Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

last updateLast Updated : 2021-10-12
By:   writerNJ017  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.

View More

Latest chapter

Free Preview

Unang Kabanata

Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Unang Kabanata
Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Ikalawang Kabanata
Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak. Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha. “Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Ikatlong Kabanata
Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw. “Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit. “Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay. Sa kabilang banda
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Ikaapat na Kabanata
“H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!”  Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg.  “N
last updateLast Updated : 2021-10-12
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status