4 YEARS LATER
Apat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niyaAmara POV Love is the most powerful weapon you can do everything for the person you love. Yan ang laging sinasabi sa akin ni Lola. Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mamahalin mo, you can sacrifice your own life for them. Sometimes you need to sacrifice yourself for the sake of your loved ones. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsakripisyo ang isa kung pwede naman silang lumaban ng sabay at piliing mahalin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng sakripisyo? Simula bata pa lang ako iyun na lang ang sinasabi at pinapaalala sa akin ni Lola. Laking Lola ako hindi ko na rin hiniling na makilala pa ang mga magulang ko dahil kung talagang mahal nila ako bakit nila ako iniwan kay Lola? Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila, ni pangalan hindi ko kilala. Ang sabi ni Lola kung mahal mo ang isang tao magsasakripisyo ka pero bakit ako ang isinakripisyo ng mga magulang ko? Hindi ko maintindihan. Hangg
May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito?Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. “Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. “Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola.Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. “Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa baha
“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso. “Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot. Waaahh ang cute niya. “Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. “Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. “Ano
Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan? Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. “May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. “Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. “Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. “Oh ikaw
Ibinaba ko na yung mga dala dala ko pero hindi yung pagkain dahil dun nanaman lang siya nakatingin. Akala mo hindi pinapakain eh.“Huwag mong kakainin yan.” Saad ko sa kaniya ng ibaba ko yung pagkain niya.“Umupo ka dito, gagayahin mo ako naiintindihan mo?” hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Umupo na siya sa tabi ko at palingon-lingon sa akin. Para akong nagtuturo ng batang hindi pa marunong kumain. Kinuha ko ang isang kutsara at tinidor saka ko iniabot sa kaniya. “Gagayahin mo yung gagawin ko, okay?” dinemo ko sa kaniya ang paggamit ng kutsara at tinidor at kung paano saka ko siya tiningnan.“Ikaw naman, now eat.” Utos ko sa kaniya. Binitawan niya naman yung hawak niyang kutsara at tinidor saka niya isinubsob ang bunganga niya sa plato, napahilot na lang ako sa sintido ko dahil dun. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito para magkaintin
Nang makarating sila sa pamilihan ng mga damit ay iginilid na rin ni Amara ang bike niya at bumaba na rin si Clint.“Ang gwapo niya, para siyang hulog ng langit.” Bulong ng mga kababaihan.“Grabe ang swerte ni Girl, ang sweet sweet nila.” Dagdag pa nilang bulong subalit hindi na iyon pinansin ni Amara.“Tara na.” wika niya kay Clint saka niya ito hinawakan sa kamay. Papasok na sana sila sa loob ng bilihan ng mga damit ng bigla silang harangin ng ilang kababaihan.“Siguro ginayuma mo yan ano kaya nakuha mo.” Mataray na saad ng isang babae. Blangko lang naman nilang tiningnan ang mga babaeng nakaharang sa daraanan nila.“Hindi ako marunong manggayuma saka kung magmamahal lang din naman ako hindi ko yun gagawin para lang mahalin ako pabalik.” Sagot niya pero tinawanan lang siya ng mga babae.“Eh ano pa bang ginawa
AMARA POVMabilis ko siyang inalis sa mga nagkukumpulang tao, may sumisigaw pa sa amin pero hindi ko na pinansin at mabilis kong kinuha ang bisekleta ko saka isinakay si Clint dun. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung si Clint ba na nabagsakan ng bakal o ang nakita ko sa ulo niya.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo talaga ang nakita ko. Sa sobrang taranta ko na rin naipunas ko sa damit ko ang dugo ni Clint. Umalis kaming dalawa at tinahak na ang daan pauwi sa amin.Hindi pala kami pwedeng umuwing dalawa ng ganito ang itsura namin. May dugo rin sa ulo ni Clint at sa damit niya ganun na rin ako at paniguradong magtataka si Lola. Iniliko ko ang bisekleta ko patungong ilog, kailangan naming maghugas na dalawa at gusto ko ring masigurong wala na nga talaga ang sugat ni Clint.Nang makarating kami sa ilog ay mabilis kong hinila si Clint at nagtungo kaming dalawa sa
Hindi ko maitatagong gusto ko ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Lalaking lalaki na siyang tingnan kumpara sa madalas kong makita sa kaniya. Ang wala lang sa kaniya ay boses, paanong wala siyang maalala? Hindi kaya nagkaamnesia siya?“Wala ka ba talagang matandaan sa katauhan mo kahit isa?” muli kong tanong sa kaniya pero inilingan lang niya ako. Kung ganun nga ay amnesia? Pero naguguluhan ako. Paanong bigla na lang siyang nakaalala ng makita niya ang mukha kong nag-aalala? How is that possible?Possible ba ang ganung bagay? Mukha akong masisiraan ng bait dito.Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Kailan pa naging gamot ang taong nag-aalala sa taong walang maalala?Nasosobrahan na yata ako sa kababasa, parang wala itong pinagkaiba sa binasa kong libro noong nakaraan eh. Tungkol sa taong naging halimaw at isang tunay na pag-ibig ang makakapagpabalik sa dati niyang anyo.