ibang nilalang at isa siya dun?“Ouch!” daing ko ng tapukin ko ang sarili ko dahil kung ano ano ang iniisip ko. Hindi naman sila totoo, tss. Nasosobrahan na yata ako sa kababasa ng mga kwento ng fantasy. Bumalik naman si Lola na dala na ang mga halamang gamot niya. “Ibuka mo ang bibig niya saka mo ito ipainom para mabawasan ang sakit ng mga sugat niya. Pagkatapos ipainom mo ito para magkalakas naman ang katawan niya.” Wika ni Lola na sinunod ko naman. Kinuha ko na lang yung dropper dahil mahirap naman na ipainom ko sa kaniya ito ng dirediretso, hindi niya naman pati mailulunok ito baka mastock pa sa bibig niya. Sayang effort ni Lola. Napainom ko naman sa kaniya ng maayos kahit na tulog. Nang matapos kami ni Lola sa kaniya ay nilagyan na ni Lola ng mga benda ang mga sugat niya. Mas lalo tuloy lumabas ang kagwapuhan niya.May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito?Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. “Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. “Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola.Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. “Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa baha
“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso. “Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot. Waaahh ang cute niya. “Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. “Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. “Ano
Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan? Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. “May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. “Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. “Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. “Oh ikaw
Ibinaba ko na yung mga dala dala ko pero hindi yung pagkain dahil dun nanaman lang siya nakatingin. Akala mo hindi pinapakain eh.“Huwag mong kakainin yan.” Saad ko sa kaniya ng ibaba ko yung pagkain niya.“Umupo ka dito, gagayahin mo ako naiintindihan mo?” hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Umupo na siya sa tabi ko at palingon-lingon sa akin. Para akong nagtuturo ng batang hindi pa marunong kumain. Kinuha ko ang isang kutsara at tinidor saka ko iniabot sa kaniya. “Gagayahin mo yung gagawin ko, okay?” dinemo ko sa kaniya ang paggamit ng kutsara at tinidor at kung paano saka ko siya tiningnan.“Ikaw naman, now eat.” Utos ko sa kaniya. Binitawan niya naman yung hawak niyang kutsara at tinidor saka niya isinubsob ang bunganga niya sa plato, napahilot na lang ako sa sintido ko dahil dun. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito para magkaintin
Nang makarating sila sa pamilihan ng mga damit ay iginilid na rin ni Amara ang bike niya at bumaba na rin si Clint.“Ang gwapo niya, para siyang hulog ng langit.” Bulong ng mga kababaihan.“Grabe ang swerte ni Girl, ang sweet sweet nila.” Dagdag pa nilang bulong subalit hindi na iyon pinansin ni Amara.“Tara na.” wika niya kay Clint saka niya ito hinawakan sa kamay. Papasok na sana sila sa loob ng bilihan ng mga damit ng bigla silang harangin ng ilang kababaihan.“Siguro ginayuma mo yan ano kaya nakuha mo.” Mataray na saad ng isang babae. Blangko lang naman nilang tiningnan ang mga babaeng nakaharang sa daraanan nila.“Hindi ako marunong manggayuma saka kung magmamahal lang din naman ako hindi ko yun gagawin para lang mahalin ako pabalik.” Sagot niya pero tinawanan lang siya ng mga babae.“Eh ano pa bang ginawa
AMARA POVMabilis ko siyang inalis sa mga nagkukumpulang tao, may sumisigaw pa sa amin pero hindi ko na pinansin at mabilis kong kinuha ang bisekleta ko saka isinakay si Clint dun. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung si Clint ba na nabagsakan ng bakal o ang nakita ko sa ulo niya.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo talaga ang nakita ko. Sa sobrang taranta ko na rin naipunas ko sa damit ko ang dugo ni Clint. Umalis kaming dalawa at tinahak na ang daan pauwi sa amin.Hindi pala kami pwedeng umuwing dalawa ng ganito ang itsura namin. May dugo rin sa ulo ni Clint at sa damit niya ganun na rin ako at paniguradong magtataka si Lola. Iniliko ko ang bisekleta ko patungong ilog, kailangan naming maghugas na dalawa at gusto ko ring masigurong wala na nga talaga ang sugat ni Clint.Nang makarating kami sa ilog ay mabilis kong hinila si Clint at nagtungo kaming dalawa sa
Hindi ko maitatagong gusto ko ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Lalaking lalaki na siyang tingnan kumpara sa madalas kong makita sa kaniya. Ang wala lang sa kaniya ay boses, paanong wala siyang maalala? Hindi kaya nagkaamnesia siya?“Wala ka ba talagang matandaan sa katauhan mo kahit isa?” muli kong tanong sa kaniya pero inilingan lang niya ako. Kung ganun nga ay amnesia? Pero naguguluhan ako. Paanong bigla na lang siyang nakaalala ng makita niya ang mukha kong nag-aalala? How is that possible?Possible ba ang ganung bagay? Mukha akong masisiraan ng bait dito.Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Kailan pa naging gamot ang taong nag-aalala sa taong walang maalala?Nasosobrahan na yata ako sa kababasa, parang wala itong pinagkaiba sa binasa kong libro noong nakaraan eh. Tungkol sa taong naging halimaw at isang tunay na pag-ibig ang makakapagpabalik sa dati niyang anyo.
“Kahit isa ba wala kang maalala? Kahit sa gubat, kung anong nangyari sayo dun.” Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya saka yumuko at pinagsalikop ang dalawang palad saka siya umiling sa akin. “Nang makita ko rin yan hindi ko maiwasang hindi magduda o matakot sayo.” wika ko habang nakatingin sa harapan ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ako lumingon.Ganito pala ang pakiramdam na may nakakausap ka ring ibang tao, hindi ko naman sinasabing hindi maganda kausap si Lola pero nasanay kasi akong siya na lang ang nakakausap ko at hindi ko maipaliwanag yung sayang nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya. Hindi ko nga masiguro kung magkaibigan nga kami pero masaya ako dahil kahit papaano may ibang taong nasa tabi ko.Nilingon ko siya ng kalabitin niya ako, napatingin naman ako sa hawak niyang papel na iniaabot sa akin.“I can’t blame you if you&rsqu