May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito?
Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. “Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. “Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola. Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. “Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa bahay at makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno. “Hindi na, hindi kita iiwan dito sa lalaking yan.” Hinawakan ko naman ang kamay ni Lola saka hinaplos yun at nginitian siya. “Kung ano ano iniisip mo Lola, huwag ka na ngang bumalik dun dito ka na lang at ako na lang magtatrabaho.” Saad ko sa kaniya. “Ayaw kong magpabigat sayo Amara.” Napapikit na lang ako ng iyon pa rin ang dahilan niya. Paulit ulit na lang na yun ang dahilan niya. “Lola hindi ka pabigat sa akin naging pabigat ba ako sayo noong bata ako?” “Syempre hindi, ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko.” Ngiti niyang saad kaya napangiti ako. Niyakap ko naman si Lola, hindi ko na kailangang maghanap ng pagmamahal ng mga magulang ko dahil pagmamahal pa lang ni Lola busog na busog na ako. “Kaya hindi ka pabigat sa akin Lola, mahal na mahal kita.” Wika ko, hinaplos niya naman ang buhok ko. Hindi ko yata kakayanin kung si Lola ang nawala sa akin.Siya na lang ang meron ako at kapag nawala siya hindi ko kakayanin. Dumaan ang maghapon na iyon at panay din ang silip ko sa lalaking ito. Panay din ang silip sa akin ni Lola kapag pumupunta ako sa kwarto haha. Nakakatuwa lang dahil chenicheck ko itong lalaki tapos chenicheck din ako ni Lola kung buo pa raw ba ako. Nakakaloka, natatawa na lang talaga ako. “Amara halika na at kumain na tayo, magtabi na rin tayo sa kwarto ko hayaan mo na muna yang lalaking yan babangon lang yan kung nagkamalay.” Tawag sa akin ni Lola. Lumapit naman na ako sa kaniya at kumain na kaming dalawa.“Inumin mo na itong gamot mo.” abot sa akin ni Lola ng parang juice kong gamot. Ewan ko ba kung para saan ito, iba pa naman ang lasa pero dahil nakasanayan ko na simula bata ako hindi na ako nagrereklamo sa lasa. Ilang beses ko na ring tinanong sa kaniya kung para saan ba itong pinapainom niya sa akin pero hindi niya ako sinasagot. Natulog na lang ako dahil ayaw ko ng mag-isip isip ng kung ano ano. KINABUKASAN.Maaga akong nagising dahil sa nakasanayan ko na, gigising si Lola ng 4 ng umaga, tapos susunod na rin ako sa kaniya. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at sinilip kung ano na bang lagay ng lalaking ito pero ang himbing pa rin ng tulog niya. “Hayaan mo na muna yan, magkape ka na.” saad ni Lola kaya nagtungo na rin ako ng kusina para magtimpla ng kape ko. Tanging lampara lang ang gamit namin dito maging sa labas ng bahay.Malayo kasi kami talaga sa bayan saka liblib na kasi sa amin kaya ayaw na nila kaming kabitan ng kuryente dahil baka mas mahal pa raw yung gagastusin sa gasolina ng maniningil at magrereading kesa sa bills namin. Nasaan ang equality ron? Tsss.
Nang matapos akong magtimpla ay lumabas ako ng bahay dahil may tambayan sa labas, may ilaw din. Hindi naman kasi nakakatakot dito sa amin eh, OA lang talaga ang mga tao. Mas maganda pa nga dito kesa sa bayan na puro usok na lang ng mga sasakyan ang maaamoy, sa sobrang init halos masunog na ang balat mo. “Aalis ka ba ngayon?” tanong sa akin ni Lola ng makalapit siya sa akin. “Hindi po La, bukas pa ako pap asok sa trabaho.” Sagot ko sa kaniya. Napatango tango lang naman siya.Nang magliwanag na ay nagsimula na akong magwalis sa paligid dahil sa lawak din ng bakuran namin matagal tagal din akong nagwalis. “Amara kumain na muna tayo.” Sigaw na ni Lola, dahil tapos na akong magwalis ay lumapit na ako. Sa kwarto na muna ako dumiretso dahil baka gising na ito. Tinitigan ko pa ang nakapikit niyang mga mata at hinaplos ng bahagya ang kilay niya pero halos mapako ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang iminulat ang mga mata niya. Dahil sa gulat ko hindi ako agad nakagalaw, mas namangha pa ako ng makita ko kung gaano kaganda ang mga mata niya. Mga mata niyang parang hinihigop ako sa ibang mundo. Ang kulay berde niyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ang mga iyon. Para bang inaakit ako ng mga ito. Ni hindi rin siya kumukurap at parehong nakatitig sa isa’t isa.“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso. “Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot. Waaahh ang cute niya. “Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. “Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. “Ano
Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan? Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. “May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. “Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. “Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. “Oh ikaw
Ibinaba ko na yung mga dala dala ko pero hindi yung pagkain dahil dun nanaman lang siya nakatingin. Akala mo hindi pinapakain eh.“Huwag mong kakainin yan.” Saad ko sa kaniya ng ibaba ko yung pagkain niya.“Umupo ka dito, gagayahin mo ako naiintindihan mo?” hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Umupo na siya sa tabi ko at palingon-lingon sa akin. Para akong nagtuturo ng batang hindi pa marunong kumain. Kinuha ko ang isang kutsara at tinidor saka ko iniabot sa kaniya. “Gagayahin mo yung gagawin ko, okay?” dinemo ko sa kaniya ang paggamit ng kutsara at tinidor at kung paano saka ko siya tiningnan.“Ikaw naman, now eat.” Utos ko sa kaniya. Binitawan niya naman yung hawak niyang kutsara at tinidor saka niya isinubsob ang bunganga niya sa plato, napahilot na lang ako sa sintido ko dahil dun. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito para magkaintin
Nang makarating sila sa pamilihan ng mga damit ay iginilid na rin ni Amara ang bike niya at bumaba na rin si Clint.“Ang gwapo niya, para siyang hulog ng langit.” Bulong ng mga kababaihan.“Grabe ang swerte ni Girl, ang sweet sweet nila.” Dagdag pa nilang bulong subalit hindi na iyon pinansin ni Amara.“Tara na.” wika niya kay Clint saka niya ito hinawakan sa kamay. Papasok na sana sila sa loob ng bilihan ng mga damit ng bigla silang harangin ng ilang kababaihan.“Siguro ginayuma mo yan ano kaya nakuha mo.” Mataray na saad ng isang babae. Blangko lang naman nilang tiningnan ang mga babaeng nakaharang sa daraanan nila.“Hindi ako marunong manggayuma saka kung magmamahal lang din naman ako hindi ko yun gagawin para lang mahalin ako pabalik.” Sagot niya pero tinawanan lang siya ng mga babae.“Eh ano pa bang ginawa
AMARA POVMabilis ko siyang inalis sa mga nagkukumpulang tao, may sumisigaw pa sa amin pero hindi ko na pinansin at mabilis kong kinuha ang bisekleta ko saka isinakay si Clint dun. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung si Clint ba na nabagsakan ng bakal o ang nakita ko sa ulo niya.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo talaga ang nakita ko. Sa sobrang taranta ko na rin naipunas ko sa damit ko ang dugo ni Clint. Umalis kaming dalawa at tinahak na ang daan pauwi sa amin.Hindi pala kami pwedeng umuwing dalawa ng ganito ang itsura namin. May dugo rin sa ulo ni Clint at sa damit niya ganun na rin ako at paniguradong magtataka si Lola. Iniliko ko ang bisekleta ko patungong ilog, kailangan naming maghugas na dalawa at gusto ko ring masigurong wala na nga talaga ang sugat ni Clint.Nang makarating kami sa ilog ay mabilis kong hinila si Clint at nagtungo kaming dalawa sa
Hindi ko maitatagong gusto ko ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Lalaking lalaki na siyang tingnan kumpara sa madalas kong makita sa kaniya. Ang wala lang sa kaniya ay boses, paanong wala siyang maalala? Hindi kaya nagkaamnesia siya?“Wala ka ba talagang matandaan sa katauhan mo kahit isa?” muli kong tanong sa kaniya pero inilingan lang niya ako. Kung ganun nga ay amnesia? Pero naguguluhan ako. Paanong bigla na lang siyang nakaalala ng makita niya ang mukha kong nag-aalala? How is that possible?Possible ba ang ganung bagay? Mukha akong masisiraan ng bait dito.Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Kailan pa naging gamot ang taong nag-aalala sa taong walang maalala?Nasosobrahan na yata ako sa kababasa, parang wala itong pinagkaiba sa binasa kong libro noong nakaraan eh. Tungkol sa taong naging halimaw at isang tunay na pag-ibig ang makakapagpabalik sa dati niyang anyo.
“Kahit isa ba wala kang maalala? Kahit sa gubat, kung anong nangyari sayo dun.” Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya saka yumuko at pinagsalikop ang dalawang palad saka siya umiling sa akin. “Nang makita ko rin yan hindi ko maiwasang hindi magduda o matakot sayo.” wika ko habang nakatingin sa harapan ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ako lumingon.Ganito pala ang pakiramdam na may nakakausap ka ring ibang tao, hindi ko naman sinasabing hindi maganda kausap si Lola pero nasanay kasi akong siya na lang ang nakakausap ko at hindi ko maipaliwanag yung sayang nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya. Hindi ko nga masiguro kung magkaibigan nga kami pero masaya ako dahil kahit papaano may ibang taong nasa tabi ko.Nilingon ko siya ng kalabitin niya ako, napatingin naman ako sa hawak niyang papel na iniaabot sa akin.“I can’t blame you if you&rsqu
Parang bumagal ang oras sa aming dalawa, wala na akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko at wala na akong makita kundi ang gwapo niya at nag-aalala niyang mukha.“What a lucky girl.” Rinig ko pang bulungan sa paligid namin. Nanatili akong nakatitig sa kaniya ng marealize ko ang ayos naming dalawa. Mabilis akong bumaba at inayos ang damit ko.Nahihiya pa akong tingnan ang mga taong nakatingin sa amin, hindi ka kasi nag-iingat.“Salamat.” Wika ko saka ko siya tinalikuran at hinarap ang ibang customer, ng maramdaman kong nandun lang siya sa likod ko ay hinarap ko siya.“Dun ka na lang sa loob, kami ng bahala dito.” Wika ko pero inilingan niya lang akong parang bata.“Acckk ang gwapooo.” Tili ng isang babae pero hindi pinansin ni Clint.“Taken na yan kaya tumigil na kayo sa pagpapantasya. Nakaharap na nga yung