Share

Ikaapat na Kabanata

Author: writerNJ017
last update Huling Na-update: 2021-10-12 09:16:57

“H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!”

“Azro!” 

Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo.

“Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.”

Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. 

“N-Nay?” mahina niyang bungad nang kaniyang maananigan ang isang may katandaang babae sa tabi ng kaniyang hinihigaan. 

“Anak…” mabilis siyang niyakap ng kaniyang ina at dumaloy ang mga luha nito sa tuwa. 

Gusto man niya itong yakapin pabalik, ngunit hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga kamay. Tila nangmamanhid ang mga ito. Humagulgol sa tuwa ang kaniyang ina sa kaniyang balikat, ngunit hinayaan na lamang niya ito. 

Bumukas ang pintuan ng kaniyang silid, at iniluwa nito ang isang binatang halos kasing-edad niya lamang-si Reigh. Natigilan muna ito sandali nang magtama ang kanilang mga tingin, at maya-maya’y naluluha itong tumakbo papunta sa kanila at niyakap siya sa kabila. “Pare…” sobrang tuwang-tuwa ito. 

Nang bumitaw ang dalawa sa kaniya, gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa dalawa.

“Ikaw na muna’y magpahinga, anak. Nagugutom ka na ba?” tanong ng ina sa kaniya. 

Tumango naman siya. “Nagugutom na ho ako, nay.”

“Oh siyah, ako’y bibili lang ng iyong makakain, at dadaanin ko na rin ang iyong doctor,” sabi ng ina. Tumango naman si Azro sa kaniya, saka siya umalis. 

Natahimik ang silid ng ilang sandali. Umupo si Reigh sa bandang gilid kung saan maaaring umupo ang mga bisita, habang si Azro naman ay nakatingin sa kaniyang kaliwang kamay-sinusubukan niya itong galawin. Hindi niya rin alam kung ano nga ang sasabihin sa kaibigan, at hindi niya rin alam kung tama bang sisihin si Reigh sa nangyari. Nangyari. Napaisip bigla si Azro. Naalala niya ang babaeng iyon sa kagubatan. Naramdaman niya uli ang takot at paninindig ng balahibo, ngunit tila may kakaiba. Ang babae. Bakit tila may kung ano sa kaniya na nakakapagpabagabag sa kaniyang isipan? Ang kaniyang mga mata. Nanlilisik man ito nang kaniya itong makita, ngunit kung hindi siya nagkakamali ay may bakas ito ng takot at pag-aalinlangan. Ang kaniyang mukha… hindi mukha ng kakaibang nilalang, kundi isang babaeng may tinatagong kagandahan. Hindi kaya tao ang kaniyang nakita? Ngunit napakaimposible…

“Pare…” 

Nagulat siya sa pagtawag ng kaniyang kaibigan, “B-Bakit, p-pre?” 

Kumunot ang noo ni Reigh. “Ayos ka lang ba? Gusto mo bang tawagin ko ang iyong doctor? Baka nakalimutan ng iyong ina na tawagi-”

“H-Hindi,” mabilis niyang sagot. 

Bumakas ang pagtataka ni Reigh sa kinikilos ng kaibigan. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” Sa kaniyang boses ay bakas ang pag-aalala rin.

“Ayos lang ako, pare. Pero sana, kung ano man ang nangyari doon, eh ‘wag mo na ipaalam sa iba. Ayokong masira kung ano man ang kanilang prinoprotektahan doon,” sabi niya. 

“Sadyang wala akong masasabihan tungkol sa nangyari doon kasi wala akong alam sa nangyari sa’yo. Narinig lang kitang tinatawag ang pangalan ko at humahangos ka habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng sasakyan natin. Nawalan ka na ng malay sa hindi kalayuan, kaya agad kitang inalalayan at dinala dito sa hospital. Una kong tinawagan ang kapitbahay niyo para ipaalam sa pamilya mo kung nasaan ka,” mahabang salaysay ni Reigh. 

Natahimik si Azro. Hindi na niya masyadong maalala ang buong detalye ng pangyayari. Ang tangi niyang naaalala ay ang babaeng umatake sa kaniya.

“Ano bang nangyari doon?” tanong ni Reigh sa kaniya. 

“W-Wala. Hayaan mo na ‘yon.”

“Hayaan? Sobra yung pag-alala ko sa’yo dahil umaagos yung dugo sa leeg mo tapos ngayon sasabihin mo sa’king hayaan ko na lang ‘yon? Pare, ‘wag mo naman sana ako bigyan ng malaking katanungan sa utak ko tungkol sa nangyari sa’yo. Paano kung malaman to ng boss natin at tanungin ako sa nangyari? Ano sasabihin ko? ‘Hayaan’?”

Napailing si Azro sa kadaldalan ng kaibigan. Sadyang napakadaldal niya. Parang babae. 

“Sa susunod ko na lang iku-kuwento iyon. Hindi ko pa nga magawang galawin buo kong katawan, eh,” ani Azro. 

Bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ina, kasama ang isang hindi katandaang lalaking nakasuot ng puting unipormeng pang-doktor. Inilapag ng ina ang kaniyang mga supot ng prutas sa mesang nakapwesto sa bandang gilid ng higaan ni Azro, at lumayo-layo ito ng bahagya. 

“Buti naman at gising ka na, Azro,” ngumiti ang doktor sa kaniya habang may kung ano-ano itong sinusulat sa dala-dala niyang tsart ng medisina. “Hindi gaanong malalim ang sugat mo, ngunit kailangan mong magpahinga ng ilan pang araw dito sa hospital. Ano ba ang kumalmot sa iyo’t nagtamo ka ng ganyang sugat?”

Hindi nakasagot si Azro. Hindi niya nais sabihin kung ano man ang kaniyang nakita roon dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan sa mga naninirahan doon. Alam niyang kung malalaman ito ng isang tao, maaari itong malaman din ng iba.

“Azro?”

“P-Po?” 

“Dok, maaari ho bang mamaya na lang po ninyo siya tanungin? Mukha pong hindi pa siya handang isalaysay ang lahat.”

Napahinga ng maluwang si Azro nang sagipin siya ng kaibigan. Nakatingin lang sa kaniya ang doktor, tila sinusuri ang kaniyang nararamdaman, at hindi ito maganda kay Azro. Ilang sandali lang ay tumango ang doktor at sumang-ayon sa sinabi ni Reigh. Nagpaalam ito sa kanila at umalis. Nagkatinginan ang dalawa, ngunit wala silang pinakawalang mga salita. Lumapit ang ina ni Azro sa anak, at hinaplos nito ang buhok. “Gusto mo bang kumain? Susubuan na kita.”

“Hindi na, Nay. Magpapahinga na muna po ako,” akmang pipikit na sana si Azro nang magsalita si Reigh. “Dalawang araw ka ng nakahiga diyan, tapos paggising mo, magpapahinga ka ulit?”

Nangunot ang noo ni Azro, “A-Anong dalawang araw?”

“Mas mabuting kumain ka na lang muna bago ka magpahinga ulit kung nais mo mang magpahinga,” suhestiyon ng ina, at tumango naman si Azro. 

**************************************************************************************

Sa kagubatan ng Aerabella…

“Iyan ang aking tinutukoy noon pa man. Ngayon, alam na ninyo kung ano ang aking nais ipahiwatig noong siya’y dalhin sa ating tribo,” ani ng isang lobo sa kanilang lenggwahe habang kinakausap ang ilang taong-lobo sa labas ng palasyo. 

“Ngayon ay sadya na ngang nanganganib ang ating tribo!” 

Bulung-bulungan ng sisihan ang maririnig sa bawat bibig ng mga naninirahan doon, panay ang paninisi kay Sudara dahil sa takot ng panganib na maaaring dumating sa kanila, ngayong may isang taong nakaligtas sa bangis ng kanilang angkan. 

“Nag-aapoy ang aking galit sa batang iyon!”

“Ngayon niyo sabihing nababagay pa rin siyang mabuhay sa ating tribo.”

Sa loob ng silid kung saan nakahiga si Sudara, naririnig ng ina ang usapan. Nakaupo siya sa kahoy na upuan malapit sa dungawan, habang nakatingin sa malayo. Nais niya mang ipagtanggol ang kaniyang anak, ngunit alam niyang hindi pa nasa tamang oras upang ibuga niya ang apoy ng galit sa mga nanghuhusga sa biyayang bigay sa kaniyang buhay. 

“Kumusta ang iyong anak?”

Lumingon si Sadi sa pintuan. Nakatayo doon ang reyna habang nakatingin sa walang malay niyang anak. Hindi mabasa ang kaniyang emosyon sa kaniyang mukha. 

“Hindi maganda ang kaniyang kalagayan, Ina. Ang mga tao’y siya ang sinisisi sa maaaring mangyari sa susunod na mga araw,” sagot ni Sadi, sabay buga ng mapait na hangin. 

“Walang dapat sisihin sa ganitong sitwasyon sapagkat ang nangyari ay aksidente at walang nag-aakalang mangyayari nga ito,” sabi ng reyna. 

“Alam ko naman iyon, Ina, at nais ko siyang ipagtanggol, ngunit hindi maaari. Alam ng halos lahat ang tungkol sa aking anak, at hinding- hindi ko nanainisin na malaman niya ang lahat ng hindi pa sa tamang oras,” bakas ng kalungkutan ang tono ng pananalita ni Sadi. 

Sumilay ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ilang sandali lamang ay bumukas ang pintuan ng silid, at iniluwa si Aboli. Magalang siyang yumuko sa mag- ina bago magsalita. “Paumanhin sa aking biglaang pagpasok, Reyna at Prinsesa. Ako’y sadyang nag-aalala sa inyo.”

“Wala kang dapat ipaghingi ng paumanhin, Aboli. Kaibigan ka ni Sudara at ng aking anak,” sabi ng reyna, na siyang nagbigay ngiti kay Aboli.

“Sadyang napakabuti mong taong-lobo, Reyna.”

Sinuklian naman siya ng magandang ngiti. Hindi nagtagal, iminulat ni Sudara ang kaniyang mga mata, at nang kaniyang makita ang kaniyang ina’y agad niya itong niyakap ng may kasamang pagsisisi at pag-aalala, “Ina, patawad,” unang sambit nito nang mayakap ang ina. Mabilis na nangilid ang kaniyang mga luha. 

“Bakit ka nanghihingi ng tawad sa akin, anak?” bumitaw si Sadi sa kaniyang anak, at hinaplos haplos nito ang mukha ni Sudara, pinapahid ang mga luha.

Napayuko si Sudara. “Sapagkat hindi ako nag-iingat.”

Lumapit ang reyna, at umupo sa kabilang gilid ng kaniyang higaan. Ngumiti siya kay Sudara at hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Hindi mo sinasadya ang nangyari, kung kaya’t huwag kang manghingi ng tawad. Walang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari,” pagpapatahan nito. 

Nakahinga ng maluwag si Sudara, ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang paninisi sa sarili. Hindi naman tumigil ang mag-ina sa pagpapatahan sa kaniya hanggang sa makumbinsi siyang wag isisi sa kaniyang sarili ang lahat. 

Kaugnay na kabanata

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

    Huling Na-update : 2021-09-29

Pinakabagong kabanata

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status