Share

Ikalawang Kabanata

Author: writerNJ017
last update Last Updated: 2021-09-29 11:03:45

Labindalawang taon ang nakalipas…

“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak. 

Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha. 

“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Mahaba ang kaniyang kuko, gamit sa anumang bagay na maaari niyang kalmutin anumang oras. Sakto lamang ang katangusan ng kaniyang ilong. Hindi gaanong mahaba ang kaniyang mga pilik-mata at mahusay ang hugis ng kaniyang manipis na mga kilay na may marka ng galis ng isang kuko sa kaliwang banda.

“Kung gayon ay sasabihan ko ang amang sanayin ka sa pangangaso,” tugon ng ina at napapalakpak naman sa tuwa ang anak. 

Sa pagdating ng hari, agad na ibinalita ni Sadi ang nais ng kaniyang anak, at ito naman ay walang emosyong pumayag. Ilang taon na ang nakalipas simula nang si Sudara ay nasa kanilang kaharian, ngunit hindi pa rin buong pusong tanggap ng hari ang bata. Tila may kung ano sa kaniyang isipan na siyang bumabalakid sa kaniyang pagtanggap sa batang iyon. 

Huminga ng malalim si Sudara nang kaniyang mapansin ang hindi kaaya-ayang pagpayag ng hari, “Ama…”

Walang emosyon na tumingin sa kaniya ang hari, “Alam ko ang naiisip mo, Sadi, ngunit tama ang iyong hinala. Hind ko nais pang pag-usapan ang tungkol sa kaniya. Akin siyang sasanayin kung nais niyang maging tulad ko, ngunit hindi ko masasabing siya ay katanggap-tanggap sa ating angkan,” mahabang salaysay ng hari sabay na naupo sa mesang mahaba na gawa sa mga kahoy.

“Ngunit, Ama-”

Itinaas ng hari ang kaniyang isang kamay, senyales na hindi nito nais pang marinig ang susunod pa nitong sasabihin, kung kaya’t walang nagawa si Sadi, kundi ang pumasok sa kwarto ng anak upang kausapin ito. 

“Ano ang sabi ng ama, Ina?” nasasabik na tanong ng anak sa kaniyang ina.

Malungkot man ay pilit ngumiti si Sadi sabay na hinaplos ang makinis na mukha ng anak, “Ikaw ay prinsesa, kung kaya’t walang makakatanggi sa iyong kahilingan.”

Natutuwa naman si Sudarang niyakap ang kaniyang ina.

Simula nga noon ay sinamay si Sudara ng hari bilang mangangaso. Tumulong din ang ilang mga taong lobo upang mapadali ang kaniyang pagsasanay, lalo pa’t hindi palaging nagagawa ng hari ang kaniyang responsibilidad sa ampon na apo. Nakagiliwan ito ni Sudara, kung kaya’t lumaki siyang mahusay pagdating sa ganitong uri ng trabaho. Sa kaniyang pagsasanay ay kaniyang natuklasan ang gandang hatid ng kalikasan, kung kaya’t isa ito sa mga naging nakagiliwan niya sa lugar na kaniyang kinalakihan. 

Makalipas ang anim na taon… 

“Napakaganda mo, mahal naming Prinsesa Sudara,” bati ng mga dalagang taong lobo kay Sudara nang minsan itong magliwaliw sa kanilang tribo.

“Oo nga. Sadyang magugustuhan ka ng ilang kalalakihan diyan. Maaari ka ng makapag-asawa ng tahimik.”

Sumilay ang matamis na ngiti ni Sudara sa kanila, “Maraming salamat, ngunit wala pa sa aking isipan ang mag-asawa sapagkat nais kong manatili sa aming palasyo, kung nasaan ang aking tunay na pamilya. Sila ang aking iniibig sa ngayon at ang mga taong lobong nakapaligid sa akin, tulad ninyo.”

“Ikaw man ay bahagyang naiiba sa amin, ngunit napakabusilak ng iyong puso,” sabi ng isang dalagang lobo.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Sudara, at siya nga’y napaisip. Sadya ngang naiiba siya sa lahat. Matagal naman niya itong napapansin, ngunit hindi niya nagawang magtanong sapagkat marahil ay hinihintay niya ang panahon na baka sakaling magiging katulad din siya nila, kung saan nagagawa nilang magpalit ng anyo, tumakbo ng napakabilis, at umungol ng napakalakas tuwing maliwanag ang buwan. Naiiba ang kaniyang mga mata sa kanila, hindi siya nakakakita ng maayos sa gabi tulad ng iba, at hindi rin gaanong malakas ang kaniyang pang-amoy.

“Ako’y may gagawin pa sa amin, kung kaya’t akin na muna kayong iiwan,” magiliw niyang paalam sa mga dalaga at mabilis na tumakbo pabalik sa kanilang palasyo upang kausapin ang ina sa kaniyang nais malaman.

“Ina! Ina!” kaniyang tawag kay Sadi na abala noon sa kaniyang paggagansilyo ng bagong damit gamit ang balat ng hayop.

“Ano ang iyong nais, Anak? Bakit tila nagmamadali ka?” tanong ng ina, pagkapasok ng anak. Inilapag niya sandali ang ginagawa at iniharap ang sarili sa kaniyang anak habang nakaupo sa kahoy na upuan. 

“Ina, hindi ko alam kung tama ba ang oras na ito sa aking sadya, ngunit nais kong itanong ang tungkol sa aking buhay,” pahayag ni Sudara sa kaniyang ina. Makikita sa kaniya ang sabik na sabik na masagot ang ilan sa kaniyang mga katanungan, ngunit ramdam ang pag-aalinlangan.

Natigilan si Sadi sa sinabi ng anak. Tila umurong ang kaniyang dila at tumikom ng mahigpit ang kaniyang mga labi-ayaw nitong magsalitang muli sa kung ano man ang sunod na lalabas mula sa bibig ng anak. Ito ang isa sa mga kinakatakutan niya. Hindi niya alam kung paano siyang magpapaliwanag kay Sudara tungkol sa kaniyang totoong pagkatao. 

“Ina?” tawag ulit ni Sudara, kita sa kaniyang mga mata ang pagtataka sa biglang pagtahimik ni Sadi.

“A-Ano ang iyong nais malaman, A-Anak?” malakas ang kabog ng dibdib ni Sadi.

Lumapit sa kaniya si Sudara at hinila ang isang upuang kahoy papalapit sa tabi ng ina, “Kung bakit tila naiiba ako sa iba nating mga kasamahan?”

Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ni Sadi… ito nga ang kaniyang kinakatakutan. 

“Nais kong malaman kung bakit noon pa man ay kailangang hasain ang aking mga ngipin upang magkaroon ng hugis at maging matulis. Hindi ako nakakatakbo ng sing-bilis ng iba. Hindi rin ako nakakakita ng sobrang linaw tuwing gabi. Ang ungol ko’y hindi katulad ng iyo… at higit sa lahat, hindi ako nagpapalit ng anyo. Anong meron sa akin, Ina, kung bakit tila ang lahat ng iyong kapabilidad bilang isang taong lobo ay tila kulang ako?” mahabang katanungan ni Sudara. Nakatingin siya sa mata ng kaniyang ina habang binibigkas ang lahat ng kaniyang katanungan. Sabik na sabik siyang marinig ang mga kasagutan. 

Napalunok naman si Sadi. Wala siyang masabi. Hindi niya alam kung dapat ba niyang isalaysay ang lahat o magsinungaling sa kaniyang anak. Kung kaniya mang sasabihin ang lahat, maaari itong mawala sa kaniya at hanapin nito ang totoong magulang. Kung siya naman ay magsisinungaling…

Napapapikit na huminga ng malalim si Sadi at iniwas niya ang tingin. Ilang sandali siyang natahimik ngunit matapos iyon ay sumilay ang pilit na ngiti sa kaniyang mga labi at sinabing, “Dahil ikaw ay natatangi na uri ng taong lobo. Napakabihira ng mga tulad mo, kung kaya’t dapat kang maging masaya sa kung ano ang meron ka,” pagsisinungaling ng ina at kaniyang hinaplos ang mukha nito. 

Tila hindi man kumbinsido, ngumiti si Sudara at niyakap ang ina, “Maraming salamat, Ina.”

Sa kabilang banda… 

“Nay, ako po’y mauuna na sa inyo’t hinihintay na ako ng aking kasama,” pagpapaalam ni Azro sa kaniyang magulang habang sinusuot ang kaniyang sapatos. 

“Napakaaga naman yata ng iyong pag-alis, Anak?” tumingala ang ina sa orasang nakadikit sa may dingding- alas sais ng umaga.

“May kalayuan ho ang aming pupuntahan ngayon, kung kaya’t kinakailangan naming maagang aalis,” paliwanag naman ni Azro.

Napangiti ang ina sa kaniyang anak at nilapitan ito upang ayusin ang nakatali nitong kurbata. Sa kaniyang kulubot na mukha na dala ng katandaan ay mababasa ang lungkot at saya para sa anak, “Ako’y natutuwa sa iyo, Anak. Pagpasensiyahan mo na kung hindi namin nagawang patapusin ka ng kolehiyo, eh, wala kaming sapat na pang tustos sa iyong matrikula.”

Hinawakan ni Azro ang kulubot ng kamay ng ina at ngumiti ito nang magtama ang kanilang paningin, “Wala hong kinalaman ang lahat sa kung ano ang meron ako ngayon. Pinili ko ang aking pangarap sapagkat dito ako masaya. Kung sakaling makapag-ipon na ako ng sapat, eh hindi naman ako mag-aalinlangang pumasok uli ng kolehiyo upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko.” 

Nangilid ang luha ng ina-hindi matumbasan ang tuwa nitong nagkaroon siya ng anak na marunong umintindi sa kanilang sitwasyon at pamilya. Si Azro ang pangalawang anak niya, ngunit sa apat na magkakapatid, siya ang mas nakakaintindi sa kanilang mag-asawa at siya rin ang halos inaasahan ng lahat. 

“Oh, siyah, Nay, aalis na po ako. Pakisabi na lang po kay tatay. Mamaya bibili na lang po ako ng gamot niya,” sabi ni Azro. Kaniyang hinalikan ang noo ng ina at kinuha ang gamit na nakalagay sa mesa. 

“Mag-iingat ka, Anak,” habilin ng ina at tinanguan naman siya ng anak. 

Sa labas ay nakaabang ang sasakyang kadalasang sumusundo kay Azro sa tuwing sila’y may lakad. Sila’y mga litratista na dumadayo sa iba’t ibang lugar o di kaya’y sa iba’t ibang pagdiriwang upang kumita ng pera. 

“Oh, kumusta naman ang ating umaga, Azro?” bati sa kaniya ng taga-maneho ng sasakyan, kaniyang matalik na kaibigan na si Reigh. Siya ang lagi nitong kasama sa tuwing may pinupuntahan sila.

Ngumiti naman sa kaniya si Azro at sumakay sa likuran sabay pabiro itong tumugon, “Maganda na dahil nakita kita, Reigh.”

Natawa si Reigh sa kaniya at nagpatuloy ang kanilang tuksuhan.

“Saan nga ba ang ating tungo ngayon? Sabi nga ng nanay, eh napakaaga ko raw?” tanong ni Azro habang inihahanda ang kaniyang kamera.

“Aba’ y talagang kung ikaw ay masipag sa paghahanap ng pera’y kailangan kahit hindi pa sumisikat ang araw ay tagiktik na ang iyong pawis,” pabirong sagot ni Reigh.

Bahagya namang natawa si Azro.

“Sa kagubatan ng Aerabella. Hindi kilalang gubat na iyon kung kaya’t parang naaakit ang aking atensiyon,” seryosong pahayag ni Reigh.

Nangunot ang noo ni Azro, “Aerabella? Wala akong matandaan na mayroong ganung gubat na ganun ang pangalan dito sa ating lugar.” 

Napakamot ng ulo si Reigh at napapailing itong sumagot sa kaniyang kaibigan, “Kasasabi ko nga lang na hindi kilala ang gubat na iyon. Tsk.”

“Kung hindi iyon kilala, ay bakit alam mo ang tungkol doon?”

“Matalino lang ang may alam kung kaya’t wag ka na lang magtaka kung bakit ganun,” pagmamayabang ni Reigh sabay itinuro ang kaniyang ulo.

Natawa naman sa kaniya si Azro at napailing sa kayabangan ng kaibigan. Hindi na siya muling nagsalita’t ipinikit na lamang ang mga mata at naglakbay sa kaniyang panaginip.

Related chapters

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

    Last Updated : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

    Last Updated : 2021-10-12
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

    Last Updated : 2021-09-29

Latest chapter

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status