Share

Ikatlong Kabanata

Author: writerNJ017
last update Last Updated: 2021-09-29 11:07:17

Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw. 

“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.

“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit. 

“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay. 

Sa kabilang banda…

“Dito na tayo, pre,” tawag ni Reigh sa kaibigan nang marating ang kagubatan ng Aerabella.

Iminulat ni Azro ang kaniyang mga mata at ibinaba ang bintana ng sasakyan, “Wow… napakaganda,” namamanghang puri ni Azro sa kaniyang nakita. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan, saka isinukbit ang may kabigatang kamera na may tali sa kaniyang leeg, at ang may kabigatan ring malaking kahon may lamang tungko para sa kamera. 

“Hindi ako maaaring sumama sa’yo, pre. Walang signal sa loob. Baka tumawag ang boss natin at magtanong kung nasaan tayo, eh alam mo namang ayaw nun na hindi sinasagot ang mga tawag niya,” sabi ni Reigh kay Azro at tumango naman ang binata sa kaniya.

Nasasabik na naglakad si Azro papasok ng gubat, at sa kaniyang paghakbang ng hindi kalayuan mula sa kalsada ay sinalubong na siya ng kamangha-manghang ganda ng Aerabella. Sari-saring hindi kilalang mga bulaklak ang makikita sa dinaraanan, matatayo ang mga puno, napakasarap pakinggan ng mga umaawit na ibon. Tumigil siya sandali’t inilapag ang kahon ng tungko at inihanda ang kamera. Sinimulan niya ang pagkuha ng litrato sa bawat nakakamanghang bagay na kaniyang nakikita. 

Nakangiting hinahaplos ni Sudara ang bawat bulaklak na kaniyang nadaraanan nang makarinig siya ng kaluskos sa di-kalayuan. Mabilis siyang tumakbo sa may malaking puno at sinundan ng kaniyang pandinig ang ginagawang kaluskos. Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa kinaroroonan nito, at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang hindi pangkaraniwang nilalang na abala sa kaniyang ginagawa. Dahan-dahan niya itong nilapitan, sinisiguradong wala siyang magagawang ingay upang makalapit sa lalaki. Bahagya siyang tumigil sa paglalakad at nabangga ang lalaki sa kaniya. Natigilan ang lalaki at dahan-dahan itong tumingin sa kaniya. 

Binalot ng sindak si Azro nang kaniyang marinig ang mahinang ungol nang bumangga siya sa matigas na bagay. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamera at tumingin sa kaniyang nabangga. Tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang isang babaeng nanlilisik ang mga mata’t ipinapakita sa kaniyang ang mga ngiping may hugis ng hindi kahabaang pangil. Mabilis na kumilos ang kaniyang sariling mga paa at tumakbo papalayo sa nilalang na iyon, ngunit halos malagutan siya ng hininga sa takot. Ibinuhos niya ang buong lakas sa kaniyang mga paa, nguni tila wala itong silbi. Mas lalo siyang nanghihina dahil sa kabang nararamdaman. Sa bilis ni Sudara ay naabutan niya pa rin si Azro at agad niya itong inatake. Bumagsak sa lupa si Azro at agad siyang kinalmot ni Sudara sa bandang leeg- agad na umagos ang preskong dugo.

“Argh!” sigaw ni Azro sa tindi ng sakit sa kaniyang leeg. Napapapikit siyang pumilipit sa sakit, at nagdarasal na sana’y may milagrong magliligtas sa kaniya. Kinapa kapa niya ang kaniyang isang kamay, nagbabakasakaling may mararamdamang bagay na maaaring magligtas sa kaniyang buhay. Pumaibabaw sa kaniya si Sudara at akma na sana niyang kakalmutin ang mukha ng lalaki, nang makaramdam siya ng malakas na bagay na bumagsak sa kaniyang ulo, na naging sanhi ng kaniyang panghihina sa sakit. Mabilis itong kinuhang oportunidad ni Azro upang makatakas at makalabas ng kagubatan. 

“R-Reigh! T-Tulong!” sigaw niya habang tumatakbo papalabas ng kagubatan. Hingal na hingal na siya sa pagod. Patuloy ang agos ng dugo sa kaniyang leeg-dumadagdag sa kaniyang panghihina. Halos lakad-takbo na lang ang kaniyang nagagawa. Wala ng lakas ang kaniyang katawan. Unti-unti na ring lumalabo ang kaniyang mga mata. “R-Reigh… T-Tulong… Tu-Tulong…” at tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang katawan.

Umuungol si Sudara sa sakit nang bumalik siya sa kanilang tribo. Agad binalutan ng pag-aalala si Aboli nang kaniyang makita ang kaibigan na nanghihina at dumurugo ang kaniyang ulo. Mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at sinalo niya ito nang bumagsak si Sudara at mawalan ng malay.

“Awoooooo!” pagtatawag niya ng tulong. Nagsilabasan ang ilang lobo mula sa kani-kanilang tirahan at napasinghap ang ilan sa gulat nang makita si Sudara na walang malay sa kamay ni Aboli. Nagugulat si Sadi nang kaniyang makita ang anak na walang malay at natatarantang sumigaw ng tulong upang dalhin siya sa loob ng palasyo at gamutin ng kanilang sariling manggagamot. Isang binatang lobo ang lumapit sa kanila’t binuhat ang prinsesa papunta sa kanilang palasyo. Kasama niya sila Aboli at ilang mga taong lobo at si Sadi na hindi pa rin mapanatag ang kalooban. Inihiga niya ito sa malambot na higaan at naghintay na dumating ang manggagamot.

Maya-maya lang ay dumating ang isang matandang babae na may dalang iba’t ibang uri ng gamot na nakapaloob sa boteng kahoy. Paingka-ingka itong naglakad at nilapitan ang prinsesang nakahigang walang malay. 

“Ano ang nangyayari dito?” tanong ng hari nang siya’y pumasok sa loob ng silid kung saan sinisimulang gamutin ang dalaga. 

“Ama…” lumuluhang lumapit si Sadi sa kaniyang ama’t niyakap ito. 

“Ano ang nangyari?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong habang hinahayaan ang anak sa kaniyang balikat na ilabas nito ang kaniyang nararamdamang takot.

“Siya’y aking nakita lamang nang siya’y bumalik mula sa kaniyang pinanggalingan. Nabalot ako ng pag-aalala nang makita siyang dumurugo ang ulo’t agad kong sinalo bago pa man siya bumagsak sa lupa, Mahal na Hari,” mahabang paliwanag ni Aboli sa hari. Sa kaniyang mga mata ay makikita rin ang pag-aalala para sa kaibigan. 

“Hindi maganda ang kaniyang lagay. Kung ako’y hindi nagkakamali sa aking hinala, siya ay nakatagpo ng kaaway at natalo siya sa kanilang laban. Isang bato ang ipinukol sa kaniyang ulo kung kaya’t naging ganito ang kaniyang sitwasyon,” sabi ng manggagamot sa kanila habang maiging sinusuri ang sugat ng dalaga. Wala pa rin itong malay, kung kaya’t nakaramdam din siya ng hindi maganda sa sitwasyon ng prinsesa. Alam niya ang tungkol sa pagkatao nito, kung kaya’t siya’y nababahala na maaaring hindi makaligtas si Sudara. 

“Siya ba’y maliligtas?” tanong ng isang taong lobo.

Bumalot ang katahimikan sa loob ng silid. Napaangat rin ng tingin si Sadi, naghihintay sa magiging sagot sa katanungan na iyon. Hindi nagawang sumagot ng manggagamot. Nanatili lamang itong tahimik habang binabalutan niya ang ulo ni Sudara ng balat at dahong panggamot. 

“Nawa ho’y inyong sagutin ang aming katanungan, Tinara,” magalang na sabi ng isang babaeng lobo.

Humugot ng malalim na hininga ang lobo bago ito nagsalita at tumingin sa lahat, “Walang katiyakan ang kaniyang buhay sa kaniyang sitwasyon, ngunit mas maigi kung tayo ay maghihintay na lamang hanggang siya ay magising. Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang kausapin ang Mahal na Hari’t Prinsesa ng lihim,” sagot niya. 

Umalis naman agad ang ilang mga pumasok sa loob ng palasyo at naiwan ang hari’t prinsesa at ang manggagamot. Nakatingin silang tatlo sa walang malay na katawan ni Sudara habang pinapakinggan ang nakakabinging katahimikan sa loob ng silid. Wala ang kanilang reyna sapagkat naglakbay ito kasama ang ilang mga kawal upang manguha ng makakain para sa lahat sa kanilang tribo.

“Nanganganib ang buhay, hindi lamang ang kay Prinsesa Sudara, kundi ang buong angkan ng mga taong lobo,” pagbabasag ng manggagamot sa katahimikan.

Napatingin sa kaniya ang mag-ama. Mababasa sa kanila ang hindi pagkakaintindi sa kaniyang sinabi’t katanungan kung bakit niya ito naisip? Mabilis naman itong napansin ng manggagamot kung kaya’t hindi na siya nag alinlangan pang sumagot. 

“Kung hindi man ako nagkakamali sa aking hinala ay isang tunay na tao ang kaniyang nakalaban kung kaya’t umabot sa ganito ang kaniyang kalagayan.”

“Ngunit paano kayo nakakasiguro?” tanong ni Sadi sa kaniya. 

Inilahad ng manggagamot ang kaniyang kamay na nakatikom sa mag-ama at binuksan niya ito. Sa kaniyang palad ay makikita ang maliliit na tipik ng bato. 

“Akin itong nakuha mula sa ulo ng prinsesa, na siyang nagpabuo sa akin ng hinala na maaari ngang tao ang kaniyang nakalaban,” kaniyang inilapit ang kamay sa bandang mukha at sininghot niya ito at siya’y natitigilan na tumingin sa dalawa. “Ako nga’y hindi nagkakamali.”

Nabahala ang mag-ama sa sinabi ng manggagamot. Ngunit mabilis na nagpalit ng emosyon ang kaniyang ama’t galit na bumulyaw sa kaniyang anak, “Ito na nga ba ang aking sinasabi!” at mabilis nitong nilisan ang silid.

Naiwang gulat na gulat si Sadi sa inasta ng kaniyang ama, habang ang mangagamot ay walang emosyon itong napatingin sa walang malay na prinsesa. Hindi nagawang makapagsalita si Sadi. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang noon, kung saan ninais ng kaniyang ama na ipapatay ang sanggol na kaniyang dinala sa kanilang angkan. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nakaramdam siya ng tila pamamanhid sa kahinaan.

“Ako’y mauuna na sa iyo, Mahal na Prinsesa. Ako’y may gawain pa sa aking silid,” yumuko ang manggagamot kay Sudara at umalis ito upang magtungo sa kaniyang silid. 

Naiwan si Sadi na hindi malaman ang gagawin. Nakatingin lamang siya sa kaniyang anak- naguguluhan sa kaniyang gagawin. Mahal na mahal niya ito at hinding-hindi niya hahayaang mauwi sa kapahamakan ang kaniyang anak, ngunit nasa panganib ang kaniyang buong angkan. Napapaupo sa sahig ang prinsesa sa lungkot at gulo ng kaniyang isip.

Related chapters

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

    Last Updated : 2021-10-12
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

    Last Updated : 2021-09-29
  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

    Last Updated : 2021-09-29

Latest chapter

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikaapat na Kabanata

    “H-Huwag po… H-huwag po! Pa-Patawarin niyo ho kami kung nabulabog naming ang inyong tirahan! ‘WAG POOO!” “Azro!” Dahan-dahang minulat ni Azro ang kaniyang mga mata, ngunit agad naman din siyang napapikit nang salubungin siya ng nakakasilaw na puting liwanag. Wala siyang maalala sa kaniyang huling napanaginipan. Sinubukan niya itong alalahanin, ngunit nagbibigay lamang ito ng sakit sa ulo. “Oh, Diyos ko, maraming salamat at sa wakas ay nagising din ang aking anak.” Pinilit ni Azro na ibuka ang kaniyang mga mata upang sundan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Wala siyang lakas. Hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang halos buong katawan. Ramdam din niya ang nanunuot na sakit sa kaniyang bandang leeg. “N

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikatlong Kabanata

    Katamtaman ang panahon sa araw na iyon, kung kaya’t naisipan ni Sudara na muling maglakbay sa kagubatan. Sa ganitong klase ng panahon lang siya naglalakbay sapagkat sabi sa kaniya ng ilan niyang mga kasamahan ay maaari nilang ikapahamak ang sikat ng araw.“Ina, ako’y aalis uli ng panandalian upang maglakbay,” pagpapaalam ni Sudara sa kaniyang ina habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang suklay na gawa mula sa kahoy.“Mag-iingat ka, anak,” bilin ni Sadi sa kaniyang anak, panay ang sukat ng mga balat ng hayop upang gawing damit.“Opo, nay,” nilapitan niya ang ina’t hinagkan ito bago lumabas ng kanilang tirahan at sinimulan ang kaniyang paglalakbay.Sa kabilang banda

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Ikalawang Kabanata

    Labindalawang taon ang nakalipas…“Ikaw ay mahusay na biyaya sa akin, Anak. Kung kaya’t nais kong mabuhay kang maligaya sa iyong nais marating sa buhay,” sabi ni Sadi sa kanilang lenggwahe habang sinusuklayan ang mahabang itim at tuwid nabuhok ng anak.Wala pa ring kupas ang kagandahan ng prinsesa. Nananatili pa rin ang kaniyang kayumangging balat at napakaamong mukha.“Nais kong maging mahusay na mangangaso, Ina. Ako’y namamangha sa tuwing makikita ko si amang nagpapalit ng anyo at mabilis siyang nakakahanap ng makakain. Napakahusay niya at nais ko siyang tularan, Ina,” masayang sabi ni Sudara sa kaniyang ina. Kayumanggi ang balat ng bata, at napakaganda ng mukha nitong maamo kagaya ng ina. Ang kaniyang mga mata’y hugis ng mata ng pusa at kulay kape. Maha

  • Yesterday's Scars of Forbidden Happiness   Unang Kabanata

    Malalim na ang gabi, ngunit hindi ito alintana ng babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada, dala-dala ang munting babaeng sanggol na nakabalot ng puting tela. Nakasuot siya ng mahabang damit pang-pagamutan at walang sapin ang kaniyang mga paa. Umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi, ngunit sa kaniyang mga mata ay dama ang galit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tagaktak na ang pawis. Kapapanganak lamang niya noong isang araw, ngunit hindi ito alam ng kaniyang pamilyang nasa malayo. Ang alam ng kaniyang mga magulang ay nag-aaral siya ng mabuti. Nang mabalitaan ng kaniyang kasintahan na siya noon ay nagbubuntis, iniwan siya nito’t sumama sa ibang babae. Napakahirap ng kaniyang dinaanan, ngunit nagpakatatag siya’t piniling huminto upang palakihin ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan. Sa una’y inaakala niyang kaya niyang buhayin ang anak ng mag-isa, subalit siya’y nagkamali, kung kaya’t tumakas siya sa ospit

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status