Sa Isang mahiwagang mundo na binuo ng pag iibigan ng isang diwata at isang engkanto, isang kilalang hari at reyna sa palasyo ng gardenya. Nabuo ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ng isang supling na babae. Isang napakagandang bata na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Binigyan ng pagkakakilanlan ang sanggol at tinawag nila itong Princess Lucia. Pinagdiwang nila ang pagdating ng bagong itinakdang maghari sa buong gardenya. Subalit sisirain ito ng isang mapaghiganti na may maitim na mahika ang kasiyahang nagaganap. Dumilim ang kalangitan at namatay ang lahat ng mga puno at halaman ang buong kaharian. Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari dahil napakalakas ng itim na mahikang taglay ng kung sino man ang gumagamit nito. Dahil sa takot na mapahamak ang sanggol ay pinaubaya ng hari at reyna ang kanilang anak sa isang diwata na si Lila. Mabilis na itinakbo ng diwata at inilayo sa lugar na yun ang prinsesa. Dinala niya ito sa isang diwata na si Kala na umibig sa isang mortal at namuhay bilang tao. Bago tuluyang nagpaalam si Lila ay may binigay ito na kwentas at kapirasong papel kay Kala. Di na rin pinaalam ni Lila kung ano ang nangyari at kung sino ang sanggol para sa ikatatahimik ng lahat. Pinalaki ng maayos ng mag asawa ang batang pinagkaloob sa kanila at pinangalan nila itong Callea. Lumaking maganda at masayahin ang bata ngunit sa pagsapit ng ikalabing-walo niyang kaarawan ay matutuklasan ang hiwagang at misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Sa pagtuklas sa nakalipas ay makakatagpo siya ng isang taong lobo ngunit ang lobong ito ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Maibalik pa kaya ang ganda ng nasabing kaharian na nagmistulang isang madilim at nakakatakot na kakahuyan? Sino ang nasa likod ng paggamit ng itim na mahika? Sino o ano sa buhay ng dalaga ang taong lobo?
View More" Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay
Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun
Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.
"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli
"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na
Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le
Magkasama ang magkakaibigan at ang prinsesa ng mga sandaling nahanap nila ang isa't-isa. Si Lero ay tahimik lamang habang ang mga kaibigan ng prinsesa ay nag uusap. " Guys ano na ang gagawin natin dito, Let's go!" Wika ni Leila na naiirita. Nasa loob sila ng isang silid sa palasyo. "Leila, pwede ba manahimik ka muna dyan." Seryosong wika ni Robert. " At bakit ka ba sumasabat, ha, di naman ikaw yung tinatanong ko. Di lang naman ikaw ang kasama ko dito nohh, hmmp." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigang si Robert. " Alam nyo guys, kanina pa kayo nagbabangayan dyan. Pwede ba kumalma muna kayong dalawa." Wika naman ni Tin. Napansin ni Cal ang pag-aaway ng dalawa ngunit natawa lamang si Cal sa kanila. Nakita ni Cal ang kaibigang si Jack na tahimik lamang sa isang sulok kaya nilapitan niya ito. "Jack, okay ka lang?" Tanong ni Cal. Napatingin sa kanya si Jack. "Hmmm...Yeah, i'm okay." Sagot ni Jack. Malapi
"Hi Jack..," Bati ni Leila sa kaibigan si Jack. Nakaupo si Jack sa labas ng bahay nila sa guest area. May pinipinta siyang na kung anong bagay na kanyang pinagkakaabalahan. " Oh, hi Leila. Ano ginagawa mo dito?" "Gusto ko lang bisitahin ka. Bawal ba, ayaw mo ba nandito ako, ha." Wika ni Leila. Naupo si Leila sa tabi ni Jack. "Ah, hindi..hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jack. Bahagyang ngumiti si Leila at sinamantala ang pagkataon na magkasama sila ni Jack. Bukod sa sa kanilang pakikipagkaibigan, Si Jack ang kanyang first love ngunit may ibang gusto si Jack kaya di siya napapansin nito. "Ano yang ginagawa mo.?" Tanong ni Leila ng mapansin niya na abalang-abala si Jack sa kanyang ginagawa. " Ahh wala to, wag mo ng pansinin." Biglang itinabi ni Jack ang hawak niya at isinantabi ang kanyang ginagawa. Dumating si Robert ng di nila namalayan. "Abahhh parang may nagaganap na sweet
Alas tres ng hapon habang naglalakad sa harden ang prinsesa kasama si Lero. Masaya ang mga sandaling magkasama silang dalawa. "Lero, bukas na ang aking kaarawan ngunit." Natigilan ang prinsesa. "Oh bat parang natigilan ka.?" Tanong ni Lero. "Naalala ko lang mga magulang ko at mga friends ko." Sagot ng prinsesa. "Wag ka mag alala matatapos din ang lahat ng to." Niyakap siya ni Lero. " Thank you Lero at nandyan ka." Pasasalamat niya. Tumungo na sila sa palasyo. "Lero sandali." "Ano yun?" Tanong ni Lero. Nasa tapat sila ng pintuan ng mga oras na yun. "Ah wala. Sige pumasok na tayo." Hinawakan niya si Lero sa kanang kamay at hinila papasok ng palasyo. " Be lated happy bday Cal." Ngumiti ito sa kanya habang papasok sila ng palasyo. "Thanks," Bumawi siya ng malaking ngiti kay Lero. Napansin nila na wala ang Queen sa truno. " Saan na naman nagpunta ang Queen?"
Callea POV, Alas dyes na ng gabi ng nakaramdam na ako ng antok. Di pa sana ako matutulog ngunit sa mga oras na yun ay parang may humaplos ng aking buhok hanggang sa napahiga nalang ako. Pinikit ko na ang aking mga mata. "Teka..! Where am i? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa sarili habang pinagmasdan ang paligid. Napapaligiran ako ng mga malalaking puno na sumasayaw sa ihip ng hangin. Subrang tahimik ng paligid na para bang may buhay at natutulog lang. Nakaramdam ako ng takot pero nilakasan ko ang aking loob. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng maglakad. "Liwanag..!" Sabi ko. May nasilayan akong liwanag sa di kalayuan at nagpatuloy ako sa paglalakad. Narating ko ang nasabing liwanag. Yun pala ay nanggaling sa isang napalaking puno na ngayon ko pa lang nakita. "Wow.., Ang ganda at ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking puno na nababalot ng liwanag dito sa madilim na gubat na ito!" Napamangha ako sa aking nakita....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments