AMARA POV
Mabilis ko siyang inalis sa mga nagkukumpulang tao, may sumisigaw pa sa amin pero hindi ko na pinansin at mabilis kong kinuha ang bisekleta ko saka isinakay si Clint dun. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung si Clint ba na nabagsakan ng bakal o ang nakita ko sa ulo niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo talaga ang nakita ko. Sa sobrang taranta ko na rin naipunas ko sa damit ko ang dugo ni Clint. Umalis kaming dalawa at tinahak na ang daan pauwi sa amin. Hindi pala kami pwedeng umuwing dalawa ng ganito ang itsura namin. May dugo rin sa ulo ni Clint at sa damit niya ganun na rin ako at paniguradong magtataka si Lola. Iniliko ko ang bisekleta ko patungong ilog, kailangan naming maghugas na dalawa at gusto ko ring masigurong wala na nga talaga ang sugat ni Clint. Nang makarating kami sa ilog ay mabilis kong hinila si Clint at nagtungo kaming dalawa saHindi ko maitatagong gusto ko ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Lalaking lalaki na siyang tingnan kumpara sa madalas kong makita sa kaniya. Ang wala lang sa kaniya ay boses, paanong wala siyang maalala? Hindi kaya nagkaamnesia siya?“Wala ka ba talagang matandaan sa katauhan mo kahit isa?” muli kong tanong sa kaniya pero inilingan lang niya ako. Kung ganun nga ay amnesia? Pero naguguluhan ako. Paanong bigla na lang siyang nakaalala ng makita niya ang mukha kong nag-aalala? How is that possible?Possible ba ang ganung bagay? Mukha akong masisiraan ng bait dito.Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Kailan pa naging gamot ang taong nag-aalala sa taong walang maalala?Nasosobrahan na yata ako sa kababasa, parang wala itong pinagkaiba sa binasa kong libro noong nakaraan eh. Tungkol sa taong naging halimaw at isang tunay na pag-ibig ang makakapagpabalik sa dati niyang anyo.
“Kahit isa ba wala kang maalala? Kahit sa gubat, kung anong nangyari sayo dun.” Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya saka yumuko at pinagsalikop ang dalawang palad saka siya umiling sa akin. “Nang makita ko rin yan hindi ko maiwasang hindi magduda o matakot sayo.” wika ko habang nakatingin sa harapan ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ako lumingon.Ganito pala ang pakiramdam na may nakakausap ka ring ibang tao, hindi ko naman sinasabing hindi maganda kausap si Lola pero nasanay kasi akong siya na lang ang nakakausap ko at hindi ko maipaliwanag yung sayang nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya. Hindi ko nga masiguro kung magkaibigan nga kami pero masaya ako dahil kahit papaano may ibang taong nasa tabi ko.Nilingon ko siya ng kalabitin niya ako, napatingin naman ako sa hawak niyang papel na iniaabot sa akin.“I can’t blame you if you&rsqu
Parang bumagal ang oras sa aming dalawa, wala na akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko at wala na akong makita kundi ang gwapo niya at nag-aalala niyang mukha.“What a lucky girl.” Rinig ko pang bulungan sa paligid namin. Nanatili akong nakatitig sa kaniya ng marealize ko ang ayos naming dalawa. Mabilis akong bumaba at inayos ang damit ko.Nahihiya pa akong tingnan ang mga taong nakatingin sa amin, hindi ka kasi nag-iingat.“Salamat.” Wika ko saka ko siya tinalikuran at hinarap ang ibang customer, ng maramdaman kong nandun lang siya sa likod ko ay hinarap ko siya.“Dun ka na lang sa loob, kami ng bahala dito.” Wika ko pero inilingan niya lang akong parang bata.“Acckk ang gwapooo.” Tili ng isang babae pero hindi pinansin ni Clint.“Taken na yan kaya tumigil na kayo sa pagpapantasya. Nakaharap na nga yung
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay halos gulat din siyang nakatingin sa akin. Paanong nangyaring nakapagsalita siya? Ilang minuto lang siyang nawala.“Ah, ah, ah.” Wika niya at kinokumpirma kung may boses na nga siya. Inilinga niya ang paningin niya habang ako ay nananatiling nakatingin sa kaniya.Nang hinila niya ako ay hindi na ako nakapagreklamo dahil yun pa rin ang nasa isip ko. Possible ba talagang mawala ang alaala ng isang tao ganun na rin ang boses niya tapos biglang gagaling? Anong spell ang binigay dito?Nang makarating kami sa isang lugar na wala ng tao ay saka niya ako hinarap.“I, I, I don’t know how to explain it.” Nauutal at nagtataka pa niyang saad. Halata rin ang pagkagulat sa kaniyang mukha.“Hindi ko alam kung paano basta nung naramdaman ko ang pag-aalala mo, ng maramdaman ng puso kong totoo yung ipinapakita mo sa akin. Bigla na la
Napahinto sa pagpepedal si Clint ng bigla kaming harangan nila Joshua. Mabilis akong hinarangan ni Clint at itinago sa likod niya.“Sinabi ko naman sayo Amara diba? Akin ka lang. At kung sino ang magtatangkang ligawan ka mananagot sa akin.” Anas niya, mas isiniksik ko ang sarili ko sa likod ni Clint. Marami sila at hindi kakayanin ni Clint ang mga ito.“Nakikiusap ako sayo Joshua, pauwiin mo na kami.” pakiusap ko sa kaniya pero nginisian niya lang ako, ngising demonyo.“Pakakawalan kita Amara pero hindi ang lalaking ito na nagtangkang agawin ka sa akin.” Masama ang titig niya kay Clint. Hinarang naman ni Clint ang sarili niya para hindi ko na makita ang nakangising si Joshua.“She’s a girl bro and you think she’s gonna like you back kung ipinakita mo ang masama mong ugali?” sabat ni Clint pero tinawanan lang siya ng grupo ni Joshua. Rinig ko ang buntong hininga ni Clint na
“You’re so beautiful Clint.” Hindi pa rin nawawala yung pagkamangha ko sa kaniya. I’m a dog lover even I don’t have one. Kung ganun totoo ang mga nasa libro at alamat. Paanong nangyaring ang isang lobo ay naligaw sa mundo namin?Kung ganun may dahilan kung bakit siya napunta sa gubat ng duguan. Kaya pala halatang kalmot ang mga sugat niya noon. Nagkaroon ba ng digmaan sa mundo nila kaya siya napadpad dito?Tiningala ko si Clint dahil sobrang laki niya.“Nakakapagsalita rin pala kayo kahit na nasa anyo kayong ganiyan?”“Well yeah? Maybe, I don’t know. Ni hindi ko alam na ganito ako, wala akong maalala Amara at hindi ko inaasahan na magtratransform ako sa ganito.” Wika niya, hinaplos ko pa ang mga malalambot niyang balahibo.Different creatures are exist and I can’t believe that I met one of them.“A beautiful creature that I’ve ev
“What are you doing here and who are you?” diin niyang wika, hinawakan naman ni Ivan ang kamay ng kaniyang Kuya na nakahawak sa kwelyo nito. Hindi na rin alam ng dalawa ang gagawin nila. Kilala nila kung paano magalit ang kanilang Hari, wala siyang kinikilala kahit na kapatid pa niya ito.Sunod sunod na napapalunok si Ivan sa takot sa kaniyang Kuya lalo na ngayong wala pa itong maalala, subalit nagtataka rin sila dahil noong mga nakaraan na dinalaw nila ito ay parang wala sa sarili at walang naiintindihan. Ang nakikita nilang Hari nila ngayon ay ang madalas nilang makita.“Kuya ako ito.” wika ni Ivan sa kaniyang Kuya subalit hindi man lang nagbago ang reaksyon nito at hindi man lang binitawan ang kaniyang kwelyuhan.Nanatiling galit ang mukha nito, wala siyang makilala sa kanilang lahat. Ni ang nakakabata niyang kapatid ay hindi niya maalala.“Kamahalan, si Ivan yan. Kapatid mo.” Pakilala pa ni James n
“Napapadalas yata ang pagtambay mo kapag gabi dito sa labas?” gabi na subalit pareho pa silang nasa labas. Naupo naman sa upuan si Amara habang si Clint naman ay nakahiga sa lamesa at nakatingin sa kalawakan.“I can’t sleep.” Tanging sagot niya.“You miss your family?”“I don’t know, maraming mga bagay ang gumugulo sa isip ko pero wala akong magawa kundi ang isipin lang iyun.” Napabuntong hininga naman si Amara. Alam niyang wala siyang maitutulong sa problemang iyun ni Clint. Wala siyang magawa bukod sa makinig na lamang dito. Hindi niya nasubukan ang magkaroon ng kaibigan at ng taong nagsasabi sa kaniya ng mga problema nila.“I’m always here, wala man akong maitulong pero makikinig ako sayo.” bumangon naman si Clint at tiningnan si Amara. Umupo ito para magpantay ang paningin nilang dalawa.“You’re a God sent Amara, when I need h