“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso.
“Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot.Waaahh ang cute niya. “Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. “Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. “Anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya, ibinuka niya ang bibig niya pero walang lumabas na salita dun.
Hinawakan pa niya ang leeg niya dahil dun. Ngayon nakakunot na ang noo niya, ang gwapo niya.
“Nakakapagsalita ka ba?” tanong ko uli ibinuka niya uli ang bibig niya pero wala kaming narinig. Tiningnan niya ako habang nakanguso, waaahh huhu ang cute niya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. “Anong pangalan mo?” muling tanong ko sa kaniya, this time inilingan niya ako kaya nagkatinginan kami ni Lola. “Wala kang pangalan? Impossible naman yata yun. Lahat ng tao may pangalan.” Wika ko sa kaniya.Hinawakan niya naman ang leeg niya saka siya umiling kaya napakunot ang noo ko.
“Wala kang boses?” nagkibit balikat lang naman siya. Sinubukan ko pa siyang kausapin pero parang wala na siyang naririnig kaya hindi ko na lang din pinilit pa. Kinuha ko naman ang malaki kong damit at ibinigay sa kaniya.Tinitigan pa niya iyon saka niya inilagay sa ulo niya. Napasapo na lang ako sa noo ko sa ginawa niyang yun.
Ang laki ng katawan niya, ang mature niyang tingnan pero yung kilos niya parang bata! Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola saka siya lumabas. Kapag alam niyang safe na ako iniiwan niya na ako. “Isuot mo yang damit, ganito yan.” Itinuro ko sa kaniya kung paano gawin. Pinanuod niya lang naman ako na parang bata, ng hindi niya pa rin masundan ay kinuha ko na sa kaniya yung damit dahil nakakasawa siyang turuan. “Tara na at kumain, maghapon ka ring natulog kahapon ah.” Anas ko, tinulungan ko naman siyang tumayo at nagtungo na kami ng kusina.Naghihintay lang din sa amin si Lola.
Bago pa man kami makaupo ay dali dali siyang lumapit sa hapag kainan at halos manlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sinunggaban yung maga pagkain na akala mo ay isa siyang aso. Maging si Lola ay napatayo sa kinauupuan niya dahil sa ginawa niyang iyon. Pinanuod namin siya ni Lola na kumain na para bang wala ng bukas. Hinawakan niya ang mga mangkok saka niya isinubsob ang nguso niya na parang aso. Napatingin na lang ako sa magulong hapag kainan hanggang sa tingnan ko siya at nakatingin na rin sa akin ng napakainosente niyang mga mata.Napayuko na lamang ako at napasapo sa noo.
Anong gagawin namin sa lalaking to? Nang matapos siyang kumain ay ibinalik ko siya sa kwarto. He’s so childish my God, gwapo siya, maganda ang pangangatawan, matangkad pero yung isip niya dinaig pa ang isip ng bata! Dahil sa inubos niya lahat ng pagkain ay nagluto na lang uli kaming dalawa ni Lola. “Ano bang tao yan? Napakaisip bata niya.” saad ni Lola habang naghahain na. “Hindi ko rin po alam La, parang wala siyang alam sa mundo.” Umupo na ako at kinuha ang kutsara, ganun na rin si Lola saka kami sabay na kumain. “Wala akong tiwala sa mga mata niya.” biglang saad ni Lola sa matahimik naming pagsasalo. Kunot noo ko naman siyang tiningnan, bakit sa mga mata bumase si Lola? Dahil ba berde ang kulay non? Ang astig kaya parang mata ng mga asong lobo sa mga palabas. “Wala naman akong makitang mali sa mga mata niya Lola, ang gaganda nga eh.”“Huwag kang magtitiwala baka mamaya nagpapanggap lang pala yan na walang alam sa buhay.” “Eh Lola parang ganun na nga eh, napakaisip bata niya.” wika ko naman, ibinaba ni Lola ang kutsara niya kaya tiningnan ko siya. Sumilip pa siya sa pintuan bago tumingin sa akin. “Impossibleng wala Amara, natatakot ako para sayo lalo na at babae at bata ka pa. Kung wala siyang alam sa buhay bakit mo yan natagpuan sa gubat ng duguan at maraming sugat sa katawan? Mag-isip isip ka, maniniwala pa ako kung nakita mo yan ng walang sugat.”Bulong sa akin ni Lola, napaisip naman ako dahil dun. Bakit nga ba? Bakit hindi ko naisip yun. Nilingon ko ang pintuan kahit naman na hindi ko siya makikita dun.
Ano nga bang nangyari sa kaniya at bakit siya duguan? Marami rin akong tanong pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang panlinis ng sugat at benda para gamutin ang sugat niya. Naabutan ko naman siyang nakatitig sa teddy bear kong aso, para siyang tanga kung titingnan mo. Napailing na lang ako ng kinalabit niya yung teddy bear ko, akala mo naman makakapagsalita yun. “Tumayo ka jan at sumunod ka sa akin.” Agaw atensyon ko sa kanya. Tiningnan lang naman niya ako kaya napairap na lang ako dahil dun. Nilapitan ko siya at hinila palabas saka kami naupo sa sa tambayan ko dito sa labas. Wala ng sabi sabi ko siyang hinubaran ng damit tutal parang bata lang naman siya kahit na nakakadistract yung katawan niya. Nakatingin lang naman siya sa akin ng walang emosyon ang mukha. Tinanggal ko ang benda niya sa katawan at napakunot noo na lamang ako ng may mapansin ako dun. Inalis ko na muna lahat ng benda niya at tiningnan ang mga sugat niya. Nawala ang mga sugat niya na parang karamot. Ang tanging natitira na lang ay ang malalim niyang sugat. Tiningnan ko siya at nakatingin lang naman siya sa akin. Paanong nangyaring sa loob lang ng isang araw gumaling yung mga sugat niya? Tumayo ako at tinitigan ang kabuuan niya, parang may mali kasi. Nagkaroon ako ng sugat sa kamay dahil sa kutsilyo pero maliit lang yun, inabot pa yun ng tatlong araw bago gumaling pero siya? Malalalim ang karamot sa katawan niya pero nawala sa loob lang ng isang araw. “Amara” rinig kong tawag sa akin ni Lola kaya mabilis kong ibinaba ang damit ng lalaking ito. “Bakit po La?” tanong ko at hindi nagpahalata. Tiningnan naman ni Lola itong lalaking ito at ang mga gamot na gagamitin ko sana sa kaniya. “Pupunta lang ako sa bayan para bumili ng mga makakain natin, kapag may ginawa yang lalaking yan sayo. Tanggalin mo yang kwintas mo. Naiintindihan mo?” napahawak naman ako sa kwintas ko, anong meron dito?“Maliligtas ba ako ng kwintas Lola?” tanong ko pa sa kaniya. “Basta gawin mo na lang kapag may ginawa siya sayo.” wika niya kaya tumango na lang ako. Anong magagawa nito? Pinanuod ko pang umalis si Lola bago ko ibinalik sa lalaking ito ang atensyon ko. Muli kong tiningnan ang mga sugat niya pero wala na talaga dun bukod sa malalim niyang sugat kahapon na unti unti na ring naghihilom. Anong klaseng tao ba ito? wala pa akong nababalitaan na mabilis maghilom ang sugat niya.Impossible naman sa gamot ni Lola dahil kung yun nga ang dahilan edi sana ginamot niya na sa akin noong nagkakasugat ako noong bata ako.
“Wala ka ba talagang maalala? Kahit pangalan mo lang? Hindi ka talaga makapagsalita?” sunod sunod kong tanong sa kaniya pero para akong nakikipag-usap sa pader dahil nakatingin lang siya sa akin na akala mo nanunuod lang. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala akong makukuhang sagot sa kaniya. “Kapag nalaman kong niloloko mo kami humanda ka talaga sa akin.” Pagbabanta ko sa kaniya. “Jan ka lang naiintindihan mo.” Usal ko, iniwan ko naman na siya dun sa labas dahil marami pa akong trabaho dito sa bahay. Kailangan ko pang maglaba.Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan? Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. “May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. “Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. “Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. “Oh ikaw
Ibinaba ko na yung mga dala dala ko pero hindi yung pagkain dahil dun nanaman lang siya nakatingin. Akala mo hindi pinapakain eh.“Huwag mong kakainin yan.” Saad ko sa kaniya ng ibaba ko yung pagkain niya.“Umupo ka dito, gagayahin mo ako naiintindihan mo?” hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Umupo na siya sa tabi ko at palingon-lingon sa akin. Para akong nagtuturo ng batang hindi pa marunong kumain. Kinuha ko ang isang kutsara at tinidor saka ko iniabot sa kaniya. “Gagayahin mo yung gagawin ko, okay?” dinemo ko sa kaniya ang paggamit ng kutsara at tinidor at kung paano saka ko siya tiningnan.“Ikaw naman, now eat.” Utos ko sa kaniya. Binitawan niya naman yung hawak niyang kutsara at tinidor saka niya isinubsob ang bunganga niya sa plato, napahilot na lang ako sa sintido ko dahil dun. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito para magkaintin
Nang makarating sila sa pamilihan ng mga damit ay iginilid na rin ni Amara ang bike niya at bumaba na rin si Clint.“Ang gwapo niya, para siyang hulog ng langit.” Bulong ng mga kababaihan.“Grabe ang swerte ni Girl, ang sweet sweet nila.” Dagdag pa nilang bulong subalit hindi na iyon pinansin ni Amara.“Tara na.” wika niya kay Clint saka niya ito hinawakan sa kamay. Papasok na sana sila sa loob ng bilihan ng mga damit ng bigla silang harangin ng ilang kababaihan.“Siguro ginayuma mo yan ano kaya nakuha mo.” Mataray na saad ng isang babae. Blangko lang naman nilang tiningnan ang mga babaeng nakaharang sa daraanan nila.“Hindi ako marunong manggayuma saka kung magmamahal lang din naman ako hindi ko yun gagawin para lang mahalin ako pabalik.” Sagot niya pero tinawanan lang siya ng mga babae.“Eh ano pa bang ginawa
AMARA POVMabilis ko siyang inalis sa mga nagkukumpulang tao, may sumisigaw pa sa amin pero hindi ko na pinansin at mabilis kong kinuha ang bisekleta ko saka isinakay si Clint dun. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung si Clint ba na nabagsakan ng bakal o ang nakita ko sa ulo niya.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo talaga ang nakita ko. Sa sobrang taranta ko na rin naipunas ko sa damit ko ang dugo ni Clint. Umalis kaming dalawa at tinahak na ang daan pauwi sa amin.Hindi pala kami pwedeng umuwing dalawa ng ganito ang itsura namin. May dugo rin sa ulo ni Clint at sa damit niya ganun na rin ako at paniguradong magtataka si Lola. Iniliko ko ang bisekleta ko patungong ilog, kailangan naming maghugas na dalawa at gusto ko ring masigurong wala na nga talaga ang sugat ni Clint.Nang makarating kami sa ilog ay mabilis kong hinila si Clint at nagtungo kaming dalawa sa
Hindi ko maitatagong gusto ko ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Lalaking lalaki na siyang tingnan kumpara sa madalas kong makita sa kaniya. Ang wala lang sa kaniya ay boses, paanong wala siyang maalala? Hindi kaya nagkaamnesia siya?“Wala ka ba talagang matandaan sa katauhan mo kahit isa?” muli kong tanong sa kaniya pero inilingan lang niya ako. Kung ganun nga ay amnesia? Pero naguguluhan ako. Paanong bigla na lang siyang nakaalala ng makita niya ang mukha kong nag-aalala? How is that possible?Possible ba ang ganung bagay? Mukha akong masisiraan ng bait dito.Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Kailan pa naging gamot ang taong nag-aalala sa taong walang maalala?Nasosobrahan na yata ako sa kababasa, parang wala itong pinagkaiba sa binasa kong libro noong nakaraan eh. Tungkol sa taong naging halimaw at isang tunay na pag-ibig ang makakapagpabalik sa dati niyang anyo.
“Kahit isa ba wala kang maalala? Kahit sa gubat, kung anong nangyari sayo dun.” Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya saka yumuko at pinagsalikop ang dalawang palad saka siya umiling sa akin. “Nang makita ko rin yan hindi ko maiwasang hindi magduda o matakot sayo.” wika ko habang nakatingin sa harapan ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ako lumingon.Ganito pala ang pakiramdam na may nakakausap ka ring ibang tao, hindi ko naman sinasabing hindi maganda kausap si Lola pero nasanay kasi akong siya na lang ang nakakausap ko at hindi ko maipaliwanag yung sayang nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya. Hindi ko nga masiguro kung magkaibigan nga kami pero masaya ako dahil kahit papaano may ibang taong nasa tabi ko.Nilingon ko siya ng kalabitin niya ako, napatingin naman ako sa hawak niyang papel na iniaabot sa akin.“I can’t blame you if you&rsqu
Parang bumagal ang oras sa aming dalawa, wala na akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko at wala na akong makita kundi ang gwapo niya at nag-aalala niyang mukha.“What a lucky girl.” Rinig ko pang bulungan sa paligid namin. Nanatili akong nakatitig sa kaniya ng marealize ko ang ayos naming dalawa. Mabilis akong bumaba at inayos ang damit ko.Nahihiya pa akong tingnan ang mga taong nakatingin sa amin, hindi ka kasi nag-iingat.“Salamat.” Wika ko saka ko siya tinalikuran at hinarap ang ibang customer, ng maramdaman kong nandun lang siya sa likod ko ay hinarap ko siya.“Dun ka na lang sa loob, kami ng bahala dito.” Wika ko pero inilingan niya lang akong parang bata.“Acckk ang gwapooo.” Tili ng isang babae pero hindi pinansin ni Clint.“Taken na yan kaya tumigil na kayo sa pagpapantasya. Nakaharap na nga yung
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay halos gulat din siyang nakatingin sa akin. Paanong nangyaring nakapagsalita siya? Ilang minuto lang siyang nawala.“Ah, ah, ah.” Wika niya at kinokumpirma kung may boses na nga siya. Inilinga niya ang paningin niya habang ako ay nananatiling nakatingin sa kaniya.Nang hinila niya ako ay hindi na ako nakapagreklamo dahil yun pa rin ang nasa isip ko. Possible ba talagang mawala ang alaala ng isang tao ganun na rin ang boses niya tapos biglang gagaling? Anong spell ang binigay dito?Nang makarating kami sa isang lugar na wala ng tao ay saka niya ako hinarap.“I, I, I don’t know how to explain it.” Nauutal at nagtataka pa niyang saad. Halata rin ang pagkagulat sa kaniyang mukha.“Hindi ko alam kung paano basta nung naramdaman ko ang pag-aalala mo, ng maramdaman ng puso kong totoo yung ipinapakita mo sa akin. Bigla na la
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you