Share

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness
Author: writerNJ017

Unang Kabanata

Author: writerNJ017
last update Huling Na-update: 2021-09-29 10:57:39

Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospital sa gabing iyon upang ilayo ang anak sa kaniya.

Kaniya ring napagtantong ang sanggol na iyon ang dahilan ng pagkawasak ng kaniyang kinabukasan. 

“H-Hindi ka n-nababagay na-na mabuhay! Isa kang salot!” mahina ngunit dama ang galit sa boses ng babae habang kinakausap ang munting sanggol na mahimbing ang tulog sa loob ng telang nakabalot sa kaniyang katawan. 

Walang dumadaan sa mga oras na iyon dahil napakalalim na ng gabi. Tanging ang mga ilaw sa gilid ng kalye ang nagbibigay liwanag sa kanilang dalawa. Sa kaniyang paglalakad ay napadaan siya sa isang gubat na tinatawag na Aerabella. Napahinto siya’t napatingin sa loob ng kagubatang malamig at madilim. Nanginginig ang kaniyang buong katawan dahil sa magkahalong takot sa kagubatan nan ais niyang suungin at galit sa kaniyang dala-dalang sanggol. Dahan-dahan niyang inihakbang ang nanginginig na paa papunta sa kagubatan. Habang siya’y papalayo sa kalsada ay mas lalo namang dumidilim ang kaniyang dinaraanan at mas lalong lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Tanging maririnig lamang sa paligid ay ang huni ng sari-saring insekto at alulong ng mga aso sa di-kalayuan. Dumagdag sa kaniyang takot ang kaluskos ng mga tuyong dahon na kaniyang naaapakan. Bumuhos lalo ang kaniyang luha, nagdarasal na sana’y hindi magising ang munting batang kaniyang dala na maaaring magdulot sa kanila ng kapahamakan. 

“Grrrrrrrr…”

Napasinghap ang babae nang kaniyang marinig ang mahinang ungol sa hindi matukoy na direksiyon. Napahinto siya sa kaniyang paglalakad at nagpalinga-linga ngunit wala siyang makita dahil sa kadiliman. Bumibigat ang kaniyang nararamdaman kasabay ng mas lalong pagkalabog ng kaniyang dibdib. Hingal na hingal na siya at tila nanghihina na ang kaniyang buong katawan sa takot. Dahan-dahan niyang inilapag ang bata sa lupa at mabilis na tumakbo paalis ng kagubatan upang makaligtas.

Sa di-kalayuan ay makikita ang isang malaking lobong nanlilisik ang mga mata habang nakamasid sa kinaroroonan ng sanggol. Nakalabas ang mga pangil nito- handang dumakma sa kaniyang nakikita. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng sanggol, nagbabalak na dakmain ito kung sakaling siya’y atakihin. Ngunit nang kaniya itong makita ay tila napaamo ang kaniyang mukha. Nagpalit ang lobo ng anyo bilang isang magandang babaeng nakasuot ng puting saplot na may manipis taling itim na gawa sa balat ng hayop sa kaniyang bewang. Siya’y napakaganda, tila dyosa ng kagubatan. Makinis ang kaniyang kayumangging balat, napakahaba ng tuwid at itim na buhok. Ang kaniyang mga labing nakangiti ng tunay na kaligayahan ay mapula at ang kaniyang mga matang kulay itim ay mapupungay na namamangha sa kaniyang nakita. Mahaba ang kaniyang mga pilik-mata at napakaperpekto ng hugis ng kaniyang mga kilay. Hindi katangusan ang kaniyang ilong, ngunit perpekto rin ang hugis nito. 

“Napakagandang biyaya…” ‘yon ang unang lumabas sa kaniyang bibig gamit ang kanilang sariling lenggwahe. Nakangiti niyang dahan-dahang kinarga ang bata sa kaniyang balikat at inamoy-amoy ito. Natuwa siya’t hinagkan ang sanggol, “Ikaw ay napakagandang biyaya,” pag-uulit nito at mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon papunta sa lugar ng kaniyang mga angkan- mga taong lobo.

Nasa kalagitnaan ng kagubatan ang kanilang tirahan, kung saan makikita ang mga tirahang gawa sa mga kahoy at balat ng hayop. Halos pare-pareho ang hugis at laki ng mga bagay doon at magkakatabi rin. Tanging ang isang mataas na bahay na may iba’t ibang dekorasyon ang naiiba sa lahat-ito ang bahay ng pamilya ng hari’t reyna ng Aerabella. Ang maliwanag na buwan ang siyang nagsisilbing ilaw sa kanilang lugar. Abala ang ilang taong-lobo sa iba’t ibang gawain.

“Ina! Ina!” tawag niya sa babaeng nakasuot ng pulang saplot na may manipis na taling itim din sa bewang at may nakapatong na koronang kahoy sa ulo-reyna ng Aerabella. Napakabata niyang tingnan na tila ba nasa dalawampung taon lamang, ngunit ang totoo’y mag ta-tatlong daang taon na ang kaniyang edad. Halos magkamukha sila ng prinsesa, ngunit ang kaniyang mga mata ay kulay kape at may kaputian ang kaniyang balat.

“Ano ang iyong dala, mahal naming Prinsesa Sadi?” pagsasalubong ng isang dalagang nakasuot ng saplot na gawa sa balat ng hayop. Kagaya ng iba, mayroon din siyang tali sa bewang.

“Siya ay isang biyaya sa aking buhay, Aboli,” masayang tugon ng prinsesa sa kaniya sa kanilang lenggwahe. Kaniyang ipinakita kay Aboli ang sanggol, ngunit hindi natuwa ang dalaga nang kaniyang maamoy na hindi ito kauri nila. 

“Ngunit, siya ay hindi katulad natin, Mahal na Prinsesa,” ani ni Aboli, ngunit tanging ngiti lang ang isinukli ni Sadi sa kaniya. 

“Ano ang iyong dala, Anak?” lumapit ang reyna sa kanila.

“Ina, siya’y napakagandang biyaya sa aking buhay,” masayang balita ng prinsesa sa kaniyang ina sabay na ipinakita ang sanggol. Natigilan ang reyna nang makita ang sanggol, ngunit hindi siya nagpakita ng pagkadismaya o hindi pag sang-ayon sa pagtanggap nito.

“Siya’y papangalanan kong Sudara Boone, sapagkat napakahusay niyang biyaya sa aking buhay,” ani Sadi.

“Aking tatawagin ang iyong ama at uutusan ko ang mga kawal na ipatawag ang lahat upang ito’y ipaalam,” sabi ng reyna bago ito tumalikod.

Si Sadi ay nag-iisang anak ng mahal na hari’t reyna ng Aerabella. Siya ay may asawa, ngunit ito ay nasawi ilang taon na ang nakakalipas matapos itong makipag-away sa isang taong mangangaso. Sa kanilang pag-aaway, natalo ng kaniyang asawa ang mangangaso. Napabulagta ito sa damuhan na duguan at nanghihina, ngunit nagawa nitong barilin ang taong lobo na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi. Sa loob ng kanilang pagsasama noong nabubuhay pa ito ay hindi sila biniyayaaan ng kahit isang anak man lang, kaya labis ang kaniyang tuwa nang makakita siya ng sanggol, kahit pa man ito ay hindi kaniyang kauri.

“Hindi maaari ang kaniyang nais, Fariha! Ipapapatay ang sanggol na iyon,” galit na sigaw ng hari sa kaniyang asawa nang ipagtapat ng reyna ang tungkol sa dalang sinasabing biyaya ng kanilang anak. 

“Ngunit, Emad, ito ang kaniyang pangarap noon pa man. Hindi ko nais na ipagkait ang kaniyang kaligayahan,” sabi ng reyna sa kanilang lenggwahe.

“Ngunit naiisip mo ba ang maaaring maging kahihinatnan nito? Paano kung hanapin siya ng mga tao? Matunton nila ang ating lugar at mangyari ulit ang nangyari noon sa kaniyang asawa,” sa tinig ng hari ay maririnig ang pag-aalala at pagiging isang tanyag na tagapangulo ng kanilang angkan.

Hindi na nagsalita pa ang reyna, ngunit sa kaniyang mga mata ay mababasa ang pag-aalinlangan. Natahimik silang dalawa ng ilang sandali, ngunit binasag rin ito ng hari at sinabing, “Ipatawag ang buong angkan, at ang desisyon ng karamihan ang aking susundin.” 

Magkahalong tuwa at pag-aalala ang naramdaman ng reyna at agad itong umungol, senyales na tinatawag ang kanilang mga kawal. Kaniya silang inutusan na tawagin ang lahat upang magkaroon ng pagpupulong sa labas ng kanilang tinatawag na palasyo at agad naman itong sinunod ng mga malalaking lobo. 

“Ina, Ama…” pumasok si Sadi sa loob ng kanilang bahay, dala pa rin ang sanggol. Hindi umimik ang kaniyang ama. Nagpalit ito ng anyo bilang lobo at pumasok sa kaniyang silid. Napansin ito ni Sadi at akma na sana niya itong susundan, ngunit pinigilan siya ng ina, “Ina…”

Ngumiti ang reyna sa kaniya, “Hayaan mo na lang muna ang iyong ama sa ngayon sapagkat siya ay naguguluhan,” ani nito.

“Ina, hindi ko alam kung paano ba siyang bubuhayin. Wala akong alam tungkol sa buhay ng mga tao,” nag-aalalang ani Sadi habang nakatingin kay Sudara na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. 

Bago pa man makapagsalita ang reyna ay narinig na nila ang alulong ng isang kawal, hudyat na ang kaniyang utos ay nagawa na. Mabilis namang lumabas ang reyna kasama si Sadi at sumunod sa kanila ang kanilang ama. 

Kung titingnan, tila mga normal na tao ang nagkukumpulan sa harap ng palasyong gawa sa kahoy. May ilan-ilang mga lobo na palakad-lakad at ang iba’y umuungol. Sa pag alulong ng dalawang kawal, natahimik ang lahat at napukol ang kanilang pansin sa hari, reyna at prinsesa. 

“Isang balita ang aming ihahatid sa lahat…” pagsisimula ng hari sa kanilang lenggwahe, “…na galing sa ating mahal na prinsesa,” tumingin ang hari sa kaniyang anak at nagbigay ito ng hudyat na siya ang magsalita sa kaniyang nais ipahayag na balita.

Kinakabahan na inilahad ng prinsesa ang sanggol sa lahat, at marami ang napasinghap sa gulat. Nagsimula ang bulong-bulungan. Napatingin si Sadi sa kaniyang ama’t ina.

“Ang batang ito ay aking nakita sa di-kalayuan. Aking nasaksihan kung paano siyang kaawa-awang iniwan ng babaeng maaaring kaniyang ina. Akma ko na sana siyang kakainin, ngunit nang aking makita ang kaniyang mukha ay tila nabihag ang aking damdamin. Nawa’y siya’y inyong tanggapin at tulungan akong siya’y mapalaki ng maayos ng tulad sa ating kinagawiang buhay,” mahabang salaysay niya sa lahat. 

“Ngunit siya ay hindi natin kauri, maaaring mangyari ulit ang nangyari noon sa iyong asawa kung siya ay ating tatanggapin sa ating tribo,” sabi ng isang babaeng taong-lobo.

“Siya ay tama.”

“Ngunit ano ang maaaring gawin sa sanggol na iyan? Walang taong halos pumupunta sa gubat na ito na maaaring makaligtas sa kaniya.”

“Paano siyang mabubuhay dito?”

“Siya ay biyaya sa buhay ng prinsesa. Sa wakas ay narinig rin ng Bathala ang kaniyang kahilingan na magkaroon ng anak!” 

Marami ang sang-ayon at hindi sang-ayon, ngunit sa huli ay napagdesisyunang hayaang mabuhay ang bata sa balikat ng kaniyang bagong ina. Sa tulong ng ilang taong lobong malayang nakakalabas ng kagubatan tuwing gabi upang mag-aral tungkol sa mga tao, naging madali sa prinsesa na palakihin si Sudara.

Lumaking maayos naman ang sanggol. Sa kaniyang pagtuntong ng dalawang taon, siya’y sinimulang turuan ng kanilang lenggwahe at natural na gawain bilang taong lobo.

Kaugnay na kabanata

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

    Huling Na-update : 2021-10-12

Pinakabagong kabanata

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status