A kind of story where in it all started in the club. They were so happy, not until that day when it all ended, also in that club where they're love story began
view more"So pano nga ba kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong ni tita Sabrina, yun ang gusto niyang tawag ko sa kaniya. Nung una pa nga ang gusto niyang tawag ko sa kaniya ay mama, pero sinabi ko na medyo hindi ako komportable kaya pumayag siya na tita na lang muna."Ahm common friend po. Kilala niyo naman po siguro si Chance?" tumango naman siya."Boy best friend ko po yun. Magkaibigan na kami since childhood.""Ah ikaw pala yung lagi niyang binibida na kaibigan niyang babae. Yung parang kapatid niya na.""Opo halos sabay na rin po kasi kaming lumaki, lagi po kaming magkasama hindi kami mapag hiwalay. Kaya po nung nalaman niya na luluwas ako ng maynila para dito mag aral agad din siyang nag paalam sa magulang niya na sasama sakin. Pinayagan naman siya kaya po yun. Pero sa ibang school siya pumapasok. Dapat sa iisang school lang talaga kami eh kaso may natipuhang babae kaya ayun sinundan. Kaya po sila nagka kilala at naging magkaibigan ni Ace." tumango tan
Kanina pa ako kinakabahan magmula nung sunduin ako ni Ace sa condo. Today is friday, at gaya nga ng napag usapan kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa kotse niya papunta sa bahay nila. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko naghahalo halo na ang kaba at excitement.Nabalik lang ako sa reyalidad ng hawakan ni Ace ang kamay kong nanlalamig na ata sa sobrang kaba ko."Hey i told you, wag kang masyadong kabahan dahil sigurado ako na magugustuhan ka nila.""Sorry hindi ko lang talaga mapigilan." he smiled at me to ease my nervousness so i smiled back. Hindi nya binitawan ang kamay ko hanggang sa pagpasok ng sasakyan sa gate nila. Pagbaba namin ay sinalubong siya ng isang lalaking sa tingin ko ay butler nila."Good evening young master." bati nito at yumuko pa bilang tanda ng paggalang."Good evening din Butler John. By the way, this is Arabelle Lastimosa, future wife ko." aba't ni hindi pa nga niya ako girl friend tapos asawa agad? So
"Oh my god babe, kailangan magpaganda ka. Hindi ka pwedeng humarap sa mga magulang ni Ace na haggard ka nakakahiya tsaka baka hindi ka nila magustuhan para kay fafa Ace." mas mabuti pa sigurong di ko na lang sinabi kay Faye ang bagay na to. Jusko kanina pa sya kuda ng kuda. Sinabi ko kasi sa kaniya na ime-meet ko na ang mga magulang ni Ace this friday kaya ang bruha tuwang tuwa."Hindi naman na kailangan magpaganda. Kung ayaw nila ako para sa anak nila edi wag. Jusko ako pa takutin nila, hindi naman ako ang naghahabol sa aming dalawa." mayabang kong sabi sa kaniya."Wow iba rin ng level of confidence mo girl. Grabe, pero sa bagay true din naman." nag apir pa kaming dalawa."Pero hindi nga babe seryoso, you should visit a salon.""I don't have much time, and you know that. Wala na akong oras para pumunta pa sa salon.""Di bale na nga lang. Sabagay di mo na naman talaga kailangan nun eh. Maganda ka naman na, sure ako magugustuhan ka ng mga
"What was that?" baritonong tanong niya habang seryosong nakatingin sakin, nag aabang ng sagot."Ahm we're dancing?" patanong kong sagot sa kaniya kaya sumama ang tingin niya sakin."I know you were dancing earlier but what I mean is, why are you dancing like that?""Bawal ba?" kunot noo kong tanong sa kaniya kaya mas lalong bumusangot ang mukha niya at halos magdikit na ang mga kilay niya."It's not bawal, kung ako lang ang nakakakita sayo. Kung sa harap ko ikaw mismo sasayaw. But fuck, mens are staring at you like they want you.""Psh hanggang tingin lang naman sila.""Why didn't you told me that you were going here?""Because I want to have my me time. But the moment my cousin told me na dito niya gustong magwalwal, I already expected na malalaman mo.""You're not going to any bar ever again." may pinalidad sa tono niya pero hindi ako papayag. Hell no, never. Minsan lang naman ako pumupunta sa ganito.
"So ano na girl? Kamusta na kayo ni Ace? Kayo na ba?" usisa ni Faye nang magkita kami sa mall. Kasalukuyan akong namimili ng mga librong pinapabili samin at nagka salubong nga kami nang chismosang babae na to. Hayss ilang araw kaming hindi nagkita tas eto ibubungad niya sakin?"Ayon nanliligaw na siya." bigla naman siyang tumawa kaya nalilito akong tumingin sa kaniya."Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot noo kong tanong sa kaniya."Oo. Alam mo naman sigurong maraming babae ang naghahabol diyan sa 'manliligaw' mo hindi ba?" binigyang diin niya ang salitang manliligaw. Nalilito pa din akong tumango dahil hindi ko magets kung anong connect nun."Hay naku. Hindi mo siguro alam pero hindi pa nakakaranas manligaw yung si Ace, yun ay galing sa source ko. Ikaw pa lang ang babaeng niligawan niya kaya ang swerte mo gurl kasi halatang mahal na mahal ka nun.""We're still not sure about that. Anong malay natin baka hindi siya
Ace POVI think I already love her. I've fallen so deep. The first time I saw Arabelle, nagustuhan ko agad siya pero hindi ko pinapahalata. Wala akong ibang pinagsabihan kahit si Chance na bestfriend niya. Nung mga oras na yon, parang gusto kong suntukin si Chance dahil niyayakap niya yung babaeng gusto ko. Inakala ko pa nga non na may relasyon sila, nasa isip ko na mali man para sa iba pero aagawin ko siya kay Chance. Good thing nalaman ko na magkaibigan lang pala sila. Dahil kung nagkataon handa akong sirain ang pagkakaibigan namin ni Chance mapunta lang sakin si Arabelle.Not until last week, nagkaron nako ng tapang na lapitan siya dahil nalaman ko na maraming lalaki ang umaaligid sa kaniya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba."Hey dad sorry I'm a bit late." paghingi ko ng paumanhin dito pagpasok ko ng opisina niya."It's okay son, pero san ka ba galing at nalate ka? Hindi ka naman ganito." sinang ayunan ito ni mommy na kalalabas lang sa
Late nakong nagising kaya naman nagmamadali akong nagbihis. I don't have time to eat breakfast kaya baka sa school na lang. Saktong pagbaba ko sa lobby ay nakita kong naghihintay na si Ace."Hey gorgeous, good morning." wow mukhang good mood ah?"Good morning handsome.""You seems in a hurry.""Yeah late nako my god. Hindi na nga ako nakakain ng umagahan eh.""What? Why didn't you eat? Come on let's grab some breakfast muna.""No Ace I can't. Kanina pa dapat ako sa school mamaya na lang akong break time kakain.""But—"Come on, I promise kakain na ako mamaya. Kailangan ko ng umalis eh, madami pa kong dapat gawin sa school.""Okay fine, halika na ihahatid na kita. Make sure na kakain ka mamaya, alright?""Yes I promise."Nang makarating kami sa harap ng campus ay dali dali akong bumaba. "Oh siya mauna nako ha late na talaga ko eh marami pakong gagawin. Pupuntahan mo bako mamay
It's already 11 in the evening and kakatapos lang ng meeting namin. I'm so tired my gosh. I open my phone to check if may message si Faye because she told me earlier to call her kung tapos na kami para masundo niya ko. But instead of her message, kay Ace ang nakita ko.Hey, aren't you done yet? I'm waiting here sa parking lot ng campus niyo. Sent 9:30 pmWhat? I told him na wag na eh. Pero siguro nakaalis na yon. Mag aabang na sana ako ng taxi sa labas but I saw him running to my direction."What are you still doing here?""I told you I'll wait for you remember?" then he took my bag at siya ang nagdala non."But it's late already. Sana umuwi ka na lang at hindi mo na dapat ako hinintay. Alam kong pagod ka din.""But I want to fetch you. And makita lang kita okay nako, wala na yung pagod na nararamdaman ko." magsasalita pa sana ako kaya lang hinawakan na niya yung kamay ko at naglakad na siya papunta sa kotse niya kaya hindi
"So ano tong naririnig kong chismis na may naghatid daw sayong poging lalaki kaninang umaga? At sumigaw pa daw na susunduin ka mamayang uwian para di ka mapahamak kasi di ka a daw niya nagiging girlfriend? Sinetch itey?" hayss eto ang ayoko kay Faye eh napaka chismosa kasi ni gaga. Lahat ng chismis sa loob man o labas ng campus alam na alam nito kaya kung gusto kong maging updated sa mga chika si Faye ang kailangan mo. At hindi lang siya tumitigil dun talagang inaalam niya bawat detalye ng lahat ng issue. Kaya pag tatanungin mo yan full details din ang ibibigay niya. Ika nga niya eh ampangit namang makichismis kung kulang kulang yung info. Sabagay may point naman siya."Ang chismosa mo talaga kahit kelan eh no? May chismis na bang nakalampas sayo? Parang wala a eh halos lahat dumadaan sayo walang nakakaligtas." may papout pout pa si gaga di naman bagay , choss HAHAHHAHA."Ihhh dali na kasi so ano ngang chika?""So eto na nga, diba si Ace ang naghatid sakin
Tangina. Nakakatangina talaga buwiset. Biruin mo ba naman, pagod na pagod nako sa dami ng school works namin tapos vice president pako ng student council imbes na makakauwi nako at makakapag pahinga eh hindi ko magawa. Dahil sa lintik kong kaibigan nagpakalasing na naman di pala kayang umuwi mag isa. Sabi ko magpahatid na lang sa mga kaibigan niya tutal may kotse naman yung mga yon tsaka sila ang nag aya sa kaniya. Ang gago ayaw daw at gusto eh ako ang susundo sa kaniya kasi nandun daw yung ex niyang niloko at pinagpalit siya. Gold digger pala ang hayop na babaeng yon kala mo naman kung sinong anghel kung umasta yun pala demonyo hay naku."Elle umayos ka nga. Kanina ka pa nakabusangot diyan. Hayaan mo na at naglalambing lang sayo yun. Halos isang buwan na din nung huli ka niyang nakita dahil sa sobrang busy mo." sabi sakin ni Faye habang nagmamaneho. She's my bestfriend, bukod pa dun sa lalaking susunduin namin sa club. She's my best buddy, she's like a sister to me. Actual...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments