Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay halos gulat din siyang nakatingin sa akin. Paanong nangyaring nakapagsalita siya? Ilang minuto lang siyang nawala.“Ah, ah, ah.” Wika niya at kinokumpirma kung may boses na nga siya. Inilinga niya ang paningin niya habang ako ay nananatiling nakatingin sa kaniya.Nang hinila niya ako ay hindi na ako nakapagreklamo dahil yun pa rin ang nasa isip ko. Possible ba talagang mawala ang alaala ng isang tao ganun na rin ang boses niya tapos biglang gagaling? Anong spell ang binigay dito?Nang makarating kami sa isang lugar na wala ng tao ay saka niya ako hinarap.“I, I, I don’t know how to explain it.” Nauutal at nagtataka pa niyang saad. Halata rin ang pagkagulat sa kaniyang mukha.“Hindi ko alam kung paano basta nung naramdaman ko ang pag-aalala mo, ng maramdaman ng puso kong totoo yung ipinapakita mo sa akin. Bigla na la
Napahinto sa pagpepedal si Clint ng bigla kaming harangan nila Joshua. Mabilis akong hinarangan ni Clint at itinago sa likod niya.“Sinabi ko naman sayo Amara diba? Akin ka lang. At kung sino ang magtatangkang ligawan ka mananagot sa akin.” Anas niya, mas isiniksik ko ang sarili ko sa likod ni Clint. Marami sila at hindi kakayanin ni Clint ang mga ito.“Nakikiusap ako sayo Joshua, pauwiin mo na kami.” pakiusap ko sa kaniya pero nginisian niya lang ako, ngising demonyo.“Pakakawalan kita Amara pero hindi ang lalaking ito na nagtangkang agawin ka sa akin.” Masama ang titig niya kay Clint. Hinarang naman ni Clint ang sarili niya para hindi ko na makita ang nakangising si Joshua.“She’s a girl bro and you think she’s gonna like you back kung ipinakita mo ang masama mong ugali?” sabat ni Clint pero tinawanan lang siya ng grupo ni Joshua. Rinig ko ang buntong hininga ni Clint na
“You’re so beautiful Clint.” Hindi pa rin nawawala yung pagkamangha ko sa kaniya. I’m a dog lover even I don’t have one. Kung ganun totoo ang mga nasa libro at alamat. Paanong nangyaring ang isang lobo ay naligaw sa mundo namin?Kung ganun may dahilan kung bakit siya napunta sa gubat ng duguan. Kaya pala halatang kalmot ang mga sugat niya noon. Nagkaroon ba ng digmaan sa mundo nila kaya siya napadpad dito?Tiningala ko si Clint dahil sobrang laki niya.“Nakakapagsalita rin pala kayo kahit na nasa anyo kayong ganiyan?”“Well yeah? Maybe, I don’t know. Ni hindi ko alam na ganito ako, wala akong maalala Amara at hindi ko inaasahan na magtratransform ako sa ganito.” Wika niya, hinaplos ko pa ang mga malalambot niyang balahibo.Different creatures are exist and I can’t believe that I met one of them.“A beautiful creature that I’ve ev
“What are you doing here and who are you?” diin niyang wika, hinawakan naman ni Ivan ang kamay ng kaniyang Kuya na nakahawak sa kwelyo nito. Hindi na rin alam ng dalawa ang gagawin nila. Kilala nila kung paano magalit ang kanilang Hari, wala siyang kinikilala kahit na kapatid pa niya ito.Sunod sunod na napapalunok si Ivan sa takot sa kaniyang Kuya lalo na ngayong wala pa itong maalala, subalit nagtataka rin sila dahil noong mga nakaraan na dinalaw nila ito ay parang wala sa sarili at walang naiintindihan. Ang nakikita nilang Hari nila ngayon ay ang madalas nilang makita.“Kuya ako ito.” wika ni Ivan sa kaniyang Kuya subalit hindi man lang nagbago ang reaksyon nito at hindi man lang binitawan ang kaniyang kwelyuhan.Nanatiling galit ang mukha nito, wala siyang makilala sa kanilang lahat. Ni ang nakakabata niyang kapatid ay hindi niya maalala.“Kamahalan, si Ivan yan. Kapatid mo.” Pakilala pa ni James n
“Napapadalas yata ang pagtambay mo kapag gabi dito sa labas?” gabi na subalit pareho pa silang nasa labas. Naupo naman sa upuan si Amara habang si Clint naman ay nakahiga sa lamesa at nakatingin sa kalawakan.“I can’t sleep.” Tanging sagot niya.“You miss your family?”“I don’t know, maraming mga bagay ang gumugulo sa isip ko pero wala akong magawa kundi ang isipin lang iyun.” Napabuntong hininga naman si Amara. Alam niyang wala siyang maitutulong sa problemang iyun ni Clint. Wala siyang magawa bukod sa makinig na lamang dito. Hindi niya nasubukan ang magkaroon ng kaibigan at ng taong nagsasabi sa kaniya ng mga problema nila.“I’m always here, wala man akong maitulong pero makikinig ako sayo.” bumangon naman si Clint at tiningnan si Amara. Umupo ito para magpantay ang paningin nilang dalawa.“You’re a God sent Amara, when I need h
“Kung ganun kailangan nating patayin ang babaeng yun para bumalik si Clayton.” Wika ni Samantha, ang tanging paraan na naiisip niya.“Hindi ko gusto ang suhestiyon mo Samantha, hindi tayo papatay.” Si James“Hindi tayo papatay pero paano naman si Clayton? Kailangan natin siya, marami ang umaasa at naghihintay sa kaniya!”“I know! Baka may iba pang paraan, huwag kang padalos dalos ng desisyon Samantha, huwag kang gagawa ng mga hakbang ng ikaw lang. Hindi tayo papatay.” Gigil na saad ni James dito pero sinamaan lang siya ng tingin ni Samantha.“Mamamatay si Clayton kung hindi natin gagawin.” Pinal niyang saad, umiling naman sa kanila ng matanda.“Hindi niyo ba naiintindihan ang salitang sakripisyo? Hindi niyo pwedeng patayin ang isa sa kanila dahil lang sa kagustuhan niyong mabuhay ang isa. Sa gagawin niyong yan pareho silang mamamatay.” Singit ng ma
“Hindi ka pa ba maayos iho?” tanong ng matanda kay Clint na tahimik na kumakain sa hapag kainan.“Okay na ang mga natamo niyang sugat Lola pero yung alaala niya hindi pa.” sagot naman sa kaniya ni Amara. Nilingon ng matanda si Clint na inosente ang reaksyon ng mukha. Bumuntong hininga na lamang ang matanda at nakaramdam ng awa para sa binata. Inaalala rin niya ang naiwang pamilya ni Clint kung sakali.“May kaunti akong ipon jan, bakit hindi natin ipatingin ang kalagayan mo?” muling wika ng matanda. Nagkatinginan naman si Clint at Amara.“Wala namang magagawa ang mga Doctor Lola kung ipapatingin natin siya. Sasabihin lang din sa atin na baka nagkaamnesia lang siya at wala ni sino man ang makakagawang pagalingin siya.” Paliwanag niya sa kaniyang Lola na pinaniwalaan niya rin. Bahagya namang nginitian si Clint na tahimik lang naman.“I have nothing to say with your kindness Amara.&
“Akala ko talaga Kuya mananatili ka na lang dun sa babaeng nagligtas sayo. Hindi ka na babalik dun?” tanong niya.“Babalikan ko siya kapag naayos ko na ang sarili ko.” hindi man niya mismo nalaman ay alam niya ng may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa at hindi niya ito pwedeng ilayo sa babae.Napahugot na lamang siya ng isang malaking buntong hininga dahil hindi siya makapag-isip ng maayos, dahil kung wala siyang ginawang kilos ay mamamatay ang kaniyang kapatid.Habang naglalakad sila ay napahinto si Clint saka siya sumenyas na huwag silang maingay.Pinakiramdaman niya ang paligid.“LOLAAAAA.” Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig kahit na malayo layo na ang kanilang nilakad. Isang pamilyar na sigaw, kahit na malayo na sila ay naririnig pa rin nila ang ingay sa kanilang paligid dahil isa iyun sa kanilang mga kapangyarigan.Walang sinayang na oras si Clint at mabi
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you